webnovel

WANTED PROTECTOR

Penulis: Phinexxx
perkotaan
Lengkap · 1.2M Dilihat
  • 107 Bab
    Konten
  • 4.8
    59 peringkat
  • NO.12
    DUKUNG
Ringkasan

When the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexpectedly fell inlove with her irreversibly. Circumstances forced him to learn a hideous truth, which led to him being chased down by the enemy and losing everything, including his name. But he returned with a new identity, rage in his heart and vengeance on his mind. He utilized deception extensively in the game of war he had to win.

tagar
4 tagar
Chapter 1INTRODUCTION

7:00 PM MONDRAGON WAREHOUSE... 

 

Maririnig ang mabagal na mga yabag ng isang lalaking kalmadong naglalakad, ikinakasa ang kalibre de kwarentang baril bago isinuksok sa likod ng pantalong natatakpan ng suot na itim na leather jacket na pinailaliman ng itim na t-shirt na pinaresan ng itim na pantalon at itim na sapatos. Inayos niya ang sumbrero sa ulo bago matalim ang mga matang nakatingin sa buong paligid, papaliko patungo sa likod ng bodega habang nilalagyan ang hawak na baril ng silencer.

Nang mabuksan ang maliit na pintong gawa sa bakal ay hinawakan ang earpiece sa loob ng tainga at mahinang nagsalita.  

"Situation Victor?" bulong niya habang nakatingin sa itaas ng gusali sa hindi kalayuan.

"Ready sir!"

Ang nagngangalang Victor ay nagpalakad-lakad sa itaas ng gusaling kinaroroonan, itim ang buong kasuotan nito at nagmamasid sa madilim na bahagi ng minamatyagang gusali habang hawak ang mahabang dekalibreng armas.

Pagkarinig sa tugon ng usapan ay inayos niya ang itim na sumbrero, kampante at kalkulado ang bawat kilos saka tumingin sa itaas ng gusali sa hindi kalayuan. 

"Echo, Romeo, Oscar?" 

"Ready sir!" sagot ng tatlo na nakatayo sa bawat sulok ng gusali. 

Nakapalibot sa bawat kanto sa itaas at ibaba ng gusali ang kanyang mga tauhan habang sa isang malawak na espasyo sa loob ng bodega ay kausap ng kanyang amo ang isang may edad ng Filipino- Chinese National kasama ng mga tauhan nito. 

Sa panig kanyang amo ay nasa kwarenta sila at sa kausap nito ay nasa kinse lamang. 

Ngunit lahat ng tauhan ay mayroong hawak na baril habang nagbabantay sa loob at labas ng naturang lugar tinitiyak ang kaligtasan ng mga amo.

 

Matapos makipag-usap sa mga tauhan ay nagpasya siyang bumalik.

Eksaktong naisara niya ang pinto nang makarinig ng pagkasa ng baril mula sa likuran.

"Anong ginagawa mo!"

Hindi 'yon isang tanong kundi isang pagdeklara mula sa kasamahan.

Na kahit hindi niya lilingunin alam niyang nakatutok sa likod ng kanyang ulo ang baril nito.

Nagtiim ang kanyang bagang at kabadong tumingin sa hindi kalayuan kung saan nagaganap ang transakyon. 

"Thank you for coming Mr. Tang." Malugod na binati ng isang matandang lalaking may suot na amerikanang kulay puti ang matandang intsik na naka tuxedo ng itim, sa tagal nitong paghihintay sa ganitong pagkakataon ay natural lamang na maging masaya ito. 

"Ofcourse! It's you Mr. Mondragon!" tugon ng matandang intsik habang nakangiti. 

Sa likod ng dalawa ay ang limang trak na may lamang kargamento na kasalukuyang ini- inspeksyon ng mga tauhan.

Ang matandang naka suot ng amerikanang puti ay nilapitan ng kanang kamay nito.

"Marco, secure the area."

Agad namang tumalima ang inutusan at umalis kasama ang sampung tauhan.

Ang matandang Mondragon ay lubos ang tiwala sa kanang-kamay nito. 

Matagal na nitong tauhan kaya ang mga ganitong transaksyon ay dito na ipinapaubaya. 

"Where's Dave?" Nilinga nito ang paligid.

Sa may pinto ng bodega sa likuran ay nagliliparan ang mga sipa at suntok ng dalawang lalaking matinding naglalaban.

Ngunit kahit halos magkapantay ng lakas at galing hindi padadaig si Dave. Dahil sa oras na matalo siya ito na ang kanyang katapusan.

Ngayon parehas na silang nakatayo at nakatitig sa isa't-isa bago sabay na tumingin sa mga baril na nasa hindi kalayuan.

Nalaglag ang mga ito mula ng magsimula silang maglaban.

Isang malakas na buelo ng paikot na sipa mula sa kalaban ang kanyang naiwasan sa pamamagitan ng pagluhod padulas patungo sa likuran nito kasabay ng pagdampot sa baril.

At nang magharap ang dalawa ay parehas ng nakatutok ang baril sa isa't-isa, nakatayo ito t nakatutok ang baril sa kanyang noo habang siya ay nakaluhod at nakatutok din ang baril sa noo nito.

"WHERE IS DAVE? FIND HIM!"

Umalingawngaw sa kabuuan ng paligid ang boses ng matandang amo.

Hindi na mapakali ang matandang Mondragon dahil lumipas na ang tatlong minuto, wala pa ang tauhan.

Kailangan na ng final inspection sa mga produkto upang matapos na ang transaksyon.

Ilang sandali pa, lumabas mula sa kung saan si Dave at kalmadong lumapit sa amo.

"Check it!" Itinuro nito ang sampung trak.

Tumalima si Dave.

"Yes boss," agad siyang sumunod sa utos at lumapit sa mga sasakyan.

Pinagkakatiwalaan din siya ng matanda dahil noon ay iniligtas niya ito sa tiyak na kapahamakan.

Matagal na ang amo sa larangan ng ganitong negosyo mahigit walong taon na, ngunit gano'n pa man ay pinagkakatiwalaan siya nito sa loob lang ng anim na buwan. Nakuha niya ang tiwala nito ng ganoon kabilis. 

Ang trak ay tinatawag na wing van ay nakabuka ang dingding at hantad ang nasa loob. 

Naroon ang ibang tauhan katatapos lang magbilang.

"Bumaba na kayo."

Agad nagsibabaan ang mga ito.

Nakakamada ang mga kahon-kahon ng mga imported na delatang sardinas na gawa mula sa ibang bansa.

Ngunit siguradong ang laman noon ay iba.

Dinukot niya ang parteng ilalim na delata at binuksan.

Tumambad ang tunay na produkto, mga nakabalot na mapuputing powder  sa cellophane, kahit hindi niya alamin ang loob, sigurado siya kung  ano ang laman.

Napakahusay ng kanyang amo at ng intsik na ito dahil hindi man lang nahuli ng custom.

May sariling mga pribadong eropolano ang amo at doon ikinakarga ang mga produkto mula sa ibang bansa.

Dito na lang inililipat sa trak tulad ngayon.

Hindi rin ito nahuhuli dahil may mga koneksyon sa awtoridad at sa mga maimpluwensiyang tao sa lipunan.

 

Agad siyang bumalik at bumulong sa amo.

"Ayos na boss."

Maya-maya pa ay nag-abot sa gitna ang dalawang grupo upang magbayaran.

Sa isang maliit na mesang naroon ay ipinatong nito ang hawak na attaché case na agad niyang binuksan.

Tumambad ang nakahilerang bundle ng perang dolyar.

"Mr. Tang , it's worth two million US dollars," anang kanyang amo.

Ngumiti ng malapad ang matandang kausap ng amo.

Maglabas man ng gano'ng halaga ang amo, halos doble naman ang balik nito sa oras na maipamahagi sa mga ka sosyo.

Nagkamayan ang dalawang matatanda hudyat na tapos na ang usapan.

Nang paalis na sila ay biglang dumating ang kanang- kamay at humarang sa daanan.

Tila bumagal ang buong paligid nang makita ang paghakbang ng naturang tauhan.

"Marco..."

Natigil sa pagsasalita ang amo at lahat ay nakatuon ang tingin sa humarang, ngunit hindi sa kanang-kamay ng amo kundi sa hawak nitong nakahandusay na lalaking tila wala ng buhay habang ang pulang likido ay nakakalat sa sahig dahil sa paghila rito.

Isa ito sa kasamahan nila.

Si Simon ang isa sa  pinakamahusay at pinaka maasahan na tauhan ng amo ngunit ngayon wala na itong buhay.  

Tumalim ang tingin ng matandang Mondragon habang nakatitig sa nakahandusay na tauhan.

Alam nito ang kalakaran ng mga intsik, hindi pauutang at hindi palulugi!

Palihim na binunot ni Dave ang baril sa likuran ng suot na pantalon at mahigpit niyang hinawakan bilang paghahanda sa anumang mangyayari.

"What is the meaning of this?" mapanganib na wika ng matandang Mondragon sa kausap.

Tila nataranta ang kausap ngunit kalmado pa rin itong nagsalita.

"I don't know Mr. Mondragon-"

"Nǐ shì zài chūmài wǒmen ma?" diretsong tanong ng matandang Mondragon sa pag-iisip na tinatraydor sila ng ka transaksyon.

"Dāngrán bùshì!" agad namang depensa ng ka transakyon bilang tugon na hindi nito magagawa ang mag doble cross.

Ngunit hindi naniniwala ang amo kaya nang hinablot nito ang kwarenta 'y singkong baril sa likod ng pantalon nito at itinutok sa kaharap ay doon na naalarma ang lahat, biglang nagkatutukan ang mga tauhan ng dalawang amo.

Siya ay nasa likuran ng matandang Mondragon habang nakatutok ang kwarenta de kalibreng baril sa matandang intsik na kausap ng amo.

Walang kaabog-abog ay biglang may pumutok na baril na siyang nagpatumba sa matandang intsik na may tama sa noo.

Lahat ay napalingon sa gumawa. Nagmumula ito sa kanang-kamay ng matandang Mondragon, si Marco.

Hudyat ng kaguluhan!

"DOUBLE CROSS!" tanging naisigaw niya.

Tila bumagal ang paligid kasabay ng pagbagsak ng intsik ay ang paghila ni Dave sa kwelyo ng amo patungo sa kanyang likuran upang maikubli ito at mailigtas kasabay ng pagtakbo palabas habang nakikipag palitan ng putok sa kalaban.

Nang makalabas na sila ay nilingon niya ang naturang gusali kung saan papalabas ang iba. 

Nang walang anu-ano ay biglang may sumabog sa loob ng naturang bodega! 

Sunod-sunod ang pagsabog ng mga trak at sa lakas ng pagsabog ay tumilapon sila. 

Tila nag-aapoy na impyerno ang naturang bodega.

 

Nagulantang ang lahat at nagtakbuhan upang makaligtas. 

Nanigas ang matandang Mondragon. Nag rereplika sa paningin nito ang naglalagablab na apoy na siyang tumutupok sa pagmamay-aring negosyo. 

Bakas ang galit at sakit sa mga mata nito.

Naglabasan ang ilang mga nakaligtas sa pagsabog ngunit sinalubong ng bala na nagmumula sa kung saan.

Naalarma ang lahat ngunit na hindi alam kung sino ang kalaban!

Mabilis niyang hinila sa pulso ang amo. 

"Dito tayo boss!" 

Tumakbo sila patungo sa parking area kung nasaan naghihintay ang sasakyan. 

Akmang bubuksan ng matandang amo ang pintuan, subalit dagli silang natigilan nang makarinig ng pagkasa ng baril mula sa likuran.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa pulso ng amo na tila nanlalamig.

Kabadong nag-abot ang mga tingin nila habang iniisip niya kung paano ma poprotektahan ang amo.

Nagsalita ang lalaking nakatutok ang baril mula sa likuran nila.

"Arestado ka, Joaquin Mondragon!"

Lumingon ang matanda at unti-unting gumuhit ang ngisi sa mga labi nito!

Anda Mungkin Juga Menyukai

Bite Me (Sexy Monster Series #1)

Erin was grieving from her broken heart when a vampire prince unexpectedly came out from her closet. Matapos mabasted ng kanyang childhood friend ay nagpaka-emotera si Erin at humiling sa isang wishing well. “Sana magkaroon na `ko ng lovelife. Gusto ko `yung pinakagwapo. Pwede na’ng kamag-anak ni Johnny Depp. Pinakaseksi, dapat may matitigas na six-packs abs at pumuputok na biceps. Ayoko ng hairy ah, kadiri! Dapat hindi mabuhok ang bulbo—este ang chest! Higit sa lahat bigyan mo `ko ng pinakanakaaakit na lalaki sa buong mundo. `Yong kaiinggitan ako ng mga bilat, ex-bilat at half-bilat sa planet earth!” Sabi nga nila: “Be careful what you wish for because you just might get it.” Paggising ni Erin the next day, wala na siyang suot na saplot at katabi ang isang estranghero. “My name is Vlad, I’m a vampire prince from the Kingdom of Transylvania. From now on you’re mine.” ANO RAW?! Mukhang nagkatotoo nga ang wish niya! Pero hindi lang isang ubod ng gwapong lalaki na may nagmumurang abs at pumuputok na biceps ang binigay sa kanya ni Lord. Kundi isang possessive na bampira na ubod nang manyak! Ito ay isang masayang kwento na puro landian at kagatan! Genre: Romantic-comedy, Fantasy, Smut DISCLAIMER: This novel carries themed like violence, crime, drugs, malicious content, sexual and horror. Read at your own risk. [R-18] Philippine Copyrights 2019 Anj Gee ”Anj Gee Novels” Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like Anj Gee's FB Page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · perkotaan
4.9
43 Chs

I GO TO KOREA TO FIND MY FATHER BUT I FOUND A LOVE (TAGLISH)

SI YEJIN KIM AY ISANG HALF FILIPINO AND HALF KOREAN NA NAGPUNTA SA KOREA PARA HANAPIN ANG KANYANG AMA NA BUMALIK SA KOREA AT DI NA NAGPAKITANG MULI. NGUNIT NABAGO ANG PLANO NANG MAKLALA NYA SI CHOSEON NAM TURN OUT NA ANG IDOL PALA NYANG SI CHAE JANG JOON. DAHIL SA ISANG MISUNDERSTANDING NAPAGKAMALAN SYA NITONG GIRL FRIEND NI CHOSEON. KAYA IMINUNGKAHI NI CHOSEON NA SIYA AY MAGTRABAHO SA KANYA MUNA BILANG ISANG KATULONG PUMAYAG NAMAN ITO KESA NASABAHAY LANG SYA NG ATE NYA AT TUTAL WALA PA NAMAN SYANG PINAGKUKUNAN NG INCOME. NGUNIT SADYANG ANG KAPALARAN AY MAPAGBIRO DAHIL SA ISANG PANGYAYARI "NAHULOG SYA SA HAGDAN AT NASAMBOT NI CHOSEON" THAT TIME DI RIN SINASADYANG MAKUNAN NG CAMERA "NAKAON PALA AT TUMAPAT SA KANILA", TAPOS ANG FEMALE LEAD AY NAPABALITANG BUNTIS THAT TIME THEY NEED A FEMALE TO BE LEADING LADY AND THEY DECIDES THAT YEJIN WILL BE DAHIL SA PAGKAHULOG LANG NG HAGDAN...SIMULA NOON NABAGO NA ANG TAKBO NG BUHAY NI YEJIN. AT DAHIL DIN SA PAGDATING NI YEJIN NAGING UPSIDE DOWN ANG BUHAY NI CHOSEON. MGA TAUHAN... FL~YEJIN KIM-DAE GIWU/ YEOJA1BABAE2GIRL3 ML~BAEK JANGMUL/ CHOSEON NAM/ CHAE JANG JOON-LEE JOON GI INA: LORAINE DIAMANTE 56 yrs old + AMA: KIM JINHYUK 60 yrs old = KIM YEJIN ANAK NI LORAINE... OSAKA HANA 30 yrs old F BUMKEZER AL ALI 28 yrs old M ADI KUMAR 26 yrs old M IRISH UNDERZON 24 yrs old F KIM YEJIN 22 yrs old F ANAK NI KIM JINHYUK SA KOREA KIM JINNA 22 yrs old F KIM HAEBYEOL 21 yrs old F KIM DABYEOL 20 yrs old M KIM DARIM 19 yrs old M ASAWA SA KOREA: KWON JISYA 56 yrs old KIM YEJIN'S GRANDFATHER IN KOREA: KIM NAMSEOL 70 IN PHILIPPINES: MARTIN A. DIAMANTE 75 GRANDMOTHER IN KOREA: WON SEOLHWA 69 IN PHILIPPINES: ANISYA L. BERNARDO 74 NAM CHOSEON PARENTS BAEK WANGJI DEAD 36 yrs old~car accident GU HANNA DEAD 34 yrs old~suicide REAL NAME: BAEK JANGMUL 39 yrs old M BAEK JANGSEOL~DEAD DIE BECAUSE OF ALLERGY IN GINSENG, 5 YEARS OLDER THAN JANGMUL AND 12 YEARS OLDER THAN JANGWOOL. BAEK JANGWOOL 32 YRS OLD~THE ONLY BIOLOGICAL FAMILY OF JANGMUL HE LIVES WITH CHAE ORIGINAL SONS IT MEANS NOT SONS OF MISTRESS. (CHAE DAECHANG 35 YRS OLD AND CHAE DAEJEON 29 YRS OLD) POSTER PARENTS... NAM NAMPYEONG 63 yrs old M JIN HAERI 59 yrs old F POSTER SIBLINGS NAM JOONIM 27 yrs old M NAM SANJO 30 yrs old M NAM KAESEOL 21 yrs old F ASSISTANT: GU RYUNG-OH 50 yrs old FRIENDS YEJIN'S FRIENDS LUCILLE A. BRIZE 27 F MERCER V. ANTONOVICH 23 M BRIANEL E. MASAY 34 M ANNATALIA M. ROSARIO 30 F JANA H. MAGAYON 21 F LEILA S. SANTIAGO 25 F CHOSEON FRIENDS DAE RYEHWANG 30 yrs old F KANG HAERYUK 26 yrs old F NINE 42 yrs old M HAN BONGHEE 35 yrs old M FOREIGN POWERS BOOM (BUMKEZER) 28yrs old M ZECK 23yrs old M XIAOBAO 25 yrs old M DRAVE 26 years old M EX3M SANJO NAM~ANAK NG MAY-ARI NG STEC 30 yrs old M ZANDRE 30 yrs old XUEMING 31 yrs old BAEK ANHO BAEK SOOKANG F~FEMALE M~MALE STORY 2

2YEOJA1BABAE2GIRL3 · perkotaan
Peringkat tidak cukup
189 Chs
Indeks
Jilid 1 :WANTED HUSBAND