webnovel

Ang mga Karapatan Bilang Isang Fighter

Éditeur: LiberReverieGroup

*Iba't ibang currencies na ang mababanggit mula sa chapter na ito ng kwento kaya isusulat ko na ang mga ito mula ngayon. Ang mga nababanggit pa lang ay ang 'Earth dollars' at ang mga 'Chinese dollars'.

*Ang isang ping ay katumbas ng 3.3 sq meters

"Tama ka jan Yan Luo!" dagdag ni Jiang Niang habang nakatingin kay Luo Feng at seryosong sinabing "Napakalaki ng inimprove mo mula noong pumasok ka sa Dojo of limits ko sa edad na 16. Ikaw sa ngayon ang pinakamabilis matuto sa lahat ng estudyante ng Dojo. Ngayong 18 ka palang pero nakamit mo na ang pangagatawan ng isang fighter. At kung sasayangin mo ang apat na mahahalaga mong taon sa college ay maituturing naming yun bilang isang krimen!"

"Dapat ay alam mo na ang edad kung saan ka mabilis na magiimprove ay sa pagitan ng 16 hanggang 30 na taong gulang. At habang tumatanda ka ay lalong mas hihirap at tatagal ang iyong pagpapalakas" seryosong sabi ni Jiang Nian sa kanya.

Ang apat na taon na iyon sa college ang pinakamadaling panahon para sanayin ng isang fighter ang kanyang sarili.

At isang malaking kasalanan para sa isang fighter kung sasayangin niya ang apat na taon na iyon sa pagaaral.

"Uh…." Sabi ng natigilang si Luo Feng.

Mukhang hindi naman pala ganoon kasama ang pagbagsak ko sa exam na iyon.

"Paano kung sumali ka kaya sa Dojo of limits ko pagkatapos mo makuha ang titulo mo bilang isang 'fighter'?" nakangiting tanong ni Jiang Nian "at kung sasali ka sa akin ay puwede kitang bigyan ng isang espesyal na pribadong villa para lang sa iyo at sa pamilya mo. Siyempre, hindi mo pupwedeng ibenta ito. At hanggang nandito ka sa akin bilang isang fighter ko magkakaroon ka ng suweldong 20 thousand Chinese dollars kada buwan"

"Isang private villa para lang sa akin at starting salary na 20 thousand Chinese dollars?" Buntong hiningang tanong ni Luo Feng.

Hindi naman ganoon kalaki ang 20 thousand Chinese dollars, pero ang villa para lamang sa kanya ay napaka laki na para sa kanya.

Mayroon lamang anim na human headquarters ang China sa mga panahong ito. Sa madaling salita ay mayroon lamang itong anim na mga major cities sumatutal. At dahil sobrang halaga ng bawat ping sa mga lupaing sakop nito, ang isang malaking villa ay papatawan ng napakalaking tax dahil sa laki ng nasasakupang lupa nito. Ang isang ping ng ordinaryong bahay ay nagkakahalaga ng libo libong Chinese dollars. Ito ang dahilan kung bakit maraming tao ang mas pinipili na lamang na manirahan sa mga murang paupahang mga bahay gaya nila Luo Fang.

Napakamahal na ng isang ordinaryong bahay ngayon. Paano pa kaya ang isang villa o mansion. Malamang ay nagkakahalaga ito ng daan daang libo ng Chinese dollars.

At mahigpit na kinokontrol ng mga bansa ang bilang ng mga villa nito dahil sa sobrang kakulangan sa lupa. Kaya hindi lang pera ang kinakailangan para makatira ka sa isang villa na sumasakop na napakalaking lupain. Kailangan mo ng pera, impluwensya at kapangyarihan para lang makatira sa isang villa na inaalok sa kanya ng kanyang guro. At pagdating naman sa tax nito, ang isang ping ng isang pribadong villa ay nagkakahalaga ng milyon milyong Chinese dollars dahil sa laki ng lupain nito.

"Ang isang maliit na private villa lamang na may 300 ping ay nagkakahalaga ng humigit sa 200 hanggang 300 milyong Chinese dollars." Nakakapangbutong hiningang isip ni Luo Feng "At kahit na hindi ko puwedeng ibenta ito, ang pagtira ko lamang dito kasama ng aking pamilya ay napakalaking bagay na para sa aming lahat."

Dalawa hanggang tatlong bilyon, ano naman ngayon?

Ang ama ni Zhang Hao Bai na isang negosyante ay hindi kailanman kakayanin na tumira sa isang private villa na kagaya nito.

"Hindi rin naiiba ang mga pribilehiyo ng dojo sa special forces ng ating bansa" natatawang sinabi ni Jiang Nian, "may mga sapat na sahod at mga espesyal na tirahan ang mga miyembro nito. Ang tanging bagay lamang na mayroon sila na wala tayo ay ang 'Killing License' na nagbibigay permiso sa kanilang pumatay ng ibang tao kung talagang kinakailangan. Pero siyempre, hindi naman din nila puwedeng gamitin iyon ng basta basta. Kailangan pa rin nilang magreport sa mga nakatataas sa kanila sa panahong gamitin man nila ang pribilehiyo nilang iyon."

"'Killing License?'" Narinig na ni Luo Feng ang tungkol diyan noon. Alam niya na may karapatang pumatay ng kapwa nila tao ang mga miyembro ng special forces.

"Hindi lang sila ang may special rights, tayo rin. Dito sa dojo, kung mayroong kahit na sinong regular na tao ang nanggulo sa iyo, puwede mo itong ireport sa dojo. At pagkatapos itong kumpirmahin ng mga imbestigador ng dojo ay pupunta sila sa security department ng Jiang-Nan para iligpit kung sino man iyon" tumatawang sinabi ni Jiang Nian "At kung sasali ka sa aming dojo ay mapapasayo ang lahat, mapa pera man, posisyon, kahit na anong gustuhin mo! Puwede mong abutin kahit ang hangganan ng sangkatauhan kung gusto mo! Ito ang dojo of limits!"

Matapos nito ay tinuro ni Jiang Nian si Yan Luo na nasa tabi niya: "Ang desipulo kong ito na si Yan Luo ay nakapatay ng isang napakabangis na halimaw kamakailan lang. Binigyan siya ng kulang kulang 100 million earth dollars para rito. Katumbas ito ng 300 million Chinese dollars. Kung pagbubutihin mo ang trabaho mo, samahan mo pa ng angking talento mo ay nakasisiguro ako na hindi imposibleng malampasan mo pa ang mga narating niya"

Natigilan si Luo Feng nang marinig niya ang mga ito.

Grabe…..

Kumita na siya ng ganoon kalaking halaga sa pagpatay lang ng isang halimaw? Ano kayang level ng halimaw ang napabagsak niya?

"Magpatuloy ka sa pagsasanay ng maigi Luo Feng. Isa kang talentadong bata kaya huwag mo kaming bibiguin" nakangiting sinabi ni Jiang Nian habang tinatapik nito ang balikat ni Luo Feng.

"Huwag kang magpapakakampante kahit kailan bata. Naniniwala ako na may pag asa na maging isang Warrior-level fighter ka balang araw. At kapag nakuha mo na ang titulong ito ay nasa iyo na ang lahat, pera, posisyon, mga magagandang babae at wala ka nang hihilingin pa!" natatawang dagdag ni Yan Luo "At sa panahong iyan ay ikinalulugod kong makasama kang pumatay ng mga halimaw. Hahaha…" Matapos niyang sabihin iyon ay natatawang umalis na ito kasama si Jiang Nian.

Naguguluhang magisip si Luo Feng habang naiwan itong nakatayo sa training hall.

Kahit na ang kanyang guro na si 'Jiang Nian' o hindi kaya ang lalaking may pulang buhok na si 'Yan Luo', nararamdaman ni Luo Feng ang pagiging bara bara ng mga ito sa kanilang mga tawa at kung paano ang mga ito magsalita. Parang isang uri ng kawirdohan!

"Bara bara, wirdo?" isang ngiti ang lumabas sa mukha ni Luo Feng "Oo nga, dapat nga maging bara bara ng isang lalaki sa mundong ito at gumawa ng sarili niyang daan! Sabi rin ng pinakamalakas na fighter noon na ang sundalo na hindi nais maging isang heneral ay isang hindi magaling na sundalo. Ang isang fighter naman na hindi nais na maging pinakamagaling sa lahat ng figher ay walang puso ng isang fighter"

"Ano pang silbi ng buhay mo kung itatali lang din naman nila ang mga kamay at paa mo sa mga gusto nila?"

"Kailangan mong panginigin ang kalangitan at payanigin ang kalupaan para makalikha ng daan para sa sarili mo!"

Nagsisimulang maging stable ng buhay para sa kanila sa edad na 18 taong gulang. At nagbago ng tuluyan ang isip ni Luo Feng noong makilala niya ang misteryosong fighter na si 'Yan Luo' at makaharap muli ang kanyang guro na si 'Jiang Nian'.

"Gagawin ko na ito!"

"Ang pinakamalakas na fighter na si 'Hong' at ang pangawalawa sa naging pinakamalakas na si 'Thunder Lord' ang gumawa kanikanilang Dojo of limits at Thunder Dojo. At kahit na kailangan silang magkapantay na tratuhin ng limang malalaking bansa. Kung kaya nila….. Hindi imposible na kayanin rin ng isa pang tao hindi ba?" Nakangiting sinabi ni Luo Feng sa kanyang sarili habang naglalakad palabas ng training hall.

Ang mga bata ay may pangarap kaya tuparin mo ang iyan!

Ang pagkabata mo ang iyong puhunan dito!

Ang kabataan ay kumakatawan sa infinite na mga posibilidad na puwedeng mangyari sa iyo sa hinaharap! At ang lahat ng ito ay nakadepende sa pinaghirapan mo, kaya LABAN!

������������

Noong tanghali ng June 28 na kung na kung saan makikita ang maliwanag na kalangitan.

Naglalakad sina Luo Feng at Wei Wen papunta sa 3rd High School. Ngayon ang kanilang graduation na kung saan makukuha na nila ang kanilang mga diplomas at acceptance application forms.

"Sigurado ka ba Feng na maipapasa mo yang 'Prospective Fighter' exam mo?" Hindi mapigilang tanong ni Wei Wen.

"Oo naman Wei Wen. Kailangan kong pumunta sa dojo of limits headquarters Limit Hall �� sa Yang Zhou city para magtake ng exam doon" nakangiting sagot ni Luo Feng ��

At nasa harap na sila ng school.

Tumingin si Luo Feng sa bauran ng eskwelahan kung saan ay nakita niya ang iilang mga estudyanteng nandoon. Biglang nagbago ang kanyang pananaw noong makita niya ang mga ito "Hm? Ganyan din ang iniisip ko noon kagaya sa kanila, pero ngayon ay nararamdaman ko na kami ay nasa dalawang magkahiwalay na mundo. Sila ay magaaral sa college, magtatrabaho ng maigi at magkakaroon ng pamilya"

"Pero magkaiba ang landas na tinatahak ko sa kanila" sabi ni Luo Feng habang naglalakad sila ni Wei Wen papasok ng eskwelahan. Hindi nagtagal ay naghiwalay na sila ng lakad papunta sa kani kanilang mga klase.

Habang naglalakad sa school hallway.

"Kapatid!"

"Kapatid na Luo Feng" bati sa kaniya ng iilang mga kapwa niyang senior students.

"Narinig ko na nawalan daw ng malay si Luo Feng habang nagtetake ng kanyang high school exam sa loob ng exam room"

"Napakamalas niya naman na nawalan pa siya ng malay sa loob ng exam room" sabi ng mangilan ngilang mga mga tao habang tahimik ang mga itong naguusap.

Naabot na ni Luo Feng ang pangangatawan ng isang Fighter. At dahil sa talas ng kanyang pandinig, narinig nito ang tahimik na usapan ng mga kapwa estudyante niya sa kanyang paligid.

Ang Senior (5) class ay ang klase ni Luo Feng.

"Nandito na si Luo Feng"

"Kapatid na Luo" mainit na bati ng ilang mga kapwa estudyante niya sa kaniya.

Tumawa si Luo Feng at tumango.

Karamihan sa mga Lumang estudyante ay may malapit na relasyon kay Luo Feng, pero may mangilanngilan pa ring may ayaw sa kanya. Maayos ang trato ng karamihan sa harap niya pero ang mga mangilan ngilang mga may ayaw sa kaniya ay tahimik na naguusap usap sa isang tabi: "Napakataas ng mga grades ni Luo Feng. Isa rin siyang Elite Member sa dojo. Pero sinong magaakala na mangyayari ang mga bagay na iyon kung saan ay nahimatay siya sa loob ng exam hall. Napakamalas naman niya noong araw na iyon"

"Ganyan talaga ang buhay, sino ba namang masisisi mo rito?"

Si Luo Feng ang pinakapinapaborang tao ng klase noong una.

Napakataas na mga grades at may talento sa larangan ng martial arts. Pero ngayong may isang hindi inaasahang nangyari sa kanya noong panahon ng exam, marami sa mga ordinaryong estudyante ang nagdiwang! At kahit malapit ang mga ito kay Luo Feng, ang mga taong ito ay nakaramdam ng saya noong makita nila na bumagsak ang isang napakagaling at napakatalinong tao na si Luo Feng. At iniisip nilang may mga araw talaga tayo na kung saan ay tinatamaan tayo ng kamalasan ��

"Heto na ang mga diploma at mga acceptance application forms niyo. Pumunta na kayo rito." Hinawakan ng tatlong class officers ang mga diplomas at mga application forms at naglakad papunta sa podium.

"Wang Yin"

"Liu Xia Long"

Isinigaw isa isa ng mga officers ang pangalan ng lahat at isa isang inabot ang kanikanilang mga diploma at application forms.

"Luo Feng!" Natahimik ang lahat noong marinig nila ang pangalang iyon. Tiningnan nilang lahat ng maigi si Luo Feng habang kinukuha nito ang diploma at application form niya.

Alam ng lahat na nawalan ng malay si Luo Feng sa kalagitnaan ng exams.

At ang kailangan mo lang malaman para makita ang naging score ni Luo Feng ay ang ID at examination certificate niya na hindi isang sikreto para sa lahat. Chineck nila ang score niya noong lumabas ito at nalaman na kulang siya ng apat na puntos para makapasok sa dividing line.

"Luo Feng" Ibinigay ng class officer na si Qu Lin ang diploma at acceptance form niya sa kaniya.

"Feng, Feng, halika na!" mahinang sigaw ni Wei Wen habang nakatayo ito sa class entrance.

"Hintayin moa ko" Sagot ni Luo Feng at nirolyo niya ang kanyang acceptance form at itinapon ito sa basurahan.

Ang dating napakaingay na klase ay tumahimik ng todo!

Natigilan ang bawat estudyante nang makita ang ginawang ito ni Luo Feng. Ito ang acceptance form mo na susulatan pagkatapos mo magexam! Sinong estudyante ang magiisip na itapon ito sa basurahan?

At noong panahong iyon, isang estudyanteng nagngangalan na 'Ma Que Ban' ang napasigaw sa sobrang gulat: "Paano mo nagawang itapon ng basta basta yan Luo Feng? Hindi mo ba susulatan yang acceptance form mo?"

"Paanong naging specialist ang isang napakagaling na taong si Luo Feng. Siguro ay uulit na lang siya ng isang taon para iretake ang exam niya" Mabilis na uminit ang usapan at pagtatalo sa loob ng klase.

Nagiinit na sinabi ni Wei Wen na nakatayo sa entrance: "Maging isang specialist? Umulit? Hindi niyo pa talaga naiintindihan ang lahat, kukuha si Feng ng 'Prospective Fighter' exam, bakit pa siya papasok sa isang walang kwentang specialist class o kung hindi naman ay umulit?"

"Wag ka na magsalita ng kung ano ano, tara na"

Hinila ni Luo Feng si Wei Wen paalis.

Sabay sabay na sinabi ng buong klase sa sobrang pagkagulat na Ano? Prospective Fighter exam?

"Kukuha si Luo Feng ng Prospective Fighter exam? Talaga? Hindi naman siya ganoon kagaling hindi ba?"

"Niloloko lang siguto tayo ng Wei Wen na iyon. Kakakuha lang ni Luo Feng ng titulo niya bilang isang elite member last year, kaya paano niyang kakayanin na maipasa ang Prospective Fighter exam ngayong taon?

Kasabay nito, walang naniwala na ni isa sa mga kaklase niya na naabot na ni Luo Feng ang pangangatawan ng isang fighter.

Ang pagiging isang Fighter....

Isa iyong hindi pangkaraniwang bagay na nangyayari sa araw araw.