10 Ang Prospective Fighter Exam

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ma, Pa, pupunta na po ako sa 'Dojo of Limits' sa city, baka hindi na po ako makauwi para makapagtanghalian mamaya" Paalam ni Luo Feng. Pagkatapos nito ay ininom na niya ang natira sa isang mangkok ng lugaw at kumain ng tatlong piraso ng tinapay "Maghintay lang po kayo sa magandang balita mamaya. Tatawag po ako agad mamaya pagkatapos ng exam"

Natawa si Gong Xin Lan sa sinabing ito ni ng kanyang anak at pabirong sinabi sa asawa niya na: "Narinig mo ba ang sinabi ng anak mo Hong Guo? Itago mo nang maigi yang cell phone mo. At baka mamaya hindi mo masagot ang tawag ng anak mo"

"Ibubulsa ko to ng maigi wag kang mag alala" natatawang sinabi ni Luo Hong Guo.

"Sige po mauuna na po ako"

Bago ito umalis ay kumindat muna ito sa kapatid niyang si Luo Hua na sumagot sa pamamagitan ng 'thumbs up'

������������

Madaling araw pa lang ay umalis na si Luo Feng sa isang maliit na region sa tabing dagat sa timog na kaniyang tinitirhan at sumakay sa #11 subway line papunta sa 'Zhong-An road station' at saka lumipat naman ng masasakyan papunta naman sa sentrong region ng Yang Zhou City. At pagkatapos sumakay ng subway papunta rito ay naglakad naman ito ng sampung minuto bago makarating sa Dojo of Limits headquarters—Limit Hall�� ng Yang Zhou.

Umalis si Luo Feng sa kanilang bahay nang mga alas sais ng umaga at nakarating sa dojo nang ilang minute bago mag alas otso ng umaga.

"Ito ba ang kilalang Ming-Yue sector?" Tumayo si Luo Feng sa harap ng isang malaking pintuan sa loob ng isang tahimik na sector. Ang pangalan ng sector na ito ay 'Ming-Yue sector' dito ang lugar kung saan makikita ang Limit Hall ng dojo.

"Heto bata, ito ang Ming-Yue sector, huwag kang magbabalak lumapit dito"

Makikita sa harap ng maliit na pasukan sa sector ang anim na sundalong nakauniporme at may bitbit na mga totoong baril at mga bala. Makikita mo sa kanilang mga suot na uniporme na hindi sila kabilang sa pulisya. Kabilang sila sa army. Sumigaw naman ang isang sundalo na: "Umatras po kayo sir! Kapag lumagpas kayo sa dilaw na linya ay may karapatan na kaming barilin at mapatay ka sa puntong ito!"

"Parang yung nasa alamat lang" isip ni Luo Feng sa loob loob niya.

Sa loob ng Ming-Yue sector sa Yang Zhou matatagpuan ang headquarters ng Dojo of Limits!

Hindi lang ang Limit Hall ang nakatayo sa loob noon kundi ang mga tirahan din ng mga fighter.

"Ayon sa mga sabi sabi, ang mga taong nakatira roon ay ang mga fighters at ang kanikanilang mga pamilya! Kahit na ang mga pulis ay walang karapatang makapasok doon ng basta basta" bumubungisngis na sinabi ni Luo Feng sa loob looban niya.

"Kayong lahat" sabi ni Luo Feng na nakatayo sa pasukan ng sector at nagsalita "Ako ay isang elite member ng Dojo of Limits na si 'Luo Feng'. Narito ako ngayon upang kumuha ng Prospective Fighter exam". Ginaganap ang Prospective Fighter exam sa Limit Hall tuwing unang araw ng bawat buwan.

"Oh?"

Lumabas sa guard's lounge ang isang matanda at kalbong lalaki na may dala dalang laptop sa kanyang kamay, "Masyadong maaga ang iyong pagdating, Wala pa ngang alas otso sa orasan. At napakabata mong kukuha ng Prospective Fighter exam, ang walang hanggan ang puwede mong marating. Sige maari ko bang makita ang ID at elite member ID mo?"

Binigay ni Luo Feng ang mga iyon sa matanda.

[BEEP!]

Isang mensahe ang lumabas sa screen ng computer matapos iiscan ang kanyang mga ID.

"18 taong gulang ka pa lang?" Gulat na gulat na tanong ng matandang lalaki habang nakatingin ito kay Luo Feng at saka ito tumawa, "Napakalakas ng loob mong kumuha ng Prospective Fighter exam sa murang edad mo na iyan. Hindi na masama, sana ay makapasa ka ngayong araw"

"Maraming salamat po sir" Sagot ni Luo Feng.

"Papasukin niyo siya" utos ng matandang lalaki habang kumakaway sa mga guwardiya.

Bumukas ang electronic door ng sector at isa sa mga guwardiyang may bit bit na assault rifle ang Lumapit kay Luo Feng at sinabing: "Dadalhin ko po kayo sa headquarters ng dojo of limits sir. At ang pagtakbo ay ipinagbabawal po sa loob ng sector! Sa Limit Hall lang po kayo maaring pumasok at kung labagin niyo man ito at hindi ako gumawa ng aksyon, ang ibang sundalo na nagpapatrol sa area ang maaring gumawa noon para sakin" Pagalit na sinabi ng sundalo kay Luo Feng.

"Wala pong problema" nakangiting sabi ni Luo Feng habang ito ay tumatango. Pero nasurpresa siya sa mga nakita niya pagpasok niya sa sector.

Mayroong malapit na relasyon ang bansa at ang Dojo of Limits. At kahit na ang pinaka sentro ng Dojo of Limits ay guwardiyadong guwardiyado.

"Wow, ang bawat building na nakikita ko rito ay isang private villa maliban na lamang sa sentro ng sector kung saan nakatayo ang isang malaki at napakatangkad na Limit Hall tower, maliban dito, ang lahat ay mga private villa na. At sa gitna ng mga villa makikita ang mga artipisyal na mga bundok, mga swimming pool at naglalawakang mga bakuran.

������������

At pagdating ni Luo Feng sa loob ng lobby ng Limit Hall, umalis na ang sundalong nakabuntot sa kanya.

"Narito po ba kayo ngayon sir para kumuha ng Prospective Fighter exam?" nakangiting sinabi ng isang napakagandang dalaga sa loob ng hall, "Maupo muna po kayo rito sir, alas diyes pa po ng umaga magsisimula ang exams."

Tumango si Luo Feng at naglakad papunta sa gilid ng lobby, mayroon doong isang maliit na bar na may isang waiter at isang bartender.

"Hm?" Tiningnan ni Luo Feng ang paligid at nakita niya na may tatlong tao na nakaupo sa bar.

Ang dalawa sa mga ito ay naguusap habang ang isa naman ay tahimik na nakaupo sa sofa.

"Tingnan mo ang mga nagagandahang mga villa na ito. Ito ang isa sa mga bonus ng pagsali sa Dojo of Limits bilang isang fighter" sabi ng isang batang lalaki na nakasuot ng puting pantaas at pambaba "at habang isa kang fighter at sumali sa Dojo of Limits ay makakakuha ka ng isang libreng villa bilang bagong tirahan… Heh tumingin ka nga sa paligid, napaka kumportable"

"Talaga namang naiiba ang fighter sector kaysa sa mga iba't ibang mga sector doon sa labas. Tingnan mo isang tao nanaman ang paparating "Nakita ng tatlong iyon si Luo Feng. Tumango ito ng mahina at umupo sa sofa.

Walang magkakakilala sa kanila kaya hindi rin sila nagusap usap gaano.

Noong nagtagal ay may tatlong tao nanaman ang dumating sa lobby, walang nakilala si Luo Feng sa mga ito. Pero base sa kanilang mga itsura ay napakatatanda na ng mga ito. Ang kanilang mga edad ay nasa higit 30 taong gulang. Ang isa pa nga sa kanila ay mukhang higit pa sa 40 taong gulang.

"Hoy Luo Feng!" sabi ng isang boses na papalapit sa kaniya.

Nanginig sa gulat si Luo Feng, lumingon siya at tiningnan kung sino ang tumawag sa kanya nang mgakita niya ang isang payat na lalaking punong puno ng malalalim na peklat sa kanyang mukha na papalapit sa kanya: "Kukuha ka rin pala ngayong ng prospective fighter exam?"

"Kapatid na Yang?" Tumayo si Luo Feng at binati ito.

"Nakakahiya mang isipin. Pero pumunta ako rito para magexam last month pero ang bilis ko ay nasa 24.9 m/s lang. Kaunting kaunti na lang!" nanghihinayang na sabi ni Yang Wu. Sa totoo lang ay pasado na dapat si Yang Wu matagal na panahon na ang lumipas pero ang kahinaan niya lang na nakapagpabagsak sa kanya noong nakaraan ay ang kanyang bilis.

Pero nagsimula naman na magimprove ang bilis ni Yang Wi ngayong taon. Hindi naman nagkakalayo ang agwat ng 24.9 at 25 meters. At kung maayos niyang magagawa ito ay maari na niyang maabot ang kinakailangang score na 25 m/s.

"Siguradong papasa ka na ngayong pagkakataon kapatid na Yang" tumatawang sinabi ni Luo Feng.

"Ang lalaking iyan na may pangalang Yang ay sumubok na ng mangilan ngilang pagkakataon pero nabigo siya. Siguro ngayon ay babagsak ka rin kagaya niya" galing sa isang malakas na boses na nanggagaling sa kanilang gilid.

Lumingon si Luo Feng papunta sa pinanggalingan ng boses nang makita niya ang isang matipunong lalaki na balbas sarado ang buong mukha. Agad na sinabi nang nagiinit na si Yang Wu na "Ang isang lalaki na nagngangalang Tong. Anong karapatan mo para pagsalitaan ako ng ganyan? Hindi ba't kumuka ka na rin ng exam at bumagsak ng dalawang beses? At sa iyong reaction speed, malamang ay kakailanganin mo pa ng mga dalawa hanggang tatlong taon ng pagsasanay."

"Katahimikan" sabi ng isang malamig na boses na nanggaling sa gitna ng lobby.

Biglang tumingin ang walong tao na naroroon at nakita nila ang isang lalaking may edad na nasa 30s hanggang 40s na nakasuot ng dojo uniform, "Halika na kayo, Sundan niyo akong lahat paakyat sa taas kung saan kayo mageexam. Huwag kayong magulo, tandaan niyong lahat iyan. Ang mga dati nating kaibigan galing sa City Headquarters ng Yang Zhou ay pumunta ngayong araw. Kaya huwag na huwag kayong gagawa ng gulo"

"Opo" Kahit na ang aroganteng balbas sarado na lalaki, si Yang Wi at si Luo Feng ay nakinig kasama ng iba at sumunod sa mga bilin nito.

"Dating kaibigan galing sa headquarters?" Hindi maiwasang hulaan ni Luo Feng sa kanyang kaloob looban kung sino ang taong iyon.

Tandaan niyo ito: Ang Yang Zhou ay may 12 dojo of limits at isang Limit Hall. Ang mga master na galing sa mga Dojo of Limits' ng bawat sector ay tinatawag na 'Guro'. Ang master naman ng Limit Hall ay tinatawag na 'Punong Guro'.

Matapos nilang makapasok sa elevator, pinindot ng lalaking naka dojo uniform ang numerong '6'.

[DI!] At tumigil ang elevator pagdating sa 6th floor.

[HUA!]

Bumukas ang pintuan ng elevator at tumambad sa kanila ang napakalaking training hall at ang isang dosenang tao na naririto. Nakilala ni Luo Feng ang isa rito bilang ang kanyang guro na si 'Jiang Nian'.

"Tumigil na kayo sa pagkukwentuhan, andito na sila" sabi ng lalaking may mahabang buhok habang nakatingin sa grupo nila Luo Feng. Kinabahan ang grupo nila Luo Feng noong makita ang tingin ng mga ito sa kanila.

Sa madaling salita, ang lahat ng ito ay mga fighters! Dahil ito ang headquarters ng Dojo of Limits sa buong Yang Zhou city.

"Maghanda na kayo sa gaganaping pagsusulit" utos ng lalaking may mahabang buhok.

Nakita na ni Luo Feng ang lalaking ito noon. Siya ang master ng Limit Hall ng Yang Zhou city, ang punoong guro na si 'Wu Tong'

"Isa isa kayong lumapit sa akin at ipakita niyo ang inyong mga ID" Kinuha ng fighter na nagdala kela Luo Feng paakyat dito ang kanilang mga ID at ibinigay sa punnong guro na si 'Wu Tong' at natawa, "Kaunti lang ang kukuha ng exam ngayon boss. Wawalo lamang sila ngayon!"

"Oo" random na pumili si Wu Tong ng ID at ipinascan ito sa machine na katabi niya.

[BEEP!]

Ang mala kristal na screen ng machine ay nagpakita ng personal information sa nascan nitong ID.

"Una, Si Tong Guan" malakas na sinabi ng punnong guro, "Simulan mo na ang iyong fist strength test. Kahit na ang iba sa inyo na galing sa army ay pumunta rito sa Limit Hall ko para kumuha ng pagsusulit, magaling"

Wala nang nagawa si Luo Feng kundi mapangiti habang nakikinig sa sinasabing ito ng guro. Binuo ang Dojo of Limits ng pinakamalakas na fighter sa buong mundo. Mataas ang kredibilidad ng mga pagsusulit galing sa mga nakakalat na dojo sa buong mundo. Kikilalanin ang resulta ng exam niyo ng bawat bansa sa buong mundo.

Kahit na ang mga galing sa army o hindi kaya ay mga tradisyunal na mga martial artist ay nagpupunta sa Dojo of Limits para kumuha ng exam.

"Subukan mo na ang lakas ng iyong mga kamao" utos ng punongguro.

"Opo"

Umabante ang balbas saradong lalaki ng isang hakbang. At matapos ilagay ang kaliwa niyang kamao sa kanyang mukha habang nanlalaki ang mga mata nito, lumipad ang kanyang kanang kamao nang paarko at tumama sa malaking machine na bahagyang gumalaw lamang. Matapos nito ay agad na nagdisplay ang machine ng numero—'986kg'��

"Pasado, ang susunod ay si Luo Feng" matapos pumili muli ng lalaking may mahabang buhok ng pangalawang ID at ipinascan sa machine. Binasa niya ang personal information na nakalagay sa machine at nagulat "Ano? 18 taong gulang ka pa lang? Matandang Jiang, ito ang Zhi-An section mo hindi ba? Kailan mo pa nahanap ang talentadong batang ito?"

"Haha" wala nang nagawa si 'Jiang Nian' sa tabi kundi tumawa.

"Hindi pa natin alam kung talentado ba talaga iyan" Sa grupo naman ng mga fighters sa tabi ay may isang matabang beterano ang nangantiyaw, "Hindi pa niya siguro alam ang pinapasok niya at wala pa siyang gaanong lakas para rito"

Dinilatan naman ito ng mata ni Jiang Nian at sinabing: "Ano? Naiingit ka ba? Wala kang makikita sa sector mo na isang henyo kagaya nito. Luo Feng, Ipakita mo sa kanila ang tunay na lakas ng mga taga Zhi-An section"

"Opo guro!" Humakbang na si Luo Feng at naglakad papunta sa fist strength tester machine.

avataravatar
Next chapter