8 Ang Dalawang Fighters

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"557 points? Ang kinakailangan para makapasok sa dividing line ay 561 points!" Nagbubuntong hiningang sinabi ni Luo Feng.

Nang dahil sa apat na puntos! Nawalan ako ng chansang makapasok sa military academy.

Hindi ako makapaniwalang dito humantong ang pagaaral ko ng mabuti sa nakalipas na 12 na taon.

"Bahala na kung hindi man ako makapasok sa military academy! Wala lang iyan sa akin" Matapos nito ay dumiretso siya ng tingin at inilapat ang kanyang kanang kamay na para bang isang blade at nagsimulang hiwain ang hangin sa kanyang harapan gamit ito. Sa sobrang bilis ng kanyang kamay ay naramdaman niya ang napakalakas na hangin na nanggaling sa kanyang kanang kamay.

"Nakamit ko na siguro ang kinakailangang lakas ng katawan para maipasa ang Prospective Fighter Exam na kinakailangan para maging isang fighter"

"Hindi na rin magiging problema kung mayroon na lamang akong isa hanggang dalawang buwan para magpalakas ng husto. Nakasisiguro akong kaya ko nang maipasa Prospective Fighter Exam ko."

Napakalakas ng abilidad ni Luo Feng na mag adapt. At ang naging resulta ng kanyang exam na talagang nakapagpagulat sa kanya ng husto. Pero ang pagpasok niya muli sa 'coma' ay nakapagpalakas ng kanyang katawan na dahilan kung bakit agad nitong naibalik ang tiwala niya sa kanyang sarili.

Kung tutuusin ay napakalayo rin ng posisyon ng isang gradweyt mula sa military academy sa posisyon ng isang fighter.

[KA] Binuksan ni Luo Feng ang pinto at pumasok sa kanilang sala.

Pagpasok niya sa kanilang sala ay agad siyang nilingon ng kanyang ama na si Luo Hong Guo, ng kanyang nanay na si Gong Xin Lan at ng kanyang kapatid na si Luo Hua. Nagaalala ang mga ito sa kalagayan niya. Sa sobrang pagalala ni Gong Xin Lan ay napatayo ito, naglakad papunta kay Luo Feng at sinabing: "Hindi ka naming masisisi sa naging score mo sa exams anak. Ang tanging masisisi lang namin sa pagkakataong ito ay ang sakit mo. Hay, bakit ngayon sa puntong iyon pa nagpakita ang sakit mo sa tinagal tagal nitong nagtago sa katawan mo"

"Hindi ka naman sobrang nagulat sa naging score mo hindi ba kuya?" Pabirong tanong ni Luo Hua habang nakaupo ito sa kanyang wheelchair.

Noong nagiisang tiningnan ni Luo Feng ang nakuha niyang score sa pagsusulit, ginamit naman ng kanyang pamilya ang laptop ni Huo upang makita nila sa sala ang scores nito at nalaman ang apat na puntong diperensiya para maabot ang dividing line. At kahit nadismayado sila ay mas nagaalala pa rin ang mga ito sa kalusugan ni Luo Feng.

Patawang sinabi ni Luo Feng na: "Siyempre naman hindi ko na ikinagulat ang naging resulta, wala pong kasalanan ng sakit ko sa pagbaba ng scores na nakuha ko po sa exam ma at pa. Dapat pa nga tayong magpasalamat dito eh."

"Magpasalamat?"

"Magpasalamat"

"Magpasalamat?"

Nagulat nang husto ang kanyang buong pamilya. Ang high school exam na ginanap ay isa sa mga pinakaimportanteng pangyayari sa buhay ng bawat tao sa panahon nila. At sino sa kanila ang magagawang magpasalamat matapos masira ang pangyayaring iyon ng kanyang sakit?

"Ma, Pa, Hua" Tawag ni Luo Feng matapos nitong ngumiti ng kaunti "Dalawang beses na po ako nacoma mula pagkabata ko. Sa bawat paggising ko sa bawat coma na iyon ay nararamdaman ko ang paglakas nang husto ng aking katawan at nakakayanan na tumakbo nang mas mabilis. Nararamdaman ko po ulit ito ngayon! Nararamdaman ko na napakalaki nang inimprove ng lakas ko mula noong bago pa lang ako magtake ng exam. At alam ko sa ngayon na kaya kong ipasa ang aking Prospective Fighter Exam."

"Ano?" sabay sabay sinabi ng tatlo niyang kapamilya habang nagpapalitan ito ng mga tingin sa isa't isa.

Hindi mapigilang tinanong ni Luo Hua si Lao Feng ng "Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo kuya?"

"Oo naman Hua" nakangiting sagot ni Luo Feng "At pagkatapos kong maipasa ang aking Prospective Fighter Exam ay pupuwede na akong magapply para sa Fighter Combat Exam. Buo ang tiwala ko sa sarili ko na kaya kong makuha ang titulong 'Fighter' sa taong ito!

Ikinahanga nang husto ng tatlo ang balitang ito ni Luo Feng.

Isang Fighter!

Ano nga ba ang kinakatawanan nito? Ang pinakamalalakas na uri ng tao at ang espesyal na mga prebilehiyo at mga karapatan ang kinakatawanan nito! Gayundin ang napakaraming pera! Pati na rin ang tuktok pinakamataas na estado ng mga tao sa lipunan! Napakaraming benipisyo ang matatanggap ng iyong pamilya kung magiging isa kang fighter, mas marami pa kaysa sa isang elite student ng military academy.

"Isang fighter ang magmumula sa pamilya natin?" Hindi mapigilang sigaw ni Luo Hua "Hahaha, napakaastig mo talaga kuya!"

"Mahusay anak!" pagmamalaking sabi ni Luo Hong Guo habang tinatapik nito ang balikat ng kanyang anak, "Napakaganda kung magiging isa kang fighter. At walang wala ito kung ikukumpara mo sa isang gradweyt galing sa isang military academy."

Pinupuri at iginagalang ng lipunan ang lahat ng fighter sa buong daigdig.

"Ma, Pa, huwag po muna tayong magpakasaya masyado hanggat hindi ko pa po naipapasa ang exam" tumatawang sabi ni Luo Feng habang nakikita kung gaano kasaya ang kanyang buong pamilya.

"Isang 18 taong gulang na fighter?" Sabik na sigaw ni Luo Hua, "Talagang, talagang, talagang napakaastig ng kapatid ko kung magiging isa siyang batang fighter!!!"

※※※※※※※※※※※※

Alas singko ng umaga kinabukasan, napakaliwanag na ng kalangitan.

Umalis na si Luo Feng sa kanilang bahay at pumunta sa Dojo of Limits upang magsanay.

"Wala pang gaanong tao rito ngayon ah" Sabi ni Luo Feng matapos makita na iisang daang tao lamang ang nasa bakuran ng dojo. Ang buong dojong ito ay may bilang nga 30 hanggang 40 libong mga miyembro. "Sa gabi lamang nagtuturo ang mga guro sa dojo kaya sa mga panahon na iyon lamang makikita ang karamihan sa mga miyembro nito."

Naglakad si Luo Feng papunta sa building ng mga elite member sa dulo ng kalsada.

[Woommmm~~~] galing sa isang sound wave na maririnig sa hindi kalayuan.

"Huh?"

Napalingon si Luo Feng sa pinanggalingan ng tunog nang makita niya ang isang napaka garang race car na kulay puti. Hindi niya mapigilang mapatitig sa sasakyan habang dahan dahan siyang naglalakad papasok ng dojo. Napabuntong hininga na lang ito at sinabing "Isang Aston Martin na race car? Ito ang pinaka bago at pinaka mahal na race car na may kakayahang lumipad sa sobrang bilis! At isa itong thr-191?"

Mahilig ang kapatid niya sa mga race car. Lagi nitong pinupuri ang thr-191 sa tuwing naguusap sila tungkol sa mga sasakyan.

"Isa itong Aston Martin"

"Isa itong 191 at kaya nitong lumipad sa sobrang bilis" Napatingin din ang iilang mga estudyanteng nagkalat sa lugar na ito nang marinig nila ang napakahinang tunog nito. "Ang niyan ay nagkakahalaga ng 30 million!"

Matapos nito ay nakita niyang tumigil ang puting race car sa tapat ng elite member's building ng dojo. Bumukas ang pinto nito at isang lalaki na may pulang buhok at hindi katangkaran na nakasuot ng practice uniform ang bumaba mula sa kotse. Tiningnan nito ang mga tao sa kanyang paligid at saglit na napatingin noong makita niya si Luo Feng. Matapos nito ay tahimik siyang naglakad papasok ng building.

"Isa iyong Fighter" namamanghang sabi ni Luo Feng habang kumikislap ang mga mata nito.

Ramdam na ramdam ni Feng ang bagsik ng tingin na galing sa isang fighter. Isa iyong tingin ng may napakatibay na loob at may karanasan nang lumaban hanggang sa bingit ng kamatayan.

Walang ni isang tao ang makikita sa training hall ng dojong iyon.

Alas singko pa lang ng umaga noong mga panahong iyon at madalang ka nang makakita ng higit sa dalawampung tao sa ganitong oras.

"Gusto kong makita kung gaano kalakas ang inilakas ko" sabi ni Luo Feng habang naglalakad ito papunta sa fist strength machine. At matapos nitong isaksak ang fist strength machine ay pumunta naman ito sa speed tester machine sa hindi kalayuan para ion din ito.

Habang nakatayo sa harap ng fist strength tester machine,

"Begin!"

Huminga ng malalim si Luo Feng habang ginagamit nito ang kanyang baiwang para makabuwelo. Dumaloy ang naguumapaw na lakas nito papunta sa kanyang braso at isang [PENG] ang maririnig na manggagaling mula sa machine matapos itong suntukin ng kanyang kamao na mala kidlat ang bilis.

[DI, DI, DI] Tatlong magkakasunod na tunog pa ang maririnig sa fist tester machine matapos niya itong suntukin.

Kumislap bigla ang mga mata ni Luo Feng noong marinig niya ang tunog na ito mula sa fist strength tester machine. Alam niya na hindi pangkaraniwang tumutunog nang ganito ang machine na ito. At mangyayari lamang ito kung nalagpasan na ang 1000kg na lakas mula sa gumagamit nito. ��

"Huh?" At nakita niya ang numerong nakalagay sa screen ng machine '1089kg'

"Masyadong mataas yata ito?"

Napakasaya ni Luo Feng noong mga panahong iyon. 900kg lamang ang kinakailangan para makapasa siya sa gaganaping exam. At ang nakaraang lakas niya bago pa siya muling macoma ay nasa 809kg lamang. At ngayong matapos ang mga pangyayaring ito ay tumaas ito ng 280kg at umabot ang kanyang lakas sa humigit 1089kg nang walang kahirap hirap. Sadyang napakataas na para sa passing score.

"Hahaha"

Sabik na sumuntok nang sunod sunod si Luo Feng na para bang kidlat sa bilis, umuga ang kaliwa at kanang bahagi ng kanyang katawan. Nagpatuloy sa pagtunog ng [PENG PENG] ang machine, At sa loob lamang ng napakaikling oras ay nakasuntok na si Luo Feng nang aabot sa dalawangpung mga suntok in a blink of an eye. Matapos nito lumabas sa screen ang lakas ng mga ibinigay niyang suntok dito. --'956kg��989kg��923kg��965kg...'��

"Susubukan ko naman ngayon ang aking bilis" sabi ni Luo Feng habang naglalakad ito papunta sa track "At kung maabot ko ngayon ang bilis na kinakailangan para makapasa, kasabay ng aking fist strength at inborn na reaction speed ay paniguradong makakapasa ako sa darating na prospective fighter exam!"

Kinontrol ni Luo Feng ang kanyang hinga.

[WHOOSH]

Tumakbo siya na para bang isang bala ng kanyon na itinira papunta sa kalaban.

…..

Sa 4th floor ng elite member's building makikita ang lalaking may pulang buhok na nakikipagusap sa isang kalbong lalaki na may edad na nasa 30s na nakasuot ng itim na pangitaas.

"Gaano na katagal noong huli tayong magkita Yan Luo" nakangiting sinabi ng lalaking nakasuot ng itim na pangitaas "Sa tingin ko ay mga tatlong taon na ang nakalilipas. Ang isip batang iyon ay naging ganito na kasikat. Naririnig ko na kumikita ka na raw ng humigit sa isang daang milyon. Hoho. Habang nakikita kita ngayon ay nararamdaman ko na tumatanda na talaga ako."

"Suwerte lang ang lahat ng iyon" tumatawang sabi ng lalaking may pulang buhok, "Noong mga panahong iyon Kapatid na Jiang ay may….."

[DI, DI, DI]

Isang mahiang tunog ang nanggagaling sa ibaba na ikinagulat ng dalawang lalaki.

"Para lamang sa mga baguhan ang fist strength tester na iyon sa baba. Tutunog lamang ito ng ganito kapag nalagpasan na niya ang lakas na humigit sa 1000kg" nasosorpresang sabi ng kalbong lalaki "At mayroong napakasipag na nagsasanay sa mga oras na ito. At dahil lumagpas na ito sa 1000kg, hindi ba iyon si Yang Wu?"

"Hindi natin malalaman kung hindi natin siya titingnan sa baba hindi ba?"

[HU! HU!]

Bumaba ang dalawang lalaki na nakasuot ng itim at putting pangitaas na para bang mga multong pababa sa hagdanan. At sa loob lang ng isang segundo ay narating na nila ang entrance ng third floor training hall.

Hinanap ng dalawang lalaki kung sino ang taong iyon sa loob ng training hall. At nakita nila si Luo Feng na nakatayo sa gitna ng track at biglang dumaan sa kanila ng may pagkabilis bilis.

"28.1 m/s" sabi nila matapos makita ang nakadisplay na bilis nito sa speed tester machine.

"Ang lakas ng Luo Feng na ito ay umabot na sa humigit na 1000kg at may bilis na umaabot sa 28.1m/s" gulat na gulat na sinabi ng kalbong lalaki.

"Mukhang bata pa ang isang to kapatid na Jiang. Pero naabot na niya ang pangangatawan na kinakailangan para maging isang fighter" Namamanghang tugon ng lalaking may pulang buhok. Tumatangong sumagot naman ang kalbong lalaki "Oo at ang pangalan niya ay Luo Feng. Isa siya sa mga gifted na estudyante dito sa dojo. Mag lalabingwalong taong gulang pa lang siya ngayong taon!"

"18? Napakabata ng isang ito." Sabi ng lalaking may pulang buhok habang kumikislap ang mga mata nito.

Sa mga panahong ito ay nagulat si Luo Feng nang makita niya ang fighter na may pulang buhok na may putting race car at ang kalbong lalaki na kinikilalal nila bilang master ng Dojo of Limits na si 'Jiang Nian'. At base sa rules ng Dojo, kinakailangan siyang tawagin ng lahat ng estudyante bilang "guro".

"Guro!" Pasigaw na bati ni Luo Feng.

"Halika rito Feng" tumatawang sabi ng gurong si Jiang Nian, "Hindi ako makapaniwala sa bilis mo. Naabot mo na ang pangangatawan na kinakailangan bilang maging isang fighter. Hayaan mo akong ipakilala kita sa iyong senior na si Yan Luo. Wala namang problema kung ipakikilala kita sa kanya hindi ba Yan Luo?"

"Walang problema" nakatangong sagot ni Yan Luo habang nakatingin ito kay Luo Feng, "Naabot na ng batang ito ang pangangatawan para maging isang fighter sa napakabatang edad. Sana sa susunod ay magkita tayong muli at magkwentuhan."

Tumingin si Jiang Nian kay Luo Feng at tumatawang sinabi na: "Ngayong 18 ka na Luo Feng ay natapos mo na ang high school exams mo hindi ba? Kalimutan mo na iyon. Ano pang dahilan para pumasok ka sa paaralan hindi ba Yan Luo? Magkoncentrate ka na lamang sa pagkuha mo ng 'Prospective Fighter' exam na gaganapin sa July 1. Pumunta ka sa Dojo of limits ng Tang Yang Zhou city para makapagexam. At sa nakikita kong lakas mo ngayon ay madali ka na lang na makakapasa sa exam na iyon."

"High school exams?" natatawang tanong ni Yan Luo, "Huwag mon ang sayangin ang oras mo sa college. Mayroon kang napakagandang talent bata. At kailanang mong ibigay ang lahat ng makakaya mo sa lahat ng gagawin mo. Kaya ngayon ay magfocus ka na muna sa martial arts. Napakaganda nang magiging future mo kapag sumali ka sa dojo of limits naming kapag naging isa ka nang ganap na fighter bata."

Humahawak ng napakataas na mga posisyon ang dalawang fighter na ito. At walang wala lang ang mga mayayayaman at mga politiko sa kanila.

Umaasa sila sa pagsali ng batang si Luo Feng sa kanila sa hinaharap.

avataravatar
Next chapter