webnovel

Ang Grade 3 Rat Tide

Éditeur: LiberReverieGroup

Mukhang walang katapusan ang rat tide na iyon na pumuno sa buong highway sa kanilang likurang may sukat na 100 meters. Ang sukat ng bawat isang halimaw na ito ay umaabot sa 30 cm kaya kung susumahin ay umaabot ng libo libo ang kabuohang bilang ng mga halimaw na kasali sa rat tide na ito. At isang maliit na rat tide pa ito. Kahit ang isang wargod ay mamamatay kung nasali siya rito!

Kaya mayroon lang ding isang pagpipiliian si Luo Feng sa mga oras na ito….

"Takbo!" agad na tumakbo si Luo Feng sa highway pabalik sa resupplying base.

"HU, HU, HU~~"

Ibinaba na ni Wan Dong at ng dalawa pa nitong mga kasama ang kanilang mga blade, shield at iba pang mga sandata kanina pa. Bawat isa sa kanila ay tumakbo ng walang tigil para makalayo sa mala dagat na dami ng halimaw na humahabol sa kanila. Pero habang tumatagal ay lalong palapit ng palapit ang distansya ng mga halimaw na ito sa kanila. Mula sa 20 meters papunta sa 15 meters, 14 meters, 13 meters….

"Bwisit!"

"Bakit ang tagal dumating ng army!"

"Kung wala pa sila ngayon, patay tayo!"

Napamura at napangitngit ng ngipin sina Wan Dong at ng dalawa pa niyang kasama sa kanilang isipan habang tumatakbo papalayo sa rat tide. Matapos ang ilang sandali ay nailayo nila ang kanilang mga sarili ng 30 meters mula sa mga humahabol na halimaw bago sila magsimulang tumakbo ng mas mabagal dahil sa sobrang pagod.

"Hindi ko na kayang tumakbo..."

"Ako rin..."

Nagtinginan sina Wan Dong at ng dalawa pa niyang kasama. Lahat sa kanila ay nakakaramdam ng matinding sakit dahil kinakailangan nilang tumakbo sa kanilang maximum speed para mailayo ang kanilang mga sarili sa humahabol sa kanilang rat tide. Pero alam din nila sa kanilang mga sarili na hindi sila magtatagal sa maximum speed na iyon dahil sa ilang sandali lang ay mapapagod na ang kanilang mga katawan! Halimbawa, napakahusay na para sa isang tao bago ang Grand Nirvana Period na makatakbo ng 100 meters sa loob lang ng 10 segundo.

100 meters sa loob lang ng 10 segundo.

Pero paano naman kung 1,000 meters? Kaya ba nila yun sa loob lang ng 100 segundo?

Sa layong 10,000 meters kaya? Kaya ba nilang takbuhin iyon sa loob ng 1,000 segundo? Sa totoo lang, bago nagsimula ang Grand Nirvana Period, ang pinakamabilis na record sa 10,000 meter run ng males division ay nasa 1,580 segundo.

Pareho lang ito kung ikukumpara sa mga fighters. Kayang tumakbo ni Wan Dong at ng dalawa pa niyang kasama sa maximum speed na 60 m/s pero kalahating oras na silang tumatakbo ng tuluyan kaya ngayon ay kaya lang nilang abutin ang bilis na 40 m/s sa sobrang pagod! Napapabilis lang nila ang kanilang mga takbo sa tuwing nakakalapit na ang mga halimaw na humahabol sa kanila!

300 miles na ang tinatakbo ni Wan Dong at ng dalawa pa niyang kasama! Maiisip ng kahit sino kung gaano na sila kapagod sa mga oras na ito!

"Bilisan mo naman army!"

"Napakalapit na natin sa resupplying base pero bakit wala pa rin yung army!?" Nagsisimula nang mamanhid sa mga oras na ito ang mga binti nila Wan Dong at ng dalawa pa niyang kasama. Masyado nang pagod ang kanilang mga muscles dahil sa napakatagal nilang pagtakbo.

Pero napanatili naman ng kasabay nilang si Luo Feng ang bilis na 60 m/s habang dala-dala pa nito ang kanyang blade at shield. Pagod na pagod na sina Wan Dong at ang dalawa niyang kasamahan, pero marami pa ring stamina si Luo Feng!

Medyo may kalayuan na si Luo Feng sa paparating na rat tide kaya mabilis itong nakalayo sa mga ito.

"Huh?" Ilang saglit pa ay nakakita si Luo Feng ng isang napakalaking anino na kulay asul na lumilipad papalapit sa kanila. Noong una ay inakala niya na isa itong uri ng lumilipad na halimaw, pero noong makalapit na ito sa kanya, doon niya narealize na isa pala itong flat at bilog na military aircraft na hugis flying saucer!

Ginawa ng army ang karamihan sa mga military aircraft nito na hugis flying saucer dahil mas madali silang nakakaatake at nakakadepensa sa mga lumilipad na halimaw sa ere.

"Ang army!"

"Aircraft yan ng army!" sabik na sumigaw ang tatlong fighter na kanina pang hinahabol ng rat tide. Matapos nito ay ginamit na nila ang kanilang buong lakas upang makalayo sa mga humahabol na halimaw.

Si Luo Feng naman ay binagal ang kanyang takbo. Tumingala siya at pinanood ang military aircraft habang mabilis itong lumapit sa rat tide na humahabol sa kanila. Matapos nitong lumipad ng 100 meters ay nagsimula itong lumutang sa taas ng maladagat na rat tide. Kitang kita ng dalawang mata ni Luo Feng ang paglabas ng isang napakalaking cannon sa ilalim nito ilang sandali lang ang nakalilipas.

"RUMBLE~~~"

Isang walang katapusang apoy ang ibinuga ng cannon na iyon sa ilalim ng military aircraft na direktang bumalot sa rat tide na nasa ilalim nito. Ang init ng apoy nito ay nasa ilang libong degrees na naging sanhi ng pagkasunog ng mga natamaan nitong halimaw. Matapos nito ay agad na naghiwahiwalay at nagsitakbuhan sa iba't ibang direksyon ang mga nakaligtas na halimaw ng rat tide.

Masuwerte na ang mga ito kung tutuosin kaysa sa mga kasamahan nilang naabo ng buhay sa ilalim ng military aircraft. Ang isang bahagi ng rat tide ay tumakbo papunta sa isang abandonadong taniman sa gilid ng highway bago mawala nang tuluyan matapos maghukay papasok sa ilalim ng lupa.

"Kayong apat na fighters na nasa highway, isang grade 3 rat tide ang nabuo sa loob ng one thousand mile radius. Maaari kayong bumalik sa resupplying base. Hindi pa huli ang lahat para bumalik sa Forsaken Land matapos ibaba ang alerto ng rat tide," inutos ng isang boses mula sa military aircraft. Pagkatapos ng isang saglit ay mabilis itong lumipad palayo upang iligtas ang iba pang fighters na nasa bingit ng kamatayan.

Napalabas ng hininga sina Wan Dong at ang dalawa pa niyang kasama.

"Buhay pa rin tayo."

"Napakalapit na natin sa ating katapusan kanina." Pagod na pagod na ang tatlong ito sa kakatakbo.

"Luo Feng," hindi mapigilan ni Wan Dong na sumigaw, "May makakain ka ba diyan? Bigyan mo naman kami ng makakain dito! May tubig ka rin ba?"

Natawa si Luo Feng habang papalapit sa tatlong fighters. Ang Wan Dong na nasa harapan niya ay hindi katulad ng dati na nanlalamig at mahirap kausapin. Ang nasa harap niya ay pagod na pagod at tuwang tuwa matapos tumakbo ng 300 miles para lang makaligtas sa mala dagat na rat tide na humabol sa kanila kanina! Nagamit na nila halos lahat ng kanilang lakas dahil sa pagtakbong iyon. Agad namang naglabas si Luo Feng ng tatlong bola mula sa kanyang bag: "Mga high energy candies iyang mga bola na iyan, hmm, saka ito oh, isang malaking bote ng tubig."

Inabot ni Luo Feng ang mga ito at pagkatapos ay isa isa nilang nilunok ang mga high energy candy na binigay nito sa kanila. Mabilis din nilang naubos ang isang malaking bote ng tubig na pinaghatihatian nilang tatlo.

"Salamat talaga Luo Feng," nagpasalamat si Wan Dong kay Luo Feng mula sa kanyang puso, "Ipapakilala ko sa'yo yung mga kasama ko. Itong nasa tabi ko ay si Wang Ke at siya naman si Jiang Tu."

"Matagal ko nang naririnig ang pangalan mo Crazy," dagdag ng guwapong si Wang Ke habang tumatawa ito.

"Mas masarap ang lasa ng high energy candy na ibinigay mo sa akin kaysa sa mga mamahaling pagkaing natikman ko. Kanina lang ay gutom na gutom ako pero ngayon busog na ako," dagdag rin ni Jiang Tu na may mahabang balbas.

Nakipagkwentuhan si Luo Feng kina Wan Dong at sa dalawa niyang kasama habang naglalakad.

"Paano kayo nakaenkwentro ng rat tide na iyon? Isa raw iyong grade three rat tide sabi ng military aircraft kani-kanina lang." Nagsanay si Luo Feng sa isang city na malapit sa resupplying base kaya wala siyang pagkakataon na maengkwentro ng personal ang rat tide.

"Nakita ko na kung gaano talaga kalakas ang isang rat tide," hindi mapigilang sinabi ni Wan Dong, "Noong una ay nagpapahinga lang kami sa rooftop ng isang residential apartment sa isang country city nang biglang lumabas ang mala dagat na dami ng mga halimaw na ito sa iba't ibang bahagi ng city. Totoo ngang wala itong katapusan noong nakita namin! Sa sobrang takot namin ay gumamit kami ng mga steel wires para makatakas gamit ang mga rooftop at kahit na anong mangyari ay hinding hindi naming tinangkang bumaba sa kalye!"

Namangha si Luo Feng habang pinapakinggan ang kuwento nila Wan Dong dahil naiimagine niya ang eksenang pinagdaanan ng mga ito na kung saan ay bigla na lang naglabasan ang walang katapusang bilang ng mga daga sa iba't ibang bahagi ng city na pinuntahan nila.

"Mabuti na lang at nasa mabahay na parte kami ng country city ng mga oras na iyon kaya humanap agad kami ng isang eskinita na may pinakakaunting bilang ng halimaw at naglakas loob na tumakbo para mabuhay!"

"Pero noong nasa daan na kami pabalik ay nakaengkwentro ulit kami ng isa pang rat tide kaya wala kaming choice kundi maghiwalay at kanya kanyang tumakbo para mabuhay! Nakita namin sa aming mga likuran na naghiwalay rin ang rat tide na iyon para habulin kaming lahat! Masuwerte talaga kami na maliit na rat tide ang humahabol sa amin. Habang tumatakbo rin kami, nakita namin ni Wang Ke si Jiang Tu. Parehas lang rin ang naranasan niya."

Natawa na lang si Wan Dong habang nagbuntong-hininga, "Ano na kayang nangyari kay captain at sa iba ko pang mga kasamahan ngayon."

Ang tanging bagay na nararapat gawin ng isang fighter squad na hinahabol ng ganitong karaming halimaw sa isang lugar na maraming mga kalye at eskinita ay maghiwalay at tumakbo ng kanya kanya para maghiwalay din ang rat tide na humahabol sa kanila. Pero hindi nila dapat itong gawin sa isang highway dahil ang kahit na anong highway ay napapalibutan ng mga abandonadong sakahan at lupain sa paligid nito kaya ang kahit na sinong fighter ay mahihirapang tumakbo kung pipiliin nilang maghiwalay at tumakbo sa mga sakahang ito. Madali rin silang mahahabol ng mga dagang ito dahil angkop na angkop ang maliliit na mga paa nito sa pagtakbo sa mga malulupang parte ng Forsaken Land.

Kaya pipiliin ng kahit na sinong fighter na manatili sa highway kahit na anong mangyari dahil mas mataas ang tiyansa nilang makatakas dito.

���

Ilang sandali pa ay nakarating na silang apat sa fighter resupplying base. Sa mga oras na ito, napakaraming fighters ang nagkukumpulan malapit sa gate ng resupplying base.

"Alam kong hindi ka mamamatay Crazy!"

"Crazy, nakita mo ba sina Old Liu at yung iba niyang kasama sa #0231 country level city?"

Sinalubong ng bati at tanong si Luo Feng habang naglalakad siya sa loob ng resupplying base dahil isang napakaseryosong banta ng rat tide sa buhay ng kahit na sinong fighter. Mabuti na lang ay isa lang iyong 'grade three rat tide' kaya hindi ito masyadong naging mapanganib sa mga fighter sa loob ng Forsaken Land. Pero maaari itong maging isang malaking panganib maging sa buong Jiang-Nan headquarters kung isa itong grade one rat tide!

"Old Wang, nakarating na po ba sina captain at yung iba dito?" Nagsimula nang magtanong-tanong si Wan Dong sa mga fighters sa loob ng base.

"Di ko pa nakikita eh."

"Di pa sila nakakabalik, wala sila dito sa records."

...

Isa itong napakalungkot na araw sa buong resupplying base dahil may mangilan-ngilang fighter na nagbuwis ng buhay sa rat tide na iyon. Kabilang na rito ang isa sa mga tatlong wargod level fighters na pumasok sa Forsaken Land ngayong araw. Napalibutan siya ng walang katapusang rat tide at namatay.

Walang awang umatake ang rat tide at…. pinatay ang isang wargod!

Oo, isang wargod mula sa sangkatauhan ang namatay sa mga halimaw na iyon ngayong araw!

Hindi lang mga soldier level na rat type monsters ang bumubuo sa rat tide. Mayroon din silang kasama na commander level rat type monsters. Sadyang napakatalino ng mga leader ng rat tide dahil kaya nitong pumili ng isang napakagandang target na walang awang aatakihin ng buong rat tide na kanilang hawak! Narinig din ni Luo Feng na lumaban hanggang sa kanyang kamatayan ang wargod fighter na ito dahil nakapagpabagsak pa ito ng sampung skyscrapers na nakapatay sa milyon milyong mga rat type monsters na tinamaan nito.

Pero sa kasamaang palad ay walang wala ang milyon milyong namatay na rat monsters sa rat tide na ito na ang kabuohang bilang nila ay umaabot sa bilyon bilyon!

At dahil doon….

Ay namatay ang wargod na ito!

"RUMBLE~~~" ang buong base ay nabalot ng madilim na ulap habang hinahampas ng napakalakas na hangin. Kung minsan ay maririnig ang tunog ng mga kidlat, matapos ang isang napakalakas na tunog mula rito ay nagsimula ng bumuhos ang napakalakas na ulan.

Umupo si Luo Feng sa balkonahe sa rooftop ng tinutuluyan niyang villa sa loob ng resupplying base.

"Ayos lang po ako captain, masuwerte nga po ako at hindi ako napalibutan ng rat tide na iyon."

"Oo Kuya Chen, ayos lang po ako."

"Naririnig mo pa nga yung boses ko Kuya Tie. Siyempre naman po ayos lang ako."

Nakatanggap ng iilang mga tawag si Luo Feng dahil isang beses lang lumalabas ang ganitong kalaking rat tide sa isang buong henerasyon. Dahil dito ay nalaman agad ng lahat ng mga fighter sa Jiang-Nan City kung ano ang nangyari. Hindi maiiwasan ang pagkamatay ng mga fighters sa bawat kaso ng paglabas ng mga rat tide na ito o maging ang mas nakakatakot na 'ant tide'. Sa kasong ito palang ay nagbuwis na ng buhay ang isang napakalakas na wargod fighter, isa itong napakalaking kawalan sa buong Jiang-Nan City.

"Grade three rat tide pa lang iyon pero maraming fighters na ang napatay nito."

"Paano pa kaya kung atakihin tayo ng isang grade one rat tide?"

"O ang legendary war sa pagitan ng sangkatauhan at ng halimaw?"

Ang digmaan sa pagitan ng mga tao at halimaw ay isang giyera sa pagitan ng dalawang sibilisasyon, isang giyera sa pagitan ng dalawang lahi! Kapag nagsimula ang giyerang ito ay maglalabasan ang iba't ibang uri ng mga halimaw sa iba't ibang lugar na makikita sa Forsaken Land. Mapaground monsters man ito, flying type monsters, ang mga halimaw na lumalaban sa pamamagitan ng dami, mga halimaw na may hindi mapapantayang lakas, mga halimaw na nakatira sa ilalim ng lupa, mga nakalalasong halimaw, mga halimaw na umaatake sa ere at mga halimaw na umaatake sa pamamagitan ng sound wave...

Ang buong kalupaan at kalangitan ng Forsaken Land ay nababalot ng napakaraming halimaw. Bukod pa rito ang mga halimaw na nakatira sa ilalim ng lupa nito, maging ang mga halimaw na nakatira sa mga lawa sa labas ng mga city.

Isang maliit na bahagi lang nito ang napakalakas na rat tide at ang mas kinatatakutang pugad ng ant type monsters.

Ito ang pinakakinatatakutang digmaan sa lahat!

"Mortal na kaaway nating mga tao ang mga halimaw na nakatira sa Forsaken Land. Sa ngayon ay kinokontrol ng mga halimaw ang buong karagatan. Mayroon namang advantage ang sangkatauhan sa pakikipaglaban sa lupa pero nababalot din ng mga halimaw ang kalangitan sa ibabaw nito! Napipilitan ang mga tao na lumikas patungo sa mga headquarter cities para lang makaatake sa mga ito!" Hindi ito naisip ni Luo Feng noong una dahil lagi niya noong nararamdaman na palaging natatalo ang mga halimaw sa tuwing makikipaglaban ito sa mga fighters, pero ngayon ay naintindihan na niya na…..

May kakayanan ang mga halimaw na ubusin ang lahi ng sangkatauhan sa buong mundo.

At kung mangyayari ito, ano pa ang saysay ng kahit na anong bagay tungkol sa pamilya, kultura, o maging ang moralidad?

"Hindi pa sapat ang lakas ko ngayon. Hindi pa ito malapit sa lebel na kung saan sapat na," tumingin si Luo Feng sa walang hanggang kalangitan sa kaniang taas at lupa ng mundong kanilang tinitirhan.

BOOM!

KA!

Gumuhit ang kidlat mula sa kalangitan na sinundan ng nakabibinging tunog mula rito.

"Isang kidlat…." Tiningnan ni Luo Feng ang kidlat na iyon na gumuhit mula sa kalangitan malayo sa kanya nang biglang nakahanap ito ng panghahawakan ito sa kanyang puso.