63 Ang Madugong Pagsasanay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos niyang magtanghalian ay isinuot na niya ang kanyang battle uniform, dinala ang kanyang blade at shield sa kanyang likuran at inilagay ang kanyang dalawang 9th series at walong 6th series na throwing knives sa kanyang mga bulsa sa binti. Matapos nito ay umalis na siya sa resupplying base.

Napakadilim na araw ngayon.

"Pero sariwa naman ang hangin na malalanghap mo," Tumungo si Luo Feng papunta sa Forsaken Land ng hindi binubunot ang kanyang blade na kanyang dala-dala sa likuran. Ang bahagi ng Forsaken Land na iyon ay mukhang taniman ng dating panahon. Pero napuno na ito ng mga damo nitong mga nakaraang dekada matapos ang Grand Nirvana Period. Naghanap si Luo Feng ng daanan na puro maiiksing damo at nagpatuloy sa kanyang paglalakbay.

Matapos makalampas doon at maglakad ng kalahating oras sa luma at abandonadong highway ay nakarating na rin siya sa #0231 country level city.

"PU!"

Pinutol ni Luo Feng ang buntot mula sa isang lion mastiff at kinuha ang tendon sa loob nito at inilagay sa dala niyang bag. Nakapatay na si Luo Feng ng isang dosenang soldier level na halimaw habang papunta pa lang siya sa country level city mula sa pinanggalingan niyang resupplying base na may layong 100 miles.

"Libreng training araw-araw na kung saan kumikita pa ako. Saan ka pa makakakita ng mas magandang sitwasyon kaysa rito?" ngumiti si Luo Feng habang nagpapatuloy siya sa paglalakad sa isang sira-sirang residential sector. Mayroon siyang nakita na mangilan-ngilang halimaw na nagtatago sa paligid ng abandonadong sector na iyon. Inangat ni Luo Feng ang kanyang ulo at nakita niya ang isang anino galing sa isang halimaw sa 3rd floor ng isang residential apartment sa harapan niya.

"Ngayon ay sisimulan ko na ang aking pagsasanay!"

Mabangis na tumapak si Luo Feng sa ibabaw ng isang sementadong sahig na nakapagpabiyak dito at lumipad papunta sa balkonahe ng 3rd floor na para bang bala mula sa isang cannon.

Simula na ng mga madudugong araw!

…..

Ang karamihan sa mga halimaw na nakatira sa loob ng city na iyon ay naubos sa loob ng ilang araw matapos simulan ni Luo Feng ang kanyang pagsasanay sa loob ng #0231 country level city na ito. Hindi gaya ng ibang mga fighters, makikipaglaban muna sandali si Luo Feng sa mga ito para masanay ang kanyang mga techniques bago niya ito patayin! Sa bawat gabing bumalik siya sa resupplying base ay dala-dala niya ang isang bag na punong-puno ng mga materials mula sa mga halimaw na napapatay niya sa pinanggalingan niyang city.

Maging si Wang Wei ng resupplying base ay namangha sa ipinakitang efficiency sa panghuhuli ng mga halimaw ni Luo Feng.

Ikatlong araw ng pagsasanay ni Luo Feng.

"Hm, mukhang nakapatay ka ng 198 na halimaw ngayon ah, mas kaunti ng isang dosena kaysa kahapon. At ang karamihan sa mga ito ay mga high level soldier na halimaw. Bibigyan kita ng presyo Luo Feng, 1.5 million, ano sa tingin mo?"

Ikapitong araw ng pagsasanay ni Luo Feng.

"Grabe, nababaliw ka na ata Luo Feng. Nakapatay ka pa ng 210 na halimaw ngayon? Bibigyan kita ng presyong 1.6 million para sa lahat ng iyan! Hindi naman tayo nakikipagtrade lang ng isang beses o dalawang beses sa isang araw, kaya sasabihin ko sa iyo ngayon kapatid na hindi ganoon kadali pumatay ng mga soldier level na halimaw! Ang marami sa kanila ay gumagawa ng mga malalaking grupo kaya hindi ka magtatagumpay sa bawat oras. Huwag mong hahayaan na mapalibutan ka ng mga iyan."

Ikalabing-anim na araw ng pangsasanay ni Luo Feng.

"Crazy*, 182 na halimaw, mukhang nasa average lang ang napatay mo ngayon tama ba? Pero napakaganda ng kalidad ng mga materyales na ito kung tutuosin at mayroon pang mga snake type monsters! Hm, bibigyan kita ng 1.5 million para sa lahat ng ito."

*Note mula sa TL: Ang ibig sabihin ng crazy na ito ay ang nickname ni Luo Feng kung hindi niyo pa nakakalimutan.

Ikadalawampu't isang araw ng pagsasanay ni Luo Feng.

"Sabihin mo nga sa akin Crazy kung nakahanap ka ba talaga ng isang lugar kung saan hindi sama-samang kumilos ang mga halimaw? Na sa tuwing may napapatay ka ay may isa na namang panibagong halimaw na lalabas para kalabanin ka?"

...

Hindi ganoon kalaki ang fighter resupplying base kaya napakaimposible na magtago ka ng mga sikreto sa mga tao rito. Mabilis na kumalat ang mga bagay tungkol kay Luo Feng sa loob ng resupplying base. Ito ay tungkol sa isang nababaliw na fighter na pumapatay ng mga soldier level na mga halimaw araw-araw para sa pera! At gumagamit ng quantity kaysa sa quality. Ang isang low commander level na halimaw ay nagkakahalaga ng 10 million, pero madali mo itong mapapantayan sa pagpatay ng 1000 na high soldier level na halimaw.

Pero---

Mas mahirap ang pagpatay ng 1000 na high soldier level na halimaw kaysa sa pagpatay sa isang low level commander!

Ang karamihan sa mga soldier level na halimaw ay gumagalaw ng sama-sama kaya napakadalang na makakita ka ng isa sa mga ito na gumagala ng mag-isa.

"Gigil na gigil na pumapatay ng mga soldier level na halimaw ang nababaliw na fighter na si Luo Feng na iyon. Pero paano niya iyon nagagawa? Paano siya nakakapatay ng ganoon karaming soldier level na halimaw sa loob lang ng isang araw?"

"Malay ko. Sino bang magtatangka pang sabihin iyon kung mayroon mang nakakaalam ng sikreto niya hindi ba? Pero narinig ko na kumikita raw siya ng humigit kumulang isang milyon hanggang kulang kulang dalawang milyon araw-araw. Kung magpapatuloy ito ay sigurado akong kikita siya ng 50 to 60 million sa isang buwan! 500 to 600 million iyon sa isang taon! Hindi nalalayo sa kinikita ng mga malalakas na warlord level fighters."

"Ang pagpatay ng mga halimaw araw-araw sa loob ng isang taon na binubuo ng 365 days? Walang kahit sinong tao ang makakatiis doon."

"Hindi mo ba alam na ginagawa na ito ni Crazy ng isang buwan."

Pinaguusapan ito ng halos lahat ng mga fighter sa loob ng resupplying base.

Hinahangaan siya ng mga regular na warrior level fighters. Dahil hindi kaya ng mga ito na kumita ng pera ng ganitong kadali. Maging ang mga advanced warriors na sina Zhang Ze Hu at ang Wei Jia brothers ay kumikita lang ng 50 to 60 million sa loob ng isang taon. Maganda na rin para sa isang beginner at intermediate warrior fighters na kumita ng 10 million sa isang taon. Pero si Luo Feng na kanilang hinahangaan ay kumikita ng 50 to 60 million sa loob lang ng isang buwan!

Nababaliw na nga siya!

Siyempre hindi naman gaanong namangha ang mga warlord fighters dito. Dahil hindi nila pinagaaksayahan ng oras ang mga bagay na kagaya nito.

Ang mga malalakas naman na mga wargod fighters na paminsan-minsang pumapasok sa resupplying base ay magbubuntong-hininga na lang at sasabihing, "Medyo nawawala na ata sa sarili ang batang iyon. Interesting talaga."

���

11/29/2056, madilim ang kalangitan at may napakalakas na hangin.

Makikita sa unang palapag ng isa sa iilang mga abandonadong city market ang pag-ungol at paghabol ng sampung horned boars sa isang binata. Nayanig ang buong city sa mga pag-ungol na iyon at ang ilang kulungan ay nawasak sa sobrang lakas na pagtama ng hangin dito. Galit na galit na umatake ang mga horned boars sa city market na iyon!

May hawak ang binatang iyon na isang hexagonal shield at isang ghost blade sa magkabilang kamay. Lumundag-lundag siya sa iba't ibang direksyon na parang isang paruparo na naglikha ng mga afterimages sa mga nakakakita rito.

Sa isang salita, maliksi!

"Attack!"

Biglang ginalaw ng kaninang umiilag na si Luo Feng ang blade sa kanyang kamay. sa loob lang ng isang saglit ay maririnig ang mga tunog na parang galing sa isang kidlat. Oh, walang duda na sinabi nga nila na kapag naabot na ng iyong blade ang isang level ay lilikha ng ganitong tunog ang hangin sa paligid nito. Gumuhit ang blade sa leeg ng bawat horned boar ng may hindi mapapantayang accuracy. Lalo pa itong naging kamangha-mangha noong samahan pa niya ito ng footwork!

Kahit na may napakaraming horned boars na humahabol sa kanya, isa hanggang dalawa lang sa mga ito ang kayang umatake kay Luo Feng ng sabay.

At sa bawat oras na makapatay siya ng isa hanggang dalawa ay nagagamit ni Luo Feng ang bangkay ng mga halimaw na ito para makakita ng opening at makaiwas sa pagtama sa kanya ng grupo ng mga halimaw na humahabol sa kanya. Maging ang karamihan sa mga warlord fighters ay hindi kayang ihandle ang kanilang paligid ng ganitong kaaccurate.

"PU!"

Tumalsik ang sariwang dugo mula sa horned boar na iyon na para bang isang fountain. At isang sandali pa ang makalilipas ay makikita ang pagkamatay ng ilang dosenang mga horned boars na sumusugod sa kanya maging ang pagtakas ng sampu sa mga ito matapos makita ang pagkamatay ng kanilang mga kasama.

"Hindi ito maganda. Kung hindi ito isang high level soldier, hindi ako kikita sa mga ito," pinili ni Luo Feng ang 19 na high level soldiers sa lahat ng mga bangkay ng napatay niyang horned boars. Pinutol niya ang mga sungay nito at inilagay sa kanyang dala-dalang bag, "Ang sungay ng isang high level soldier ay nagkakahalaga ng 8,000 dollars kung ibebenta ko ito sa underground alliance".

Maliban sa mga ito ay wala nang pakialam si Luo Feng sa bangkay ng napatay niyang mga horned boars.

Pero hindi talaga kinokolekta ni Luo Feng ang lahat ng mga sungay mula sa mga horned boars na napapatay niya. Dahil bukod sa mabigat ang mga ito, mabebenta mo lang ang bawat isa nito sa mababang halaga. Kaya 75% lang sa mga halimaw na napapatay niya ang kinukuhanan niya ng mga materyales. Ang totoong bilang talaga ng mga napapatay niyang halimaw araw-araw ay umaabot sa 300.

Wala rin siyang magagawa dahil sino ba namang nagpataas ng reproduction rate ng mga boar type at dog type na halimaw.

Matapos lumabas sa duguang city, umakyat si Luo Feng sa rooftop ng isang pangkaraniwang six story residential apartment para magpahinga.

"Matapos kong magsanay ng 50 days, ang technique ko ay malapit nang makatungtong sa 'Ru Wei class'." Hindi ginagamit ni Luo Feng ang lahat ng pagsasanay niyang iyon para lang pumatay. Dahil sa bawat oras na makakaengkwentro siya ng grupo ng mga halimaw ay sumasailalim muna siya sa kanyang technique training bago niya patayin ang mga ito.

Ang paraang ito ang nakapagpataas ng husto ng efficiency ni Luo Feng.

Siyempre… nalagay pa rin sa alanganin si Luo Feng ng 20 pataas na beses sa 50 days training niyang ito. Dahil nakakakuha ng atensyon ang ungol ng mga halimaw na napapatay niya sa mga halimaw na nagpapahinga malapit dito. At sa tuwing makakaharap siya ng daan-daan hanggang lampas isang libong galit na galit na halimaw, wala nang ibang magawa si Luo Feng kundi tumakas gamit ang kanyang spiritual force sa sobrang panic!

Pwede nating sabihin na namatay na siguro si Luo Feng ng 20 times kung wala siyang spiritual force na tanglay!

Pero kung hindi dahil sa kanyang spiritual force ay hindi niya magagawa ang halos imposibleng training method na ito. Dahil napapalibutan siya ng napakaraming halimaw ng higit walong oras sa isang araw! Ang epekto ng training ni Luo Feng sa bawat araw ay katumbas ng isang buwan na training ng isang fighter sa loob ng Forsaken Land. At ang isang pangkaraniwang fighter ay pumapasok lang sa Forsaken Land ng iilang beses sa loob ng isang taon.

Sa 50 days ng training niyang ito na sinamahan ng Liu Guang technique mula sa Nine Stage Thunder Blade ay malapit ng maabot ni Luo Feng ang 'Ru Wei class'.

"Tumutuntong na ang technique ko sa Ru Wei class."

"Pero ang blade ko ay nasa unang stage pa lang ng Thunder Blade," patuloy na sinusubukan ni Luo Feng na gawin ang second stage ng Thunder Blade pero hindi niya ito magawa! Pero sino bang makapagsasabi kung gaano kataas ang kontrol ni Luo Feng sa kanyang lakas. Alam natin na…..

Nakapatay si Luo Feng ng higit 10,000 na halimaw sa loob lang ng 50 days!

10,000 na halimaw. Ang karamihan sa mga fighters ay hindi kayang makapatay ng ganitong karaming halimaw sa kanilang buhay. Ang napakaraming bilang na ito ay naabot lang dahil sa napakalinis, precise at napakatalim na blade technique ni Luo Feng!

Ang pinakamalaking bagay na nakuha ni Luo Feng sa 50 days na training niyang ito ay experience. Ang experience ng pakikipaglaban sa gitna ng buhay at kamatayan, ang pagiging kalmado sa lahat ng oras at ang paggawa ng mga tamang desisyon! Ngayon ay kaya na niyang maging kalmado sa paghanap ng isang magandang pagkakataon para umatake sa gitna ng laban! Ang lahat ng fighter sa Ru Wei class ay may ganitong abilidad.

"Alas singko na pala ng hapon. Oras na para bumalik."

Tiningnan ni Luo Feng ang kanyang tactical communications watch at direktang tumalon sa rooftop ng apartment na iyon habang dala-dala ang kanyang backpack na puno ng mga materyales sa kanyang likuran...

Ilang sandali pa ang nakalilipas.

Maganda ang mood ni Luo Feng habang naglalakad sa highway pabalik sa resupplying base nang biglang makaramdam ito ng kaunting pagyanig sa lupa at hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na mapalingon sa pinanggalingan ng pagyanig na iyon. Ang kanyang nakita ay tatlong anino na nagpapanic habang mabilis na tumatakbo sa highway. Minsan ay tumatakbo sila at minsan naman ay tumatalon sila ng may layong 10 metro. Napakabilis ng mga aninong ito!

"Hindi ba ang nauuna sa mga tumatakbong iyon ay si…. Wan Dong?"

Sa isang tingin lang ay nakilala ni Luo Feng ang isa sa mga tumatakbo sa highway. Ito ay si Wan Dong; ang fighter na pumapantay sa kanyang body fitness level noong fighter combat exam!

At nakita niya sa likod nila ang napakaraming halimaw. Ang bawat isa sa mga ito ay may sukat lang ng 30cm na kasinglaki ng palad ng isang tao. Pero ang mga maliliit na mga halimaw na ito ay bumuo ng isang dagat ng halimaw kaya ang nagawa na lang ni Wan Dong at ng dalawa pa niyang kasama ay bitawan ang kanilang mga sandata at iba pang mga gamit at tumakbo para sa kanilang kaligtasan!

"Rat tide?" gulat na gulat na tanong ni Luo Feng. Maging ang isang wargod level fighter ay walang pag-asang makaligtas kapag napalibutan na siya ng walang hangganang rat tide na kilala rin sa pangalang rat disaster.

avataravatar
Next chapter