65 Ang Kanyang Pagkahubog

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"BOOM! CRACKLE!"

Sunod sunod na kidlat ang makikitang gumuguhit mula sa kalangitan. Minsan nga ay makikita na may dalawang kidlat na para bang ahas kung tumama sa isa't isa para makabuo ng isang malaking lightning bolt. Maging ang isang horde leader na halimaw ay hindi gustong matamaan ng isang lightning bolt dahil alam nila na kaya silang pulbusin sa loob lang ng isang saglit.

"Napakabangis! Napakatindi!"

"Winawasak ng kidlat ang anumang bagay na tamaan nito!"

Umupo si Luo Feng sa balkonahe ng rooftop habang nanonood ng mga kidlat at nagsasalita mag-isa.

Dahil sa kanyang pagsasanay nitong mga nakaraang araw ay bahagyang nakatungtong na ang kanyang technique sa 'Ru Wei class' sa wakas. Habang sa kanyang blade technique naman ay nakayanan na ni Luo Feng na kontrolin ang lakas ng kanyang blade. Mas mataas na rin ng husto ang kanyang kontrol sa blade kung ikukumpara sa Wei Jia brothers matapos makapatay ng 10,000 na bilang ng halimaw na sinamahan pa ng kontrol na kinakailangan ng Nine Stage Thunder Blade.

Pero….

Hindi pa rin nagagawang makumpleto ni Luo Feng ang ikawalang stage ng Nine Stage Thunder Blade. Matagal na niyang gustong makumpleto ang ikalawang stage nito pero hindi niya pa rin ito magawa sa ngayon. Alam naman natin kung gaano kalakas ang hatid ng bawat stage sa instruction manual na ito. Ang unang stage pa lamang nito ay nagbibigay na ng 140% ng kabuohang lakas ng iyong katawan, pero ang ikalawang stage nito ay nagbibigay ng 210% ng iyong kabuohang lakas. Kung titingnan natin ay halos kalahati ang itinaas nito mula sa unang stage.

Sa madaling salita, ang isang advanced level warrior na makakumpleto ng ikalawang stage ay kayang maglabas ng lakas na pumapantay sa isang beginner level warlord fighter!

At ang hindi kapanipaniwalang ninth stage ng Nine Stage Thunder Blade ay may kayang maglabas ng 700% ng iyong lakas. Pitong beses itong mas malakas kaysa sa orihinal na lakas ng iyong buong katawan!

Ang isang advanced warrior ay kayang makapagpakita ng lakas ng isang beginner level warlord sa huling stage nito! Ito ang tunay na lakas ng Nine Stage Thunder Blade. Pero ang nag-iisang tao na nakakagawa sa ngayon ng lahat ng siyam na stages na ito sa buong mundo ay walang iba kundi ang fighter na gumawa nito na si Thunder God.

"Oo, parang ganito..."

Pinanood ni Luo Feng, na palaging sinasanay ang kanyang blade technique, ang pagtama ng mga kidlat sa kanyang harapan. Habang nanonood siya, nagkaroon siya ng inspirasyon. Matapos ang ilang segundo ay agad siyang bumaba sa 2nd floor para kunin ang kanyang Ghost Blade at bumalik sa rooftop para magsanay sa ilalim ng malakas na ulan!

Ilang sandali pa ay pahina na ng pahina ang mga kidlat sa paligid ng base.

"Ayon sa paliwanag sa instruction manual, ang bawat blade master ay mayroong kanya kanyang mga iba't ibang pananaw. At ayon din dito ay kinakailangan mong itaas ang limits ng iyong blade technique para magawa ang mga kasunod na stages ng Nine Stage Thunder Blade."

"Ang nakamamatay na kidlat na ito…."

Sinimulan na ni Luo Feng ang kanyang pagsasanay sa paulit ulit na pagswing ng kanyang blade sa ilalim ng malakas na ulan!

XIU!

Hindi gaya noong dati ay sinusubukan pa niyang hawakan ng maigi ang nararamdaman niya sa kanyang puso habang nagsasanay. Ang bagay na naramdaman niya habang pinapanood ang pagtama ng mga kidlat. Ang napakabilis at napakalakas na pakiramdam na parang ikasasabog na ng kaniyang dibdib. Patuloy na gumuhit ng isang ilaw ang kanyang Ghost Blade habang nagpapatuloy si Luo Feng sa kanyang pagsasanay.

"Labas, labas, lumabas ka na!" Nagpatuloy si Luo Feng sa pagsunod sa kanyang nararamdaman na gustong gusto nang maglabas ng isa pang force mula sa kanyang katawan.

"Ganito dapat iyon pero bakit hindi ko pa rin magawa ang pangalawang stage habang walang kahirap-hirap ko nang nagagawa ang first stage ng scroll na ito?"

…..

Malakas pa ring bumubuhos ang ulan pero nilamon na si Luo Feng sa mundo ng kanyang Ghost Blade kaya hindi na niya ito nagawang mapansin pa. At noong kinagabihan ay hindi sumailalim si Luo Feng sa kahit anong genetic energy training. Nagpatuloy lang siya sa pagsubok na gawin ang ikalawang stage ng Nine Stage Thunder Blade. Pero matapos ang ilang oras ng pagsasanay ay tuluyan ng napagod ang buong katawan nito.

Pero hindi nito napatigil ang pursigidong si Luo Feng. Kaya titigil muna siya ng ilang sandali bago siya nagpatuloy sa pagswing.

...

Ang pagsikat ng araw ng kinabukasan ay makikita sa silangan ng base, makikita rin ang liwanag mula sa papasikat nang araw. Matagal nang tumigil ang pag-ulan at ramdam na ramdam pa rin sa buong base ang lamig mula sa winter pero hindi ito pinansin ng basang basa na si Luo Feng nang umupo siya sa balkonahe ng villa habang yakap yakap ang kanyang blade. Nakasimangot nitong sinabi sa sarili niya na "Ano pa ba ang kulang sa akin?"

Alam ni Luo Feng sa kanyang sarili na malapit na niyang magawa ang ikalawang stage ng Nine Stage Thunder Blade. Maging ang kanyang katawan ay nagsisimula na sa paglabas ng ikalawang force para magawa niya ito pero kahit na anong gawin niya ay kinakapos siya palagi sa bawat oras na subukan niya itong gawin!

Kinakapos ng kaunting kaunti.

"DRIP!"

Isang patak ng ulan ang bumagsak mula sa balkonahe ng rooftop. Ang kalmadong tubig na naipon sa ilalim nito ay biglang lumikha ng maliliit na alon sa lahat ng direksyon nang bumagsak ang tumulong patak ng ulan dito.

"Huh?" Nakaramdam si Luo Feng ng espesyal na feeling sa loob ng kanyang puso.

Isang ideya ang agad na lumabas mula sa kanyang isipan. Ang eksenang nakita niya kani-kanina lang na may kinalaman sa mga malalaking kidlat... ay sadyang napakatalim!

Pero ang mga maliliit na along nilikha ng patak ng ulan na ito ay napakakalmado.

"Hindi pala ganoon dapat katagal!"

"May limitasyon rin ang iyong fitness level. Sa ikasiyam na stage ng Nine Stage Thunder Blade ay makakayanan mong maglabas ng isang atakeng mas malakas ng pitong beses kaysa sa orihinal mong lakas. Pero kung patatagalin mo ito ay hindi ito kakayanin ng iyong katawan!" Sabik na sabik na tumayo si Luo Feng habang hawak hawak ang kanyang blade at ilang sandali pa ay nagsimula na siya sa pagswing ng kaniyang blade sa kaniyang harapan. Mabilis naman itong gumuhit sa kaniyang harapan.

Pero, nagdagdag pa siya ng pangalawang force! At isa pang force! Sunod sunod ang kanyang pagdagdag!

Mabilis na humiwa ang blade na kanyang hawak hawak sa ere!

"RUMBLE~" isang tunog ang maririnig mula sa blade na mabilis niyang sinwing.

Lumaki ng kaunti ang kanang braso ni Luo Feng ng ilang saglit, mapapansin ng kahit na sinong tao na mas malaki ito kaysa sa kaliwa niyang braso.

"Parang ganyan lang," sinukbit ni Luo Feng ang kanyang blade habang nakangiti siya ng todong todo. Kung ikukumpara sa mga maliliit na alon sa kalmadong tubig, natural na kinonekta ng kanyang mga muscles ang dalawang forces. Kahanga-hangang bumilis na parang isang kidlat dahil sa dalawang forces na ito ang kanyang Ghost Blade!

Sa wakas ay nagawa na rin niya ang ikalawang stage ng Nine Stage Thunder Blade!

At dahil sa kanyang blade technique ay naabot na ni Luo Feng ang lakas ng isang low level warlord. Pero hindi na siya kayang tapatan ng mga low level warlord na ito kung isasama pa natin ang kanyang Ru-Wei class technique.

����

Sa sobrang tuwa ni Luo Feng ay tumakbo ito ng mabilis pababa sa hagdanan at agad na umorder ng almusal gamit ang telepono sa villa. Ilang sandali pa matapos niyang mabilis na ubusin ang kaniyang almusal ay agad naman siyang naghanda para sumailalim sa kanyang genetic energy training.

"Mukhang may pagkakamali pa."

"Lumakas nga ang aking blade pero lakas ang meron nito," napailing si Luo Feng at agad niyang kinuha ulit ang kanyang ghost blade, "Kayang kaya ko nang kontrolin kung kailan ko dapat ilabas ang dalawang magkasunod na forces kaya mas mahirap na para sa kalaban ko na malaman kung kailan ko ilalabas yung dalawang forces na iyon."

Nagsimula muli si Luo Feng sa pagsuswing ng kanyang blade sa loob ng training hall.

Dahil dalawang beses na siyang naglalabas ng kanyang force ay kaya na ring magbago ang blade ni Luo Feng ng dalawang beses. Ito ang isa sa mga malalaking pinagkaiba ng isang fighter na nagsasanay sa Nine Stage Thunder Blade at ng isang regular na fighter.

"HU~HU~" Naging kakaiba ang galaw ng blade ni Luo Feng habang siya ay nagsasanay.

Pero nagpatuloy pa rin siya sa pagswing nito ng paulit-ulit!

Paulit-ulit ding lumalabas sa kaniyang isipan ang itsura ng mga lightning bolts na halos sunud-sunod na tumatama sa lupa kasama ng nakita niya na patak ng tubig na lumikha ng maliliit na alon sa paligid nito. Ito ang pakiramdam na matagal na niyang hinahanap noon pa lang! Kailangan niya lang pala maghanap ng isang blade technique para sa kanyang sarili! Nagbigay lang ang Nine Stage Thunder Blade sa kanya ng paraan para ipalakas ang kanyang force.

Kinakailangan lang ni Luo Feng na maranasan at mahanap ang isang blade technique na bagay sa kanya.

At kailangan niya ring gumawa ng technique para kayanin ng kanyang katawan na hawakan ang force ng Nine Stage Thunder Blade ng walang problema.

...

Hindi naramadaman ni Luo Feng ang matinding pagod na dinaranas ng kanyang mga muscles dahil sa sobrang pagkasabik niya sa paglikha ng kaniyang technique. Habang siniswing niya ang kanyang blade ay lalo itong nagiging mas nakakaiba sa paghiwa. Kung minsan pa nga ay gumagawa pa ito ng mahihinang shockwaves galing sa mga dalawang mahihinang vibrations na resulta ng paghiwa nito sa hangin.

Hindi na alam ni Luo Feng sa mga oras na ito kung gaano na siya katagal na nagsasanay…..

"XIU!"

Patuloy na gumawa ang blade niyang ito ng isang ilaw na parang kidlat at hamog. Mayroon din itong aura na maihahalintulad sa nararamdaman ng isang taong nawawalan ng malay. Pero sa loob lang ng isang saglit ay ang blade, na parang kidlat, ay nawala.

"Iyan ang hinahanap ko!" Sa wakas ay nagkaroon na ng ngiti sa kanyang mga labi si Luo Feng. Mas narelax na ang kaniyang mga muscles sa tuwing isuswing niya ang kaniyang blade dahil mabilis itong bumabalik sa relaxed state matapos gumawa ng isang atake. Ang pagpapalit-palit sa dalawang state na ito ay makakatulong kay Luo Feng na tumagal pa lalo sa isang labanan.

"Ayon sa instruction manual ay nakuha ko na sa wakas ang basic part at nagsimula na ako sa pagsasapuso ng technique kong ito. Pero bahagyang nakatungtong lang ako sa lebel nito," masaya itong sinabi ni Luo Feng sa kanyang sarili.

Ano kayang itatawag ko sa aking technique?

"Dahil nakuha ko ang inspirasyon ng technique na ito sa panonood ng mga kidlat ay dapat lang na tawagin ko ito na…."

"Thunderbolt!"

Sa wakas ay nagkaroon na si Luo Feng ng sarili niyang technique.

"Kahit na kagagawa ko lang ng bagong blade technique ko na ito na tinatawag kong Thunderbolt ay patuloy ko naman itong sasanayin at palalakasin sa susunod," tahimik na sinabi ni Luo Feng sa kanyang sarili. Matapos nito ay yumuko siya para tingnan ang kanyang tactical communications watch. Nang makita niya na alas dos na pala ng hapon ay narealize niya na ginawa niya ang kanyang bagong blade technique sa loob ng halos isang araw o 20 hours kung bibilangin natin ito sa oras.

"Sa loob lang ng ilang araw ay magsasama ulit ang mga miyembro ng Fire Hammer Squad. Nagimprove ang technique at blade technique ko kaya babalik na muna ako para magpahinga ng ilang araw." Napakasaya ng mood ni Luo Feng sa mga oras na iyon. At matapos niyang mananghalian ay dinala na niya ang kanyang mga gamit at sumakay ng tren pabalik sa Jiang-Nan City mula sa resupplying base.

Ang pagsasanay niya ng 50 na araw at ang pagpatay sa 10,000 na halimaw ang nagbigay-daan sa kamangha-manghang improvement ng kanyang technique at blade technique.

At maging ang ginawa niyang blade technique na tinawag niyang 'Thunderbolt' ay nagawa niya ngayong araw lang.

Kahit na napakasimple at mukhang ordinaryo ang technique na ito ay ginawa niya ito sa edad na 18 years old. Walang sinuman ang makapagsasabi kung anong lebel ang maaabot ng kanyang blade technique na tinatawag niyang 'Thunderbolt.'

avataravatar
Next chapter