webnovel

PAANO MAGING TAO? (mga aral, leksyon, biro at sekreto ng buhay)

May isang dakilang nilalang ang sumagip sa'kin sa tiyak na kamatayan!.. Marahil utang ko sa kanya ang lahat-lahat!.. Magmula sa paghihirap hanggang sa kaginhawaan na muli n'ya sa'king pinaranas... "HINDI KO ALAM at KUNG PAPAANO!!??", na ang dati ng patay ay muli pang nabuhay. Isang malaking palaisipan o sabihin man nati'y maging isang "MISYON" man na gumugulo sa magulo kong isipan. O, sadyang "MASAMANG DAMO LANG!". ITO ANG AKING KWENTO, LASAPIN N'YO. At tulungan n'yo akong hanapin iyon... [ANG DAKILANG LUMIGTAS SA AKIN SA TIYAK NA KAMATAYAN]

Axl_Carbonell · Politique et sciences sociales
Pas assez d’évaluations
71 Chs

ANG AMING HENERASYON!

*ANG AKING MGA KABABATA*

Kasabay ng paglipas ng panahon, ang mga bata naman sa'min ay dahan-dahan ding sumisibol at namumulat sa lugar na iyon. Hindi lang ako, maging sa mga kababata ko ay punong-punong rin sila ng mga alaala sa Labas-Bakod maging matamis man o mapait. Ang mga bata noon na kasabay kong namulat at nagkaisip sa lugar na iyon. Ang mga pinagsamahan naming mga hirap at saya. Ang mga masasayang alaala ay namumutawi noon sa kalangitaan. Ang bawat pagtangis at pagluha din ay umaabot din sa kabilang ibayo.

Bilang bata noon, masasabi kong naging makabuluhan noon ang aming buhay kabataan sa Labas-Bakod. Busog na busog kami sa bawat sayang hatid ng umaga, tanghali, hapon maging gabi pa man. Ang mga tawanan namin, kasiglahan, kasabikan at ang pagiging bata ay gumuguhit sa bawat sulok ng lugar na iyon. Narito ang aking mga kababata at mga naging mga kabataan pa na mga sumunod naman samin. Ito ang aming henerasyon na nagbigay buhay din sa Labas-Bakod noon.

"Mga "PANGALAN" at mga naging "BANSAG" ng mga kababata ko o mga kalaro noon. At ang aming mga pisikal at kakatwang mga katangian bilang mga bata."

ANDY GIB/Erwin/Mandy: The builder, Mason, Karpintero. Isa sa masipag na taga gawa ng aming mga kubo at balsa noon. Madali din s'yang yayain gamit ang kanya noong bisekleta. Mabait di s'ya ngunit huwag mo lang aasarin dahil nagiging "Super Saiyan 😖" s'ya at tiyak may paglalagyan ka kapag s'ya ang makaaway mo. S'ya noon ang isa sa pinakamatngkad sa'min ngunit may payat na pangangatawan.🚲🔨 Naging "Center" din sa basketball.👍

RAFFY/Nunong/Palaka: Pwedeng leader, Matapang, Magaling sa suntukan, Mabilis tumakbo, Magaling din makisama. Masipag din sa paggawa ng mga kubo at balsa. Magaling lumangoy at sumisid. Asintado rin sa tirador. Magaling din sa kapaan ng mga isda. Lagi din s'ya noong may mga kasamang mga alagad. Takbuhan din ng mga inaapi lalo na sa eskwelahan. Madali din tawagin. Noong grade one or grade two kami, pinaupakan ko sa kanya si Marlon na kaklase ko sa labas ng St. Mary. Sabay takbo kami ng umiyak si Marlon. 🤣 Niyayabangan n'ya kasi ako noon kaya tinawag ko si Raffy at aming inabangan sa uwian. Pinag-away ko din sila noon ni Dennis Roldan ngunit hindi ito natuloy. Nang lumaon, naging magkaibigan din sila ni Dennis. Ang naging kahinaan noon ni Raffy ay naging matatakutin sa mga maligno lalo na sa mga multo. 👻 Nagkaroon din s'ya ng malaking takot o "Phobia" sa mga PALAKA. 🤣 Naging panakot namin sa kanya noon ang palaka. Sakto lang naman sa basketball.

NESTOR/Buboy Pading: Negosyante, Madiskarte sa pagkakaperahan, Magaling din umakyat ng puno. Bihira lang din s'ya namin noon nakakasama noong maliliit pa kami o noong mga early years namin. Makatuwiran o maprinsipyo sa mga may edad sa'min na nangbubully. Matapang din at magaling din sa suntukan. Ngunit ang naging kahinaan n'ya noon ang pagiging mainitin ng ulo o may pagkapikon minsan. 🤣 Naging palaban din noon. Madalas s'ya dating ipagsabong sa ibang mga bata nila Bugoy, Tatang, Joey at ilan pa. Nagkaroon sila noon ng "Fight battle" ni Leonel sa Anastacia Village dahil kila Bugoy. 🥊 Naging shooter din sa basketball. Asintado rin sa holen. Katulad din ni Boneng na nakakapanglibre din sa'min. Makwento din noon.

KIMBURT/Nunoy Toklat: Pwedeng leader, Magaling din sa suntukan, Naging palaban din noon, Magaling sa basketball. May katangkaran na din s'ya noon. Malakas din ang loob sa pamamato ng mga prutas na nadadaanan namin. 🤣 Naging kahinaan n'ya din ang pagiging pikunin minsan. Kapag sa suntukan naman tiyak may paglalagyan din sa kanya, tulad ng inabot ni Arsenio sa kanya noon ng pinagsabong ko din silang dalawa. Ha! Ha! Ha! Magaling din makisama.

CAZANDRO/Andong/Kambing: Tahimik lang, Nakikibato rin sa mga prutas, 🤣 Go with the flow lang at ang pagiging neutral, Magaling din sa eskwelahan. MASUNURIN sa magulang lalo na kapag marinig na ang sipol ni ate Amy. Para na s'yang si "The Flash" noon kahit hindi pa tapos ang aming labanan ng tecks at holen. Deretso agad sa kanilang bahay. 🤣 Bihira din namin s'yang makasama sa mga liguan sa ilog. Maayos din lumaro sa basketball. Naging buwaya nga lang noon sa bola. 🏀🤡

JOEY/Bibeng: Go with the flow din, Good boy, Tahimik lang din. Hindi palaaway ngunit pumapalag din. Patas lang din. Lagi rin s'ya noong kakampi nila Raffy sa basketball na aming mga nakakatunggali noon sa whole court. Maayos din magbasketball. Magaling din makisama.

RAYMOND/Tano/Haba: Go with the flow din at ang pagiging neutral, Tahimik din. Naging magkakaklase din sila nila Raffy at naging magkakasama din. Naging talento din n'ya noon ang magpalabas ng iba't-ibang boses at manggaya ng mga boses mula sa kanyang bibig. Naging kahinaan n'ya noon ang pagiging matampuhin o tampururot. Hindi n'ya din kayang mag-lay-up sa basketball. 🏀😊

ITCHOY: Kapatid ni Eliser, Masunurin sa kanyang kuya ngunit madabog kapag inuutusan ni Eliser sa pag-aalaga kay Melchor. Malakas din mangasar noon, May pagkatahimik din minsan, Good boy din. Naging kasabayan din namin ng grade one noon. Palaban din at malaki ang boses. Nabubully din nila Tatang noon.

EDWIN/Pipeng/Yuping: Ang pinaka "Good boy" sa lahat ng mga good boy. 😇 Runner, Utusan, Masunurin, Walang reklamo sa mga pinag-uutos namin. Naging kanang kamay ng lahat lalo na ni Kenneth. Naging kahinaan n'ya noon ang pagiging mabagal gumalaw lalo na sa paglalakad. Laging naiiwan sa paglalakad. 🐢 Naging taga pasa sa basketball o giver.

RICKY/Eking/Kalabaw o Ulo?: Go with the flow, Medyo tahimik din ngunit mabalasik, Natutong mandala sa'min kasama si Raffy. Kasakasama din nila Raffy. May kalakasan din sa basketball. Magaling din makisama at kaibigan. Naging iyakin din minsan. Ha! Ha! Ha! Hindi rin palaaway ngunit lumalaban din. Naging pikunin din minsan sa mga asaran. 🤡

LEONEL/Bro: Rich kid, Laging may mga barya sa bulsa, Banker 🤑, Malakas ang loob kapag kasama sila Bugoy lalo na noong nagsuntukan sila ni Nestor. 😂 Madalas magpahabol kapalit ng barya at kendi. May kalakasan din mang bully noon. Malakas din sa basketball. Natagalan nga lang s'ya bago natutong magbisekleta noon. Malimit din dating kasama nila Anding. Madalas ipang asar sa kanya noon ang mga utal na salita ni Bro o ni mang Leo. May pagkapikon din minsan.

ROLANDO/Teteng/Pusod: Ang pinaka "Extreme" sa lahat. Walang pwedeng pumantay sa kanya sa'min sa palakasan ng loob lalo na sa mga delikadong mga stunt. Kaya n'yang patalunin ang kanyang bike sa bangin ng walang pag-aalinlangan. Nagbibisekleta din s'ya sa ilog at pinaparampa ang bike sa mga batuhan sa ilog. Natakot ako noon sa kanya ng umangkas ako sa kanyang bike. Nagcounter flow kami noon at muntikan ng mabunggo kami sa patok na mga jeep sa national road ng Nangka, habang s'yay tuwang-tuwa pa. 🚵‍♀️ Malakas din mangasar o mambully sa mga maliliit o mas bata sa amin. Sobrang kulit, Malakas magtrip, Hyper, Joker 🤡 Mapagbigay din. Binilhan n'ya dati ako ng poster ni Micheal Jordan ng pumunta kami sa kanyang tiya/tsang sa Montalban, Rizal. Hindi n'ya noon natutunan ang pagbabasketball. O, hindi masyadong nagkainteres sa paglalaro. Minsan lang namin s'ya makalaro sa basketball. Ang kanyang pusod noon ang naging pangasar sa kanya.

NINO/Boneng/Etot/Kulangot: Extreme din, Malakas ang loob, Palaban din sa suntukan, May kakaibang abilidad 🤣, Parang kidlat ang mga kamay, Mabilis tumakbo. Noong mga naglalaro kami ng holen at tecks noon, kapag huling tira na o mga lastball na tayaan na . Madalas s'ya ang unang dumadampot sa mga holen at tumatakbo, maging sa tecks din. Ha! Ha! Ha! Laging may mga iba't-ibang mga panindang nasa kanyang mga kamay noon. Sobrang galante! Madalas n'ya ako o kaming malibre noon sa gotohan malapit sa Twin River at Marikina Village. Nanlilibre din sa mga tindahan kapag marami s'yang delihensya noon. At pati na rin sa mga videohan. Hehehe 👍 May kalakasan din sa basketball. Naging madungis din noon.

ROGER/Buboy Botor/Baboy/Ulo: Go with the flow, Pangisi-singi lang noon, Madiskarte rin sa tatchingan noon. Good boy din 'wag mo lang gagalitin at lalaban din. 😂 Nakasuntukan ko na rin noong kami'y mga bata pa. Hehehe! May kalakasan din sa basketball. Magaling din magdrawing. ✏️✒️

MARK/Marak: Good boy din, Bihirang lumabas ng bahay noon. Minsan lang din namin noon nakakalaro. Madalas tawagin ni aling Santa para umuwi. Madalang namin nakakasama sa paliligo sa ilog. Rebounder o sentro din sa basketball. 👍Nag-aral din gumupit ng buhok.

MARK/Mac-mac/Halaba: Malakas din mangasar o mambubully sa mga mas bata sa amin. Bihira din namin noon makalaro, maging sa paliligo sa ilog. Naging palaban din sa suntukan noong bagong dating n'ya sa amin. S'ya rin ang unang nag-asawa sa amin. Naging sentro din sa basketball. May kakulitan din. 🙂 Malimit din mapaaway noon.

MICHEAL/de Rosy/Mata: Trouble maker, Tagasulsol din, Malakas mangasar, Mambubully sa mga mas bata at maliliit sa amin. Laging napapaaway sa amin. Ilang beses na din kami noong nagsuntukan ni Micheal. Nagsuntukan kami noon sa ilog ng dahill lang sa brief! Hahaha! Lagi n'ya rin noong bitbit ang kanyang kapatid na si Bongbong noong ito'y maliit pa lang o Yayo. Isa rin sa kanang kamay ni Raffy noon. Matikas din ngunit iyakin noon o mababaw ang luha. 😂😭 May kalakasan din sa basketball. Nagpraktis din sa paggugupit. Madalas mapalo ni aling Rosy at kuya Mayamaya noon. 🤣

KENNY/Kalansay: Naging mga bata ni Raffy noon, Maliit lang noon ngunit palaban din. Malimit din namin kasama sa mga galaan noon. Hindi rin nakaligtas sa mga nambubully noon. Concern din si Kenny. Tinulungan n'ya ako noon para makapunta sa kanila, sa debut ng kanyang ate Catherine noon nu'ng naglayas ako sa bahay. Pinakain n'ya ako ng maraming pagkain na handa ng kanyang ate.👍Maligsi din kumilos.

LUCKY/Toklat/Ninja: Tahimik lang din noon, Maalaga sa kanyang mga kapatid. Lagi rin tinatawag ni ate Neneng sa mga laruan o paglalaro namin noon. "LUCKKYYY 3x and up!" [Sigaw at Tawag ni ate Neneng] Makatuwiran din katulad ni Nestor. Hindi rin namin s'ya noon madalas nakakasama sa mga galaan. Magalaw noon na parang ninja.

ARIEL/Pang-ulam: kapatid ni Buboy, Madiskarte rin sa mga sugal, Makatuwiran din gaya nila Lucky. Mambubully din sa mga mas bata sa kanya noon. Hindi rin nagpapagulang. 🤣Sa basketball naman, naiiwan ang kanyang isang paa sa pagtalon at pagtira. Binansagan s'ya noon ni Nestor ng pang-ulam. Hindi rin nakaligtas sa mga nambubully noon.

KENNETH/Daga: Isa rin noon sa mga bata ni Raffy. Madalas din sila noong magkakasama nila Raffy, Eking, Edren, Tano, Kenny, Micheal, maging ako. "Kuyang" ang naging kanilang tawagan noon ni Raffy. Pinakamaliit sa'min noon ngunit palaban din. Naging bunso sa tropa. Magaling magtago sa "Tagu-taguan". Sumuot s'ya dati sa ilalim ng jeep na nakaparada sa plaza at sumabit sa ilalim. 🤣 At hindi namin s'ya noon nakita. Hindi rin magpapaapi sa mga nangbubully noon. Madalas din naming kasa-kasama sa mga galaan at liguan. 👍 Maayos din maglaro ng basketball. Malakas din ang loob, Antukin din. 😴

JOKER/Hika: Pinsan ni Kenneth, Sinusumpong s'ya ng hika noon. Madalas din namin s'yang kasa-kasama din sa mga galaan at liguan noon. Hindi rin magpapaapi sa mga nangbubully noon. Naging palaban din ngunit naging kahinaan n'ya din noon ang pagiging iyakin at pagiging matampuhin. 🤣 Tama lang din sa basketball. Lagi rin s'yang may bagong mga laruan noon sa tuwing dumadating ang kanyang papa galing abroad.

NELSON/Fried Chicken: Good boy din, Hindi palaaway noon. Malimit kasama ng magkapatid na Christian at Mark. Bihira din namin s'ya makasama noon lalo na sa mga galaan. Strict kasi dati si ate Sara sa kanilang magkakapatid noon. Hehehe! Isa rin sa matangakad noon sa amin. Sa ilalim o sentro ang kanyang posisyon sa basketball. Giver din s'ya o mahilig mamasa gaya ni Pipeng. Madalas n'ya akong maging kakampi noon. 🙂 Napaaga din ang pag-aasawa ni Nelson noon. Binansagan s'ya ni kuya Christopher noon na fried chicken. 🤣

MICHEAL/Mako: Lagi rin kasama nila Nelson at Norel, May pagkatahimik din. Nakakalaro din namin sa plaza at pagbabasketball. Hindi rin nakaligtas sa pambubully noon. Napapaaway din minsan. 👍

NOREL/Butoy/Bitoy: Kapatid ni Rolly, Tahimik lang, Malumanay, Good boy, Masayahin. Nakakasama-sama din namin s'ya noon nila Nestor sa pagtitinda ng pandesal sa umaga. 👍

NORMAN/Pate: Naging kabarkada din ni Norel, Madalas kasama ang kapatid ni Boneng, Lagi rin nilang madalas kasama ang mga babae sa'min. Magaling magvolley ball. 😊

ZALDY/Saldi/ Kabayo: Kapatid ni Boneng, Matangkad din, Magiliw din, Lagi rin kasakasama nila Norman noon at mga babae sa'min. Magaling magsplit at magvolleyball din. 😊Hindi rin nakaligtas sa pambubully noon. Naging palaban din. 👍

EDREN/Biboy/Toklat: Isa rin sa maliit noon ngunit palaban. Lagi din s'yang maraming barya sa bulsa. Nakakasama din namin sa mga galaan. Parang si Boneng din minsan na nanlilibre din. Lagi rin may bitbit na pagkain. 😊👍

CHRISTIAN/Intan/Mata: Madalas din namin noon makalaro. Hindi rin nakaligtas sa pambubully. Lumalaban din ng asaran at suntukan, ngunit naging iyakin din noon. Hindi rin nawawalan ng barya sa bulsa. Lagi rin may bitbit na pagkain. 😳👍Naging pikon din noon sa mga asaran. 🤣

AlVIN/Boy Itik: Isa rin sa pinakamaliit sa'min noon. Naging bata-bata din namin noon. Nakakasama din namin sa mga galaan at sayawan sa plaza. Hindi rin nakalampas sa mga nambubully noon. Good boy din, Hindi rin palaaway. Madalas bullyhin ni Teteng Arbo noon at pagtripan. 🤣 Natutong sumayaw at gumaling din noon sa pagsasayaw. 👍🕺🏿

ZANDER/Hika: mga kaedaran nila Intan, Masipag magtinda ng pandesal, Good boy din, Masunurin din sa magulang, Hindi palaaway ngunit lumalaban din. Madalas din noon mabully at mapaiyak ng mas nakakatanda sa kanya. Naging kasakasama din namin sa pagtitinda ng pandesal noon. 🤣👍Hinihika rin noon.

LYNDON/Lindol/Beho: Naging kasakasama din namin noon, Solong anak, Hindi rin nakaligtas sa pambubully noon. Madalas din pagtripan at paiyakin noon. Laging may alipunga sa paa noon. 🤣Hindi palaaway, Nang tumagal ay nakikipag-away na din. Magaling tumambling at natutong sumayaw din. 👍 Naging madungis din noon.

BRYAN/Toti/Lasing: May naging kapansanan sa'min ngunit ganon pa man, magaling s'yang makisama. 👍 Good boy din, Tahimik lang. Hindi rin nakalampas sa mga pambubully noon. Magaling din gumawa ng bitag sa bayawak. Naging paborito kong kasama sa inuman noon. Hindi nang-iiwan sa lamesa.

NUNOY/Edgar/Gengar/Itshigaki: Pinangalanan o binansagan noon ni Teteng ng Dr. Itshigaki o Itshigaki sa "Ghost Fighter". Magulang o parent 🤣, Magaling sa pool ngunit sa basketball hindi masyado. Palaban din sa suntukan. Madiskarte rin sa tatching o mido. Nakakasama din namin sa mga galaan noon.

DODE/ Dodeng daga: Naging kanang kamay ni Nunoy/Edgar, Madalas kasama nila Nunoy at Micheal Pinoy, Tahimik lang ngunit palaban din. Bihira lang din namin nakakasama. Nakakasama din namin dati sa liguan sa ilog.

RODEL: Makwento din, Lagi din noong kasama nila Micheal Pinoy, Nunoy at Dode. Bihira lang din namin nakakasama. Ngunit nakakasama din namin dati sa liguan. Nakakasabay din namin dati sa pagpasok bilang mga first year high school noon.

ALEX/Buknoy: Mambubully, Malakas mangasar sa'min, Malakas magtrip, Taga paaway, Maging si Micheal ay pinapaiyak n'ya din noon. 🤡 Magulang din o parent. Malakas din ang loob. 🤣Pwedeng sa'min din s'ya nakikisama noon o kila Bugoy. Magulang sa basketball. Mapagbigay din. Nag-aral ding gumupit ng buhok. Madalas hindi s'ya nagpapabayad sa gupit.

JOEY/Tikol: Mambubully din, Malakas din mangasar at magtrip, Joker din noon. Magaling din lumangoy. Madalas din namin s'yang nakakasama noon. Natutong sumayaw noon at gumaling din. Pwede din s'ya sa'min at kila Bugoy. Naging "Captain ball" din namin. Makwento din sa'min noon.

JOEL/Tatang: Mambubully, Sobrang lakas din mangasar noon, Taga paaway, Sadista din noon 🤣, Magaling magpaiyak, Magulang din, Magaling umakyat sa puno. Masipag magdamo o maglinis noon. Pwede din sa'min o kila Bugoy. Sobrang lakas sa basketball. Madalas din namin noong nakakasama sa liguan. Malakas din ang loob. Gumagawa din ng bitag sa mga hayop.

NILO/Ido: Mambubully din, Malakas din magtrip noon, Medyo tahimik din, Magaling din magpaiyak. Binully n'ya dati si Teteng sa bahay dati nila mang Popoy. Inisahan s'ya ni Teteng noon dahil sinabuyan s'ya ni Teteng sa mata ng maraming asin. Sabay takbo sa taas. 🤣👍Pwede din s'ya sa'min o kila Bugoy din.

MELVIN/Cabug: Good boy 😇, Iba kila Tatang, Hindi mapangasar, Tahimik lang noon. Naging tagapayo din at taga pamagitan. Pwede din s'ya sa'min o kila Bugoy. 👍

PROKE/Nuknoy: Bihira lang namin nakakasama noon, Hindi mo pwedeng asarin dahil may paglalagyan ka sa kanya noon kapag nakabangga mo s'ya. Hehehe! Maging si Mandy ay takot din sa kanya noon. Madalas namin noon makalaban sa mga tirahan ng goma o lastiko na binabalahan ng mga filter ng sigarilyo. Palaban din! Masipag din.🤣👍

NUNOY/Nunoy luga: Madalas asarin noon nila Bugoy at pagtripan. Pinapaiyak din nila noon nila Tatang. Lagi rin namin nakakasama sa tuwing sumasama ako kila Bugoy. Hinubaran dati nila ng short si Nunoy at dinadaganan sa damuhan. Tapos, sisigaw na si Nunoy. Tawa kami ng tawa noon. Madalas n'ya rin noon asarin si Bugoy. Naging mabait sa'kin si Nunoy. Nakakasama ko rin s'ya noon sa pagtitinda ng pandesal. Asintado rin sa holen. Madalas din mag-isa. 👍😊

ELYZER/Eliser: Mambubully din sa mga maliliit, Malakas din mangasar. Malakas sumigaw at tumalon lalo na kung nanalo sa teks. Kapag nakakamegsshhh sa tecks malimit tumalon at sumigaw. Nakatuwad din kong tumira sa tecks. Lagi rin noon pinagtitripan nila Tatang. Noong nakasama kami sa pangunguha nila Nunoy Ida ng pugad sa puno ng niyog. Nang makakuha kami ng itlog ng mga ibon sa pugad, inalog ni Eliser ang itlog ng ibon. Naasar noon si Nunoy at binasag n'ya ang itlog sa noo ni Eliser. Tawa kami ng tawa noon sa kanyang sinapit. Ha! Ha! Ha! 👍Lagi n'ya rin noon bitbit ang kapatid n'yang si Melchor. Maalaga din sa kapatid. Hindi nagbabasketball o bihira. Kakatuwa ang boses kapag masaya s'ya.

RAUL/Bunso: Tahimik lang noon, Palaban din. Madalas asarin din nila Joey noon. Nakakasama din namin s'ya minsan sa mga galaan. Nakasama din namin s'ya noon kila Lola Ordonez. Nakasama din namin s'ya noon ng makipagbarilan kami ng mga pellet gun sa mga taga Marikina Village. Sumugod s'ya noon gamit ang bike sa mga kalaban namin. Pagbalik n'ya sa'min, ang dami n'yang tama sa katawan ng bala ng pellet gun. 🤣 Matapang din. 👍

JOEL/Tawe/Nhugs: Good boy, parang si Melvin din, Magaling din makisama, Hindi din palaaway. Minsan lang din namin nakakasama sa mga galaan. Magaling din umakyat sa puno. Masipag din sa gawaing bukid. Marami din naging kwento tungkol sa kanilang probinsya ng sila'y dumating sa'min o sa Labas-Bakod noon. Gumagawa rin ng mga bitag sa mga hayop.

RENATO/Jun igit: Si Nunoy Ida yata ang nagbansag sa kanya ng Jun igit. Ayaw na ayaw n'yang magpatawag sa ganong bansag. 🤣Hindi rin nakaligtas sa mga nambubully noon na may edad sa kanya. Natuto rin mambully noon, Magaling din sa basketball, Magaling din sa cara y crus. Magaling din sa gawaing bukid.👍 Gumagawa rin ng mga bitag sa manok at bayawak. Magaling din umakyat sa puno.

ARGIE/Baluga: Madalas noon mabully at mapaiyak. Lagi din walang damit at nakapaa. Mr. Bogus o malakas lumapang, Malaki rin ang boses, Lumalaban din ng asaran ngunit iyakin naman. Nakakasama din namin noon sa paliligo ng ilog. May kalakihan na noon ang katawan ni Argie. Madalas sila noon magkakasama nila Dode. Maalaga din sa kanyang mga kapatid noon. Halimaw sa basketball. 😱

"Naging mga kabarkada din namin ng sila'y nanirahan din noon sa Labas-Bakod."

MAI-MAI/Mayang: Kapatid ni Jung-jong, Hindi rin papatalo sa asaran at suntukan, Naging palaban din, May pagkabully din. Kasakasama din namin noon sa mga larong pambata. Madalas din nasusundo ng kanyang ina. 👍 Maayos din sa basketball. Laging crew cut ang kanyang gupit noon. Madalas din mapaaway noon. May pagkapikon din minsan. 🤣

BIBENG: Tyuhin yata ni Allan, kamag-anak din nila Bugoy at Tawe. Nu'ng una tahimik lang at mahiyain. Naging barumbado na din nu'ng tumagal, 😂 Lumalaban na din ng suntukan at asaran. Magaling sa pool. Malakas din maglaro sa basketball.

BRYAN/Taga/Ultraman Tiga: Tahimik lang nu'ng una, Naging palaban na din nu'ng tumagal. Madalas din mabully noon at mapaiyak nila Micheal. Malimit din noon mapagtripan. Kasakasama din namin noon sa pagtitinda ng pandesal. Hindi rin palaaway.

EDGAR: Naging tindero sa tindahan nila aling Percy, Sabik lagi sa paglalaro, Bihira din makalabas sa tindahan, Good boy din. Namimigay ng mga paninda nila aling Percy. Ha! Ha! Ha! 👍Charitable, Madalas din mauto noon. 😁🤜

BISAYA: Good boy, Maalaga din sa kanyang mga kapatid, Masipag sa bahay. Hindi rin nakaligtas sa mga nambubully. Madalas din paiyakin noon. Hindi palaaway at tahimik lang din. 👍Nakakasama din namin noon sa paglalaro ngunit hindi madalas. Lagi rin may bitbit o buhat-buhat na kanyang kapatid noon. Lagi ring walang suot na damit.

GIGI: Laging kasama ni Lovely, kuya ni Mai-mai. Naging barkada n'ya din sila Norman at kapatid ni Boneng. Kasakasama din ng mga babae sa'min. Tagapamagitan kapag napapaaway si Mai-mai. Magaling din magvolleyball. 😊

PARENAS: Anak yata nila kuya Parenas, Minsan din namin naging barkada, Magaling tumambling. 👍

ARIEL at ang kangyang KUYA at kanilang PINSAN: Minsan din naming naging mga barkada, Mga nakasama ko din sa barber shop, Mga pinsan nila Jestony/Nunoy, Kamag-anak din nila kuya Teng.👍

MAEL: Naging tropa din namin noon, Hindi palaaway, Ayos din makisama. 👍

NOGNOG: Naging asawa ni Angelie, Naging tropa din namin noon, Nakakasama din namin sa inuman. 👍🍻

"Marami pa rin ang mga kabataan noon na pansamantalang nanirahan sa labas bakod at mga naging kalaro din namin minsan at nakakasama. At minsan din mga naging bahagi din noon ng kabataan sa Labas-Bakod."

BILANG AKO: Manipulator/Manggagamit 😂, Taga plano/Architect, Marunong din sa pagdodrawing. ✏️✒️ Gumawa rin kami noon ng glider o paliparin. Ako ang nagdesenyo 'non at kami nila Mandy ang gumawa. Nang matapos ito, wala man lamang sumubok na paliparin ito sa pamamagitan ng pagtalon sa bangin ng kabilang ibayo pababa sa ilog para ito lumipad. Maging si Mandy noon ay natakot din o nangayaw sa pag-testing ng aming inbensyon/invention. Ha! Ha! Ha! Tagasulsol din, Mapangbully din, Pasaway sa magulang, Malakas ang loob, Maloko din. Hindi rin ako nakaligtas sa pambubully noon o pangangasar ng mas may mga edad sa amin. Malimit din dati akong makipagsuntukan o mapaaway bata. At umuuwing luhaan din kapag natatalo sa suntukan. Naging pikon din ako sa mga asaran noon. 🤣Naging madiskarte din ako sa pagkakaperahan noon, Pagtitinda ng pandesal, Ice cream, Pagdadamo o paglilinis, Paghahanap ng gagamba para itinda sa St. Mary kasama si Raffy. Natutunan ko din ang paggugupit sa buhok. Wala dati akong mapagpraktisan noong nag-aaral pa akong gumupit pero noong natuto na ako, ako na ang nangangayaw minsan sa dami ng gustong magpagupit sa'kin sa Labas-Bakod. Ako rin ang isa sa taga ayos ng mga nasisirang pellet gun noon ng mga bata, maging taga assemble din ng nauso noong "Tamiya". Mahilig din akong makisama noon sa mga mas nakakatanda sa'min. Mahilig din ako sa mga galaan at paliligong ilog. Pati na rin sa mga nausong laro at mga laruan. Naging shooter din ako minsan sa basketball. 🏀👍 At ako ngayon ang tagapagsalita nila o bilang manunulat! ✒️😁

"MAY PART TWO PA 'YAN!!" 🤣😂👍👍 "At kung may mga kulang, iiedit ko na lang." 👍