webnovel

Chapter 3

Gwen's POV

"Geeo, anong tingin mo sa writing skills ng anak natin?" tanong ko sa asawa ko habang hinihilot n'ya ang likod ko. Ito na 'yong pinaka bonding namin kapag hindi busy sa trabaho. Nakare-relax pa. Ganito talaga kapag tumatanda na.

"That's a random question, but if I am going to be honest, her writing skills are low. She's already sixteen, but still having a hard time on writing her own essay. Alam ko naman na hindi lahat magaling sa gano'n kaya ayos lang sa 'kin kahit hindi s'ya magaling sa gano'n," sagot n'ya.

Tumango-tango lang ako. My husband is right, but knowing that my daughter's interest in writing is starting to blossom is makes me happy. Hindi ko naman s'ya pinipilit na matuto, pero gusto ko pa rin s'yang matuto. Creativity in writing is important when Esther enters college.

"Do you want her to take any course that's related to writing?" Geeo asked after putting pressure on the right part of my back. "Baka mas matuto s'ya sa gano'n. I dunno, but I want your opinion. I still want our daughter to take the course that she wants."

"Ayaw ko. Mas mai-stress lang s'ya sa gano'n. Baka mas ayawan n'ya pa, but I have a very good news."

Dali-dali s'yang umupo sa tabi ko kahit puro langis pa ang kamay n'ya tapos pinunas n'ya pa sa kumot. S'ya paglalabahin ko, eh. "Ano 'yon? Tungkol ba kay Esty 'yan o may bago kang project?"

Natawa ako sa huling sinabi n'ya. Lagi kasi s'yang nag-aabang sa new projects ko. Inaabangan ko rin ang mga television dramas at movies na s'ya ang nagsulat o isa s'ya sa mga scriptwriter. Pero dati ayaw kasi talaga n'ya noon sa mga stage plays. Noong college kami cringe ang mga gano'n sa kaniya, not until he watched a stage play that I wrote because my stories are meant to be played on stage.

Yumakap ako sa baywang n'ya. "Esther started writing a week ago. Her fictional characters are amazing. Binigyan ko s'ya ng blank book para roon s'ya magsusulat. Gano'n ako noon, 'di ba? Sinubukan ko lang kung gagana sa kaniya and I think it worked."

Napangiti si Geeo. "That's nice. P'wede natin s'yang turuan, then she can be an article writer or a novelist."

"Nah," umiling-iling ako. "Let's let her grow on her own. Maganda kapag natututo s'yang gumawa ng mga bagong bagay without her guidance. It's called independence, honey. Tutulungan natin s'ya kapag kailangan n'ya o kaya kapag s'ya mismo ang nanghingi ng tulong. Do you agree with that?"

Ngumuso s'ya. "I'm okay if you're okay with that and as long as our daughter is okay. She can do anything she wants basta hindi s'ya masasaktan at hindi s'ya makasasakit ng iba. Huwag lang tungkol sa pagjojowa. I might turn into the strict cliche father on films."

"You know that our daughter is not that interested with that kind of things. I never heard her talk about a boy. Mas gusto n'ya pang magkaroon ng maraming oras para matulog kaysa kiligin."

"I hope na tama ka. You know her better because you too hang out a lot."

Esther's POV

"Esther, ang galing mo talaga! Perfect mo 'yong special quiz ni ma'am. Ang hilig talaga ng teacher na 'yon na magpa-quiz na lang bigla. Apat tuloy mali ko. Baka ikababa pa 'to ng grade ko," pagrereklamo ni Aless habang inuubos ang ice cream n'ya.

Kalalabas lang namin ng school. Last subject namin ang Math ngayong araw at nagpa-special quiz si ma'am. Mostly two special quizzes ang pinapasagutan ni ma'am. Nag-announce pa nga s'ya ng summative test for next week. Nasanay na lang din ako kaya lagi akong nagbabasa ng lessons bago matulog. Kahit 'yong mga lesson na last month pa pinag-aralan. Better be careful and ready everyday.

"Tiyamba lang minsan saka review," sagot ko habang nag-aabang kami ng jeep. Sabay kaming uuwi, pero magkaiba ng bababaan. Mom and Dad is busy again. Thei projects are overflowing for the past days. Hindi ko na nga alam kung anong mga ginagawa nila. Nakatutulog na ko ng hindi sila nakikita at gumigising na nakaalis na sila papuntang trabaho ulit.

"Punta ka naman sa bahay, Esther. Mag-isa lang ako sa bahay at sabi mo kanina mag-isa ka lang din kaya tambay tayo sa bahay. Boring, eh."

"Ano namang gagawin ko roon? Matutulog?" taka kong tanong. "For sure kahit nandoon ako, nakaharap ka sa laptop at guamagawa ng chapter para sa novels mo."

"Sabagay. That's kinda boring. Sa Sabado pumunta naman tayo sa mall. Miss ko na maglakad-lakad sa mall kahit wala naman akong pera para pambili," natatawa n'yang sabi.

Nagkukuwentuhan kami hanggang sa makasakay na kami sa jeep at makababa. Mas una akong bumaba kaysa sa kaniya. Diretso kaagad ako sa kusina dahil kumukulo na ang tiyan ko. Hindi ako nakakain kaninang recess. Nadama ko na kasi kanina na parang may special quiz. Hindi lang naman sa Math may special quiz minsan. Nanggugulat din 'yong ibang teacher tapos may pop quiz. It's fun, but I am not happy about it.

Gusto ko sanang pumunta kay Aless para may kasama ako, pero may gusto rin akong subukan para mas matuto ako. Kumain muna ako at naligo, pero nagpahinga muna ako bago maligo. Ayaw ko namang magkasakit. Poproblemahin pa ako ng parents ko. I don't want to be a burden on their busy schedule.

Sa sala ako pumwesto habang dala ang book ko na may lamang mga characters na gawa ko. Parang book of profiles na 'yong binigay sa 'kin na book ni Mama. Dala ko rin ang laptop ko. Susubukan ko ng gawan ng story itong mga characters na 'to. Kahit short story lang.

Nagsimula na agad ako. Nagbukas ako ng blank document at pumili ng character na gagawan ko ng story.Pumili ako ng dalawang character. Nag-isip muna ako kung paano sila magkikita at magkikilala. Kung anong mangyayari sa kanila at kung paano magbabago ang mga buhay nila. I think that life changes everyday with our decisions, but meeting new people and making them a big part of your life is a big difference.

Things, thoughts, and actions can change someone's life. A candy wrapper, a broken pencil, and even a cockroach can change a life. I have this kind of thoughts that change is continuous and life changes as the clock ticks. I don't believe in the saying that some people just do the same thing every single day.

Nakailang ulit yata ako ng paggawa ng isang paragraph lang. Kapag nasa isip ko pa lang ang dali-dali, pero kapag sinisimulan ko ng isulat sobrang hirap na. Parang natutuliro na ako dahil wala akong naiisip na word kung ano ba ang dapat ilalagay. Kapag bianabasa ko kasi 'yong mga nasulat ko sobrang dry. Maloloka si Mama kapag nabasa n'ya 'to. Medyo okay lang ako dahil may alam naman ako sa proper punctuation and grammar.

Napasandal ako sa couch namin dahil sumasakit na ang likod ko. Pati kamay ko ay sumasakit na, pero wala pang 300 words itong nagagawa ko. Kasama rito sa kuwentong ginagawa ko si Alessandra McArthur. Kasama n'ya si Jordan Clark. Wala na kong maisip na pangalan kaya gano'n na lang ang mga pangalan, but the story is the most important.

Tinuloy ko pa rin kahit nahihirapan ako. Mag-aala sais na ng gabi at hindi pa ako nakaluluto ng ulam at sinaing. Masyado akong nafo-focus sa paggawa to the point na may title ng nakalagay at may chapter 1 na. Napangiti ako nang I-save ko na ang document. Tuwang-tuwa ako dahil ang haba ng nagawa ko. First time 'to na lumagpas ng 500 words ang gawa ko.

Binasa ko pa rin ang mga nasulat ko at mukhang okay naman. Gusto ko pang I-extend kaso sumasakit na ang mga kamay ko. Tumutunog pa 'yong mga buto ko sa daliri. Mababali na yata ang likod ko. This is the longest time that I sit just for one thing. Kung ibang bagay 'to baka kanina pa ko tulog o nakahiga.

Nagluto na ako dahil baka umuwi na sila Mama at Papa. Hindi ko alam kung uuwi sila ngayong gabi. Sobrang busy nga kasi nila. Hindi na tuloy maraming kanin ang sinaing ko.

Binalikan ko ang laptop ko at binasa ulit ang gawa ko habang kumukulo pa ang ulam na linuluto ko. Kailangang malambot ang karne s'yempre.Kahit mag-isa lang akong kakain magluluto ako ng masarap. I won't let myself instant noodles because I know how to cook.

Inayos ko ang mga wrong spelling ko sa document. I stretched my arms and my bones on my fingers cracked. Gusto ko pang magdagdag, pero naubos na ang lakas ko at brain cells ko.

Umupo muna ako sa couch nang mapatay ko na ang laptop ko. Nahiga ako at tumingala sa kisame. Ang sarap humiga. Baka kahit nagluto ako hindi na ako kumain. Gusto ko na lang matulog dahil may pasok ako bukas tapos nararamdaman ko pa na mukhang may quiz na naman bukas.

Bago pa bumagsak ang talukap ng mga mata ko ay tumayo na ako dahil baka maiwan kong nakasalang ang ulam. Pagpunta ko sa kusina ay may babaeng nakaupo.

Napaatras agad ako dahil ako lang naman ang babae rito sa bahay. Ako lang ang dapat na nandito sa bahay! Multo ba 'to? Dadalhin ba ko nito sa kung saan? Papatayin n'ya ba ko tapos sasama na ko sa kaniya para multuhin 'tong bahay?

Lumunok muna ako bago lumapit ng konti. "Hi, miss. A-Anong ginagawa mo rito? Papatayin mo ba ko? Huwag, please!"

Humarap s'ya at mas nagulat ako dahil parang may kamukha s'ya. Tumaas ang isa n'yang kilay. "Are you Esther? Where's your laboratory?"

"Huh?"

"I am Alessandra McArthur and I am here because you called me. Jordan is coming as well."

TinTalim