webnovel

Chapter 2

Esther's POV

"Aless, basahin mo nga 'to," sabi ko kay Alessandra, kaibigan ko simula elementary. Kaklase ko s'ya hanggang ngayon at nakatutuwa na ang tagal na naming magkasama.

Inabot ko kay Aless 'yong blank book ko. Hindi na 'yon blank at marami ng nakasulat. Isang lingo na rin kasi sa 'kin 'yon at sa loob ng isang linggo, ang daming pumapasok sa isip ko. Ang dami kong gustong isulat, pero hindi ko naman sinusulat lahat. Paunti-unti lang muna.

"Ano 'to, Esther? Puro characters lang 'to, eh. Medyo hindi ko gets," napakamot pa s'ya sa mahaba at itim n'yang buhok habang kumakain ng egg pie.

"Ginawa ko 'to buong linggo. Mga characters 'yan na naiisip ko. Baka in the future mapagsama-sama ko sila sa iisang kuwento," tugon ko.

Napangiti naman s'ya. "Ayos, ah. Kapangalan ko pa 'yong isa rito. Natutuwa ako na nagkakaroon ka na ng bagong libangan. Baka bukas makalawa, published author ka na. Yieeee, matutuwa sila tita at tito. Sumusunod ka na sa yapak nila."

"Hindi naman sumusunod siguro. Sumusubok lang. Sa ngayon mga nai-imagine ko lang 'to. Wala pa ko sa kalingkingan ng parents ko. Kumbaga level 1 pa lang ako tapos sila level 150 na. Professionals na sila."

"Kahit pa nasa level 1 ka pa lang ngayon, p'wede ka pang mag-level up. Kapag talaga gumaling ka sa ganiyan 'di ka na mahihirapan sa essays saka sa ibang writing activities. Malay mo magamit mo pa sa future 'yan. You'll never know what can it do. Imagination is powerful, okay?"

Napangiti na rin ako dahil sa sinabi n'ya. Alam kong magiging supportive s'ya sa 'kin dahil writer din s'ya. Bukod sa journalist s'ya rito sa school, linalagay n'ya rin ang iba-ibang kuwentong gawa n'ya sa writing platforms, pero 'di gaya ng parents ko tago ang identity ni Aless. Gusto n'yang ipalaganap ang galing n'ya, pero gusto n'ya rin ng privacy.

"Bumalik na nga tayo sa klase bago pa ko bumili ng isa pang egg pie," pabiro n'yang sabi.

Tumango ako dahil Math na ang next subject namin. Nagagalit ang Math teacher namin kapag may mga nahuhuli sa klase n'ya. Ayaw kong mapagalitan, 'no.

••••

Bumuntong-hininga ako habang papalabas ng school. Kanina pa dapat ako nakauwi, pero kinausap ako ng English teacher namin. Binigyan n'ya ko ng advice tungkol doon sa ginawa kong essay. 85 lang kasi ang grade ko sa essay namin. Sana naman hindi ako ang pinaka mababa. Alam kong pasado 'yon, pero ang baba kasi.

Nagsabi naman ako kay Mama na male-late ako ng uwi dahil kinausap pa nga ako ng teacher ko. Susunduin n'ya dapat ako, pero mukhang sa sakayan muna ng jeep ang bagsak ko. Ayaw kong nagji-jeep kasi bobo akong mag-commute. Pauwi lang sa bahay saka papunta sa school ang alam ko.

Nakita ko ang isang pamilyar na kotse. I checked the plate number and I'm right, it's my Dad!

Napabilis ang lakad ko papunta sa kotse. Kinatok ko ng dalawang beses ang bintana at nakita ko ang nakangiting mukha ni Papa. "Hi, Esty," he greeted me with the nickname that he made just for me.

Ginantihan ko ang ngiti n'ya bago sumakay sa kotse. "Hi po. Wala ka po bang trabaho ngayon? Day off mo po? P'wede tayong gumala?"

"Calm down, haha. Yes, today is my day off so I have no work to do, but I am planning to stay at home until tomorrow. I need a rest and your mom cooked something. Next time na lang tayo gagala, 'nak. Mas maganda kung kasama ang mama mo. I'd love to treat the both you."

Tumango-tango ako at hindi na s'ya tinugon. Magda-drive na kasi s'ya at ayaw ni Papa na kinakausap s'ya habang nagda-drive. Gusto n'ya sa isa lang ang focus n'ya.

My dad is a sweet and smart guy. He always look simple. Hindi s'ya nagsusuot ng mamahalin at hindi rin maporma, pero malakas ang dating. Sabi ng mga kaklase ko no'ng si Papa ang kumuha ng report card ko, ang intimidating daw ng awra ni Papa. I don't know why, but for me, he's the coolest.

Madaldal si Papa pagdating sa mga ka-close n'ya, pero kapag sa mga bagong kakilala ay hindi. Mabilis kong napapansin 'yon lalo na kapag sinasama n'ya ko sa parties about business. He is a decent and responsible man. He is the best in his field and he's the best dad!

Busy s'ya palagi, pero naglalaan pa rin s'ya ng kahit konting oras sa 'kin. Kapag out of town ang trabaho n'ya ay nakikipag-video call s'ya sa 'min ni Mama. The best indeed.

Nang huminto lang ang sasakyan dahil sa stoplight ay saka lang din nagsalita si Papa. "How's your studies, 'nak? Still struggling about your essays?"

"Medyo po," Binaling ko ang tingin ko sa labas ng bintana. "Okay naman po sa ibang subject. Hirap lang talaga kapag kailangan na pong magpasa ng writing activities. Nagpapatulong naman po ako kay Mama, pero nahihirapan pa rin ako."

"Kailangan mong gustuhin ang ginagawa mo para magawa mo ng maayos, anak. Pressured ka at stressed. Subukan mong huwag isipin na mahihirapan ka kaagad kapag magsusulat ka na. Feel it within you. Try eating or listening to your favorite music while writing. I know it's hard, but something new is never that easy at first."

••••

Bagsak ako sa kama nang makauwi na kami ni Papa. I need to change my clothes because I feel dirty already, but I just want to sleep all of a sudden. I am trying to digest what Mama and Papa said.

Imbes na magbihis muna ay kinuha ko ang libro ko. Linagyan ko 'yong unang page na linaktawan ko ng pangalan ko. Linagay ko rin 'yong sinabi ni Papa kanina.

"Something new is never easy at first".

Binasa ko ulit 'yong descriptions at traits na linagay ko sa mga characters ko. My characters are not that fictional. They don't have powers. They're just people living a unique life. No twisted attitudes nor harmonious fate. Hindi kagaya sa mga nabasa kong nobela na puro kilig at matapos ng lungkot ay may saya na. Surviving in this world is already tremendous.

Ang mga nagawa kong character ay parang mga taong nakasasalamuha ko sa araw-araw. Iba lang ang setting at buhay na kinalalagyan nila sa utak ko. Ang mga character ko rin na nasulat na ay puro babae pa lang. Kung gagawa siguro ako ng unang character na lalaki, gusto ko katulad s'ya ni Papa tapos kung Romance ang usapan, kagaya ni Mama ang partner n'ya.

Ang dami-dami ko na namang iniisip. Dapat mas inuuna ko 'yong pag-aaral ng magandang essay para tumaas naman ang grade ko. I don't want to be a disgrace in our family.

Mabilis na akong nagbihis at umupo sa kama. Kinuha ko ang bag ko para i-check kung anu-ano ang mga assignment na binigay kanina. Sinulat ko ang mga assignment sa white board na nakadikit sa dingding. Paraan ko 'to para hindi ko malimot ang mga assignment. Salamat naman at wala kaming writing activity.

Nang lumabas ako sa kwarto ay natanaw ko na sila Mama at Papa na nakaupo sa may couch sa sala. They're having a great time. Laughing and talking to each other like a new couple, but they're together for more than twenty years now. Their bond is amazing. Busy sila palagi at minsan lang magkaroon ng time para sa isa't-isa. Kapag busy kasi sila, ako lagi ang iniisip nila. Baka siguro magtampo ako, but I also want them to be happy together. Minsan kailangan ding mag-adjust ng anak.

Tahimik akong lumakad papunta sa kusina para hindi sila maabala. Malakas naman ang TV kaya kahit may kumalabog sa kusina ay 'di gaanong makaiistorbo.

Nagsandok ako ng kanin at chicken curry ang ulam ko. Kumuha pa ko ng dalawang donut sa fridge. Madalas sa kusina ako kumakain kasabay sila Mama at Papa, pero sa kwarto na muna ako. Magsusulat ako habang kumakain. Susubukan ko 'yong sinabi ni Papa.

Pagpasok ko sa kwarto ay linapag ko sa study table ang pagkain ko saka kumuha ng black pen para magsulat. Sinulat ko ang mga taong naisip ko. Kung anong trabaho nila, ambisyon, pang-araw-araw na gawain, at kung anong gusto nilang baguhin. Sa buhay kasi minsan paulit-ulit na lang ang ginagawa ng mga tao na nagtutulak sa kanila para baguhin ang isang bagay na nagpapabago sa buong buhay nila. P'wedeng patungo sa mabuti o kaya naman sa masama. Mga desisyon ang magdudulot ng resulta. Saliwa man o sunod sa plano.

Napangiti ako nang maubos ko na ang isang donut ay tatlong character na ang naisulat ko. Puro babae nga lang. Puro babae kasi ang kasama ko. Si Papa lang ang lalaking pinaka close ko.

Gumana rin 'yong sinabi sa 'kin ni Papa. Ang galing nila ni Mama. Naisip ko tuloy parang gusto kong isulat ang tungkol sa kanila. Hindi 'yong love story nila bago sila ikasal kundi 'yong buhay nila ngayon na pamilyado na sila.

They're great people, great parents, great writers, and great friends. They're not just people who can influence others. They crave for improvement and constant change. Their story needs to be told and I want to be the storyteller.

Kumagat muna ako sa isa pang donut bago mabilis na pinuntahan sila Mama at Papa. Nagulat pa nga sila dahil nagmamadali raw ako.

"Anak, dahan-dahan lang. Kapag nadapa ka p'wedeng tumama sa kung saan 'yong ulo mo," ani ni Mama.

"Do you need anything, Esty? Gusto mo na bang kumain? Why are you rushing?" sunod-sunod na tanong ni Papa.

Umupo naman ako sa couch na nasa harap ng inuupuan nila. "Kumain na po ako saka simple lang naman po 'yong kailangan ko. P'wede po ba kayong magkuwento kung anong mga ginagawa n'yo sa trabaho? Gusto ko lang pong malaman. Detailed po sana."

TinTalim