webnovel

Chapter 4

Esther's POV

"Paanong nangyari 'to? You're just a fictional character. You're not real!"

"Masyado ka namang masakit magsalita. You know that my destiny is in your hands. My story is in your mind. Ikaw ang may gawa sa 'kin kaya huwag ka ngang magulat. This is just natural. Nothing special."

Napaatras ako lalo. "Ginawa kita? H-How? I am not doing anything!"

She motioned her hand like she's leading the aroma of the food to her nostrils. "Ang bango nitong linuluto mo, pero I beg to disagree. You did something. You just wrote the chapter 1 of our story. Paunat-unat ka pa nga ng braso mo pagkatapos mong mag-type."

"How is that even possible? Gumawa lang ako ng isang chapter. Isang chapter lang, okay?! Lahat ba ng writer kapag nakagawa na ng chapter nabubuhay na 'yong mga character nila at nagpapakita sa kanila sa totoong buhay?!"

"You're overthinking things. Let's just say that this is meant for you. Hindi ka ba nagbabasa ng fictional novels? Marami ng ganito. Hindi ka naman naiiba. Isa ka sa mga napili and such. Kapag gumawa ka pa ng maraming stories, mas dadami kaming p'wede mong tawagin."

"I never called you!"

Pinatay n'ya ang kalan at lumapit sa akin. Nagulat ako nang hatakin n'ya ko papunta sa sala. Kinuha n'ya ang libro ko saka binigay sa 'kin. "Kita mo 'tong libro na 'to? Dito mo ko unang sinulat. Dito ko unang nabigyan ng pagkakataon. Nang magsimula ka ng magsulat ng kabanata, binigyan mo na ko ng buhay."

"A-Are you really alive? Breathing and really speaking?" nangangatal kong tanong. Baka nga tulog ako ngayon at nananaginip lang ako.

"I am not alive. You're the only one who can see me, hear me, and obviously talk to me. Hindi lang sa 'kin. Kapag gumawa ka pa ng mas maraming character at ginawan mo na sila ng kuwento, bibisitahin ka rin nila. Kung gusto mong mawala kami agad-agad p'wede mo namang gawin ang isang bagay. 'Yon ang—"

"Esty! Esty! Esty, wake up!"

Napabangon ako sa sobrang gulat. Mabilis ang tibok ng puso ko at agad kong tiningnan ang kabuuan ng kwarto ko.

Ng kwarto ko...

Ng kwarto ko?

Bakit ako nasa kwarto ko? Nasa may sala ako kanina tapos kausap ko 'yong Alessandra McArthur na character na ako ang may gawa. Paano ako napunta sa kwarto ko? Panaginip lang ba 'yon? Nababaliw na ba ko dahil sa sobrang stress at nagsisimula na ang hallucinations?

Napatingin ako kay Papa. Gulat din s'ya. "Are you okay, Esty? Binangungot ka ba? Pagkadating ko rito sa bahay tulog ka sa may sala kaya dinala kita rito sa kwarto mo. Kumain lang ako saglit tapos pagpasok ko pawis na pawis ka na kahit bukas ang aircon. Parang hinihingal ka pa. May sakit ka ba? May nangyari ba rito habang wala ako?"

Hindi agad na-process ng utak ko ang mga sinasabi ni Papa dahil wala pa yata ako sa wastong ulirat. "Anong oras ka po nakauwi, Papa? H-Hindi ko man lang napansin."

"Mag-aalas otso na ko nakauwi, pero importante pa ba 'yon? May masakit ba sa'yo? Kukuha lang muna ako ng tubig. Dito ka lang."

Umayos ako nang pagkakaupo matapos lumabas ni Papa sa kwarto. Pumipintig ang sentido ko. Pawis na pawis nga rin ako. Hindi ko alam kung ano ba talagang nangyari, pero for sure, panaginip lang lahat ng 'yon. Masyado lang akong napagod sa paggawa ng chapter kaya nadala ko hanggang sa panaginip ko 'yong characters. Gano'n lang siguro. Sana nga gano'n lang.

Matapos kong makakalma ay sinundan ko na agad si Papa. Habang nagsasalin s'ya ng tubig sa baso ay hawak n'ya ang cellphone n'ya. "Can you go home now, honey? Feeling ko kailangan kong dalhin sa ospital si Esty."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Papa. Kausap n'ya yata si Mama. Anong ospital? Wala naman akong sakit. Nanaginip lang ako ng weird, pero wala akong sakit.

"Papa, kalma lang po. Wala akong sakit. Maayos po ang lagay ko. Napagod lang po ako kanina kaya po gano'n," sabi ko kaagad kay Papa.

"No, Esty. We're going to the hospital. You need a check-up. Masama kapag lumala pa 'yan."

Narinig kong nagsalita si Mama mula sa kabilang linya dahil naka-loudspeaker pala ang phone ni Papa. "Honey, calm down. You're overreacting. I can't go home due to overflowing works. Maybe Esther just need enough rest. Marami silang ginagawa sa school kaya baka dulot 'yon ng stress. Matulog kayong pareho ng maaga para makapagpahinga kayo."

Tama si Mama. Ang OA nga ni Papa. I appreciate that he cares for me, but going to the hospital just because of a weird dream is a bad idea. Parang sasayangin lang namin ang oras ng nga doktor doon. Ang dami-dami na ngang pasyente na kailangang asikasuhin tapos sisiksik pa ko.

Natapos na ang usapan nila Mama at Papa. Mas kalmado na rin si Papa. "Sorry, anak. Kinabahan lang kasi talaga ako. Alam mo namang sakitin ka noong baby ka pa. Ayaw ko lang ulit na mangyari pa 'yon. It's better to be careful at all times."

Totoo rin naman ang sinabi ni Papa na 'yon. Sakitin nga raw talaga ako dahil premature baby ako, pero okay na ko. Na-ospital lang ako noon dahil sa konting komplikasyon. Bihira na lang akong magkasakit. Hindi naman ako bida sa isang libro na may sakit noon tapos nang tumanda at babalik 'yong sakit.

Kinuha ko na ang mga gamit ko sa sala. Wala namang nabago. Pati sa mga files ko at sa mga nakasulat sa libro. "Papa, sa kwarto na po ako. Matulog na po kayo. Good night po."

"Good night, Esty. I'll just have a short video call with your mother then I'll sleep. Gisingin mo ko kung may maramdaman kang masakit sa'yo. Sweet dreams, 'nak."

I'm lucky that my Papa is like that, but he is sometimes thinking about things too much. No chill, kumbaga. I know that he is just protective, but I can handle myself. Big girl na kaya ako. Ikukuwento ko pa sana sa kaniya 'yong panaginip ko kaso masasayang lang ang oras n'ya.

Umupo ako sa kama ko at kinuha ang libro ko. Binuklat ko ang page na wala pa talagang nakasulat. Ililista ko roon kung sinu-sino ang mga character sa kuwentong nasimulan ko na ngayong araw. Una kong linagay ang pangalan ni Alessandra matapos kong ilagay sa pinaka taas ang napili kong title ng kuwento. May mga una na kong naisp na title, pero ito na talaga ang final na title.

'Abyss from Yesterday'

I want to make it mysterious and intriguing. It's an adventure with lots of surprises and secrets to unfold.

Nag-o-overflow na naman ang ideas ko. Kailangan ko sigurong gumawa ng outline para rito. Tinuruan kami noon na gumawa ng outline. Alam ko kung paano, pero hindi pa rin maayos ang mga output ko noon kahit may outline na.

Bubuksan ko pa lang sana ang laptop ko nang may nagsalita sa likod ko.

"Gagawa ka na agad ng next chapter? Mabuti 'yan. Nagsasawa na ko roon sa unang chapter. Minsan talaga iyon ang pinaka malamyang part, pero minsan naman nasa climax na agad. Kaso 'yong ginawa mo, ang tamlay-tamlay!"

Napatayo na naman ako at tinitigan s'ya ng mabuti. Gusto kong sumigaw, pero nakatitig lang ako sa babae na nakaupo sa kama ko. S'ya rin 'yong babae sa panaginip ko na nagpakilalang Alessandra McArthur. Nananaginip na naman ba ako? Kagaya ba ito ng iba kong panaginip na nananaginip ako sa loob ng panaginip?

"Do you think that this is a dream? Well, I'll break it to you already. This is not a dream. I am here sitting on your bed. I am Alessandra McArthur, a fictional character made by you, Esther."

"W-Wait, hindi panaginip 'yong kanina?"

"Fictional character na nga ako tapos gagawin mo pa kong laman ng panaginip mo? Grabe 'yong pag-agaw mo sa pag-asa kong maging totoong tao kahit malayo sa hinagap 'yon."

"Why are you here again? Tinawag na naman ba kita? Sa paanong paraan?"

Sobrang naguguluhan na naman ako. Nandito na naman s'ya. Is she some kind of sleep paralysis demon? I don't know! This will make me go insane! I have so many questions. I need answers right now!

"You wrote my name on the book, that's it. Dahil nagawan mo na ko ng kuwento, p'wede mo na kong tawagin anytime by just writing my name on the book, but I only have a few hours to talk to you then I'll disappear. Kung gusto mo kong makausap ulit, p'wede mong isulat lang ulit ang pangalan ko."

"W-Wala akong maintindihan."

"Maybe your book is magical. Maybe your laptop, pen, or maybe you're the one who's really magical. Wala rin akong alam kung paano ito nangyayari, pero marami ng kaso na ganito kaya marami na kong alam. I'll guide you."

"You are not real!" I blurted out.

"If you don't want to talk to me anymore because I am way too annoying, you have the power to make my mouth shut. You just need the pen and the book."

"H-How? Hindi ko na kinakayang may fictional character dito sa kwarto ko!"

"Naiinis na ko sa pagiging slow mo, pero dahil ikaw ang gumawa sa 'kin magiging mabait ako. All you need to do is cross my name out. I'll be gone and you can call me again. This is now your fate. Your journey starts here."

TinTalim