webnovel

Chapter 11

Alessandra's POV

"Salamat sa pagpunta n'yo kahit simpleng handaan lang. Biglaan 'to dahil bukas na ang alis namin. Naisipan nga lang namin 'to ng asawa ko dahil mami-miss talaga kayo ng anak namin," sabi ni Mama sa parents ni Esther. Kadadating lang ng buong pamilya nila.

Just a while ago, we attended the recognition ceremony in our school. I got my credentials and other stuff that will be needed when I transfer on a new school.

There's a party held by our class, but me and Esther skipped that. We just stayed their for 20 minutes and we already head home to prepare for tonight's dinner. I also don't want to stay in the school just to hear people that I don't know or I am not close to saying goodbye to me.

Mabilis kong tinabihan si Esther sa may sofa. "Dito ka na matulog. Mami-miss kita."

"Gusto ko nga rin kaso mag-aayos pa kayo. Baka makasagabal pa ako," tugon ni Esther.

Esther is a very good friend. There's no doubt about that. She depicts the best character a person could have. S'werte ako na s'ya ang naging ka-close ko, pero gusto ko makahanap din s'ya ng ibang mga kaibigan.

Esther is not bad at talking to people nor being harmonious with them. She have the charms. Hindi lang s'ya komportable. Ako, best friend ko s'ya, pero may iba pa kong mga kaibigan. Wala pa kong nakilala na naging ka-close ni Esther kagaya ng pagka-close ko sa kaniya. Hindi p'wedeng gano'n. She needs more friends. Good friends that will help her improve and will support her.

Maraming nagsasabi na 'di mo naman kailangan ng maraming kaibigan basta may isa kang totoong kaibigan, but having a group of people who can cause wellness to you is an ultimate rebuttal to that. You just need to be good on choosing.

"Gusto ko sana mag-sleep over ka rito kaso baka 'di pumayag sila Tita at Tito. Lagi tayong magtatawagan, ha? Kahit pa alam kong mas busy na tayo sa susunod na school year."

"Of course. Icha-chat din kita palagi. Nasa Pilipinas ka pa rin naman kahit lumipat kayo," she poked my cheek. "Kumusta pala kayo ni Rhyvs? Sasama ba s'ya sa paghatid sa'yo bukas?"

Nakuwento ko kay Esther na napapadalas ang pag-uusap namin ni Rhyvs. Kagabi nga ay nag-video call kami. Sabi n'ya hindi raw p'wede na 'di n'ya ko makita bago ako umalis. Kinakabahan nga ako dahil baka mapagkamalan s'yang boyfriend ko.

Hindi naman sa iniisip ko na parang boyfriend ko s'ya, pero conservative ang parents ko. Baka iba ang isipin nila. Gano'n na kasi ang matatanda ngayon. Parang hindi na p'wedeng maging magkaibigan ang babae at lalaki. Magjowa na agad para sa kanila o kaya 'yong babae pa ang maharot.

Sabi ko kay Rhyvs huwag na s'yang pumunta para 'di s'ya maabala, but he's so persistent. Sabi n'ya may ibibigay pa raw s'ya sa 'kin. Sana lang maayos ang ibibigay n'ya.

"Siguro sa airport na natin s'ya makikita. Hindi talaga ko makapaniwala sa lalaking 'yon. Ang layo-layo kaya ng bahay n'ya sa airport, pero pupunta pa rin. He should mind his own business."

Nagulat ako nang tusukin ni Esther ang tagiliran ko. "Malakas pakiramdam ko na may gusto 'yon sa'yo."

Tinaasan ko s'ya ng kilay. "Stop saying nonsense, Esther. Imposibleng magustuhan ako no'n saka—"

"Paanong imposible? Halos wala ng imposible sa mundo. Saka may dahilan ba para 'di ka n'ya magustuhan? Ang bait-bait mo pa naman sa kaniya," pagputol n'ya sa sinasabi ko.

"Gano'n lang siguro s'ya kasi tinutulungan ko nga s'ya, 'di ba? He's just being grateful," pagkontra ko sa sinabi n'ya.

"Paano kung 'di lang pala s'ya grateful? Paano kung mag-confess na s'ya sa'yo bukas bago ka umalis? Then he will say those sweet words that he will wait for you, 'di ba?"

Napangiwi ako sa mga pinagsasasabi nitong si Esther. Nasobrahan na yata sa pagbabasa ng mga nobelang sina-suggest ni Yael. "We're not in a fairytale, Esther. Wake up. Ang bata pa namin pareho plus that's so cliché. Ilang beses ko ng napanood sa mga drama 'yong gano'n."

"Hindi naman porque ilang beses mo ng nakita o napanood sa iba, hindi na mangyayari sa'yo. Malay mo naman."

Napapakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa mga thoughts nitong si Esther. Kung saan-saan napupunta imagination n'ya. Imagining things can be bad lalo na 'yong mga naiisip n'ya. Kahit kailan 'di sumagi sa isip ko na 'yong kagaya ni Rhyvs ang magco-confess o magkakagusto man lang sa 'kin.

"Esther, Aless, kakain na tayo, " pagtawag sa 'min ni Papa. Sa wakas, makakakain na rin. Ginugutom ako sa usapan namin ni Esther.

Esther's POV

Ang bilis lang ng mga oras. Parang isang kisap-mata lang ang dami ng nangyayari. Kagabi lang ay nasa bahay ako nina Aless. Nag-dinner ang family namin. We talked a lot. Our parents talked a lot. We even watched a movie, but now it's time to say goodbye.

Akala ko okay na ako. Akala ko hindi na ko iiyak, but still I'm crying while hugging Aless. Akala ko sapat na 'yong paghahanda ko sa sarili ko. Akala ko handa na ko. I will miss her so badly.

Nakahihiya rito sa airport. I can't suppress my tears. I can't calm down. My heart, it's not fine. Mabigat at may urge sa 'kin na sabihin sa parents ni Aless na dito na lang sila.

I don't want her to go. I have this feeling that I will lose my best friend.

"Esther, tahan na. Lukot na lukot na 'yang mukha mo," bulong sa 'kin ni Aless.

Para kong bata. Kagaya no'ng umalis si Mama noon papunta sa ibang bansa kahit isang linggo lang naman s'ya roon. I cried in the airport and now I am crying again.

I tried stopping my tears, but they are falling uncontrollably. "S-Sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan."

Pulang-pula na ang mga mata at ilong ko for sure. Sa kotse pa lang kasi ni Papa kanina ay mangiyak-ngiyak na ko.

"Nakakagulat ka naman. Kagabi naman ang saya-saya mo pa. Grabe 'yang iyak mo. Ngayon ko lang nakita," Yinakap n'ya ko ng mahigpit. "It's very rare to see you crying like that. You're a strong lady, Esther. Babalik pa naman ako. Makakapag-usap pa tayo. Magkikita pa tayo."

"Alam ko naman 'yon. I-I know that we're still best friends, but I am worried about many things."

Marahan n'yang ginulo ang buhok ko. "Ako nga hindi umiiyak, oh. Alam ko kasing babalik pa ko rito. Alam kong kapag bumalik ako, may babalikan pa ko. Stop crying already. Tito will get mad at me. Pinapaiyak ko ang unica hija n'ya."

Humiwalay na ko ng yakap sa kaniya. Marahas kong pinunasan ang mga mata ko. It took me almost five minutes bago ako nakakalma ng maayos.

Paggising ko kanina ang lungkot-lungkot ko. Ngayon iyak naman ako nang iyak. I shouldn't be like this. I am already a big girl and like what Aless said, I'm strong!

"Sorry talaga, ha? Sabi ko pa naman hindi dapat madrama ang pag-alis mo," sabi ko sa kaniya habang nakayuko.

"Don't be sorry. Normal lang 'yan. Nakaka-touch nga, eh. I never imagined you crying like that. Tapos ako pa ang dahilan. Show me a big smile, Esther. Dapat masaya tayo. Ang pangit naman kung lahat na lang ng pamamaalam ay malungkot, 'di ba?"

I smiled. A real smile. Naisip ko kasi na ganito na pala kalaking part ng buhay ko si Aless. I was literally crying like a lost child in a mall just a while ago. "Ngayon nahihiya na ko sa pag-iyak ko."

"Iyan! Ngumiti ka na rin sa wakas," nginitian ako ni Aless. "Always smile like that, Esther. You deserve all the happiness life could give."

"This is so dramatic. Mga ganitong eksena ang hindi ko ilalagay sa mga susunod kong novels," sabi ni Yael na biglang sumulpot sa gilid namin.

Inirapan s'ya ni Aless. "Ang busy-busy mo tapos pumunta ka pa rito."

"Hindi mo man lang ba ko ngingitian, Sandra? Grabe ka naman. Saka 'di lang naman ikaw ang pinunta ko rito. I'm here because of Esther," Tiningnan ako ni Yael. "You look really pitiful just a while ago. Like a scene in a novel where the boy is going to leave the girl to go to another country."

Napanguso naman ako. Gano'n ba ko kapangit umiyak? Mas nahihiya na tuloy ako.

"Alessandra!" a very manly voice called Aless. Sabay-sabay kaming napatingin kung saan nanggaling ang boses. I saw a man walking towards us. He is very buff and also tall. I think I already saw a glimpse of him before.

"R-Rhyvs..." bulong ni Aless, pero narinig ko pa rin. Nang tingnan ko s'ya ay parang natameme s'ya. Namumula pa ang magkabila n'yang pisngi.

Hinawakan ni Yael ang braso ko saka ko hinatak palayo kay Aless at doon kay Rhyvs. Kung iyon talaga si Rhyvs, parang ang layo naman no'ng mga kinukuwento sa 'kin ni Aless about sa kaniya.

Naupo kami sa bench kung saan tanaw ko ang parents namin ni Aless na nag-uusap at si Aless at Rhyvs.

"Ba't tayo umalis doon? Gusto kong makilala 'yong lalaki," sabi ko kay Yael.

"You should be more observant. They need time for each other," Inabutan ako ni Yael ng panyo. "Wipe your eyes and nose. Pulang-pula na, oh. Baka bigla pang tumulo ang sipon mo."

Hindi ko na pinansin ang iba n'yang sinabi at kinuha ko na lang ang panyo. Nakatitig pa rin kasi ako kila Rhyvs at Aless. May binigay na maliit na box si Rhyvs kay Aless. Grabe 'yong ngiti ni Aless. Abot hanggang tainga tapos namumula pa rin s'ya.

"Just like a scene in a novel," sabi ni Yael na nakatingin din pala roon sa dalawa. "I hope they find genuine happiness in each other's arms."

I know what Yael means. As long as Aless is happy and safe, it's all good. She's going to leave today, but she will stay in our lives.

Distansya lang naman ang pagitan at hindi naman 'yon magiging hadlang. I trust her. Babalik at babalik s'ya kasama ang pamilya n'ya. This will not be the last one.

I know that I cried a lot because of my stupid thoughts and worries, but I should keep in mind that Aless will never lie. She will come back.

TinTalim