webnovel

Chapter 10

Gwen's POV

"Geeo, sure ka ba na wala kang trabaho bukas? Recognition day na nila Esther bukas. Both of us should be there. Tatlong awards ang makukuha ng anak natin," paalala ko sa asawa ko.

"Pupunta ako s'yempre. Special day 'yon, 'no. Nag-file ako ng leave for three days. You don't have to worry. Hindi kita bibiguin pati na rin ang anak natin," sabi n'ya kahit nakatingin pa rin sa laptop n'ya at nagta-type ng script para sa bagong TV show.

Pinabayaan ko na lang s'ya. Kapag natapos n'ya na 'yon ay mas free na s'ya bukas. Nag-rush din ako ngayong buong buwan para matapos ko na lahat. Pinaghandaan ko na ang recognition day nila Esther. Ayaw kong may tatawag sa 'kin during the program about my incomplete and unfinished works. Baka magtampo si Esther kapag hanggang doon ay puro trabaho pa rin kami ni Geeo.

Naisipan kong kausapin muna si Esther. Alam kong excited s'ya para bukas. Hindi n'ya kasi inaasahan na gano'n karaming award ang makukuha n'ya. She deserve that. She did her very best during the whole school year. Hindi patamad-tamad 'yang anak ko, 'no. Antukin nga lang, pero hindi nakaaapekto sa studies n'ya.

I never really pushed her to study well. I don't care if she don't get any trophies. Mahirap na nga ang buhay sa labas ng school tapos ipe-pressure ko pa s'ya lalo sa studies n'ya? As long as she has passing grades and she's not doing anything that can ruin her life, it's all fine to me. But she always sets the bar high even though she doesn't know it.

Minsan napapatanong na lang ako sa sarili ko kung mabuti ba kong ina. Kung tama ba ang pag-aalaga ko kay Esther at kung tama ba ang paggabay ko sa kaniya sa mga ginagawa n'ya. I don't want her to be in any trouble. I don't want her to get hurt even though that's impossible. Ayaw kong masyado s'yang masakal sa parenting na ibinibigay ko. Ayaw ko rin namang maging masyadong maluwag. I want to be in the middle.

Maraming beses nang nasabi sa 'kin ni Geeo na sobrang suwerte namin sa anak namin. Hindi s'ya parang pako na kailangan pukpukin palagi. Alam n'ya kung paano i-handle ang mga sitwasyon. Hindi rin s'ya basta-bastang gumagawa ng desisyon. She's not lazy and she's responsible. Naiintindihan n'ya rin na busy kami ni Geeo sa trabaho para araw-araw kaming makaraos sa buhay. Some kids nowadays will get mad on their parents if their parents aren't giving enough time to them. I understand them, but I'm glad that my daughter are not like them.

My daughter's future plans are still blurry or maybe she doesn't want me to know. Ayaw ko s'yang madaliin na sabihin o magdesisyon sa daang tatahakin n'ya. College ko na nga nalaman kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay. I want Esther to take all the time to think about the path that she's going to take.

She can take any path as long as it's a legal and valuable path. Does that make me a good mother? I still don't know. Having a child like her feels like I'm in a story.

Yeah, I'm in a story. The story of our family. The most beautiful story.

Esther's POV

Inaayos ko ang mga gamit ko para bukas nang may kumatok sa pinto. Narinig ko ang boses ni Mama mula sa labas. Nagmadali akong buksan ang pinto.

"Anak, anong ginagawa mo? Nag-aayos ka pa rin ba?"

"Opo, Ma. Hinahanda ko na rin po 'yong ibibigay ko kay Aless."

Last week lang sinabi sa akin ni Aless na aalis na s'ya. Uuwi na s'ya sa hometown ng parents n'ya, sa Davao. Doon na s'ya mag-aaral hanggang maka-graduate ng college. Sobrang biglaan ang desisyon ng parents n'ya. Wala naman s'yang magawa.

Mananatili na lang s'ya rito for three days. Naayos na kasi ang mga kailangan n'ya sa pag-alis. Hinihintay na lang ang credentials n'ya galing sa school. Balak pa naman naming pumasok sa parehong school para sa susunod na school year.

Ako naman, natanggap na ako sa papasukan kong school. Pasado ang grades ko para sa early registration. Buti na lang at walang entrance test. Busy pa rin ako sa pagpapatuloy ng kuwento nila Alessandra at Jordan.

"I feel sad that Aless is going to somewhere far. S'ya lang ang pinagkakatiwalaan ko na p'wede mong samahan palagi. This is also the first time na magkakalayo kayo."

Tama si Mama. Sobrang tagal na naming magkasama palagi ni Aless. Komportable ako sa kaniya at basta s'ya ang nagpaalam kasama ko, papayag agad si Mama. My parents know a lot about Aless. They trust her like how they trust me. She's a good friend, my best friend. She's almost a sister. Like a big sister because she knows more than I know.

Natawa nga ako sa sarili ko nang muntik akong maiyak last week. Pumunta pa kasi si Aless dito sa bahay para sabihing aalis na sila ng pamilya n'ya. Gusto ko kasi kapag kasama ko s'ya. Ang dami kong natututuhan mula sa kaniya.

But maybe it's time to get out of my comfort zone. Ngayon ko lang din na-realize na masyado na kong dependent kay Aless. Kailangan matuto na kong mas kumilala pa ng ibang tao. Hindi na dapat ako mahiya at lumayo. Kapag nandiyan lang kasi si Aless, saka lang ako tumatapang. She's always there for me. I'm sad and scared that she's leaving, but we both know that we still have each other nonetheless.

"It's fine, Mama. May social media naman na. Saka malay mo sa bago kong school makakilala ako ng kagaya ni Aless na p'wede n'yo ring pagkatiwalaan ni Papa. Late ko na nalaman na s'ya lang pala talaga ang sinasamahan ko."

"You're right. I hope you find nice people on your new school. And I also hope that the teaching method there already leveled up for all the subjects," Umupo si Mama sa kama habang tinitingnan ang mga lumang notebook ko na linilinis ko na. Kinukuha ko na lang 'yong may mga lessons para pagsama-samahin. "How's your writing journey, anak?"

"Okay lang po. I'm still learning about new things," sagot ko.

Hindi ko pa sinasabi kay Mama, maging kay Papa na may ongoing story na ako. Ayaw ko pa sa ngayon dahil nga pinag-aaralan ko pa. Kulang pa ko sa confidence para sabihin sa kanila.

"That's good. Kung may tanong ka, p'wede mo kaming tanungin ng kahit na ano o kaya hiramin 'yong guide books namin," Mama pats my head. "I'm happy for you, anak."

Nagulat ako at hindi nakasagot. Umalis na si Mama, pero gulat pa rin ako. Siguro dahil hindi ako sanay. I feel so flattered.

Tumunog ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Yael. We exchanged numbers and we always talk about my story and on how I can improve my writing style. Alam na rin n'ya na aalis na si Aless. Hindi sila close, pero sinabi raw sa kaniya ni Aless na bantayan n'ya raw ako. I don't need a guard or something. Yael is a friend.

"Hey, Esther. Sasama ka naman sa paghatid kay Sandra sa airport, 'di ba? I am coming to say a good farewell to her and give you some books," sabi ni Yael mula sa kabilang linya.

"S'yempre naman sasama ako. Gusto kong makita si Aless bago s'ya umalis. Books nga pala tungkol saan?"

"About writing, of course. And I have a good news for you. There's an upcoming video call meeting where you can learn more. I'll send the link to you tomorrow. Is that fine with you?"

Napangiti naman ako. Pangalawang beses na 'to na may masasalihan akong online meeting about writing dahil kay Yael. Ang dami n'yang source. Kahit hindi pa kami nagkikita simula no'ng gathering ay natutulungan n'ya ko palagi.

"Sure, sure! Salamat ng marami."

"No worries. Iyon lang naman. See ya on Sunday."

The call ended just like that. We just exchange informations. We don't really talk a lot. We don't talk about random things. Tungkol lang talaga sa writing at humahaba lang ang usapan namin kapag marami akong itatanong. Nakukulitan siguro s'ya sa 'kin minsan, pero tuloy pa rin ako. Alam ko naman kapag busy talaga s'ya kasi 'di 'yon tumatagal ng five minutes na online kapag sobrang busy.

Linagay ko sa iisang box ang mga ibibigay ko kay Aless. Kasama roon ang photo album na ginawa ko. Hindi n'ya alam ang tungkol dito, pero ginawa ko pa rin just to save our memories. Pangit naman kasi kung nasa social media lang lahat ng pictures namin. May mga letters din akong linagay. Sana hindi magbago ang samahan namin kahit magkalayo kami.

I know a lot of people who lost their closeness to their friends or relatives because of living separately or living in a far place. Ayaw kong magaya kami ni Aless sa kanila.

Nag-chat ako kay Aless na pupunta ako sa bahay nila. Pupunta ako para ibigay 'tong box na inayos ko at para magpaalam na rin sa parents n'ya. Bukas kasi ay recognition na namin at bukas ng kinabukasan sila aalis.

It's sad, but everything's going to be fine. I hope so.

TinTalim