Our Dream's
"Ms. Michielin. Idagdag mo yung dalawang, studyanteng to."-may dalawang studyante, na pinapasok si sir. Lahat ng mata namin sa kanila nakatingin, sa pintuan. At inintay na pumasok sila. Nanlaki ang mata ko, sa gulat.. wtf! Tumingin ako kay mitzy, pati kay sian.
"Sila ang idadagdag mo sa attendance Ms.Michielin. si nathasa claire at nathalie minorie. Okay class dissmiss."-pumasok silang dalawa, at naka ngiti ng malawak.. plastic!!
Sinulyapan ko muna sila, bago ipagpatuloy ang pagsusulat. Nakita ko naman na pinuntahan, nila yung nerd naming kaklase. At pinaaalis sa upuan. Hinarap ko ang tatlo kung kaibigan, at nginitian. Tumayo ako at nilapitan silang dalawa.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!"-napalingon naman silang dalawa. Tinaas ko naman ang kilay ko, para feel mataray.
"Ano bang pakealam mo?"- tanong nya sakin. nilapitan ko sya, at tinitigan ng matalim.
"Ang pake ko, nasa dalawang binubully mo! Wag mong itulad yung classroom namin, sa hell nyong classroom dati. Halata sa asal mo pang demonyo."-nginitian ko sya ng malawak, para maasar. Inirapan nya naman ako, at kwenelyuhan.
"So ikaw na pala ang savior ng mga nerd's!! Sabagay isa ka din sa kanila, look at your out fit, so baduy. Pati mukha mo baduy."-narinig ko naman ang tawanan, ng mga kaklase ko. Nakita ko naman sila mitzy, na papunta dito. Pero bago pa sila makarating. sinampal ko na si nathasa ng malakas.
"YOU DESERVE THAT SLAP BIT*H!!"-naghiyawan naman, yung mga animal kung kaklase.. ako pa kalabanin nya.
Sinubukan naman akong sambunutan ng kaibigan nya, pero mabilis akong umilag at pinandilatan sya ng mata. Nagtawanan ulit ang mga kaklase ko. Tuwang tuwa sa ng yayari.
"Yes i am bitch *pack* yan ang dapat sayo."-napahawak ako sa pisngi ko, at dama ang mabigat nyang palad. Pero bago pa ako maka ganti, sinambunutan na ako noong kaibigan nya. Dali dali naman lumapit yung tatlo kung kaibigan. Kaya imbis na ako lang ang masaktan, sinambunutan nya si siann. Lumapit agad ako sa kanya, at sinampal sya ng malakas.
"Wala kang karapatan, na saktan ang kaibigan ko. Lalo na kung makalyo yang mga palad mo, magasgasan pa pagmumukha nya!"-sinubukan nyang hablutin yung buhok ni siann, pero tinadyakan ko na sya sa binti. Na sya namang kinaupo nya sa sahig.
Sasampalin kuna sana sya, ng may mga braso na pumulupot sakin. At nilayo ako kay nathalie, nakita ko naman tinulungan ni nick si siann. Ng makalayo na ako sa kanila, saka nya lang ako binitawan. At lumapit silang tatlo kay nathalie, at nathasa.
"Dipa kayo nadala! Kaya kayo pinaalis sa room nyo, dahil dyan sa ugali nyo! Magpasalamat kayo na tinangap kayo dito."-mahina lang yun, pero ramdam ko ang galit sa tone ng boses ni yuhan.
"Hayaan muna sila, kung gusto nila magaway, pabayaan mo! Mga isip bata."-matalim ko syang tinitigan. Tinitigan nya lang ako, at tumingin kay yuhan.
"Ikaw nathalie at nathasa, pumunta kayo mamaya sa guidance office, bago mag lunch. Pag wala kayo doon, ipapahanap ko kayo sa guard!"-lumapit naman si yuhan sakin, at nginitian ako.
"Okay kalang ba?"-tumango ako, at nginitian sya. Nagulat naman ako sa binulong nya. Ang cute mo makipag away.
Bago pa ako magsalita, umalis na sila. At nilapitan, ako nila cladz at mitzy.
"Siann! Okay kalang ba?"-nginitian nya ako, at nag thumbs up. Umupo naman yung mga kaklase ko. At tumahinik.. masyado na silang tuwang tuwa sa show.psh.
"Ikaw ba kie, okay kalang? Tamo namamaga yang pisngi mo, at puro kapa kalmot sa braso!"- nagthumbs up lang ako. Para alam nilang okay ako. Dumating naman agad yung teacher namin, at pinagtest lang kami.. natapos naman ang 3subjects namin, na puro lang test.
"May baon na ako!"-nginitian ko sila, kita ko naman sa mata nila ang pagaalala. Sa mga sugat na natamo ko.
"Remedy!!"-nakita ko si yuhan na kumakaway, at maydaldalng bulak, band aid at kung ano-ano. Nginitian ko lang sya, at senenyasan na lumapit.
"Sorry kanina. Dina ko nakapunta para magamot yang sugat mo, nagmamadali kasi si throp. Okay kalang ba?"-tumango ako, at nginitian sya. Nakita ko naman sa gilid ko, sila siann na nginitian ako ng nakakaloko. Inirapan ko sila, na sya namang kinatawa nila. Napabusangot tuloy ako.
"Kaya alam ko name mo, dahil sinabi nila nick at rion."-baka kasi isipin nyang, stalker nya ako. Pero crush ko na sya. Ang bait kasi nya.
"Bakit, masyado kang defensive? Wala naman ako sinasabi. Ikaw ha! Napaghahalataan ka."-napabusangot naman ako. Humalagapak naman sya ng tawa, at sinimulang gamutin ang mga sugat ko. Sumenyas naman ako sa tatlo kung kasama, nginitian nila ako bago lumapit
"Hi yuhan!"-nginitian ni cladz, si yuhan. Nginitian din naman nya pabalik.
"Hello! Ngayon palang ba kayo kakain?"-tumango silang tatlo, kaya lumipat si yuhan sa kabilang upuan, at nilinis ulit ang sugat ko. Nginitian ko naman sila, at kinuha ang baon.
"Penge ako nito!"-kumuha si siann ng maling na ulam ni cladz, ninakawan nya naman din ako ng ulam. Napangiti na lang ako, at kinalabit si mitzy.
"Gusto mo?"-nginitian nya lang ako. Nilagyan ko naman yung baunan nya ng ulam, at patago kung binigay. Habang nag babangayan pa si cladz at siann.
"Penge din ako kie. Kahit anong tago mo malinaw pa sa sikat ng araw ang mga mata ko."-natawa naman ako sa sinabi ni cladz. At napa iling na lang, sabay lagay ng ulam sa baunan nya.
"Yuhan! Half day lang ba today? Narinig ko kasi si kuya throp. May kausap kaninang teacher sa faculty, at narinig ko yung sinabi kay kuya."-humarap ako kay yuhan at nginitian sya. Nagtaka nya naman akong tinitigan.
"Wag muna kayong maingay, baka malaman ng kaklase nyo. Malalagot lang kaming officer."-sabay sabay naman kaming, nag thumbs up sign. At nginitian sya.
Tinawanna nya lang kami, at tinapos na ang paggagamot sa sugat ko.crush ko na sya, ang bait nya.
"Thank you yuhan. Kumain kana ba?"-nginitian nya ako, sabay thumbs up. Natawa naman ako sa kanya.
"Gaya-gaya! Yang sign nayan para saming apat lang."-lumukot naman ang noo nya, kaya natawa kaming apat.
"Edi isali nyo ako. Para naman magawa ko ang sign na yun."-nilipat ko ang tingin, sa tatlo kung kaibigan. At tinanong sila, nag thumbs up lang sila. At bumalik ulit sa pagkain.
"Sige. Thank you ulit, ingat ka pabalik ng classroom."-nagwave agad ako, at nginitian sya. Nagthumbs up lang sya at kumaway din pabalik, sabay lumakad paalis.
"Sige. Thank you ulit, ingat ka pabalik ng classroom."-inirapan ko si cladz, na ginaya ang boses ko. Psh issue!!
"Kumain na nga kayo, kaya wala kayong lovelife. Ang bibitter nyo!"-nginitian ko sila. Nagkanya kanya naman silang busangot, napailing na lang ako.
"Sya nga pala kie, chef ba talaga ang gusto mo. At kukuhanin mong course sa college ayy culinary."-sumubo muna ako,at inangat ang tingin kay mitzy. Sabay iling.
"Honestly gusto ko mag BSIT pagcollege, ang mali kulang H.E ang kinuha ko ngayon.. kayo ba? Ano balak nyo pagtapos ng senior high?"-sumubo ulit ako, at inantay silang magsalita.
"Ako diko pa sure, gusto ko mag bartender o crim. Ang gulo pa!"-tumango-tango lang ako, at inantay sila sian at cladz na magshare ng courses nila.
"Basta tama tong strand na pinasukan ko. At mag BSHRM/BSHM ako, gusto ko kasi magtayo ng restaurant, at mag luto ng pagkaing masasarap para sa costumer."-nginitian kami ni cladz, sabay flip ng hair nya.
"Ako mag educ. Pagka college, i want to teach elem. Grade."-nag thumbs up ako kay siann, at hinalikan sya sa pisngi.
"Teacher sianney, bakit wala pa po kayung boyfriend."-natawa naman si cladz at mitzy. Sa pag baby talk ko, hinablot naman ni siann ang buhok ko. Tinawanan kulang sya. At pinandilatan ng mata.
"Wathever kie!"-inirapan nya ako, at inubos ang kinakain nya. Napailing na lang ako. Nakita ko naman sila nathalie at nathasa na papasok ng room. Tumalikod na lang ako, at kinuha ang libro sa loob ng bag. Saktong vacant naman.
"Cladz! Anong maganda---"-narinig ko ang tilian nila, napayuko ako. At pinunasan ang mukha ko.
"Sa susunood na magpapabida ka! Galingan mo."-kinuyom ko ang kamao ko, at tinitigan sya ng matalim. Kita ko naman sa gilid ang gulat at pagaalala sa mga kaibigan ko.
"Duwag kasi kayo! Kaya nyo lang saktan, yung mga walang laban. Bat di nyo subukan humanap ng bubullyhin na matapang? Para magkaalaman na!"-hinablot ko ang juice na hawak ni nathalie, kita ko namang nagulat sya.
Bago pa sya magsalita, binuhos kuna sa kaibigan nya. At nginitian ng demonyo.
"Anong feeling nathasa? Nahimasmasan kaba? Ito ang tatandaan mo. Di ako duwag para magpaapi sayo!"-dinangil ko sya ng malakas, at naglakad ng mabilis. Ramdam ko naman ang mga titig nila.
Nakarating naman ako sa banyo, at agad nagpalit ng damit. Buti na lang may extra ako lagi sa bag. Sunood sunood na bumagsak ang mga luha ko, at doon na ako umiyak ng umiyak. Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto, humarap agad ako. At tinitigan sila.
"Shhh.. sorry dikananaman namin natulungan, nagulat din kami sa ng yari. Sorry remedy."-tumulo naman ang luha ni cladz, pati si siann. Niyakap ko naman agad sila, at tinapik ang likod.
"Okay lang, alam kunamang may hika si siann, at baka mapano pa sya. Saan nga pala si mitzy?"-hinanap agad ng mga mata ko si mitzy, nakita ko naman syang kakapasok lang ng cr.
"Don't worry kie. Sinabi ko na kay yuhan ang ng yari.. okay ka lang ba gurl? Alam munaman ako di mahilig makipagaway, iba kasi ako pagnagagalit. Sorry!"-nginitian ko na lang sya, at nag thumbs up.
"Kahit hindi nyo ako tulungan. Basta lagi nyo akong cinocomfort, mas mapapanatag ako. Ayoko na madamay kayo, malagot pa ako sa kuya mong suplado mitz."-niyakap nya ako, napayakap nadin ako at umiyak ng umiyak.
"Shhh.. magiging okay din ang lahat rem. Be strong lang. Kanina ang tarat taray mo, tapos pagkami kaharap mo anlambot lambot muna.. aww."-niyakap nila akong tatlo, at pinaghahalikan sa pisngi. Napangiti na lang ako.im thankful to have them.
Mabilis natapos ang klase, kaya nauna ng umuwi ang tatlo kung kaibigan. Nagpaalam naman ako na may pupuntahan ako. Naghintay muna ako ng bus papuntang SM.
Yes! Maybibilhin kasi akong, bagong wattpad. At kpop merchandice.
"Good afternoon maam. may bago po kaming stock ng BT21 TEADYBEAR. Tsaka po iba pang kpop merch. Kakarating lang po kahapon!"-nginitian ko si kuya, at pumunta sa counter para magbayad. Unti lang binili ko, dahil need ko maka punta sa bookstore.
Pinaiwan ko muna yung mga dala ko. sa lagguage counter, at dumeretso sa fiction library. Nagningning naman yung dalawang mata ko sa nakita, ang daming bagong wattpad books. Kumuha ako ng tatlo sa mga bagong labas, at hinanap yung nakitako sa onlineshop.
"Ano ngang title noo? Ahh ayun na alala kuna."-dali-dali naman akong pumunta sa dulo ng fiction library, at hinanap ang librong paborito ko, ng bigla akong may natamaan na katawan.
"Okay ka lang ba?"-nagulat naman ako sa tanong nya, kaya hinarap ko sya. Kilala nya ba ako? Baka kidnapper, ohmygosh. No way!
"Do i know you?"-nakatalikod kasi sya kaya diko kita ang mukha nya. Bigla naman syang humarap, kaya napatakip ako sa bibig ko at tinuro sya, gamit ang daliri ko.
"Ikaw yung ka--kapatid ni mi--mizty diba?"-why so tanga kie. Bakit nauutal ako, diba nga suplado sya. Nilampasan nya lang ako, at pumunta sa kabilang bookshelf. Sinundan ko naman agad sya.
"Hi! Remedy kie lawson."-nilahad ko ang palad ko, at nginitian sya. Pero tinitigan nya lang ang palad ko, at mukha. Sabay talikod ulit. Suplado!! Pagikaw kinulit ko, yari sakin buhay mo.
"No one asking!"-nilamig naman ako sa pananalita nya, why so cold. Gwapo sana suplado lang.
"Gwapo ka sana! Suplado kalang."-dinya parin ako tinapunan ng tingin. At busy pa din sya sa paghahanap.
"I know!"-tinaasan ko agad sya ng kilay. Hambog amp.
"Alam mo din na crush kita?"-napakagat labi ako, at ngumisi ng patago. Alam mo pala lahat ha!! Hmm let see.
"So anong gagawin ko? Magkaroon ng gusto sayo? Your wasting my time."-napatanga naman ako, at sinulyapan sya papuntang counter. Hinanap ko agad yung libro na need ko, at nagbayad agad. Tumakbo naman ako papuntanh counter para kunin yung mga gamit ko.
Hingal na hingal akong huminto, at umupo sa gilid. Bayan nawala na tuloy sya. Ang bagal kasi ni kuya sa counter. pumunta muna ako starbucks at bumili ng frappe. Naghanap agad ako ng upuan, nakakita naman ako sa labas. Kinuha ko agad yung order ko, at lumabas na.
"Haysst.. bakit kasi ang bagal ng lalaking yun, nawala tuloy sya.psh!"-kinalahati ko yung frappe ko. At inayos ang mga pinamili. Buti sumakto ang perang naipon ko.
"Saan ka magbebenta?"-napatalon naman ako sa upuan, dahil sa gulat. Nakita ko namang umupo sya sa tapat ko. Nginitian ko sya ng malawak, at inalok ng frappe.