webnovel

03

Crush mo yun no?

"Salamat sa paghatid. Ingat ka sa paguwi."-tumango lang sya, at tinalikuran ako.. bastos talaga! Pero ang saya ng araw ko, I like him na.. pumasok ako sa kwarto ko, at nagbihis. Para magluto, nakita ko naman si papa na kakarating lang. Nagmano naman ako, at kumuha ng tubig, para mainom nya.

"Anak sabihin mo sa ate mo. Yung bayarin sa tubig at ilaw sya na muna ang bahal, at sakanya ka muna manghingi ng baon. Magpapadala ako sa mama mo."-nginitian ko si papa at nag thumbs up. Pumasok naman agad sya sa kwarto, para magbihis.

Binuksan ko yung laptop, at agad na hinanap ang pangalan ni throp sa facebook. Dinaman ako nahirapan, dahil friends sila ni yuhan at mitzy. Inadd ko sya, at nag message.

Me: nakauwi kana? Kumain kana din.

Jack throp is typing....

Jackthrop: Yeah -_-

Me: andami kung tanong! Tapos yeah lang sagot mo. Psh.

Jack throp is typing....

Jackthrop: oo naka uwi na ako! Nakakain na ako. Now happy! -_-.

Me: suplado!

Naglog out na ako, dahil sa inis. Why so suplado.. yari talaga sya sakin, bukas na bukas tapos na ang tahimik nyang buhay!! Heheh! Iniwan ko muna ang laptop ko, at pumasok sa banyo para magsipilyo.

"Remedy kie. Fighting!"-pinatay ko muna ang mga ilaw, at humiga sa kama. Nagvibrate naman ang phone ko, kinuha ko agad at mabilis na binuksan.

From: cladz

Kamusta ang lakad mo? Naka uwi kaba ng buhay?.

Natawa naman ako sa tanong nya, at nireplayan sya.

To: cladz

Okay naman po lakad ko mommy, at buhay pa po akong naka uwi. Good night mommy!.

Natawa agad ako, naiisip ko palang mukha ni cladz. Yung reaction nya pa isama mo, yari na. Hahahah!

Nagising naman agad ako sa sinag ng araw, tiningnan ko muna ang cp, at oras. Uminom muna ako ng tubig, sabay pasok sa cr, para maligo. Nakangiti akong lumabas ng kwarto, daladala ang bag ko.

"Good morning papa and atey!"-sinenyasan naman ako ni ate na umupo. Si papa naman nagkakape at may katawagan, aga naman ng trabaho nila.

"Nagiwan ako ng pera, sa pouch mo. Ikaw na bahal magdivide sa pang baon mo. At nagbayad na ako kagabi ng tubig at ilaw, gamit ang gcash."-inumpisahan ko naman ang pagkain, at tango lang ang naisagot sa kanya. Bumalik ulit ako sa kwarto, at nagsipilyo. Sabay kuha ng cp.

"Pa! Ate! Aalis na po ako."-sinuoot ko muna yung sapatos, at inayos ang sintas. Nakita ko naman na papalapit si ate.

"Magingat ka sa pagpasok, sabi ni papa. Yung bilin ko sayo wag mo kakalimutan."-tinalikuran ko na sya, at nagwave. Dinga ako nahirapan sa paglalakad, sa paghahanap naman ng jeep na may bakante ako ma hirapan.

"Manong bayad po, isang studyante."-pinaabot ko naman yung bayad ko, at tumahimik na lang. Nakita ko naman si yuhan, na papasok din dito sa jeep. Ngumiti ako, at inantay ang pagpasok nya. Sakto naman bakante na sa tabi ko, umupo naman sya doon, ng diparin nya ako tinitingnan.

"Bayad po, isang studyante."-napangiti agad ako. Sa tono kasi ng bosea nya ang lambing, yieee akin kana lang. Jokee! Napailing na lang ako, at kinalabit sya.

"Ohh! Ikaw pala yan rem. Good morning."-nahiya naman ako sa mapuputi nyang ngipin, nginitian ko din sya pabalik.

"Good morning din. Sorry pala kahapon sa pagsabi ni mitzy, about sa naganap nanaman na away."-lalo naman akong nahiya. Dapat kasi si throp na lang, pero okay naman na. Wag na idamay ang bby ko baka ipatapon ako sa mars. Ang landi mo rem.

"Hey, are you listening?"-nagtaka ko naman syang tiningnan, at inantay na magsalita ulit.

"Ahmm, ano nga yung sinabi mo. Sorry may iniisip lang ako."-nginitian nya lang ako. Ramdam ko naman ang paginit ng pisngi ko. Kaya tinalukuran ko sya.

"Sana kasama din ako sa iniisip mo."-tinaasan ko sya ng kilay, at hinarap. May narinig kasi akp, pero diko naman na gets.

"Ang sabi ko, andito na tayo sa tapat ng school. Kaya baba na."-sinunuood kuna lang sya, ramdam ko naman syang sumunood din sa pagbaba. Hinarap ko muna sya at nginitian.

"Good morning ulit yuhan. May pupuntahan pa ako bye."-pumasok ako ng school, at tumakbo papuntang cafetiria. Nakita ko naman silang tatlo, na naka upo at umiinom ng kape.

"Good morning kie."-inabutan nila ako ng kape, umupu muna ako at kinuha ang binigay ni cladz.

"Good morning din, anong oras pa kayo andito?"-hinalikan muna nila ako sa pisngi, at nginitian.

"Mga 7AM. Itong kasing si siann, binulabog ako ng tulog, kaya maaga din ako pumasok.Pero si mizty talaga pinaka maaga."-humigop muna ako ng kape, at nginitian si mitzy.

"Pinasabay ako nila mom at dad, kay kuya throp. Kaya napaaga ako."-tumango-tango silang dalawa. Nginitian ko naman si mizty, kaya tinitigan nya ako ng nagtataka.

"Kahapon kasi, diba pumunta akong SM para bumili ng mga books, ehh nakita ko kuya mo. Tapos ayun kinulit ko sya ng kinulit, tapos hinatid nya ako."-nginitian ko silang tatlo, ramdam ko naman ang init ng pisngi ko.. naniniwala na ako sa love at first sight. Noong unang kita ko sakanya, diko masyado makita mukha nya. Pero kahapon, ang gwapo nya.

"Hoy bruha, halatang hala yang kapal ng blush on mo! Umamin kanga samin. Crush mo yun no?"-nginitian kulang sila, at nag imagine..

"Babe anong gusto mong kainin?"-nginitian nya ako, at kinindatan.. ramdam ko naman ang init ng pisngi ko, kaya yumuko ako at nailang.

"Kahit ako, basta kasali ka sa pamimilian!"-inangat nya yung chin ko, at nilapit ang mukha sakin..

Hahalikan nyana ako. Pinikit ko ang mga mata ko, at inantay na mahalikan. Nya. *pack* natauhan ako sa sampal ni cladz.

"Tigilan mo yang pagiimagine mo! Ubusin muna yang kape, aakyat na tayo sa room."-bumusangot ako, at inubos na ang kape. Inayos ko ang bag ko, at sumunood sa kanila.

"Alam mo kie. Mag ka crush kana sa lahat ng lalaki dito, wag lang sa kuya ni mitzy. Kilala yung cold hearted."-pinakingan kulang si siann, at tumabi kay mitzy.

"Tama sila kie. Wag na lang si kuya throp, walang pake yun sa mga babae. Adik na adik sa online games yun, tapos puro lang aral sa school."-tumango tango na lang ako. Nahagip naman ng mata ko si throp, kasaa si yuhan, rion at nick. Inayos ko agad ang sarili ko, at ngumiti. Tumingin ulit ako, at malapit na sila samin.

"Hi throp."-nginitian ko sya ng malawak, kinawayan lang ako nila nick at rion. Nginitian naman ako ni yuhan, pero di ako tinapunan ng tingin ni throp.. nilapitan ko sya, at hinarang ang dalawang braso.

"Umalis ka sa daraanan ko, malalate na kami. Kaya pwede ba alis."-tumango ako, at tumabi sa gilid nya. Nakita ko namang nagtaas sya ng kilay, ginantihan ko lang sya ng ngiti.

"Sabi mo lang umalis ako sa daraanan mo, dimo naman sinabing wag kitang sabayan sa paglalakad."-nginitian ko sya, naglakad naman sya ng mabilis. Napabusangot na lang ako at bumalik sa mga kasama ko.suplado.

"Sabi ko sayo kie! Masasaktan kalang, tara na nga."-napa iling na lang si cladz at mitzy, nagumpisa naman ulit kaming maglakad.

Pagkapasok namin sa room, unti palang ang andoon. Kaya dumeretso na kami sa upuan namin. Kumuha ako ng libro sa bag, at nagbasa lang. Masyado pa kasing maaga, kaya siguro unti palang. Hinayaan kuna lang silang tatlo sa ginagawa nila. Kinalabit naman ako ni mitzy, kaya binaba ko muna yung libro ko at tumingin sakanya.

"Bakit mitz?"-senenyasan nya akong lumapit sa kanya, ginawa ko naman.

"Kaya pala pag kauwi ni kuya throp kahapon, nakangiti na sya."-nginitian nya ako, at inasar. Natawa naman ako sa kanya.

"Baka naman, may pinuntahan syang iba. Kaya paguwi nya naka ngiti sya, wag moko paasahin mitz."-nginitian nya lang ako, at binalil nya ulit ang tingin sa binabasang libro. Napa iling na lang ako, at nagbasa ulit.

"Good morning students. Wala si Sir garcia ngayon, pero mag paiwan sya ng gagawin sakin, magsi upo na kayo. At gawin yung isusulat ko sa board."-binaba ko agad ang binabasa ko, at humarap sa unahan. Nakita ko si throp na naguumpisang magsulat sa board. Tumingin sakin yung tatlo at nginitian nila ako, nginitian ko sila pabalik.

Natapos na kaming tatlo sa pagsusulat, at sinagutan narin namin. Hinantay naman ni throp yung ibang dipa tapos, tumayo ako at inabot sa kanya ang papel namin, sabay ngiti.

"Hi! Sana ikaw din magbantay samin bukas, para makita kita ulit kita. Sino pala kasabay mo maglunch mamaya?"-nginitian ko sya. Nakatingin lang sya sa papel namin, at inangat ang tingin sakin.

"Ngayon lang to. May seminar si sir. Bakit sasabay ka?"-nagpantig naman yung tenga ko sa sinabi nya, walang pagalinlangan akong tumango.

"Papayag kaba? Baka kasi ayaw moko kasama. Kaya wag na lang kung ayaw mo."-tumango tango lang sya, at pinaglaruan yung ballpen nya. Napatitig naman ako sa labi nya.. pervert ka rem.

"Sure."-nginitian nya ako. Napatitig naman ako. OMG! nginitian nya ako, yieeee landin mo rem. Nginitian ko din sya, at tinalikuran para bumalik sa upuan ko.

"So anong pinagsasabi mo sa harap, at napangiti mo yung kumag na yun?"-nginitian ko muna sila, at umupo sa tabi ni mitzy.

"Bakit cladz? Gagawin mo din ba yung style ni rem. Kay yuhan!"-nginitian sya ni siann. Inirapan nya lang si siann, at nginitian ako. Nagtawanan naman kami ni mitz.

"Sabi ko kasi, kung pwede sumabay sa kanya mag lunch. Then sabi nya pwede! Kaya ayun."-bigla akong kinilig. Kainis naman si throp, lakas ng epekto sakin. Nginisihan lang ako ng tatlo, at pinagtutusok sa bewang.

"Yieee.. kilig kilig ang lola nyo. Anlandi mo din kie. Di lang pala si siann, pati ikaw."-hinablot naman ni siann yung hubok ni cladz. Napailing na lang ako at lumapit kay mitz.

"Bakit ang tahimik mo ngayon? May problema kaba?"-umiling lang si mitz, At niyakap ang braso ko. Hinaplos ko ang buhok nya, at nginitian. Busy naman sila cladz at siann sa kakaliptin.

"Kie! Andito lang ako, pati yang dalawa pag may problema ka. Maganda ka pag nakangiti."-nagpacute naman ako sakanya, at niyakap sya.

"Aww.. wag kang magalala mitz. Kung dumating man yung araw na marami akong problema idadamay ko talaga kayong tatlo."-tinawanan nya lang ako, nakiita ko naman na naglabasan na mga kaklase ko. Kumalas ako sa yakap sa kanya, at inayos ang bag at kumuha ng pera, dinala ko din yung book na binabasa ko.

"Tara mitz. Andyan na yung princi ni kie na cold hearted, with his three friends."-natawa naman ako sa pinagsasabi ni cladz.

Tumayo ako, at nilapitan si cladz. Sabay binatukan nf malakas.

"Puro ka kalolohan! Mauna na kayo ni siann, kumukuha pa si mitz ng pera."-tinalikuran lang nila kaming dalawa, bastos talaga. Nilapitan ko si mitz, at tinulungan maghanap. Dinaman kami natagalan.

"Bakit may dala kapang libro? Kakain tayo doon kie. Hindu magbabasa!"-inirapan kulang sya, sabay kapit sa braso nya.

"Matatapos na kasi yung binabasa ko. Kaya wag kang kumontra, okay. Let"s Go!"-hinatak ko sya papunta kala yuhan. Nginitian ko silang lahat, at nag wave.

"Let's go!"-nauna naman sila rion at nick maglakad, sinundan nila siann at cladz, then si throp, yuhan at mitz ang nasa unahan ko. Binuklat ko naman yung librong dala ko at binasa. Nasa part na ako na kinikilig yung bidang babae sa story.

"Kie!."-hinayaan kuna lang sila. Sabay lipat ng pahina ng libro, ng biglang may humablot sa libro ko.

"Kung magbabasa kalang, bumalik ka sa room nyo. Hindi yung nagbabasa ka habang naglalakad. Psh."-nginitian ko si throp, at lumapit sa kanya.

"Yiee nagaalala sya! Don't worry magiingat na ako para sayo."-nginitian ko sya. Iniwan nya naman ako magisa, at sinabayan ang mga kaibigan nya.attitude!

Nilapitan ko din sila mitzy, at tinanong anong kakainin nila.. natigilan naman ako, ng maalala ko na kay throp yung libro ko. Bukas ko nalang kukunin para may dahilan ako, para makita sya.

"Hoy! Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Kakabasa mo yan ng pocketbook."-umupo na lang ako, at sinabi kala siann at cladz ang order namin ni mitz.at sinulyapan si throp, na kausap ang mga kaibigan nya.

"Hi throp. Pwede ba maki tabi sayo? Puno na kasi yung ibang table."-napa taas ako ng kilay, at sinuyod ang kabuuan ng cafetifria. Napa irap na lang ako, at tiningnan si throp.wag kang pumayag, pagpumayag ka yari ka sakin. Napangiti naman ako, kasi di sya pinansin ni throp. Kaya si yuhan na ang kumausap sa kanya.

"Mapunit yang bibig mo kie. Masyado kang natuwa sa eksena!"-nagthumbs up lang ako kay mitz, at tinitigan si throp na kumakain. Napalunok naman ako, at iniwas ang tingin.

Pano banaman kasi, ang hot nya kahit kumakain lanh sya. Ang pervert kuna ata. Sinampal ko yung sarili ko, at sinambunutan. Pero mahina lang, napatitig naman sakin si mitz. At humalagapak ng tawa. Kaya napatingin din yung iba samin, napa yuko na lang ako.

"Hey, stop laughing mitzy jade! Your getting peoples attention."-inirapan ko nalang sya, at bumusangot. Dumating naman sila cladz na maydalang food. Sinimulan kuna lang kumain. At tumahimik na.

"Wala kabang lakad ngayon kie? Baka bumili kananaman ng libro, feeling ko sa dami ng libro mo nabebenta yun ng ate mo. Dagdag budget sa gastusin."-nagpantig naman yung tenga ko sa sinabi ni siann, tiningnan kulang sya. At inalis ang tingin sa kanya. Dinaman magagawa ni ate yun!

Binilisan ko ang pagkain, at nagpaalam sa kanila na bibili ng tubig. Nakita ko naman si brandon, yung kaibigan ko noong elem at high school. Kinawayan ko sya, pero dunya ata nakita. Kaya tumakbo ako papunta sa pwesto nya.

"Hey! Kailan kapa lumipat dito?"-nakita ko namang nagulat sya, kaya tinawanan ko sya. At kinurot ang pisngi.

"Kakagulat kanaman rem. Dimo sinabi na dito ka din nag aaral. And yes kakalipat kulang, magkabatch tayo. Kaso di tayo magkaklase! Anong floor, section at room no. Mo?"-natawa naman ako sa sunood-sunood nyang tanong.

"4th floor, room 402 section 2he. Next time kwentuhan tayo, may bibilhin pa ako bye brand."-bumusangot lang sya, at kinawayan ako. Ayaw nya kasing tinatawag syang brand. Baduy daw!

Naka bili naman agad ako, at bumalik na ulit sa kanila. Pero napahinto ako sa gulat.

"Tubig lang bibilhin. Andami pang chinichismis!"-nilagay nya sa bulsa ang palad nya, at cold akong tinitigan. Sabay nilampasan.

Anong problema ng supladong yun? Nababaliw na ata sya. O baka nagseselos. Pero impossible selos, wala ata sa dictionary nya yun!! Wag mo paasahin self mo kie.

"Crazy!"-tinakbo kuna lang ang table namin, at umopo. Sabay inom ng dalang tubig.