webnovel

01

New friend's

Bumaba ako ng jeep, at naglakad papasok sa school. Namangha ako sa kakaibang laki at lawak, kahit sa labas palang.. Nakita ko naman yung ibang studyante na may kaibigan, at nakikipagtaawanan pa habang papasok, ng gate. Ngumiti nalang ako. At inisip na magkakaroon din ako ng kaibigan.. Yes! Transferee ako. Dito kasi nagtratrabaho si papa at ate sa manila! Kaya dito din nila ako pinapasok.

Pagkapasok ko sa school, hinanap ko muna ang section at room no. Ko. Tumitig muna ako saglit, at sinulat sa kapirasong papel kung saang building, section, at room no. Nakita ko naman ang tatlong babae na papunta dito. yung isa naka talikod pa. Ilang hakbang na lang at mababanga nya na ako. Pinikit kuna lang ang mata ko, at inantay na tumama sya sakin.

"Ano ba sianney! Magingat ka nga, dimo alam na may mababanga ka na. Dahil dyan sa paglalakad mo ng naka talikod!"-napa dilat naman ako ng mata, at hinanap kung sino ang nag salita.

"Okay kalang ba miss? Pasensya kana sa kaibigan ko, medyo makulit lang."-dahil sa gulat ko. Tango na lang ang naisagot ko.

"Hala! Sorry po."-nakita ko naman sa mga mata nya ang kaba, kaya nginitian ko sya.

"Okay lang, pero next time magingat ka. Baka ikaw ang madisgrasya."-nginitian nya ako, at nagthumbs up. Natawa naman ako sa ginawa nya. Humarap ako sa lalaking, tumulong sakin, at nginitian sya.

"Thank you."-tumango lang sya, at nginitian din ako.

Nakita ko naman, yung kasama nya kanina. lumapit sila sa babaeng muntik kunang. Makabungo. Tinalikuran kuna sila, at nagumpisa ng maglakad, para mahanap ang room ko.

Napa daan ako sa mga studyanteng nagsasayaw. Napa ngiti na lang ako sa kawalan. Mabilis akong naglakad papunta sa isang teacher na, may kausap na studyante.

"Good morning po maam, pwede po ba ako mag ask?"-nag wait sign naman sya sakin, kaya inantay ko munang matapos silang mag usap. Lumapit naman agad sya sakin, at nginitian ako.

"Yes, ms. Anong itatanong mo?"-kinabahan agad ako sa mga titig nya, pero sinantabi ko muna. Para malaman ang room at section ko.

"Maam, saan po ba dito yung building H? Room 402?"-nginitian ko sya, at inantay ko ang sasabihin nya.

"Yung buildung H doon."-tinuro nya yung building, na may apat na palapag. " at 4th floor yung room 402."-nginitian ko agad sya.

"Thank you po maam. And good morning po ulit."-tumango lang sya, at umalis na sa harap ko.

Naglakad agad ako, papunta doon sa buildung na tinuro sakin. Nakita ko naman yung tatlong babae kanin. kasama yung babaeng muntik ng bumanga sakin. Papasok din sila sa building nayun. Dali-dali akong sumunood, sa kanila.

Nasa likod lang nila ako, at narinig ko ang pinagbubulungan nila.

"Sino yung lalaking kausap mo kanina? Dimo sinabi samin na, kakilala mo yun."-napa ngiti na lang ako sa kanila.

"Kaibigan ko noong highschool! Why? Type mo ba mitzy? Don't worry pwede kitang ilakad doon."-lumayo ako sa kanila ng kaunti. Baka malaman nilang chismosa ako.

Naramdaman ko namay, paparating. Mabilis naman akong gumilid, para hindi ma bungo. Pero huli na pala ang pag gilid ko, dahil naramdaman ko na out balance ako.

"OMG!! Malala---."narininig ko ang sigawan ng mga studyante, napapikit na lang ako. At inantay na bumagsak, sa matigas na bato ang buong katawan ko.. nagintay muna ako ng ilang minuto, bago ko idilat ang mata ko.

Naramdaman ko naman ang braso, na pumulupot sa bewang ko. Kaya agad akong napa dilat. At hinanap kung sino ang sumalo sakin.

"Next time magiingat ka miss. Mamaya matuluyan ka sa pagbagsak."-huminga ako ng malalim, at mabilis na kumalas sa hawak nya.

"Sorry, at maraming salamat sa pagsalo sakin."-nginitian ko sya. At huminga ulit ng malalim.

"Basta nex----"-natigilan sya sa pagsasalita, ng lumapit ang isa nya pang kasama. At tinaasan sya ng kilay.

"She's fine i guess, so let's go!"-ramdam ko sa pananalita nya, ang inis. Kaya ngumiti na lang ang kaibigan nya, at kinawayan ako.

Suplado! Di naman sya yung tumulong sakin, bakit sya naiinis dyan. Kala mo kina gwapo nya grrr.

"Suplado mo psh!."-napabusangot na lang ako, at nagumpisa ng maglakad.. ng may biglang magsalita.

"Hi! Nick louie? Ikaw din yung kanina right? Sorry sa kaibigan ko. At don't worry, yung tumulong sayo si yuhan mabait din."-nginitian ko sya, at sumabay ako sa kanya sa paglalakad. Nagulat naman ako sa kasama nyang lumabas sa likod nya, at kumaway sakin.

"Hi, im Rion ash. Mas close kami ni nick, pati yuhan. Pasenysa kana sa inasal ni throp."-nginitian ko sya, at nag thumbs up.

Hinanahap ko agad, yung tatlong babaeng sinusundan ko. Napa busangot na lang ako, dahil nawala na pala sila! Buti sinabayan ako nitong si rion at nick. Magsasalita sana ako, ng makita kung naguusap sila. Kaya tumahimik na lang ako. At sumunood sa kanila.

Nakarating naman kami sa, 4th floor. Pumunta ako sa unahan nila, at nginitian sila.

"Ahm. Mauuna na ako sa inyo, thank you ulit. Pasabi din kay yuhan thank you."-diko na sila inantay, magsalita. At mabilis akong tumakbo para mahanap ang room ko. Dinaman ako nahirapan dahil dalawa, lang ang section ng strand na pinili ko.

Pagpasok ko palang, kanya kanya na silang kwentuha. Naglakad ako papunta sa dulo, kung saan marami pang bakanteng upuan, at umupo.. nilabas kuna lang ang libro ko, at nagbasa. Sinulyapan ko muna ang unahan, baka kasi dumating ang teacher namin. Pero nakita kung wala panaman, kaya binuklat ko ang librong hilig kung basahin.

"Hi sian! Ikaw yung kanina right?"-nagulat naman ako sa nagsalita, kaya bigla akong napaayos ng upo. At hinarap sya.

Tinawanan nya naman ako, at tinawag pa

Yung kasama nya kanina, lumapit naman agad sila samin. At nginitian nila ako.

"This cladz and mitzy."-nginitian ko sila. At nilahad ang kamay. Tinangap naman ni mitzy, at nginitian ako.

"Hello, remedy kie. Kie na lang para hindi mahaba, pero bahala kayo kung anong gusto nyo itawag."-tinawanan nila akong tatlo, na syang kinagulat ko.

"Wag mo isipin na binubully ka namin, natutuwa lang kami sa ka hyperan mo."-tumango si siann at mitzy. Nginitian ako ni cladz, at inakbayan.

"Ahh ganon ba, so pwede na tayo maging friends?"-tumango si mitzy at cladz, nag thumbs up lang si siann, na abala sa pag lalagay ng tint.

Natapos lang ang first subject namin, na puro getting to know each other. At inaantay na lang namin ang last teacher namin, bago mag lunch.. nakita ko naman na, nag tayuan yung mga kaklase ko, at balak na lumabas. Para mag lunch. Sakto naman na dumating si sir, at ganon lang din ang pinagawa samin.

"Saan tayo maglunch?"-nakatingin si siann at mitzy sakin. Tumingin din ako sa gawi ni cladz, at nginitian sya.

"Sa cafeteria na lang, bukas magbaon kayo. Para dina tayo lumabas!"-tinanguan namin si cladz.. tumayo naman kaming tatlo. At sumunood kay cladz.

"Kie! Kilala muna ba si nick, yuhan, rion at throp?"-umiling ako sa tanong ni siann. At lumapit kay mitzy, sabay kapit sa braso nya.

"Si jack throp. O mas kilala bilang throp! Kapatid ko yun, at ang matalik nyang kaibigan si yuhan."-tumango na lang ako sa paliwanag ni mitzy, at nakinig.

"Si nick at rion naman mag bestfriend. Bestfriend ko din sila."-nginitian ako ni siann, at tinuro nya si cladz na tahimik lang.

Siguro may crush, si cladz sa kaibigan ni siann. Nginitian ko ng nakakaloko si cladz, at nag piece sign agad.

"Alam ko yang iniisip mo, wag kang makikinig sa sasabihin ni siann. Demonyita yan!"-humalagapak kami ni siann, ng tawa at nagapir.. nakakatawa kasi yung reaction ni cladz, halatang halata pa.

"Guys, anong bibilhin nyo? Yung bibilhin ni kie, ako na bahala."-nagulat ako sasinabi ni mitzy, pero tumango na lang ako at nag thumbs up.

"Kung ano kay siann, ganon na din yung sakin!"-nagabot naman, si cladz ng pera. Ganon din si siann, at nag isip kung anong bibilhing lunch.

"Sandwich lang, at orange juice!"-hinablot agad, ni cladz ang buhok ni siann. Kaya nagtawanan kami ni mitzy.

"Antayin nyo na lang kami, ni kie dito. Wag na wag kayung magaaway. Aso't pusa!"-tinawana ko muna sila, nakita ko namang iniripan ako ni cladz.. sumunood naman ako kay mitzy, na nagbibilang ng pera, at tinatandaan ang mga bibilhin!

Nasa labas palang kami ng cafeteria, dinig na dinig namin ang ingay ng studyante sa loob. Naki siksik naman, kami ni mizty sa mga studyante. Para maka bili ng lunch. Nahirapan lang kaming dumaan, dahil siksikan. Pero naka bili naman agad kami, ng pagkain.

Palabas na kami ng cafetiria, ng biglang may mga studyante na nagkakagulo. Kaya dali dali akong pumunta, at hindi na inintindi si mitzy. Nan laki ang mata ko sa nakita. Binubully yung babaeng nerd.

"Diba inutos namin sayo, na orange juice ang ibili mo samin!! Bakit pineapple juice, matalino kaba talaga o nagfe-feeling kalang?."-gusto ko syang tulungan, pero alam kung pag ginawa ko yun. Ako ang pupuntiryahin nila.

"So--sorry na--nathasa, wala na ka--kasing orange juice. Kaya yan na lang ang binili ko."-nagkanda utal-utal na sya, sa pagpapaliwanag sa babaeng, nagbuhos ng juice sa kanya. At halatang nilalamig na sya. Hinarap ko si mizty, at nginitian sya.

"Kailangan nya ng tulong. Dito kalang ako na ang pupunta."-umiling si mitzy. At balak akong hilain paalis.

"Sa guidance office ka mag paliwanag, Ms. Dela cruz!"-napa tigil naman si mitzy sa paghila sakin, napatigil din ako.

"Sila kuya throp at yuhan na ang bahala, mga officer naman sila."-inayos ni mizty ang pagkain, hawak nya. Tinulungan ko naman sya, at nagsimula nakaming pumunta sa pwesto nila siann at cladz.

Hinanap ko, sila cladz at siann. Nakita ko naman silang kumakaway samin, kaya dali dali kaming lumapit ni mitzy sa kanila. At inabot namin, ang pagkain pinabili nila.

"Anong ng yari, kanina sa cafetiria? Narinig namin sa mga studyanteng naguusap, about sa ng yaring pangbubully sa cafetiria?"-kwenento naman ni mitzy, ang lahat ng naganap. Inumpisahan naman namin, ni siann na kumain. Habang nakikinig kay mitzy.

"Wala talagang pakundangan, yang si nathasa. Basta pag hindi nasusunood, ang gusto nya. Pinahihirapan, at pinapahiya nya."-tumango lang si sian, si mitzy naman tumawa. Kaya nagulat kaming tatlo sa pagtawa nya.

"Anong nakakatawa?"-tinaasan sya ng kilay, ni siann. Naitikom nya naman agad ang bibig nya. Sinulyapan ko naman si cladz na nagpipigil ng tawa. Peke naman akong umubo, para kunin ang atensyon ni siann.masunget panaman.

"Bilisan nyo ng kainin, yang pagkain nyo. Malapit ng magtime, at baka malate tayo!"-nakita ko naman, na binilisan nga ni mitzy, si cladz naman uminom lang ng juice, at nginitian ako ng patago. Tumahimik naman si siann, at pinigilan ang pagtaas ng kilay.wag moko sungit,sungitan!

Nakarating naman kami sa room, ng hindi naguusap. Napa irap na lang ako, at tumabi kay mitzy. Nginitian nya ako ng pilit, kaya inirapan ko sya pabalik.

"Hoy siann! Mag sorry ka kay mitzy. Tumawa lang sya kanina. Ang big deal, sayo! Pano kung ikaw ang tumawa, tapos sya yung magalit. Aber!"-natahimik na lang ako, at nakita kung nagulat yung ibang nakarinig kay cladz. Si siann naman nakayuko lang, at takot sa pagtataray ni cladz.

"Dinaman yun ang dahilan ko cladz, basta mamaya ko ikwekwento!"-nginitian ko si mitzy, at nag thumbs up. Niyakap naman ni cladz, si siann. Tinitigan ko syang mabuti, at alam kung umiiyak sya.

"Hey! Siann. Okay kalang gurl?"-lumapit ako sa kanya, ganon din si mitzy. Buti vacant ngayon, dahil wala pa kaming teacher sa subject nato. Hinayaan ko muna ang mga kaklase kung maiingay.

"Nakita ko si yung gf ni dweyn. Tapos hinila nya yung buhok ko. At sinabing, mangaagaw daw ako, at kaya ako dumaan doon para landiin si dweyn."-sunood- sunood naman, ang pagpatak ng luha nya. Kaya hinayaan muna namin sya, at inabutan ng tubig.

"Anong gusto mo? Abangan natin? Tara mamaya, ako bahalang bubugbug."-napailing na lang kami, ni cladz. Narinig naman namin ang mahinang tawa ni siann, kahit umiyak sya.. but atleast gumaan kaunti, yung mabigat, na naka dagan sa puso nya.

"Thank you girls. Lalo kana kie, sana makilala mo pa kaming tatlo. At makilala kapa namin, masaya ako na dagdagan kami ng isa pang bestfriend."-niyakap ko si siann ng mahigpit, dumagan naman si cladz. At si mitzy.. masaya ako na nakilala ko sila ngayon, at sana mas makilala ko pa sila.

"Puuu--tek! Umalis nga kaaa--yo sakin. Di ako makahinga, ang tataba nyo."-mas lalo panamin syang dinaganan, at sabay sabay kaming tumawa ng malakas.