8
Papasok ako sa school cafeteria ng mapansin ko si Clyde na nag aabang sa pintuan doon kaya bago pa niya ako mapansin ay lumiko na ako pabalik at hindi na nagtuloy pa.
"Hey!"gaya ng inaasahan ko humabol na naman ito sa akin ng makita ako.
Hindi ko siya pinansin. Mabilis akong bumalik sa classroom namin pero hindi ito tumigil sa paghabol.
Walang tao sa classroom dahil lunch break na. Isasara ko na sana ang pinto para hindi na niya ako tuluyang mahabol pero mabilis na iharang ni Clyde ang mga kamay bago ko pa iyon maisara ng tuluyan. Dahilan para mamilipit ito sa sakit ng maipit ang mga daliri dito.
"Aaaahhhh!" Pagkalakas lakas na sigaw niya ng pilit ko paring idinidiin pasara ang pinto. Wala akong pakialam kung mamilipit ito sa sakit. Sino ba ang nagsabing iharang niya ang kamay. Bahala siya. Kahit maputol pa ang kamay niya ay wala akong paki alam. At mabuti na rin ito at ng makaganti man lang ako kahit papaano sa kanya.
"Take off your hand asshole."sigaw ko dito. Nakipagtulakan ito sa akin.
"Aaaaahh! Open it Zoey. Open it."paulit ulit na sigaw niya. "I just want to talk to you. Zoey, open it. Mababali na ang mga daliri ko."malakas paring sigaw niya.
"I don't care. And I don't want to talk to you. You freaking bastard." Ganting sigaw ko dito.
"Damn it Zoey, open it."pag uulit nito. Hindi nagtagal naramdaman kong humina na ang pakikipagtulakan nito sa pinto.
Sumilip ako sa maliit na siwang ng pinto at tinignan ko ito. Nakayuko na ito at parang hinang hina na dahil sa pagkakaipit ng kamay. Parang gusto kong maawa ngayon sa kanya kung hindi ko lang naalala ang panghahalay na ginawa niya sa akin isang linggo na ang nakakaraan.
At sa isang linggong iyon ay patuloy ito sa paghabol sa akin para daw magpaliwanag. Pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataon. Hindi ako mahuhulog sa bitag niya kung iyon ang inaakala niya. Kasalanan niya kung bakit ako umiiwas. Kasalanan niya kung bakit galit ako sa kanya. Kasalanan niya kung bakit natataranta ako pag lumalapit siya at higit sa lahat kasalanan niya kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita siya.
What? What did I say just now? I must be kidding right? No! mali lang ang pagkakasabi ko.
Pero ang isa pa sa ikinaiinis ko ay lantarang paghabol niya sa akin. Halos buong tao sa Universidad ay kinukuntsaba nito para lang makausap ako. Mayroon pang mga studyante ang nagbibigay ng flower galing daw sa kanya. May chocolate pa at ibat ibang mga stufftoy. Hindi ba siya nahihiya sa pinaggagagawa niya. Ano na lang ang iniisip ng mga taong nakapaligid sa amin. Na ang isang Clyde Alcaide is chasing a boy. Hindi ako babae para pagtuunan niya ng pansin. Hindi ako babae para bigyan niya ako ng bulaklak. At hindi ako babae para bigyan niya ako ng ibat ibang stuff na para bang nanliligaw. And what a fucking is bullshit was he doing right now. Pinapanuod na kami ng ilang estudyante dahil sa pagbabangayan namin. Mga estudyanteng pareho niyang walang magandang magawa sa buhay kaya nakikiusyuso sa paligid.
Hindi na ito nagsalita pa at tuluyan nang tumigil ito sa pagtulak. Bigla na naman ako nataranta. Nabali na ba ng tuluyan ang mga daliri niya. Pero dapat lang sa kanya iyon. Ang mabali ang mga daliri niya na minsan nagpasarap sa akin.
Damn it Zoey Salvador. What are you trying to say. Hindi ako nasarapan sa ginawa niya sa akin. Oo, hindi.
But.....
Hindi ko namalayan na niluwangan ko na ang pinto habang nakatitig dito. Nakayuko na lang ito ng maalis ang kamay at tinignan niya iyon.
Namumula na ang mga daliri nito. Mukhang nabali nga talaga. Gusto kung hawakan at i check ang mga iyon. Ihipan para kahit papaano ay mapawi ang sakit nuon.
Tumingala ito at tignan niya ako. Wala akong ibang mabasang emosyon sa mga mata nito. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang itulak niya ako papasok sa loob at isara ang pinto.
Ngumiti ito saka unti unting lumapit sa akin. And for a second I dodge backward away from him. Nagkukunwari lang ba ito. Pero halos hindi na niya maigalaw ang mga daliri kanina. He stretch his finger na para bang sa paraang iyon ay mawala ang sakit niyon.
"Masyado mo akong pinahihirapan kitten." Pasimula nito at tumingin ng seryuso sa akin. Habang patuloy parin ito sa pagmamasahe sa mga daliri.
Tinignan ko naman ito ng masama. "And who told you to chase me? And I do not like what you are doing you asshole. You freaking annoying." Sagot ko.
"Mag usap tayo Zoey,"
"We have nothing to talk about Alcaide. So back off."
"Hindi mo ako mapapatigil sa paghabol sa iyo Zoey, hindi ako titigil hanggang sa gusto mo ng makinig sa akin. Hindi ako titigil hanggat maramdaman mo na malinis at tapat ang intinsyon ko sa iyo."mahabang lintaya niya.
Hindi ko siya pinansin. At hinding hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag sa akin. Tinalikuran ko siya at lumayo ng tuluyan sa kanya pero lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa braso.
Tinignan ko siya ng matalim at agad na iwinaksi ang kamay niya. Ng mabitawan niya ako kumilos ako para bigyan ito ng suntok pero nasangga niya at bahagyang napaatras.
"Damn it Zoey, ayaw kung makipaglaban sa iyo." Sabi nito pero nakapwesto ito para sumangga kung susugod akong muli. "Mag usap tayo ng hindi nagsasakitan."
Hindi ko siya pinakinggan. Kung gusto niya akong makausap sisiguraduhin kong puro pasa na ang mukha niya bago mangyarin iyon.
Sumugod na ako at nagpakawala ulit ng suntok sa kanang kamay ko but again he blocked it at tumama iyon sa braso niya.
"Fight me you asshole." Malakas na sabi ko at patuloy ang pagbibitaw ko ng mga suntok na may kasamang sipa. At siya puro sangga lang. Sinabayan ko ng magandang galaw ng paa. Gaya ng ginagawa ko pag may laban ako sa karate boxing.
Pero ng mainis siguro ito ay nagpakawala din ito ng suntok. Tatamaan na sana ako sa sikmura kung hindi ko iyon napansin at agad na napaatras. Sumugod nadin ito. Suntok sa kaliwa, sa kanan. Pero sangga, iwas din ang ginawa ko. Tinularan niya ang galaw ng paa ko saka nakangising tumingin sa akin.
"Lets play Zoey." Parang ginanahan na ito. " If I win, makikinig ka sa mga sasabihin ko sa iyo. If I lose, hindi ako magpipilit na kausapin mo ako. Pero hindi dahilan iyon para tumigil ako."
"What kind of deal is that Alcaide. If I win, I still don't have any option. Am I right. So What is the purpose of the deal?"
"Yeah! But This time I won't let you win."
"And i won't let you win also."
Sumugod ito at ganun din ako. Suntok sa kanya iwas naman siya. Suntok sa akin iwas naman ako. Ganun at ganun ang ginawa namin hanggang tuluyang makatama ako sa mga mata niya at makatama siya sa pisngi ko.
Pareho kamin napaatras at nakipagsukatan ng tingin sa isat isa. Pareho na rin kaming hinihingal at muling pumuwesto para sumugod ulit. Ako ang unang sumugod. Inundayan ko siya ng suntok pero hindi ko iyon itinuloy at pinalitan ko ng isang mabilis na sipa sa tagiliran. Malakas ang impact ng sipang binitawan ko kaya napasadsad siya sa mga upuan.
Tumayo ito at muling pumuwesto. Ito naman ang sumugod. Nagpakawala din ito ng isang sipa sa kanan pero naharangan ko iyon at napigilan. Hinuli ko ang paa niya at hinawakan iyon ng mahigpit. Bago pa man niya mahila ang paa ay umikot na ako at binigyan ko ng pwersa ang kaliwang paa ko at buong lakas na binigyan ko siya ng isang round kick kasabay niyon ang pagbitaw ko ng paa niya. And gotcha. Tumama iyon sa panga niya at muling sumadsad sa sahig.
Napadura ito. Muling tumayo at pinahid ang dugo sa mga labi nito. Hindi ito nag aksaya ng oras at agad na sumugod ito sa akin. Sunod sunod ang ginawa niyang suntok but i blocked it all. Pero ng sa huling pagbanat niya ng suntok at pagharang ko dito ay nagpakawala ito ng sipa. Naharangan ko iyon ng mga braso ko pero sadyang malakas ang pagkakabitaw ng sipa niyang iyon kaya napaatras ako. Naramdaman ko ang sakit sa braso kong tinamaan ng sipa niya.
Bahagyan kong ini relax ang braso ko ng bahagyag namanhid. Ng makabawi ako ay pumuwesto ako ulit at ganun din ito. Sabay pa kaming sumugod sa isat isa. Nasa ere na ang mga kamao namin at tatama ang kamao ko sa mukha niya at tatama naman ang kanya sa mukha ko. Halos isang pulgada na lang ang pagitan nag mga kamao sa mga mukha namin ng makarinig kami ng isang malakas na boses na siyang nakapagpatigil sa amin. Para kaming na freeze at parehong napatingin sa pintuan habang hindi pa namin naibababa ang mga kamay namin pareho.
"Clyde, Zoey. What happening here."may kalakasang tanong ng dumating.
"Tito Clent."
"Dad." Halos panabay namin ni Clyde.
Nagkatinginan pa kami ni Clyde at dahan dahang ibinibaba ang nabiting kamao namin sa ere. Tumayo ng maayos at hinarap ito. At sa isang iglap lang ay nawala ang kaninang mainit na labanan sa pagitan namin. Para kaming maamong tupa ngayon na na corner ng isang leon.
"Anong ginagawa niyong dalawa?" Tanong pa nito ng wala sa amin ang sumagot sa kanya.
Pilit na ngumiti si Clyde sa ama saka tumingin sa akin. Napakamot muna ito ng ulo saka muling bumaling kay tito Clent.
"We are just playing dad."sagot nito. "Right Zoey." Siniko niya ako. Kahit inis dito ay tumango ako at pilit din na ngumiti kay tito Clent. Pero lihim na inirapan ko ito.
"Just playing?"pag uulit nito at lumapit sa amin. Hinawakan niya ang baba ni Clyde at binistahan iyon ng mabuti. Ganun din ito sa akin. "Anong klaseng laro ang nilalaro niyo. Puro pasa na ang mga mukha niyo." May kalakasang boses na sabi nito. Iginala pa ang paningin sa paligid. "And look what you've done. Its all mess."
Mahinang nagpakawala kami ng tawa habang napapakamot na din ako sa ulo. Nagkabalig baliktad na ang mga upuan. At mga papel na nagsikalatan sa sahig.
"Nagkatuwaan lang kami ni Zoey na gayahin ang bagong Style ng martial art na napanuod namin nung usang araw Dad."pagsisinungaling nito sa papa at mahinang tatawa tawa pa. Hindi tuloy kapanipaniwala ang dahilan nito.
Tumingin sa akin si Tito Clent na para bang inaarok kung gaano katotoo ang sinabi ng anak.
"Yes Tito. We are just practicing the move. Kaya lang nasubrahan namin. Hehe! Hindi namin namalayan na natatamaam na kami."
Kunot nuong pinaglipat lipat nito ang tingin sa aming dalawa ni Clyde. Alam kong hindi ito naniniwala sa rason namin dalawa.
"Hala! Ayusin niyo ang mga sarili niyo, sumama kayo sa akin at sumabay na sa pag la lunch."
Muli kaming nagkatinginan ni Clyde ng makatalikod na si Tito Clent sa amin.
Matalim na tinignan ko ito at ganun din ito sa akin. Sabay pa naming binigwasan ang isat isa bago tuluyang sumunod sa papa nito.
*********
"What are you doing here dad?"tanong ni Clyde kay tito habang hinihintay namin ang order namin.
"What kind of question is that Clyde."
Napangiwi ako. Mukhang dito nagmana ng ugali si Clyde. Imbes na sagutin ng maayos sasagutin ka lang din ng tanong.
"Bawal na ba ako magpunta dito at kumustahin ang pamamalakad mo."seryusong sagot nito sa anak bago tumingin sa akin. "Kumusta ka naman dito Zoey! Hindi ka ba naman binubully nitong si Clyde."
Napatingin ako kay Clyde. Mukhang na aware ito sa isasagot ko. Kung magsasabi ba ako ng totoo. Sasabihin ko ba na hinalay ako ng anak niya. Pero hindi ko gagawin iyon. At ayaw kung mapahiya sa harapan nito.
"How can he bully me Tito. Look at us now. We are even."sagot ko dito. Narinig kong nagpakawala ng malalim na hangin si Clyde sa sagot ko kay tito.
"Thats good. Pero huwag niyo ng uulitin ang naabutan ko kanina. Nagkakasakitan na kayo pero hindi niyo pa nahahalata."
"Its ok tito. It was just a practice tito. And I miss to fight just the old time."nakangiti kong sabi. Pero totoo iyon. Parang hinahanap hanap din ng katawan ko ang sakit na dulot ng pakikipaglaban ko sa kumpitisyon na sinasalihan ko. "And I was thankfull that I have companion alone and withstand my ability in martial art."
"Thats great to hear Zoey, by the way kaya ako nagpunta dito ay tumawag sa akin ang Daddy mo, hindi mo daw sinasagot ang tawag kanina. Nasa malapit lang ako ng AU kaya nagpasya na akong puntahan ka at ako mismo ang umalam ng kalagayan mo. At kaya pala hindi mo nasagot ang tawag niya eh abala kayo ni Clyde."
"I'm just fine here. I'll just call Daddy later after my class. Just one subject is on my schedule now tito."
Magalang na sagot ko dito.
Marami pa kaming napag usapan na kung ano ano. Hanggang sa dumating ang order namin at kumain.
"Ok then, just don't forget to call your dad." Muling paalala ni tito Clent ng maihatid namin siya sa parking lot. Nagpaalam na ito na uuwi.
"Yes tito. Thanks for the meal."tuluyan na itong nagpaalam.
Nang masigurado ko ng wala na siya ay agad akong lumayo kay Clyde.
Ngumiti lang ito sa akin.
"What is that smile for."sita ko dito.
"Ang cute mo parin kahit may pasa kana."sagot nito at tinangkang hawakan ako sa pisngi pero mabilis akong umiwas dito.
"Baka gusto mo na namang ituloy ang naudlot nating laban."hamon ko sa kanya at kuyom na itinaas ang mga kamao ko.
"Busog ako. Hindi ako makakalaban ng maayos. Saka na lang."tanggi nito at iwinagayway ang kamay at saka tumalikod sa akin. "Pero hindi dahilan nito na hindi na kita iistorbohin."
"Asshole."sigaw ko.
"Sige lang. Ang asshole na ito naman ang nakatakda mong mahalin."
"Asa ka. Mahulog man ang langit sa lupa. Matuyo mam ang tubig sa dagat, umulan man ng tinik. Hinding hindi iyon mangyayari."
Tumawa lang ito sa sinabi ko.
"See you around love."kumindat pa ito bago nagsimulang lumayo sa akin.
Parang gusto kong manggigil. Habulin ito at muling bigyan ng suntok at sipa. May pa love-love pa itong nalalaman. Asshole talaga. Grrrr!
Nakakita ako ng isang plastic ng mineral water. Pinulot ko iyon at kalahati pa ang laman. Napangiti ako at napatingin sa hindi pa nakakalayong si Clyde. Pasipol sipol pa ito. Makikita mo Clyde Alcaide. Magaling yata ako sa pag tira ng dart.
Pinagtuunan ko ng pansin ang ulo nito at itinapat duon ang hawak kong plastic. At ng masigurado ko ng tama ang anggulo ng target ko. Malakas na ibinato ko ang plastic sa ulo nito.
"Aray."napasigaw ito at marahas na tumingin sa akin habang sapo ang likod ng ulo.
Tumawa ako ng malakas saka binilatan ito. Bago pa niya ako malapitan. Mabilis ang ginawa kong pagtakbo palayo dito. Naka two points na ako.
Una ang pagkakaipit ng kamay niya. Pangalawa ay ang pagkakatama ko sa ulo niya.
Ng makasigurado na akong hindi na niya ako sinundan pa ay nagrelax na ako sa paglalakad na para bang walang nangyari. Pasipol sipol pa ako. Tinitignan man ako ng mga kagaya kong estudyante hindi dahil sa nakangiti akong sumisipol kundi dahil sa pasa sa mukha ko. Pero wala akong pakialam. Hindi lang naman ako ang may pasa. Pati rin ang sinasamba nilang Clyde Alcaide. Kaya hindi masama ang loob kong may pasa ako ngayon dahil patas lang kami.
Pumasok na ako sa huling subject ko. Nagulat pa ang ilang ka klase ko dahil sa nakitang pasa ko. Ang dami nilang tanong. Gaya ng sino ang nakaaway ko. Sinagot ko iyon at sinabing si Clyde kaya nagulat talaga sila. They ask again kung bakit kami nag away. Ah! Just a little bit hard to answer. Kaya nagsinungaling akong hinamon niya lang ako. Ang mga luko at paniwalang paniwala naman sa sagot ko.
Natigil lang ang mga katanungan ng mga tsesmosa kong kaklase ng dumating ang guro namin. At sa pagdaan ng sigundo, minuto ay mabilis na natapos ang subject namin.
"Ah!" Nag inat ako at mabilis na isinilid ang textbook ko sa bag ko bago tumayo. Makakauwi na din ako sa wakas at makakapagpahinga.
Mahaba habang tulugan mamaya dahil sa pagod at sakit na din ng katawan ko. Para na nga akong may pasan na isang sako ng bigas sa bigat ng mga paa ko habang tinutungo ko ang tirahan ko.
"Im exhauted."napasigaw ako at patalon akong nahiga sa sofa sa salas ng makarating ako. Parang hindi ko na gustong bunangon duon.
I
Want
To
Sleep
Now.
"Zzzzzzzzzz!"
********
@YuChenXi