webnovel

My Beautiful Husband

WARNING- matured content... R-18... SPG? BXB Story He has a dazzling beauty like a girl. Then a handsome fall inlove with him. Read it. If you want to know the whole story. If how they meet. If how thier destiny played with them.

Yu_ChenXi · Others
Not enough ratings
33 Chs

#9: Clyde

9

"What happen to you Mr. Alcaide."pormal na tanong ni Tita Kylly ng makita ang pasa ko sa mukha. Siya ang profesor namin sa huling subject namin. Graduating na kami this school year.

Si tita Kylly, ang mama ni Kelly na isa sa kaibigan ng papa at ng daddy. Siya ang prof. namin sa English Literature. Dito na siya nagturo ng makagraduate siya mismo sa university. Magaling ito at cumlaude ng makagraduate. Sa kanilang magkakaibigan ito lang yata ang nagseryuso sa pag aaral at pati si tito Zyrel na isa na nagtapos na isa ding top sa Fine Art.

Dito na ako nagtuloy matapos kaming mananghalian nina daddy at Zoey kanina. Hindi ko na inabalang gamutin muna ang sugat ko. Kay heto, nasita ni tita Kylly.

"Nagkatuwaan lang prof."sagot ko dito.

Nanunuring tumingin ito sa akin. "Nagkatuwaan, may nabiktima ka na naman ba Mr. Alcaide?"tanong nito. Sa katunayan ito lang ang gurong napagsasabihan ako dahil kaibigan siya ng mga magulang ko. At malapit ako sa kanya. Pero kung oras ng klase ay wala itong sinasanto. Lagi akong sinisita nito, pinapagalitan kapag may napag iinitan kami ng grupo. Ang ibang guro naman ay hindi ako kayang sitahin dahil sa takot na masibak dito sa AU.

"Yes prof. Remember Tito Zyrel and tito Bryant son. Zoey Salvador. Nagpractice lang kami ng ilang move sa martial art prof. Kaya heto."itinuro ko pa ang namutok na pisngi ko at labi.

Umiling ito. Saka tumango. Kilala niya ito kaya hindi na niya itinuloy ang paninita sa akin. "Go to your set now."utos niya. "Next time, before you enter my class you must tidy up your self."

"Yes tita, ah yes prof."yumuko pa ako dito bago tinungo ang upuan ko.

Ng matapos ang klase namin pinacheck ko pa si Zoey kung nakauwi na ito sa penthouse niya. At ng masigurado kung maayos na nakauwi ito ay nagtuloy na ako sa Monster Club.

"Damn!" Napapiksi ako ng madiininan ni Monica ang paglilinis sa pumutok na pisngi ko. Dumura ako sa palangganang nasa harapan ko na puno na ng gaza. Ako na sana ang bahalang gumamot ng sugat ko pero nag insist ito para daw malinisan ng maayos.

"Ikaw pa ba ito Master?" Tanong ni Clark habang nakatunghay siya sa akin habang ginagamot ni Monica ang mga sugat ko.

"Sa tingin mo." May galit na sagot ko dito. Hindi ko mapigilang mainis dahil kanina pa nanunuri ang mga tingin ng anim na mga demonyong ito sa akin.

Ang akala nila pinagbigyan ko lang si Zoey kaya kanda pasa ako at iyon ang isa sa kinaiinis ko hindi sila naniniwala na sineryuso mo ang laban namin kanina.

Ok na sana ang lahat kanina eh! Masaya na akong iniwan siya kanina dahil nakasama ko siya ng tanghalian kahit kasama pa namin si daddy. Na kahit sa maikling oras ay nagsama kami ng hindi nagbabayangan. Hindi nagkakasakitan. Pero ang hindi ko inaasahan ay ginawa niyang target ang ulo ko at binato ako ng plastic ng mineral water na may kalahati pang laman.

Damn! Para lang naglaro ito ng dart dahil sapol talaga sa gitna sa likod ng ulo ko. Wala sa loob kong napapangiwi akong hinaplos iyon. May bumukol talaga duon.

"Try to fight him back master. Kung hindi mo makuha sa mabuting usapan. Gamitan mo ng dahas." Si Jacob.

"Gago, tingin mo ba hindi ako seryuso sa pakikipaglaban ko sa kanya kanina."sita ko dito. "Nasaan na ang sinasabi mong dadalhin mo siya dito at mapapasuko."balik tanong ko sa kanya. Isang linggo na ng mag alok ito ng tulong pero hindi pa ito gumagawa ng anumang kilos.

"Hehe! Nag iisip pa ako kung paano master."

"Aw! Tang-ina naman Monica. Dahan dahanin mo naman." Tinabig ko ang kamay nito at nabitawan nito ang hawak na bulak. Kumuha ulit ito ng panibago at muling pinasadaan ang pisngi ko.

Napansin kong pinipigil nito ang ngiti dahil halos hindi na maipinta ang mukha ko sa pagkakangiwi.

"Damn it Monica. Hindi betadine yang ginagamit mo."galit na sita ko ng makita kong alcohol mismo ang inilagay sa bulak na ipinapahid sa pasa ko. Kaya naman pala ang hapdi eh. Walanghiya. Sinadya niya talaga.

"Masakit ba master."natatawang tanong nito. Ngali ngaling batukan ko ito sa tanong niya. "Haha! Kaunti lang yan master hindi gaya ng sakit na ibinibigay natin sa mga taong tinuturture natin."

"Gago! Tingin mo sa akin. May lihim ka yatang hinanakit sa akin eh. Sabihin mo lang." Tanong ko dito.

"Oops."taas nito ang dalawang kamay na para bang sumusuko. "Haha just a little bit tease master. Ikaw naman hindi na mabiro."

"Fuck!" Napapiksi na naman ako ng dampian niya iyon sa huling pagkakataon bago kinuha ang betadine. "You will pay for it Monica. Damn you."

Tumawa lang ito at hindi naman sineryuso ang banta ko. Hindi ko na ito pinatulan. Sumandal na lang ako sa sofa ng mapangiwi ulit ako.

Fuck! Fuck! Fuck! Hindi ba ako pwedeng magrelax man lang kahit kaunti. Hindi ko magawang iunan ang ulo ko sa sandalan ng sofa dahil sa bukol ko.

"Ayan tapos na master. Galing ko talaga."nginginti ngiti pang lumayo ito sa akin ng malagyan ng band-aid ang pisngi ko.

Napansin ko namang pinipigilan ng lima pa ang tawa habang nakatingin sa akin. Damn! Nasa hot seat yata ako. Ano ba ang ginawa ni Monica sa mukha ko.

Galit na inutusan ko si Kelly na bigyan niya ako ng salamin. Agad naman itong tumalima. At ganun na lang ang pag init ng ulo at tinignan ng masama si Monica na ngayon ay nagtago na sa likuran ni Clark. Humagalpak na rin ng tawa ang mga ito ng pagalit na tumayo ako at dadakmain si Monica ng pigilan ako ni Bobby.

"Hehe! Relax master. Ikaw naman. Band-aid lang yan."sabi pa nito at muli akong pina upo sa sofa.

"Damn you Monica."nanggagalaiti kong mura dito.

Nag peace sign lang ito saka umalis na sa likuran ni Clark at kampante ng umupo sa tabi nito. Pero ang luko hindi parin nawawala ang pagkakangiti nito.

"Ang cute mo pala master pag ganyan ka na parang napaka inosente." Sabi pa nito. "Para bang walang kamuwang muwang."

"Fuck you Monica."galit na sigaw ko parin dito. Ginawa pa akong tatawanan ng mga ito. Aba! Tinawag pa akong master kung pinagtatawanan naman nila ako. Damn them. Fuck them. Grrrr!

Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin. Damn it! Natampal ko ang nuo ko. Sino ba ang hindi maiinis kung makita mo ang band-aid sa mukha mo. Hugis puso na nga ito hello kitty pa ang design. Fuck.

******

Naalimpungatan ako sa pagtunog ng cellphone ko. Nakaidlip pala ako mismo sa kinauupuan ko ng matapos linisan ni Monica ang mga pasa ko.

Lumingon ako para tignan kung narito pa sila. Naglalaro na naman sila ng baraha. Iyon lang ang libangan nila kapag wala silang tinuturture na estudyante.

"Gising ka na pala Master."si Sunny ng mapansin ako ng kinuha ko ang cellphone ko sa tabing mesa sa kinauupuan ko.

"Matagal ba ako nakatulog?"

"Hindi naman master. Higit kalahating oras lang."sagot nito at muling itinuon ang pansin sa kalaro.

Tinignan ko ang cellphone ko kung sino ang tumatawag. Si tito Zyrel. Hinintay ko ulit tumunog ang phone ko kung tatawag pa ba ulit ito. Ano kaya ang sasabihin nito sa akin. Nagsumbong ba si Zoey dito. Pero hindi ganun si Zoey. Hindi ito sumbungero. Kaya nasisigurado kung may iba itong nais sabihin kaya tumatatawag ito. Ilang sandali pay tumunog ulit ang phone ko kaya agad ko iyong sinagot.

"Yes tito Zy."

"Is Zoey alright?"agad na tanong nito. Dama ko sa tinig nito na nag aalala na naman sa anak. "Nasa penthouse na ba siya?"

"Yes tito. I check on him before ako umuwi kanina."sagot ko dito.

"But he didn't call me back. And never answer his phone."

"What?"bahagyang inilayo ko ang phone ko sa tainga ko at tinignan ang oras. Mag aalas syete na ng gabi. Sinigirado ko naman na nakapasok siya sa penthouse niya kanina. Lumabas kaya ito habang ginagamot ang sugat ko kanina. Pero saan naman siya pupunta kung sakali man na lumabas nga siya.

"Your dad call me after your lunch together. At sinabing nag practice daw kayo ng ilang move sa martial art. At pareho kayong puro pasa."

"Ah! Eh yes tito."napapakamot ako sa ulo habang sinabi ko iyon na para bang nakikita ako. "Nawili kami sa practice kay medyo nasubrahan namin tito. But i assure you that Zoey is fine bago kami naghiwalay kanina.

"But why he didn't answer all my call."napabuntong hininga ito. "As i remember Clyde, he always knock down after ng mga laban niya. Baka nakatulog iyon agad pagkauwing pag kauwi niya. Hindi na naman iyon magigising hanggang bukas. Can you check him again. At painumin mo na rin ng pain killer. Hindi na naman iyon kakain ng dinner kung walang gigising sa kanya."mahabang paliwanag nito.

Kinuha ko ang tab ko at tinignan ko siya sa cctv. Oo! May inilagay ako sa penthouse niya pero sa sala at kusina lang ako nagpalagay. The rest ay pinabayaan ko na.

"I check it now tito. I call you later pag nasigurado kong ayos siya."

"Ok Clyde, thank you so much. Just take care of Zoey."

"Yes tito. Bye."

Muli kung itinuon ang paningin ko sa monitor ng tab ko. At tama mga si Tito Zyrel. Tulog na tulog na nga si Zoey sa sofa nito sa salas. Ni hindi na ito nakapagpalit ng damit. Suot parin nito ang uniform kanina.

"Saan ang punta natin Master?"tanong nila ng tumayo.

"I need to check Zoey."sagot ko sa mga ito. "Bahala na muna kayo dito."

Sumaludo pa sila sa akin bago ko sila tuluyang iniwan. Mabilis na tinungo ang penthouse nito na hindi naman kalayuam sa Monster Club.

**********

Maingat na binuhat ko si Zoey at dinala ito sa silid niya. Wala man lang itong kagalaw galaw ng maibaba ko siya ng tuluyan sa kama nito.

Pinagmasdan ko siya. May pasa din sa kaliwang pisngi nito. Iyon lang ang naging tama ko sa mukha niya dahil magaling itong umiwas sa bawat bitaw ko ng suntok sa kanya kanina.

Sa una hindi ko balak seryusuhin ang laban namin pero ginanahan ako ng makita ko ang galing ng foot step niya. Pero sadyang mailap at mabilis siya sa pag iwas kaya hindi ako makatama sa kanya. Ng matamaan niya ako sa mga mata kanina iyon ang una ko din pagtama sa pisngi niya. Pareho pa nga kaming napaatras dahil sa impact ng pagkakatama namin. Pero sadyang mas maraming dumapong suntok at sipa sa akin.

Ang isa pa sa napabilib ako ay sa liit ng katawan niya ay naiinda niya ang pagharang sa mga suntok at sipa ko. At may kakaibang lakas kapag nagbibitaw ito ng suntok at sipa. Na halos may kung anong pwersa sa mga ito. Pero hindi na ako nagtataka dahil na master na niya ang lahat ng mga iyon kaya may kakaibang siyang lakas kahit hindi kalakihan ang katawan niya.

Hinaplos ko ang pisngi nito. Hindi ko maiwasang hindi dampian ng halik ang labi nito na bahagyang nakaawang. Mmmm! How I miss to kiss those lips of him. I lick it. Pero bago pa ulit ako madarang tumigil ako kahit nahirapan akong pigilan ang sarili ko.

Tumayo ako at kinumutan ito. Pero napangiwi ito ng masagi ko ang kaliwang braso niya. Kunot nuo kong tinignan at inilihis ang manggas ng uniform nito.

Damn! Nangingitim na ang pasa niya duon. Ito ba yong pinangsangga niya sa huling sipa ko kanina. Nagtaka pa nga ako kanina dahil ibinuhos ko ang lakas ko sa sipa kong iyon pero nasangga lang niya. Ni hindi ko napansin na nasaktan siya kanina sa pagsangga sa sipa ko.

Fuck!

Sana hindi ka na lang marunong sa mga labanang kagaya ng mga iyon. Para hindi mo ako malalabanan ng ganun. At hindi tayo nakakasakitan ng ganito. Kausap ko dito na para bang naririnig niya ako.

Tumayo na ako ulit at muling inayos ang kunot nito. Lumabas na ako ng silid niya at tinungo ang kusina.  Gigisingin ko na lang siya mamaya kapag nakapaghanda na ako ng dinner namin. Ipagluluto ko na lang siya para kahit papaano makabawi ako sa naging kasalanan ko sa kanya.

Nakangiting inalis ko ang apron ko at isinabit iyon sa gilid ng ref. Perfect. Sana magustuhan ni Zoey ang inihanda ko. Isa din iyon sa nalaman ko sa kanya. Mahilig itong kumain. Kaya mula nuon ay kumuha ako ng extra unit para sa cooking. Hindi naman masasayang ang effort ko dahil alam kung hindi makakatanggi si Zoey sa pagkain. Isa ito sa mga kahinaan niya.

Tumingin ako sa wall clock sa kusina. 8:30 na ng gabi. Halos isang oras din akong nasa kusina. Siguro naman pwede ko ng gisingin si Zoey para makakin na at makainom na ng pain killer.

Pero bago iyon kailangan ko munang tawagin si tito Zyrel. Muntik ko ng nakalimutan. But this time I want to call him in messenger. Gusto kung ipagmalaki ang inihanda kung dinner namin ni Zoey. Hehe! Alam na. Nagpapalakas ng papel dito para agad akong matanggap para sa anak nila.

"Hi tito Zy."kumaway pa ako ng sagutin niya ang tawag ko. Ngumiti ito saka kumaway din sa akin. Nakita ko din sa likuran niya si Tito Bryant na nakahiga sa sofa kung saan siya nakaupo.

"Hello Clyde. Your tito Bryant is here." Ipinakita nito si tito Bryant. Seryuso lang na tumango ito at nag hello. "But look at your face. Si Zoey ba ang may gawa niyan?"tanong nito pero natatawa naman.

Damn! I forgot to take off the band-aid.

"Hehe! Pinagtripan lang nina Monica tito. Nakalimutan ko ng tanggalin at palitan ng bago dahil nagmamadali na ako pumunta dito ng tumawag kayo."paliwanag ko.

"Iwasan niyo na ang pag papractice kung ganyan ang mga mukha niyo pagkatapos. How about Zoey."

"Nakakahiya man sabihin tito, minsan lang ako nakatama sa kanya." Totoong sagot ko dito. "But just I told you tito. Zoey is fine. At tama kayo. Nakatulog siya agad kaninang dumating siya dito. Pero huwag kayong mag alala, ipinaghanda ko naman siya ng makakain for dinner."masayang pahayag ko dito.

"Really, let me see."

Itinuon ko ang kamera sa lamesa para ipakita ang maayos na magkakaprepair ko ng dinner namin.

"Ikaw ba ang nagluto niyan?"tanong pa nito.

"Yes tito."

"Kailan ka pa natutung magluto? Hindi ko naisip na ang anak ni Clent ay mag aaksaya ng panahon sa pagluluto."seryusong sabad naman ni tito Bryant.

Ouch! Mukhang mahihirapan ako kay tito Bryant ah.

"Apat na taon na po tito. Kasi sina papa at daddy ni hindi marunong magluto. Kaya for the rest ako na ang nag aral para makatikim naman kami ng lutong bahay."sagot ko. Na kahit ang totoo ay si Zoey ang dahilan kung bakit ako nag aral magluto.

"Thats good Clyde."si tito Zyrel. "Then where is Zoey now."

"Still sleeping tito. Pero gigisingin ko po mamaya para makakain na siya."

"But watch your  action Clyde."seryusong sabi ni tito Bryant sa akin. Wala itong kangiti ngiti hindi gaya ni tito Zyrel. Hindi parin nawawala dito ang Devil look nito sa paglipas ng panahon.

Naalala ko pa nuong una ko itong makita. Pitong taon ako nuon. Akala ko lalamunin niya ako ng buhay sa mga tingin nito nuon sa akin. Iyak ako ng iyak ng dahil duon. Tinawanan pa nga ako ni Tito Zyrel, papa at ng daddy ng sabihin kong parang gusto akong lamunin ni tito Bryant. Kaya simula nuon, ilag na ilag na akong tignan ito.

Ngumiti ako dito. Saka napakamot ng ulo.

"Don't mind your tito Bryant, Clyde." Pangsasalo ni tito Zyrel ng mapansing wala akong maisagot sa sinabi ni asawa. "Basta ikaw na muna bahala sa Zoey namin Clyde."

"Yes tito."

"Hindi na namin hihintayin si Zoey total nandyan ka naman. Bye then Clyde."paalam nito.

"Bye tito." And we hang up the phone. May ngiti sa mga labi akong tinungo ang silid ni Zoey para gisingin ito. Pero wala na ito sa kama ng makapasok ako duon.

Iginala ko ang paningin sa loob pero wala siya. Wala naman akong naririnig na lagaslas ng tubig sa banyo kaya sigurado akong wala siya duon.

Pero bigla akong napapiksi ng may maramdaman akong isang matulis na bagay na nakadiin sa tagiliran ko. Wala man sa loob ko ay unti unti kung itinaas ang mga kamay ko para sumuko.

Damn it! How can be Zoey like this.

"Calm down Zoey, Im not here to fight you again."mahinang sabi ko dito. Lilingunin ko sana siya piro lalong idiniin ang patalim na hawak niya.

"Who told you to enter here again."may katigasan tanong nito. "I never allow you freely enter here."

"Tito Zy, asked me to check on you. You never called him."sagot ko dito.

"Don't use my dad for that damn reason of yours."

"Ah!"napapiksi ko ng maramdaman kung lalong dumiin pa ang talim ng hawak nito. Naramdaman ko na ding may kung tumutulo na duon. Shit! Dugo ko ang tumutulo na duon ng tignan ko. "Hindi ko ginagawang reason lang si Tito. Look."sabi ko saka ipinakita ko ang hawak kung phone at binuksan ko ang messenger. Ipinakita dito ang log ng halos katatapos lang naming mag usap. Para makuntinto I call them again.

"Any problem Clyde."si tito Zyrel ng masagot ang tawag ko.

Napangiwi ako ng hindi parin inaalis ni Zoey ang patalim sa tagiliran ko.

"Oh! Zoey is in your back." Sabi pa nito ng mapansin ang anak sa likod ko. "Pero bakit nakangiwi ka. Are you ok"nag aalalang tanong ni tito Zyrel sa akin.

Imbes na sagutin ang tanong nito ay ipinakita ko ang tagiliran ko.

"What happen. Zoey, bitawan mo iyan. My God Zoey. Take it off."sigaw nito sa kabilang linya.

Ayaw man ni Zoey pero sinunod ang sinabi ni tito Zyrel pero matalim parin na nakatingin ito sa akin. Lumayo ito sa akin at pahagis na binitawan ang patalim.

Napahawak ako sa tagiliran ko na masagana nang tinutuluan ng dugo. Napaluhod na ako. Damn it. Lalo bang umusbong ang dugong lumalabas sa tagiliran ko. Mauubusan pa yata ako ng dugo kung hindi iyon maagapan.

"Zoey, what was happened just now. You will kill him sa ginawa mo."

Inabot ko sa kanya ang phone ko. Kinuha naman niya ito sa akin pero sa marahas na paraan.

"I was just surprised. I thought there was a bad guy has entered the house."

"My God Zoey, akala ko nag aaway na kayo. I asked Clyde to checked you. Dahil hindi mo kami tinawagan ng papa mo kanina."

"Im fine here dad. I hang up now. Baka maubusan pa ng dugo si Clyde."sabi nito. Hindi na nito hinintay na makasagot si tito ay pinindot na nito ang end botton.

"Stand up. Let me treat your wound."sabi nito. Wala man kaimo-emosyon ang mukha nito ay tinulungan niya akong makatayo at ipinaupo sa gilid ng kama nito. "Next time, don't enter my room without my permision. I thought you as a bad guy." May kinuha ito sa drawer ng kabenet niya. A first aid kit.

Maingat na nilinisan niya ang sugat ko na siya ang may gawa. Tumingin pa ito sa akin ng matapos niya iyon tapalan. Pinipigil ba nito ang ngiti niya.

Ah! Damn again. He was looking to that damn band-aid.

Tumayo ulit ito at ibinalik ang kit sa drawer. Kumuha din ito ng white shirt at inihagis iyon sa akin.

"Change your clothes into that. I think kakasya yan sayo. Then you can leave now. And also lock te door when you leave."sabi nito. Hindi na niya ako nilingon at nagtuloy na ito sa banyo. Narinig ko na ang lagaslas ng tubig at siguradong naliligo na ito.

Tumayo na din ako at lumabas ng kwarto nito. Sa sala ko na lang siya hihintayin dahil alam kung lalabas ito para kumain.

Kahit masakit man ang tagiliran ko ay napangiti ako dahil habang nililinisan nito ang sugat ko ay unti unting lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. Nawala na din ang galit sa mga mata nito habang nakatingin ito sa akin kanina. At ng sabihing makakaalis na ako ay wala na ang tigas at bigat ng boses nito.

This will be the good sign para magkasundo kami. I hope so. Because I miss him. I really miss him.

*******

@YuChenXi