webnovel

Chapter 14

Hanggang mag-lunch break ay hindi na kami ulit nakapag-usap ni Macy. Alam kong maya't maya siyang tumitingin sa akin pero dahil sa tindi ng emosyon na nararamdaman ko, sinikap kong iignora siya.

Baka kapag makita ko ang awa sa kaniyang mga mata ay maiyak lang ako. Saksi siya sa nangyari. Saksi siya sa pagsunggab ni Kian sa tukso.

Ayaw kong umiyak. Kahit sabihin pa na halik lang iyon o make out masakit, e.

Pero paano kung hindi lang iyon halik? Paano kung mas higit pa doon?

No. Kahit smack o ano pa man yan, it is still an act of cheating.

Nang mag-lunch break sinundo ako ni Kian sa labas ng room ko. Nakangiti siya at agad akong niyakap at hinalikan.

Bumuntong hininga ako at tamad siyang nginitian. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

Nag-aalboroto na ang damdamin ko. Kanina pa ako hindi pinapatahimik ng aking puso. Pero nasa university kami. Hindi kami dapat nakikita ng iba na nag-aaway. Ayaw kong makita o malaman ni Jewel na may hindi kami pagkakaunawaan. It will satisfy her, and that was the last thing I don't want to happen.

"Beth..." Tinanguan ako ng mga kaibigan niya. Hindi tulad kahapon maingay na naman sila. Nagkakatuwaan at nagakakasiyahan.

Tumango lang ako sa kanila. Umupo ako at tinignan ang pagkain sa aking tapat. Sila siguro ang inutusan ni Kian na bumili ng pagkain namin.

Bumuntong hininga ako bago ko hinawakan ang kutsara at tinidor. Nakatingin lang sa akin si Kian.

"Ayaw mo ba, Moo?" tanong niya sa akin. Tipid akong ngumiti sa kaniya. Hindi na ako sumagot dahil sinimulan ko nang kumain.

Tahimik ang mga kaibigan niya. Ang kabilang mesa kung nasaan nakapwesto sina Jewel at mga kaibigan niya ay nag-iingay.

Pero hindi ko inabalang pansinin. Walang pakialam sa pinag-uusapan nila.

Tumikhim ang isang kaibigan ni Kian. Mukhang alam ko na kung ano ang sasabihin nila.

"Beth, may night swimming kami ngayon..." May pag-aalangan sa kaniyang tono.

"School activity ba 'yan? Per group? Para sa subject?" matabang kong tanong ng hindi sila tinitignan.

"Hindi naman..."

Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang sa pagkain.

Tumikhim uli sila. "Aayain sana—"

"No..." Agap ko.

"Ano, e." Umiling ako at marahas na huminga.

Tumingin ako kay Kian na kunot ang noo at nakatingin sa akin.

Malamig ko siyang tinignan dahilan para matigilan siya.

"Gusto mong sumama?" tanong ko sa kaniya. Alanganin siyang umiling.

"No..." tugon niya kaya naman nilingon ko ang mga kaibigan niya at tinaasan ng kilay.

Wala na kaming imikan. Tahimik ang lahat na kumain. Mabilis kong naubos ang pagkain ko kaya nauna na akong tumayo.

Agad ding tumayo si Kian kahit hindi pa niya nauubos ang kinakain niya.

"Pupunta pa ako sa library. Ubusin mo na lang ang pagkain mo," sabi ko at naglakad na pero pinigilan niya ako.

Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. Wala akong naging imik. Umalis ako ng canteen at dumiretso sa restroom.

Kanina pa naninikip ang dibdib ko. Kanina pa ako nagtitimpi ng inis at galit. Gusto kong sumabog pero pinigilan ko.

Unti-unting pumatak ang aking mga luha habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin.

Pero agad ko din itong pinunasan ng makarinig ako ng mga yabag palapit. Naghilamos ako.

"Hi, Beth..." bati sa akin nina Macy. Ngumiti ako sa salamin kung saan kita ko sila. Nakatingin sila sa akin habang nagpupunas ako ng mukha.

Naalala ko na hindi pa kami tapos mag-usap ni Macy.

Alam kong alam ng mga kaibigan niya ang tungkol kay Kian at Jewel kaya naman hindi ko na kailangan pang palihim na kausapin si Macy.

"Tingin mo may nangyari sa kanila after that kiss? Magkasama ba silang umalis ng bar?" tanong ko. Ito iyong birthday ng isa niyang kaibigan at sinasabing sa bahay lang din nito dadausin ang celebration.

Nagkatinginan ang mga kaibigan ni Macy. Si Macy naman ay titig na titig sa akin. Ayaw ko kung paano niya ako tignan.

Mukha ba akong nakakaawa?

"Tinulak niya si Jewel tapos nagmamadali nang umalis ng bar kahit na tinatawag siya ng mga kaibigan niya..."

Pero hindi siya agad nu'n umuwi.

"Sinundan siya ni Jewel kaya sinundan din namin siya. Kasi naisip namin na baka pinagtataksilan ka ng asawa mo," sabad ng isa.

Hindi ako umimik. Hinihintay ko ang susunod nilang sasabihin.

"Dumiretso si Kian sa parking lot. Nakasunod naman sa kaniya si Jewel. Pinagtatabuyan niya ito. Sinigawan pa nga niya si Jewel dahil kinukulit siya nito na pumunta sila sa condo niya."

"Galit na galit si Kian. Tingin ko naman hindi niya sinasadya ang nangyari. I don't know. Kissing other woman is also an act of cheating lalo na kung kasal ka," sabi ng kaibigan ni Macy. Umikot pa ang mata nito. Siya ang pinakamaldita sa kanilang grupo.

"Hindi na namin narinig ang pinag usapan nila kasi nasa malayo kaming nagmamasid. Pero pumasok din ulit si Jewel sa loob ng bar. Tapos si Kian pumasok sa kotse niya. Hindi agad umalis. Siguro frustrated o kaya pinag-iisipan ang offer ni Jew—aray!"

Hinampas nina Macy ang kaibigan niya. Tumango ako. I wonder what happened the other night. Magtatanong pa sana ako kaso may ibang mga estudyante na pumasok ng restroom.

May text message si Kian nang matapos ang klase ko. Hintayin ko daw siya sa benches dahil may tinatapos lang sila na activity. Maghintay daw ako ng fifteen minutes.

"Bye, Beth..." Paalam ng mga kaibigan ni Macy. Ngumiti ako at kumaway.

Si Macy naman ay tinapik ako sa balikat bago walang imik na naglakad palabas ng room.

Lumabas na din ako ng room at naglakad papunta sa benches. Paupo na ako nang lapitan ako nina Jewel at mga kaibigan niya.

Nilapag ko ang bag ko sa bench at tinignan ng seryoso si Jewel.

Nakaramdam ako ng kaba, isama na ang inis sa pagmumukha niyang laging nakangising demonyo.

Before she could utter words to annoy me. Inunahan ko na siya.

"Layuan mo ang asawa ko," mahina pero may diin kong pagkabigkas ng bawat salita.

Umarte siyang nagulat kaya inikutan ko siya ng mata.

"Marunong palang lumaban kapag asawa na ang involve." Nagtawanan sila. Hindi ako mahilig makipag-usap kaya wala kong maisip na sabihin kundi ang bantaan siya at balaan na layuan ang asawa ko. Urgh!

"Stay away from my husband!" Tumawa siya.

"Takot ka ba baka maagaw ko sa'yo ang asawa mo?" She mocked me.

"Kahit ano'ng gawin mo, hinding-hindi mo siya maaagaw. Hindi mo kami mapaghihiwalay!" I wanted to say more but my instict told me not to. In my mind I am already disecting her annoying face.

"What if I can?"

You! Naikuyom ko ang aking kamao. My mind body wants to strangle her but my mind tells me not to.

Naramdaman ko ang mga kamay ni Macy na humawak sa aking braso. Hindi pa din pala sila umuwi.

Jewel continue to utter annoying words to mocked me. Ang nasa isip ko ay talunan ako kapag hindi ko siya masampal man lang. I step forward. Nilabanan ang kamay ni Macy na pumipigil sa akin.

"Woah! Ano'ng nangyayari dito?"

Agad na pumagitna ang mga kaibigan ni Kian. Matalim kong tinignan si Jewel.

"Tara na, Beth. Graduating student ka. Alalahanin mo," ani Macy.

Sumunod naman ang mga kaibigan ni Kian sa akin. Tinatanong kung ano ang nangyari.

Kaya ang inis na noong isang araw ko pa pinipigilan at ang inis na nararamdaman ko kay Jewel ay sa kanila ko binunton.

Hinarap ko sila. "Alam kong ayaw niyo ako para sa kaibigan niyo..." Natigilan sila sa sinabi ko.

"Pero sana magkaroon naman kayo ng respeto. May asawa na siyang tao. Tapos kung saan niyo siya dinadala. Para bang tinutulak niyo pa siyang magtaksil sa akin. Ano'ng klase kayong mga kaibigan? Mga sinungaling kayo!"

Sinikap kong maging buo ang aking boses kahit pa nanginginig ako dahil sa galit.

Napansin kong madami nang mga nanonood na estudyante sa paligid kaya naman tinalikuran na sila.

Pagharap ko ay mukha ni Kian na gulantang ang nakita ko. Marahil ay gulat na gulat dahil alam ko ang ginawa at pagsisinungaling niya sa akin.

Gusto ko siyang sumbatan dito pero ayaw kong pagpiyestahan kami lalo.

Why does he have to drag me in a situation like this always?

Matalim ko siyang tinignan bago ako nagpatianod sa paghila ni Macy sa akin.

Nang makarating kami sa parking lot ay nahabol ako ni Kian.

"Moo..."

Hindi ko siya tinignan. Bumukas ang pintuan ng sasakyan ni Macy. Pumasok ako kahit pa ano'ng pigil sa akin ni Kian.

"Moo... please, let's talk..." pagmamakaawa niya.