webnovel

Chapter 15

"Huwag mong pigilan ang sarili mong umiyak," sabi ni Macy habang nag-da-drive.

Pinunasan ko ang luha na nagbabadyang malaglag. Masama ang loob ko. Gusto kong umiyak para mabawasan ang bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib pero ayaw bumuhos ng aking mga luha.

Nagpababa ako sa kaniya sa mall na may ilang metro ang layo.

"Mag-ingat ka. If you need someone to talk to, I am here," aniya bago hininto ang sasakyan. Tumango lang ako sa kaniya at nagpasalamat.

Kanina pa tawag nang tawag si Kian sa aking numero kaya bl-in-ocked ko siya, maging sa mga social media account ko.

Ayaw ko siyang kausapin. Hangga't maari ayaw ko ding makita ang pagmumukha niya. Pero parehas kami ng eskwelahan na pinapasukan. Iisang bahay ang inuuwian namin.

Nag-ikot ako sa mall hanggang sa gumabi na. Hindi ako makaramdam ng gutom. Walang pumapasok sa aking utak. Hindi ko alam kung ano ang gagawin at dapat na isipin dahil sa nangyari.

Basta ang alam ko, nagsinungaling at niloko niya ako. Gustong-gusto ko siyang sumbatan. Pero ayaw kong magbitaw ng mga masasakit na salita na baka pagsisihan ko din bandang huli.

Malapit nang mag-alas dies ng gabi kaya naman napagpasiyahan ko ng pumara ng taxi para makauwi na.

Sa bahay namin ako nagpababa. Hindi ako tumingin sa kabilang bahay. Pero natitiyak kong patay pa ang ilaw doon. Mukhang hindi siya umuwi.

Ha! Ano'ng plano niya ngayon? Talagang paninindigan niya ang kung anumang namamagitan sa kanila ni Jewel?

"Moo..." Nagulat ako sa biglang pagtawag ni Kian sa akin. Nakaupo siya sa labas ng pinto ng bahay ng mga magulang ko.

Mukhang inaasahan niya na dito ako uuwi.

Hindi ko siya inimik at ni hindi ko siya tinapunan ng tingin. Kinuha ko ang susi sa aking bag habang iniignora si Kian.

Tinutulak ko siya dahil pilit niyang inaabot ang aking mga kamay. Pinipilit akong yakapin.

I don't want to shout. I don't want to utter hurtful words. Kahit nasasaktan ako pinipilit kong maging kalmado. Pero hindi ibig sabihin nu'n ay ayos lang sa akin ang ginawa niya. Na ayos lang kami.

We are not okay the moment he lied to me.

"Please, let me explain..." pagmamakaawa niya.

Not now that I am really mad, hurt and disappointed. Umiling ako at pagkatapos kong mabuksan ang pinto ng bahay namin ay agad akong pumasok at sinarado.

I can hear Kian's plea but I tried to ignore it.

Umakyat ako sa aking kuwarto. Napadausdus ako sa pintuan habang pinipigilan ang paghagulgul. Habang naririnig ko ang pagmamakaawa ni Kian sa labas na makausap ako, pakiramdam ko mas lalo lang bumigat ang aking dibdib.

Pinakalma ko ang aking sarili bago ako nahiga at piniling itulog ang sakit at bigat na nararamdaman.

Nagising ako bandang alas-sais ng umaga dahil sa pagkalam ng aking tiyan. Naalala ko, hindi pala ako kumain kagabi.

Bumangon ako at dumiretso ng banyo para maligo. Kakain muna ako sa fastfood na nasa labas ng village bago ako dumiretso sa eskwelahan.

Mabigat pa din ang aking pakiramdam. Nadagdagan pa ang kirot na nararamdaman ko sa aking dibdib. Nakakawalang ganang pumasok pero ayaw kong sayangin ang pinagpaguran ko ng ilang taon dahil lang sa ginawa ni Kian.

Ayaw kong mapunta sa wala ang pera na pinambayad ng magulang ko para sa mahal na tuition fee sa university na pinapasukan ko.

Pagbukas ko ng pintuan ay mukha agad ni Kian ang bumungad sa akin. May dala siyang food container na natitiyak kong naglalaman ng pagkain na niluto niya.

"G-Good morning, Moo," nauutal niyang bati. Hindi niya magawang tumingin sa aking mga mata at hindi din niya malaman kung ngingitian ako o hindi.

Hindi ako umimik. Agad ko nang sinara ang pintuan ng bahay.

"I-I made you breakfast. Papasok ka na ba? Mag-almusal ka na muna," pangungulit niya.

Naalala ko na naman ang ginawa kong effort para sa surprise dinner noong nakaraang gabi, kaya nadagdagan na naman ang inis ko. Matalim ko siyang tinignan dahilan para mapaatras siya.

"Moo... Kumain ka na muna. Maaga akong gumising para ipagluto kita ng—"

"So, dapat ko palang ipagpasalamat ang ginawa mo?" sarkastikong tanong ko.

"Moo..."

"Hayaan mo muna ako, Kian. Naiinis ako. Galit na galit ako sa'yo, kaya mas makabuti na layuan mo muna ako. Huwag kang magpapakita sa akin."

Kita ko ang takot sa kaniyang mga mata kaya nag-iwas ako ng tingin.

"I'm sorry, Moo. Please, hayaan mo akong magpaliwanag."

"Kung hindi ko nalaman, magsasabi ka ba? Kung hindi ko nalaman ang totoo..."

Huminga ako nang malalim at tumingala dahil naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. Hindi ko na tinuloy pa ang sinasabi ko. Agad ko na siyang tinalikuran, bago pa ako makapagbitaw ng masama at masasakit na salita sa kaniya.

——

Pinilit kong kumain ng marami para magkaroon ako ng lakas.

Pagdating ko ng university ay nadaanan ko sa mga benches sina Jewel.

"Hindi yata kayo sabay pumasok?" tanong niya na may ngisi sa mga labi. Napakakapal talaga ng pagmumukha ng babaeng ito.

"So, does it mean you two were separated already?"

Ngumisi ako. "You wish." Iyon lang ang sinabi ko. Tingin ba niya basta-basta ang paghihiwalay ng mag-asawa?

Habang nasa klase ako ay nag-vibrate ang aking phone. Text message ito galing sa unregistered number.

"Moo... Sabay tayong mag-lunch mamaya... I'm sorry. Please, let me explain. Mag-usap tayo. Huwag naman ganito."

Napaikot ako ng mata. It's either naki-text siya sa barkada niya o bumili siya ng panibagong numero.

Bl-in-ocked ko ulit ang number niya.

Pinuntahan ako ni Kian pagkatapos ng morning class ko. Hindi ko siya pinansin. Hindi din niya ako sinubukang lapitan para halikan at yakapin na gaya ng lagi niyang ginagawa.

Um-order daw siya ng pagkain at sa bench na lang daw kami kakain. Siguro naisip niyang ayaw kong makasabay sa pagkain ang kaniyang mga kaibigan. At para umiwas na din kay Jewel na kabit niya.

Ayaw kong gumawa ng scenario at ayaw kong malaman ni Jewel na nagkakamalabuan kaming mag-asawa dahil sa nangyari kaya kahit labag sa loob ko at kahit galit na galit ako kay Kian, sumama ako sa kaniya at sabay kaming kumain ng lunch.

He didn't try to say any word. He knew that I don't want to create any scene here. Dahil ayaw kong pagpiyestahan kami ng ibang mga tao.

Pagkatapos naming kumain ay hinatid niya ako sa classroom. Sa hapon naman ay hindi kami sabay umuwi dahil naunang natapos ang klase ko.

Umuwi ako sa bahay ng mga magulang ko. Pagsapit ng alas-otso ng gabi, kumatok si Kian sa pinto ng bahay.

Hindi ko siya pinagbuksan kahit pa ilang ulit niyang tinatawag ang pangalan ko.

"Tandaan mo mahal na mahal kita. Ikaw lang..." Paulit-ulit niyang bigkas.

Mas lalo lang akong naiyak. Bakit parang kay hirap paniwalaan ng sinasabi niya?

Kung mahal niya ako bakit siya natukso? Bakit siya nagsinungaling? Bakit niya ako niloko?

——

Isang buwan mahigit na ang ginagawa ko ay uuwi ako sa bahay ng mga magulang ko. Papasok mag-isa. Sasabay ng lunch kay Kian. Minsan naman ay hindi ako kumakain ng lunch at tumatambay na lang ako sa library para iwasan siya.

Nagluluto siya ng hapunan pero hindi ko iyon kinakain. Nag-iiwan siya ng bulaklak, chocolates at kung ano-ano pang regalo sa labas ng pintuan ng bahay pero hinayaan ko lang ang mga iyon sa labas ng bahay.

Pansin kong umiwas siya sa mga kaibigan niya sa university. Kahit na iniignora ko siya ay nagsumikap siyang suyuin ako.

Kaya naman nang umuwi ng bahay ang mga magulang ko para sa nalalapit na graduation ay wala akong nagawa kundi ang umuwi sa bahay nina Kian.

Hindi puwedeng malaman ng mga magulang ko ang nangyari dahil ayaw kong suamama ang tingin nila dito. He is still my husband. Oo, galit ako pero wala naman sa bokabularyo ko ang hiwalayan siya dahil nakikita ko naman na nag-e-effort siya. Na mahal na mahal niya ako.

Kasama namin ang mga magulang ko na kumain ng dinner. Naging tahimik ako. Samantalang nag-uusap-usap naman tungkol sa negosyo ang mga magulang ko at sumasali din si Kian.

Kian was into business. At natutuwa ang mga magulang ko sa kaniya dahil doon.

"After graduation aasahan na ba namin ang apo?" tanong ni Mama.

Awkward akong tumawa. Nakangiting napatingin sa akin si Kian.

"Plano ko pong pakasalan sa simbahan si Beth bago po kami magka-baby," tugon ni Kian sa mga magulang ko.

Lumapad ang ngiti ni Mama. Touched with Kian's words, kita ko ang galak sa kaniyang mga mata.

"You really love our daughter, ha," Mama said.

"Sobra po," tugon ni Kian. Naramdaman ko ang pagkabasa ng aking mga mata dahil sa sagot niya kaya nagbaba ako ng ulo.

——

After dinner umuwi kami sa kabilang bahay. Naging awkward na nang dalawa na lang kami.

Nagkamot siya ng ulo. "Sa k-kuwarto ka na lang matulog. Doon ako sa kabilang kuwarto matutulog," aniya.

Tumango ako. Akala ata niya kokontrahin ko ang sinabi niya. Ayaw ko pa siyang makatabi sa kama.

Bago ako pumanhik sa taas ay hinawakan niya ang kamay ko.

"Mag-usap muna tayo, please..." pakiusap niya. Bumuntong hininga ako at naupo sa couch. Umupo naman siya sa tabi ko.

Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa din siya nagsasalita.

"May nangyari ba sa inyo?" tanong ko. Umiling siya.

"Wala, Moo..." Tumango ako. Somehow I felt relieved.

Bumuntong hininga siya. "Noong birthday ni Raul—"

Ayaw kong ikuwento niya sa akin kung paano siya nagpadala sa halik ni Jewel kaya pinutol ko ang sinasabi niya.

"Noong sinabi niyo na may tinatapos kayo na project. Nagsasabi ka ba ng totoo noon?" tanong ko.

Tumango siya. "Then how come that you came home late at amoy alak ka pa?"

"Jewel send me an image of us kissing. Tinakot niya ako na ipapakita niya sa'yo 'yon..."

"Kaya pinili mo siyang puntahan kaysa uwian ang asawa mo na naghanda ng surprise dinner para sa monthsary niyo?" naiiyak kong tanong. He look stunned. Pumikit siya at marahang umiling. Maybe he realized how stupid he was.

"Pinili mong magpadala sa pamba-blackmail niya kaysa umuwi sa akin para sabihin ang totoo. Mas pinili mong pagtakpan ang nangyari kaysa magsabi sa akin na asawa mo?"

Tuluyan akong umiyak.

"Hindi ko siya pinuntahan. Sumama lang ako kina Raul para mag-inom."

"Pinili mo ang barkada mo... Ano'ng pinagkaiba nu'n." Tumango-tango ako habang pinupunasan ang mga luha na namalisbis sa aking mga pisngi.

"Sorry, Moo. Naduwag ako. Ayaw kitang saktan. Pero sana huwag mong isipin na pinagtaksilan kita. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal."

Hindi ako umimik. Nanatili akong nakatingin sa aking mga paa kahit pa nanlalabo ang aking paningin dahil sa aking mga luha.

"Mahal mo pa ba ako? Please, sabihin mo kung mahal mo pa din ba ako?" pagmamakaawa niya. His voice broke.

Tumayo ako at naglakad. "Kahit na sinaktan mo ako, mahal pa din kita. Pero hindi ibig sabihin no'n na puwede mo akong lokohin at pagsinungalingan. Goodnight..."

Wala akong imik na umakyat ng kuwarto. Natulog ako na medyo nabawasan ang bigat sa aking dibdib na dala-dala ko sa loob ng isang buwan.

——

"Beth!"

Nagtuloy-tuloy ako ng lakad kahit pa dinig ko ang pagtawag sa aking pangalan ng mga kaibigan ni Kian.

Ano ba ang kailangan nila sa akin?

Binilisan nila ang paghakbang kaya naman naabutan ako at hinarangan ang dinadaanan ko.

Tamad ko silang tinignan.

"Sorry sa nangyari. Gusto naming malaman mo na hindi namin pinag tulakan si Kian na magtaksil sa'yo dahil hindi naman siya nagtaksil."

"Oo, mga gago kami dahil nagsinungaling kami nang hindi namin sinabi kung saan talaga kami pupunta. Gusto lang talaga namin siyang maka-bonding."

"Gusto ka namin para kay Kian. Alam kong mahal na mahal ka niya."

Tinignan ko sila isa-isa.

"Magkano ang binayad sa inyo ni Kian?" tanong ko. Nagkamot sila ng mga batok.

"Ano'ng bayad. Kami nga ang nagkusa na lumapit para magpaliwanag at humingi ng tawad sa'yo," defensive na sagot ni Raul.

"Bukas na ang graduation natin. Ayaw namin na magtapos tayo na may samaan ng loob. Sorry..."

Tumango ako. "Okay," tamad kong sagot. Ngiting-ngiti na sila.

"At dahil diyan..." ani Raul bago hinugot ang puting panyo mula sa bulsa ng kaniyang bag.

Ngumiwi ako. "Ano 'yan?" tanong ko nang lumapit siya sa akin.

"May surprise kami para sa'yo," sabi nila.

"Hoy! Ayaw ko!" Umatras ako.

"Hoy! Ano 'yan?" tanong ni Macy at ng mga kaibigan niya. Agad silang lumapit sa amin.

"Surprise nga 'to para kay Beth. Kung gusto niyo sumama kayo sa amin."

"Kung kalokohan 'to, huwag na!" asik ko.

Nagkamot ng ulo si Raul. Mukha silang bigo.

"Sinabi ko na nga kasi kay Kian na wala siyang tiwala sa atin, e," bulong ng isa.

"Ano 'yun?" tanong ko. Oo nga, nasaan si Kian?

"Nagpatulong si Kian para sa surprise na ginawa niya para sa'yo." Seryoso ko silang tinignan.

Ngumuso ako at bahagyang nag-isip.

"Kapag kalokohan 'to. Hindi ko kayo mapapatawad habang buhay," banta ko. Tumango naman sila.

Sumakay kami ni Macy sa sasakyan ni Raul. Ang iba naman ay sumabay sa sasakyan ibang mga lalake.

Wala akong makita dahil may piring ang aking mga mata.

Kulang-kulang isang oras din ata ang byinahe namin bago huminto ang sasakyan.

May naririnig akong agos ng tubig. Imposibleng nasa dagat kami kaya natitiyak kong nasa isang resort kami. Nakaramdam ako ng kaba. Para akong maiihi at madudumi. Para ding hinahalukay ang aking tiyan.

"Ano na?" naiinip kong tanong. Kanina pa kami tumigil sa paglalakad. Naririnig ko ang boses ng ibang mga lalake, nagbubulungan.

"Nasaan siya?" tanong naman ng kaibigan ni Macy. Sa inip ko ay tinanggal ko ang piring sa mga mata ko.

Parang may humawak na mainit na palad sa aking puso nang makita ko ang buong paligid.

May mga bulaklak, lantern at led lights sa buong paligid.

Napangiti ako. Kinalat ko ang aking paningin.

Hanggang sa makita ko ang lalakeng may gawa ng lahat ng ito. Palabas siya ng pinto ng cottage na ilang dipa ang layo sa table na naka-set.

At sa likuran niya ay ang pamilyar na babae, na ang tanging suot sa kaniyang katawan ay isang tuwalya. Gulat na gulat siya nang makita ako.

Binalik ko ang tingin ko kay Kian. Kumpleto ang damit na suot pero napansin kong inaayos niya ang zipper ng suot niyang maong pants.