webnovel

Chapter 13

Hindi kami nakapag-usap ni Kian pagdating ng umaga dahil mas maaga ng isang oras ang klase ko kaysa sa kaniya.

Ininit ko na lang ang niluto kong pagkain kagabi. Ang cake na b-in-ake ko ay nasa ref lang.

Pagkatapos kong magbihis ay sakto namang gising na siya. Tahimik siya at alam kong pinagmamasdan ako.

Madami akong gustong sabihin at may mga bagay ako na gustong itanong sa kaniya pero ayaw kong simulan ang araw na ito sa away. Sa inis na naramdaman ko kagabi at hanggang ngayon ay natitiyak kong pagmumulan lang ng away.

Hangga't maari gusto kong maging kalmado. Ayaw kong magulo ang aking isip lalo na at may mga quizes kami na dapat kong paghandaan this week.

Naninikip ang dibdib ko. Wala akong halos tulog. Inis na inis ako habang nakikinig sa kaniyang paghilik. May impluwensya siya ng alak kaya naman himbing na himbing ang tulog.

Walang kaalam-alam o mas tamang sabihin na walang pakialam sa asawa na inis na inis at masama ang loob sa kaniya.

"I'm going," malamig kong paalam sa kaniya. Tumayo siya at agad akong nilapitan. Hinalikan niya ang ulo ko.

"Ingat, Moo... I love you. See you later..."

Tumango ako at hindi na nagsalita pa.

Tumalikod na ako at umalis na ng bahay.

Dumiretso ako sa classroom nang hindi tumitingin sa mga nasa paligid. I am too mad to entertain anyone.

Huminga ako nang malalim at bumuntong hininga. I drink some water from my tumbler to lessen the lump that in my throat.

Alam kong nakatingin sa akin si Macy na nakaupo sa kaliwang bahagi pero hindi ko siya nilingon.

Hindi ko kayang ngumiti. Kahit na plastik lang dahil hindi naman ako plastik.

Our morning class was finish. Agad na akong tumayo para magpunta ng canteen. May text message si Kian na nagsasabing nandu'n na daw siya. Madaming tao sa canteen kaya hindi na lang niya ako sinundo dito para makapag-order siya ng pagkain namin.

Hindi ako nag-reply. I just hope that he knew what do I feel about last night. It's not about the surprise that I prepared.

"Beth," tawag sa akin ni Macy. I am not really in a mood right now kaya nagpanggap akong hindi siya narinig.

But knowing Macy, she is really determined. Hinawakan niya ang aking braso. Bumuntong hininga ako bago ko siya nilingon.

Ang kaniyang ngiti ay iba habang nakatingin sa kaniya. May bahid ito ng lungkot at pag-aalala. Kumunot ang noo ko.

"Yes? Something's wrong?" tanong ko. Did she have a problem? Bakit hindi ang mga kaibigan niya ang lapitan niya?

"Are you okay?" she asked me. Kumunot lalo ang noo ko. Nilapitan niya lang ako para doon?

"O-Oo naman," sagot ko. I manage to plaster a smile. Bumuntong hininga siya. Ngumiti. Kahit ano'ng pilit niyang ngumiti still the sadness and worry was evident in her face.

"Ikaw, ayos ka lang ba?" tanong ko. Saan ba patungo ang usapan na 'to?

Tumango siya at ngumiti. Hindi ako gaano nakakain kaninang umaga kaya ramdam ko na ang gutom.

Tumango siya. "Nagugutom na ako kaya mauna na ako, ha," sabi ko at tinapik siya sa kaniyang braso. She nodded her head and didn't said anything again.

Tumigil ako sa paghakbang nang mula dito sa pintuan ng canteen ay nakita ko ang cheer leader na nakaupo sa tapat ng kinauupuan ni Kian.

She has this sweet and flirty smile in her lips while looking at Kian. Hindi ko makita ang reaksyon ni Kian. Mula dito ay likod lang niya ang nakikita ko.

Napakunot ang noo ko. Pero dahil narinig ko ang tikhim ni Macy sa aking likuran nagsimula na akong umusad sa paglakad. Nilingon ko siya at tipid na nginitian.

Ngumiti din siya pero ang mga mata niya ay nasa mga tao na tinitignan ko kanina.

Hindi pa din umalis ang cheerleader sa kinauupuan niya kahit pa nakita na niya akong parating.

Mukhang nakaramdam si Kian kaya naman agad siyang tumayo at sinalubong ako. Ngumiti ako sa kaniya kahit hindi dapat. Hinalikan niya ako sa aking mga labi.

Tinaasan ko ng kilay ang Cheerleader. Hmmm...

What's her name again? Tinignan ko ang Id niya. Jewel. Nice name. Sana kasing nice din ng ugali niya ang pangalan niya.

"Yes?" tanong ko. This is the first time that I ever used this tone to anyone. Ngumiti siya at umiling.

Nang tumayo siya ay nginitian niya si Kian bago binaling sa akin. Then she wink at me.

Naalibadbaran ako sa kaniya. Tinignan ko si Kian na agad ding sinalubong ang mga mata ko.

Inakap niya ako. "Don't mind her," bulong niya.

Naglakad na pabalik si Jewel sa pwesto nila ng kaniyang kagrupo. Naupo na din ako. Kian's friends was quiet. Hindi sila ngayon nag-uusap ng kahit na ano. Tila pinapakiramdaman nila ako. I have a quiz for my two subjects this afternoon. Kahit naisip ko kagabi na kausapin sila, pagsabihan o bantaan ay hindi ko ginawa.

Mabuti at hindi na naman nila pinagpapaalam si Kian. Usap-usapan kanina ng ilang mga estudyante na birthday ni Jeron, 'yung isang kaibigan nila.

Hindi ko siya binati. Hindi din naman nila sinabi sa akin. At baka kapag binati ko siya ipagpaalam na naman niya si Kian.

Baka du'n na ako tuluyang sumabog.

Ayaw ko ng bad vibes hangga't maari.

Hinatid ako ni Kian sa aking classroom. Limang minuto bago ang klase naming dalawa.

"Hinatayin kita mamaya," aniya. Mauunang matapos ang klase niya ng thirty minutes ngayon.

I nod my head. Hinaplos niya ang leeg at noo ko. "You okay?" tanong niya habang kunot ang noo.

Umiling ako at pagkatapos ay tumango. "Pumasok ka na sa room mo. I love you so much, Moo," he whispered before placing a kiss on my lips.

The class went well. Maayos ko ding nasagutan ang mga questions sa quiz namin.

Maagang natapos ang klase namin as expected. I feel exhausted. Kaya naman gusto ko ng umuwi. Mahiga at matulog ng maaga.

Bago pa ako tumayo may kaklase akong lumapit sa akin.

"Beth, sama ka ba?" tanong niya. Unlike Macy, bilang pa lang sa aking mga daliri ang naging pag-uusap namin.

Umiling ako.

"Malapit na tayong gr-um-aduate. Sama ka sa amin. Masaya doon." Akala niya maeengganyo ako pero muli akong umiling.

Pumalatak siya. Lumapit din ang kaibigan ni Macy. Mukhang kasama din sila.

"Sumama ka na kasi. Alam kong ang dahilan mo e dahil may asawa ka na," sabad niya.

Tumango-tango ang isa.

"Puro asawa mo dahilan mo. Pero bakit ang asawa mo nakakapagsaya naman? Loosen up a bit."

Nawala ang munting ngiti sa aking mga labi. Parang masyado na nilang pinanghihimasukan ang buhay ko.

Sinita sila ni Macy.

Pero umiling lang sila.

"Totoo naman, ah. Hinahayaan niya ang asawa niya na magpunta sa bar. Hindi niya alam—mmmmm!" Tinakpan ni Macy ang kaniyang bunganga.

"Sorry... Your life is not our business. Hayaan mo na lang sila," hinging paumanhin ni Macy.

Pero hindi, e. Dahil sa sinabi niya muli kong naramdaman ang kakaibang kaba sa aking dibdib.

Huminga ako nang malalim.

Hindi sila pinansin. Lumabas ako ng classroom at dumiretso sa benches na pinaghihintayan ni Kian sa akin. Nakita ko siya na nakaupo doon kasama si Jewel.

Mula dito ay kita ko ang madilim na mukha ni Kian. Tila nagtitimpi ng galit.

Ano naman kaya ang pinag-uusapan ng mga ito.

Tumikhim ako ng ilang metro na lang ang layo ko sa kanila para malaman nila ang pagdating ko.

Agad na ding tumayo si Kian ng makita ako. Niyakap niya ako at agad hinila papunta ng car park.

Wala akong imik hanggang sa makauwi kami. I was waiting for him to explain about last night. Gusto kong sabihin niya kung bakit siya na-late ng uwi.

Pero hanggang sa kumain kami ng hapunan ay wala siyang sinasabi.

Ang sinasabi lang niya ang plano niyang date namin sa weekend. I need to review. At kailangan din niyang mag-review kaya humindi ako.

"O-okay..."

Pagdating ng gabi he's asking me for sex pero tinanggihan ko siya. Masakit ang ulo ko at wala ako sa mood. Lalo at hindi niya binibigay ang paliwanag na gusto ko.

Niyakap niya ako at sinabi niyang ayos lang. Minasahe niya ang ulo ko hanggang sa makatulog ako.

Nagising ako bandang alas nueve y media. Nakita kong gising pa siya at nakatutok sa kaniyang celphone.

Niyakap ko siya at muli akong hinila ng pagtulog. Muli akong nagising ng madaling araw dahil naiihi ako.

Bago ako bumalik sa kama napatingin ako sa celphone ni Kian na nag-cha-charge. Binuksan ko ito at agad tinignan ang kaniyang inbox. Malinis ito. Convo namin, at ng magulang lang niya ang andun. Wala kahit sa mga kaibigan niya.

The call log was clean too. Tinignan ko ang blocked messages niya at halos panawan ako ng paghinga nang makita ko ang isang numero doon na may tatlong mensahe.

I realize that it was from Jewel.

"How about I tell your wife about it?"

"Tomorrow."

"Muaah!"

Napatingin ako kay Kian. Parang gusto ko siyang sampalin habang tulog siya.

Nawala ang antok ko. Hindi ko din maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.

Lumabas ako ng kuwarto at nagpunta ng sala. Naupo ako sa sofa.

Ano ang ibig sabihin ng message na iyon ni Jewel?

Hindi ako gaano nakatulog. Sa sofa na ako nahiga hanggang sa mag-umaga.

Hindi ako naghanda ng breakfast. Naligo na ako at nauna ng pumasok. Bahala na si Kian sa sarili niya. I want to talk to this Jewel girl.

Kung ano man ang plano niya. Sinisigurado kong hindi siya magtatagumpay. I know what she's trying to do.

My husband is mine!

Pagdating ko ng university ay sa benches muna ako tumambay. Dito ko aabangan si Jewel.

"Beth... Ang aga mo yata ngayon?" Nilapitan ako ni Macy.

Tumango ako at luminga-linga. "Are you okay?" tanong niya. Kahit di naman kami totally close para bang alam niya ang saloobin ko.

Kinuha ko ang mini cake na binili ko kanina sa bake shop sa labas ng village para sa kaniya.

Kumunot ang kaniyang noo. "Happy birthday," sabi ko. Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis.

"Thank you. I didn't expect this..." Ngumiti lang ako.

Pinagmasdan ko siya ng ilang segundo. Sumeryoso naman ang kaniyang mukha.

"Mukha lang akong wala pakialam at tanga pero marunong akong makiramdam," sabi ko habang nakatingin sa aking mga paa.

"Ano ba dapat ang sasabihin sa akin ng kaibigan mo kung hindi mo siya pinigilan sa pagsasalita kahapon?"

Nilingon ko siya. Kita ko ang pag-alon ng kaniyang lalamunan sa sinabi ko.

"I know I am so distant to everyone else. But, I want you to know that you are the only person that I can call my friend here."

"Beth..." Bumuntong hininga siya.

"We saw Kian at the bar with his friends. Then, Jewel and her friends show up. Umupo sila doon. You know what happen next. She tried to flirt with him. And even tried to kiss him."

Tumango ako. "And then nagmamadali na siyang umuwi," dugtong ko sa sinasabi niya. Tumango siya.

I don't know why I am not even surprise. Pero ang pagsisinungaling nila ng mga kaibigan niya sa akin ang kinakasama ng loob ko.

Sinabi nila na sa bahay nina Raul gaganapin ang birthday party pero hindi pala. And Kian didn't even explain it to me. Hindi naman ako magagalit.

Ang usapan namin ay sasabihin namin ang lahat. Walang lihiman pero bakit hindi niya sinabi sa akin.

"Then the second time nasa bar na naman sila. Umeksena na naman sina Jewel..." Huminga siya nang malalim kaya ako na ang nagtuloy sa kaniyang sinasabi.

"Did they kiss?"

Hindi siya nakasagot. So, they did kiss.

Sa itsura ni Macy mukhang madami pa siyang sasabihin kaso nakita ko na parating na si Kian sa gawi namin.

Seryoso ang mukha niya. Mukha siyang galit.

"S-Sige, mauna na ako sa room," paalam ni Macy at agad nang umalis.

Pagdating ni Kian sa tapat ko ay agad niya akong niyakap. Taliwas sa inaasahan ko.

"Hindi mo ako ginising," aniya.

"Ahm.. Nauna na akong pumasok kasi may nakalimutan ako kahapon," I lied.

Tumango siya. "Hindi ka kumain. Tara, kumain na muna tayo. We still have less than twenty minutes," aya niya.

Tahimik kaming kumain dahil kailangan naming makapunta na sa sarili naming mga klase.

Paglabas namin ng canteen ay saktong nakasalubong namin ang dahilan kung bakit ako maagang pumasok. She smirk.

I smirk back. Mamaya ka sa akin.