webnovel

AZURE DRAGON ACADEMY [TUA 3] (Tagalog/Filipino)

Isang panibagong araw naman ang dumating para sa binatang si Evor. Makikitang umaga pa lamang ay rinig na rinig niya na ang ingay nagmumula sa labas ng inn na tinutuluyan niya. Isang simple at murang inn lamang siya tumutuloy ngayon matapos ang mahabang biyaheng ginawa njya kahapon makapunta lamang sa lugar na ito. Sa kamalas-malasan niya ay mukhang marami ng naunang mga estudyanteng tila katulad niya ay galing pa sa mga malalayong parte ng mga bayang pinagmulan ng mga ito. Karamihan kasi sa mga bagong dating ay nagtayo na lamang munting tent sa mga gilid-gilid lalo na at wala na rin silang matutuluyan. Wala namang magbabalak na gumawa ng gulo dahil bawat lugar rito lalo na sa mga piangtatayuan ng tent ay may nakabantay buong magdamag na mga kawal mula mismo sa Dragon City. Walang magbabalak na labanan ang mga ito dahil likas na malalakas ang mga ito at subok ng magaling sa pakikipaglaban. Kung di nagkakamali si Evor ay mga 4th Level Summoner hanggang 7th Level Summoner ang mga kawal ng Dragon City. Hindi mo rin basta-bastang malalaman ang tunay na lebel ng mga ito dahil pare-pareho lamang ang unipormeng suot-suot ng mga kawal unless kung lalabanan mo ang mga ito at hindi mo mahal ang buhay mo. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mauubusan siya ng mga maaaring tuluyan na mga maaayos na mga room na fully booked na rin dahil sa dagsa-dagsang mga summoners katulad niya na gusto at nangangarap na makapasok sa prestirhiyosong paaralan ng Azure Dragon Academy. Malamang ay nitong nakaraang mga araw pa pumunta ang karamihan sa mga nasa malayong mga bayan habang mas pinili nilang manatili rito ng matagal kaysa maghintay pa sila ng susunod na taon para lang makalahok sa elimination round.

jilib480 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
24 Chs

Chapter 1.2

Natapos na noong nakaraang mga araw ang nasabing elimination round at tanging ang natirang mga kalahok ay mahigit dalawang daan na lamang. Pinalad namang isa si Evor sa mga nakapasa at napabilang sa susunod na elimination round.

Hindi pa rin siya makapaniwala at abot kamay niya na ang pinapangarap niyang makapasok sa Azure Dragon Academy sa mundong ginagalawan niya ngayon. Tunay ngang malayo na ang kasalukuyang buhay niya kumpara noon.

Lalo na nang nakarating na siya sa Dragon City ay masasabi niyang higit na marami ang mga summoners na naririto at alam niyang ang lahat sa mga ito ay may malaking potensyal na makapasa at makapasok sa loob ng Azure Dragon Academy kaya nga alerto at pinaghandaan niya ang araw na ito.

Ngayon kasi ay mukhang mas magiging mahirap at magulo ang ginagalawan niya at purong mga summoners ang makakaharap niya.

Kasalukuyang naglalakad si Evor patungo sa nasabing pagdadausan ng pangalawang pagkakataon para sa elimination round kung saan ay makikita ang malawak na arena habang mayroong malawak na field sa gina. Masasabing ang lugar na ito ay siyang magiging lugar kung saan lahat ng mga kakayahan ng isang summoner ay susubukin laban sa kapwa nito summoner.

Hindi siya nagkakamali na dito rin ito idadaos muli at dito na mapipili ang susunod na maglalaban-laban. This time, there will be a complex mechanic para masigurong mapipili ang dapat mapili na mga estudyante sa Azure Dragon Academy.

Tanging ang qualifications lamang dito ay dapat nasa edad isang daan pababa ang sasali sa pagpasok sa Azure Dragon Academy which is Evor really find it unusual.

Para sa kaniya kasi ay ang edad na ganito for qualifications para sa estudyante ay masyadong weird. Ngunit para sa mundong ito ay masyadong bata pa ang ganitong mga edad. Masasabi lamang na malakas at may potensyal pa ang mga Summoners sa ganitong mga edad ngunit kung uugod-ugod na ang itsura at pangangatawan mo ay hindi na maaaring tanggapin ang mga ito dahil mukhang naubos na ang potensyal sa katawan ng mga ito o nalipasan na sila ng panahon. Ganito naman kasi ang kadalasan sa nangyayari lalo na at kinakailangan ng nasabing akademya ang mga estudyanteng baguhan upang mayroong papalit sa mga nakapagtapos na.

Sa kabilang banda ay masasabi ni Evor na wala naman siyang nakalabang malalakas na siyang ikinatuwa niya rin lalo na at mabilis siyang nakatapos sa mga laban nang hindi man lang nahihirapan.

Ang familiar niyang isang Fire Fox ay masasabi niyang hindi rin ordinaryo at sa dalawampong kalahok na nakalaban niya sa nasabing specific field area ay mabilis niyang natalo sa malinis at obvious na pamamaraan.

Hindi na rin naman bago ang ganitong klaseng senaryo lalo na at marami talaga ang nag-excell sa nasabing first elimination round. Sa katunayan ay sobrang plain ng naging laban niya sa mga kalahok na nakasagupa niya sa loob ng field.

Hindi din madali na labanan ang iilan sa mga ito ngunit nagawa niya pa ring manalo laban sa mga ito. Alam niyang wala siyang pagpipilian kundi ang manalo upang makapasok siya sa prestirhiyosong paaralan ng Azure Dragon Academy dito sa maunlad na siyudad ng Dragon City.

Alam niyang mamaya na mangyayari ang totoong labanan lalo na at ramdam niyang malalakas ang mga ito.

Marami siyang napansin at masasabing nag-stand out sa mga kalahok. Kaya nga pinaghandaan niya ang araw na ito upang siguraduhing malaki ang tsansa niyang mapili na maging opisyal na estudyante ng Azure Dragon Academy.

Maya-maya lamang ay ramdam niyang may mangyayaring kakaiba ngunit nakaramdam siya ng saya lalo na at mukhang ito na rin ang oras upang i-secure niya ang kaniyang posisyon sa nasabing pangalawang bahagi ng elimination round.

Sigurado siyang makakaharap niya din si Marcus Bellford lalo na at isa siya sa maaaring makalaban niya sa kasalukuyang pangyayaring magaganap lamang.

Isa si Marcus Bellford sa pinag-uusapan na posibleng manalo sa nasabing patimpalak at maging opisyal na estudyante. Narinig niya kahapon lamang sa lumalaganap na usapan na maaaring kunin si Marcus Bellford ng isa sa mga matataas na opisyales ng Azure Dragon Academy dahil na rin sa kakaiba nitong familiar na masasabing isa sa mga rare type ng isang Ancient Tiger.

Sigurado siyang napukaw ang atensyon ng mga kinauukulan at ng mismong Summoner's council ng Dragon City dahil sa paglitaw ng isang Golden Tiger.

Hindi maipagkakailang sa apat na malalakas na beast ay isa ang White Tiger sa masasabing nangunguna pagdating sa lakas at liksi. Ang pinakamalapit na kamag-anak o specie nito ay ang mga Golden Tiger.

There's no doubt na malakas nga ang familiar ni Marcus Bellford ngunit alam niyang hindi magiging madali kay Marcus Bellford ang paamuhin at sanayin ang malakas ngunit napakabagsik na familiar nito.

It consumes a lot ot mana compared to an ordinary familiar even those strong familiars others have. Isa din sa factor na ito na dahilan upang matalo ito sa laban.

Mabilis na iwinala ni Evor ang mga ideyang ito lalo na at tanging siya lamang ang may alam kung paano matalo si Marcus Bellford kung sakaling makaharap niya man ito.

...

BANG!

Mabilis na sumabog ng malakas ang mga tipak ng lupa sa loob ng Arena. Makikita ang dalawang summoner na naglalaban sa malawak na field kung saan pinapalibutan ng maraming mga manonood sa laban.

Kitang kita ang isang babaeng mayroong familiar na isang malaking Praying Mantis habang ang kalaban nito ay walang iba kundi si Marcus Bellford.

Masasabi ni Evor na malaki ang pinagbago ng temperament ni Marcus Bellford matapos ang ilang mga linggong nakalipas mula ang pangyayaring naganap lamang.

Isa sa napansin niya ay ang mabilis na pag-unlad nito sa pagsummon ng familiar nito at ang galaw nitong tila ba hindi mababakasaan ng pagkakamali, pulido at walang patterns.

Sigurado si Evor na katulad niya ay gusto rin nitong makapasok ito sa Azure Dragon Academy sa kaniya-kaniya nilang pamamaraan. Ngunit batid niyang ayaw rin nitong biguin ang nayon lalo na sila Apo Noni, Village Chief Dario maging ang mga formers na tumulong rito upang paunlarin ang kasalukuyan nitong familiar maging ang iba pa nitong mga familiar.

Masasabi ni Evor na mukhang papainit na ang labanan sa pagitan ng dalawang panig. Maliksi rin kasi ang kalaban ni Marcus Bellford ngunit napapantayan rin nito ang kakayahan ng mismong kalaban nito ngunit hindi pa tapos ang labanan sa pagitan ng mga ito kaya gusto niya ring malaman kung sino ang mananalo sa mga ito.

Katulad niya, alam niya ring wala ni isa man ang gustong magpatalo sa kapawa nito kalahok dahil nakasalalay rito ang pagka-admit nila sa loob ng nasabing paaralan.

Mabilis na napaangat ng timgin si Evor nang mapansin niyang aatake na si Marcus Bellford maging ang kalaban nitong babaeng tila hindi rin magpapatalo.