webnovel

AZURE DRAGON ACADEMY [TUA 3] (Tagalog/Filipino)

Isang panibagong araw naman ang dumating para sa binatang si Evor. Makikitang umaga pa lamang ay rinig na rinig niya na ang ingay nagmumula sa labas ng inn na tinutuluyan niya. Isang simple at murang inn lamang siya tumutuloy ngayon matapos ang mahabang biyaheng ginawa njya kahapon makapunta lamang sa lugar na ito. Sa kamalas-malasan niya ay mukhang marami ng naunang mga estudyanteng tila katulad niya ay galing pa sa mga malalayong parte ng mga bayang pinagmulan ng mga ito. Karamihan kasi sa mga bagong dating ay nagtayo na lamang munting tent sa mga gilid-gilid lalo na at wala na rin silang matutuluyan. Wala namang magbabalak na gumawa ng gulo dahil bawat lugar rito lalo na sa mga piangtatayuan ng tent ay may nakabantay buong magdamag na mga kawal mula mismo sa Dragon City. Walang magbabalak na labanan ang mga ito dahil likas na malalakas ang mga ito at subok ng magaling sa pakikipaglaban. Kung di nagkakamali si Evor ay mga 4th Level Summoner hanggang 7th Level Summoner ang mga kawal ng Dragon City. Hindi mo rin basta-bastang malalaman ang tunay na lebel ng mga ito dahil pare-pareho lamang ang unipormeng suot-suot ng mga kawal unless kung lalabanan mo ang mga ito at hindi mo mahal ang buhay mo. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mauubusan siya ng mga maaaring tuluyan na mga maaayos na mga room na fully booked na rin dahil sa dagsa-dagsang mga summoners katulad niya na gusto at nangangarap na makapasok sa prestirhiyosong paaralan ng Azure Dragon Academy. Malamang ay nitong nakaraang mga araw pa pumunta ang karamihan sa mga nasa malayong mga bayan habang mas pinili nilang manatili rito ng matagal kaysa maghintay pa sila ng susunod na taon para lang makalahok sa elimination round.

jilib480 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
24 Chs

Chapter 1.11

Nakita na lamang ni Evor ang sarili niyang nasa labas ng napakalaking portal ng mga Summons. Ito ang nasabing lagusan patungo sa mga pambihirang mga nilalang.

Ngunit ang kaibahan lamang ay halos triple ang laki nang nasabing lagusang ito sa nakita niya noon sa Summoner's River.

Nangangahulugan din na tripleng pag-iingat din ang dapat na gawin ni Evor dahil hindi basta-bastang lagusan ang pinasukan niya.

This could trap or leave him dead kung hindi siya mag-iingat. Tatawid na siya mismo sa pambihirang mundo ng mga Summons upang manghuli ng ika-tatlong niyang Summon. Hindi kasi siya maituturing na Fourth Level Summoner kung hindi niya nagagamit ang isang summoner ball niya

Ang kabuuang lakas niya kapag nakahuli siya ay tataas at dadagdag sa Porsyento na manalo siya.

Habang papalapit ng papalapit si Wong Ming ay ramdam niyang tila hindi na sumasakit ang summoner's tattoo niya dahil sa ibang mundo na siya.

Sigurado siyang malapit na niyang makaharap ang suitable summon niya kung hindi siya nagkakamali.

Magkakambal ang nasabing mundo ng Summoner at ng Summons World kung kaya't normal lamang na may tumatawag sa kaniya.

Handa na rin siyang madagdagan ang nasabing summon niya.

Lakad-takbo ang ginawa ni Evor dahil isang malaking tunnel cave ang kinaroroonan niya.

Maraming mga naglalakihang mga butas ang nasabing tunnel cave na ito na maaaring maghatid sa kaniya sa iba't-ibang lugar at direksyon.

Hindi alam ni Evor kung saang direksyon siya tutungo ngunit pumili na siya.

Ramdam niyang mayroong malalakas na mga summons sa mga naglalakihang mga butas ng tunnel cave na ito that could lead him sa hinahanap niya talaga.

Kaliwa-kanan-kanan-kaliwa-kaliwa hanggang sa hindi na alam ni Wong Ming kung saan na siyang direksyon patutungo.

Maya-maya pa ay natanaw niya ang kakaibang liwanag hanggang sa nakalabas na siyang tuluyan sa pasikot-sikot na tunnel cave.

Nanlaki ang mga mata ni Evor sa nakikita niya. Naglalakihang mga Summon Beasts at mga Summon Heroes ang nakikita niya sa iba't-ibang parte ng lugar na ito na natatanaw niya.

Hindi alam ni Evor kung ano ang maiisip niya ngayon.

Ngayon lamang siya nakakita ng ganitong kalawak na natanaw niya na Summon World.

Nasa itaas kasi siya ng napakataas na talampas kung kaya't malawak ang tanaw ng mga mata niya.

Iba't-ibang uri ng dambuhalang mga dragon, Different colors of Huge Phoenixes, Stone Golems at iba't-ibang mga summons ang nakikita niya.

Payapa ang lugar na ito at sagana sa likas na yaman gaya na lamang ng sobrang laki at taas ng talon na nagbibigay-buhay sa luntiang lugar na ito, malawak at kulay ginintuang lawa maging ng kulay kahel na dagat.

Ilan lang ang mga ito sa patunay na hindi lamang sagana sa natural na kapaligiran ito kundi maging sa sagana ito para sa mga may buhay na mga nilalang.

Grabe, hindi makapaniwala si Wong Ming. Ibang-iba ito sa Summoner's River na kinaroroonan niya noon dahil lahat ng mga Summons ay mababangis at napakaagresibo ng mga kilos ng mga ito.

Sigurado siyang may kinalaman ito sa bawat lokasyon ng mga Summons Portal. Gamit ang kaniyang sariling isipan ay umupo muna siya upang mag-concentrate.

Mas mapapadali ang paghahanap niya ng suitable summon na aangkop sa kasalukuyan niyang lebel.

Pumikit siya at dinama ang sariling enerhiya niya hanggang sa unti-unting naglakbay ang diwa niya palabas ng katawan niya.

Sa kasalukuyan niyang lebel ay magiging kapana-panabik ang pangyayaring ito lalo na at madali na siyang makakakuha ng Summon niya sa ganitong estado.

Ngunit lalabanan niya pa rin ang nasabing summon kung hindi niya ito mapapapayag.

Temporal State Body, iyan ang katawagan sa pamamagitan ng paglakbay ng espiritu niya patungo sa direksyon ng suitable summon niya.

Everyone have it lalo na ngayon na may lakas na siya at sapat na kakayahan upang gawin ito.

Ito ang bunga ng labis na training niya maging ng pag-unlad ng mga summons niya.

Nakita na lamang ni Evor ang sarili niyang nakalutang sa ere at nilapitan isa-isa ang mga natatanaw niya kaninang mga Summon Heroes at Summon Beasts.

Nilapitan ni Evor ang isang Earth Dragon. Napakalaki ng halimaw na ito at masasabi niyang napakalakas din nito.

Nang magtama ang mga mata nila nang nasabing halimaw ay biglang nanlisik ang mga mata ng Earth Dragon kasabay nito ay...

GROOOOOWWWLLLLL!!!!

Umatungal ng napakalakas ang Earth Dragon. Kitang-kita ni Evor ang dambuhalang mga ngipin at mahabang dila ng nasabing summon beast.

Sa lakas nito ay malamang na uulamin siya nito ngunit given sa appetite ng halimaw na dragong ito ay baka hanggang bibig lamang siya nito at di mabubusog ang Earth Dragon.

Hindi man siya nito nakikita ay malamang sa malamang ay nararamdaman nito ang presensya ng taga-labas na katulad niya.

Maya-maya pa ay dumako siya sa Golden Ox, napakaordinaryo ng size ng summon beasts na ito ngunit alam niyang malakas din ito.

Sinubukan ni Evor na kumonekta dito ngunit wala siyang napala. Mukhang hindi naaangkop ang lakas niya rito.

Dumako si Evor sa kinaroroonan ng isang Mutated Silver Bear.

Isang dual attributes ang nasabing Summon Beasts na ito at malakas ito kung tutuusin.

Bago pa siya makalapit dito ay kitang-kita kung paanong inatake siya nito sa pamamagitan ng Metal Claws nito.

Napaatras si Evor dahil kitang-kita niya ang naghahabaang mga metal sticks na tumungo sa kaniya.

Buti na lamang at hindi niya aktuwal na katawan ito kundi ay malaking pinsala ang aabutin niya.

Ilang mga summons ang pinuntahan niya na may Earth Attributes ngunit palpak talaga siya.

Naisip niyang di pa sapat ang lakas niya para makabuo ng koneksyon sa mga Earth Attribute Summon.

Naisip niyang tumungo sa parte ng katubigan.

Payapa ang buong katubigan at masasabi niyang napaka-weird ng kulay ginintuang lawa. Kitang-kita niya ang isang maliit na kakaibang hayop.

Isang Blue Sea Unicorn!

Lalapitan na sana ito ni Evor nang mapansing ramdam niya na may kakaiba ito.

Nang magtama ang tingin ni Evor sa Blue Sea Unicorn ay naramdaman niya ang koneksyon niya rito.

Sa halip na matuwa ay tila nakaramdam si Evor nang labis na kilabot na hindi niya mawari.

BANG!

Tumalsik bigla ang Temporal State Body niya at pinaghihinalaan niya ng malaki ang halimaw na Blue Sea Unicorn.

Dito niya napansin na hindi lamang siya nito nararamdaman kundi nakikita siya nang nilalang na ito.

Isang Dual Attribute na Summon Beast!