One Night With Mr. Gorgeous "I'm not going to marry you, Theo." "And do you think I want to? Wala akong choice. Nanay ka ng anak ko." Natameme si Arielle. "Hindi ko hinihingi sa 'yo na maging asawa ka sa akin oras na makasal tayo, Arielle. If you're worried about making love to me, huwag kang mag-alala, hindi kita oobligahin. Hindi ko rin naman matandaan na ipinilit ko ang bagay na 'yan sa isang babae. I can always find myself a woman to take your place anyway." Nag-init ang mukha ni Arielle sa inis. At sa ibang babae pala planong sumiping ng walanghiya at hindi sa kanya! 'Eh, kaninong kasalanan? 'Di ba ikaw naman 'tong nag-iinarte? 'Tapos, kapag naghanap siya ng ibang babaeng ikakama, maiinis ka.' Ipinilig niya ang ulo. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit naman siya maiinis kung sakaling gawin nga ni Theo ang sinabi? Nagseselos ba siya? Pumapayag na ba siyang maging Mrs. Theo De Marco? Of course not! ================================
"Anong ginagawa mo dito?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Arielle sa lalaking naabutan sa loob ng kwarto niya. Kalalabas lang nito sa banyo at pasipol sipol pa.
"Babe come on, hindi naman ito ang first time na pumasok ako at nakiligo dito sa kwarto mo ah?" Tila balewalang sabi nito sa kanya. He was carrying his devil grin and smile.
Nanlaki ang mga mata ni Arielle. Sinasapian ba ito? Nagha hallucinate? O naapaga ang alzheimer's disease? Wala siyang naalalang pinayagan niya itong kumatok o sumilip man lang sa kwarto niya, papasukin pa kaya?
Best friend ng Papa ni Arielle ang Papa ni Busty Montalbo college days pa lang. Busty was eight years older than her. Abot abot na ang pinaghalong inis at galit niya sa certified manyakis na lalaki unang beses niya pa lang itong nakita.
That was two or three years ago. Nang isama siya ng Papa niya sa condo ng matalik nitong kaibigan sa Quezon City. Kararating lang ng buong pamilya sa Pilipinas mula sa Amerika. Noon pa man ay may malisya na kung tumitig sa kanya si Busty. Para siya laging hinuhubaran bagaman balot na balot naman siya.
Pormal ito at palakaibigan tuwing nasa harap ang Papa niya o ang ibang tao. Kabaligtaran naman ang ipinapakita nito sa kanya sa ilang pagkakataong naiiwan siyang mag isa kasama ito.
Malisyoso din pati mga salita nito sa kanya. Kaya palagi na ay umiiwas si Arielle na mapag isa kasama ito. May hitsura naman si Busty. Kita ang pagiging half american - half filipino nito sa height, tangos ng ilong at kulay ng balat. Ganunpaman, hindi niya type ang mga lalaking kagaya nito. Presko, masyadong bilib sa sarili
at doble kara.
Nitong huling mga linggo ay napansin ni Arielle na ang madalas na pagdalaw dalaw nito sa hotel na pinagtatrabahuhan niya sa Paranaque. May dalawang taon na siyang nagtatrabaho sa hotel na iyon bilang receptionist.
Busty would offer to bring her home at kumain sila sa labas pero palaging next time na lang ang sagot niya. Pakiramdam niya may mangyayaring masama sa kanya oras na sumama siya dito.
Bumaba ang mga mata ni Arielle sa katawan ng lalaki, kinilabutan siya nang mapansing tuwalya niya pa ang nakatapis sa baywang nito.
Lalong nanlaki ang mga mata niya nang kampante pa itong humakbang patungo sa gilid ng kama. Noon lang niya napansin na may mga damit ito sa ibabaw niyon. Nag umpisa itong magbihis sa harap niya habang panay ang tapon ng makahulugang tingin sa kanya.
Pabalibag na inihagis ni Arielle ang bag niya sa ibabaw ng kama. Hindi niya lubos maisip kung ano ang ginagawa ng lalaking ito sa loob ng kwarto niya. At mukhang at home na home ang walanghiya!
"Lumabas ka ng kwarto ko, puwede ba?!" Pigil ang galit na sigaw niya.
"Don't be so naive, babe. We will be married in few weeks time, anyway." ngisi nito sa kanya.
Nangunot ang noo niya sa kabila ng halos nag aalab na mga mata niya. Kung nakamamatay lang ang tingin kanina pa ito pinaglalamayan.
"Anong pinagsasasabi mo?"
Lumawak ang ngisi ni Busty. Komportable ang manyakis sa ginagawang pang aasar sa kanya. Umatras si Arielle nang humakbang ito palapit sa kanya. Lahat ng reflexes niya gumana at naging alerto bigla. Gumuhit lalo ang malisyosong ngiti sa mga labi ni Busty sa ginawa niya.
Noon piniling bumukas ng pinto ng kwarto niya.
"Pa!" she exclaimed. Nakahinga nang maluwang nang iluwa niyon ang Papa niyang si Lucio Paulino pero base sa kunot noo ng Papa niya, alam niyang galit ito. Ang problema, hindi yata kay Busty.. mukhang sa kanya?
"Mabuti at dumating ka na. We have to talk." sabi nito sa kanya.
"Mag uusap tayo pagkatapos lumabas sa kwarto ko ng lalaking ito, Papa." Sagot niya. Nakasimangot pa rin at matalim ang ipunukol na tingin sa lalaking walang anumang nagkibit balikat. "Wala bang bakanteng banyo sa mga guest rooms sa baba kaya dito n'yo pa 'to piniling papaliguin?"
Hindi na pinilit ni Arielle na itago ang iritasyon sa boses. Iyon naman talaga ang nararamdaman niya. Iritasyon. At pandidiri.
"Really, Arielle?" gagad ni Lucio sa tonong puno ng sarkasmo.
Naguguluhang napatitig siya sa Ama. Sinulyapan ni Lucio si Busty, sinenyasang lumabas muna. Tumalima naman ang lalaki palabas ng kwarto niya, pangiti ngiti habang isinusuot ang t-shirt.
"Pa, ano ba'ng nangyayari?" pangungulit niya. Isinara ng Papa niya ang pinto saka siya matamang pinagmasdan.
"Hindi ko sukat akalain na pati ang pagdadala ng lalaki sa sarili mong silid kaya mong gawin, Arielle. My God, twenty two ka pa lang!"
Napatitig siya sa ama. Naguluhan bago..
"Wala kaming relasyon ng Busty na yun, Pa!" Tumaas ang boses niya.
"Wala. Pero dito mo siya pinapatulog sa kwarto mo, ganon ba?"
Nagpakailing iling siya. "Oh God. No! Siya ang kusang pumasok sa kwarto ko, naabutan ko lang siya dito. Kararating ko lang kahit itanong mo kay Joyce."
Ang Joyce na tinutukoy niya ay ang kasambahay nila na nakasalubong niya kanina sa salas.
"I'm not talking about today, Arielle." Mariing anang Papa niya. "Dalawang linggo nang napapansin ni Aling Selma ang mga maruruming damit panloob at slacks na panlalaki sa laundry basket mo. Hanggang kailan mo balak itago sa akin 'to Arielle?"
"What?" Paano nagkaroon ng damit panlalaki sa laundry basket nya?
Bumuntong hininga si Lucio.
"Umamin na si Busty na kanya ang mga damit na iyon. Sinabi niya na matagal na kayong may relasyon at tumatanggi kang pakasal sa kanya."
"P'wes nagsisinungaling siya, Papa! Hindi totoo ang sinasabi niya."
Umiling si Lucio. Hindi pinansin ang sinabi niya.
"Nagkausap na kami ng Tito Jigs mo. Ipapakasal namin kayo ni Busty bago matapos ang buwang ito."
"Ganyan ba ang pagkakakilala n'yo sa akin, Papa?" Naghihinanakit na aniya. "Hindi ko boyfriend ang Busty na 'yon at wala akong balak magpakasal sa kanya!"
"To tell you honestly, hindi ko na alam ang iisipin ko, Arielle. But I am doing this for your own good. Ano na lang ang sasabihin ng mga kasambahay? For sure hindi magtatagal kakalat ang tungkol sa inyo ni Busty and I can't afford another public humiliation matapos ang nangyari na eskandalo sa Ate Zeny mo!"
Nakagat ni Arielle ng mariin ang pang ibabang labi. For your own good pero sasabihin ng ibang tao ang iniisip nito.
"He's lying, Papa. Walang nangyari sa amin, maniwala ka. Kaya kong patunayan 'yan, dalhin n'yo ako sa OB, let Dra Sebastian..."
"Para ano? Para lalong makaladkad ang pangalan natin sa kahihiyan? Kapatid ka ng isang sumisikat na artista, Arielle. Baka isa na naman ang pangyayaring ito para magkaroon ng maibabato sa kapatid mo ang mga bashers niya. Hindi mo ba naisip yun? Isipin n'yo naman ang career ni Troy kahit paminsan minsan lang!" Exasperated na putol ni Lucio sa sinasabi niya.
Hindi makapaniwalang napaupo si Arielle sa ibabaw ng kama. Ganon ba talaga? Kahit kapatid lang siya ng artista pati siya kailangang magbehave din at umaktong tila artista? Ang personal na buhay nila ni Ate Zeny ay awtomatiko ng nakakabit sa pangalang iniingatan ng kapatid.
Bata sa kanya ng tatlong taon si Troy. Isa ito sa mga sumisikat na artista sa henerasyon nito. Kalove team nito ang isa ring sumisikat na artista sa parehong istasyon.
May mga tagahangang sumusuporta kay Troy pero may mga bashers at haters din na handang sirain ang career nito.
Totoong nabanggit sa news na half sister ni Troy Paulino ang nag umpisa ng gulo sa isang bar sa QC noong nakaraang buwan. Si Zeny ang panganay sa kanilang magkakapatid. Anak ito ng Mama nilang si Martha sa pagkadalaga. Sa kanilang tatlo, si Zeny ang mahilig sa bars at gala.
Papalit palit ng boyfriend simula nang mahiwalay sa asawa nito dalawang buwan na ang nakakalipas. At nitong huli nga ay nakipagsapakan sa hinihinalang kabit ng bayaw niya.
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga haters ni Troy para pagpyestahan ang personal na buhay at pangalan ng kapatid niya. Kay Zeny iyon sinisi ni Lucio hindi man ito magsalita.
Pero ganon na lang ba yon? Ipapakasal siya ng Papa niya sa lalaking hindi niya mahal dahil sa maling akala? It was a set up. Na malamang ay pinlano ng walanghiyang Busty na iyon!
Maaaring pumapasok ito sa kwarto niya kapag wala siya. Sinasabi sa mga kasambahay na mag on sila para makaakyat ito ng may laya sa silid niya at makapag iwan ng maruming damit sa laundry basket niya.
She wasn't really sure. Isa lang ang sigurado niya, wala siyang balak sundin ang gusto ng Ama bumuka man ang lupa at lamunin man siya ng buo niyon!
"Still. I don't want to marry that man, Papa." Mariing sabi niya sabay ahon sa pagkakaupo, dinampot niya ang bag niya at tinalikuran ang ama.
"Arielle! Saan ka pupunta?!" Habol ni Lucio sa kanya. Pero hindi nya pinansin ang pagtawag nito. Tuloy tuloy siya sa pagbaba ng hagdan.
Tinapunan niya ng namumuhing sulyap si Busty na nakalitaw na naman sa pagmumukha ang nang iinis na ngisi.
"Lucio!" Narinig niya ang nahihintakutang sigaw ng Mama niya. Napatingala si Arielle sa hagdan. Nakita niya ang pagdaklot ng Papa niya sa sarili nitong dibdib at ang pag igik nito na tila may iniindang sakit. Napakapit ito sa haligi ng hagdan bago tuluyang mapaluhod sa sahig.
"Papa!"
Mangiyak-ngiyak na naman si Arielle. Nasa bar siya ng isang hotel sa Cebu. Um-attend siya sa kasal ng matalik niyang kaibigan na si Cecille.
Gabi na nang matapos ang kasiyahan. She chose to book for one night accommodation sa nasabing hotel kung saan ginanap ang reception. Two days lang siya sa Cebu. Kailangan niyang bumalik sa Maynila bukas ng hapon para magfile ng leave para naman sa kasal niya.
Malakas ang buhos ng ulan sa labas, nakikisama sa damdamin niya. Gusto niyang mapag isa, mag isip, maging malaya. Kailangan niya iyon. Sa nakalipas na ilang araw para siyang nakalutang, sunod sunuran sa nangyayari na parang wala siyang kakayahang magdesisyon para sa sarili.
She'll marry the man she doesn't even like and will never ever love in four days time. Para na rin siyang bibitayin at wala siyang magawa kundi magpabitay. But death could be much sweeter. Mas pipiliin niya sana iyon kaysa ikasal kay Busty.
Pero hindi naman siya suicidal. Hindi lang talaga niya matanggap na nagawa siya nitong i-set up at nagawa nitong papaniwalain ang Papa niya.
Ang masakit, tuluyan na syang nawalan ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili at itama ang maling akala ng mga tao sa paligid niya dahil sa nangyaring atake sa puso ni Lucio.
Isang linggo na ang nakakalipas simula nang mangyari iyon at hanggang sa mga oras na iyon ay kinakain pa rin siya ng guilt. Kasalanan niya kung bakit muntik muntikan ng mawala sa kanila ang Papa niya.
Kasalanan niya nga ba? No. It was Busty's. Kung hindi ito humabi ng kasinungalingan at pinaniwala ang Papa niya na may lihim silang relasyon at may nangyari na sa kanila, eh di sana ay wala siyang pinoproblema ngayon.
Naningkit ang mga mata nya kasabay ng paghigpit ng pagkakahawak niya sa goblet na may lamang wine. Twenty percent lang ang alcohol content ng nasabing wine pero pakiramdam niya umiikot na ang paningin niya hindi pa man nauubos ang isang bote.
Inis niyang pinalis ang luhang kumawala sa mga mata niya. Pero sunod sunod at tuloy tuloy na iyon sa pagtulo. Kung wala lang siya sa mataong lugar, kanina pa siya nagsisigaw at humahahulgol sa frustration at sama ng loob.
Alam niyang pulang pula na ang tungki ng ilong at mga mata niya. She just couldn't help it. Maloloka siya sa kaiisip sa kahihinatnan ng buhay niya kapag napangasawa niya si Busty.
She greeted her teeth as she curse him once again. Kung pwede lang pumatay ng tao, hindi siya magdadalawang isip na ipa-salvage si Busty kasehodang bitayin siya o makulang ng pang habang-buhay.
Pinalis ni Arielle muli ang luha sa mga mata niya nang mag ring ang cellphone niya. Si Ate Zeny ang nasa kabilang linya.
"Umaatungal ka na naman?"
"Sino ba ang hindi aatungal?" Umiiyak na buwelta niya sa kapatid.
"Noon pa man, sinabi ko na sa'yo obssessed ang Busty na yon sa 'yo 'di ba? Ngayon ilang araw na lang, makukuha na ng lalaking 'yon ang gusto niya."
"Over my dead body, Ate!"
"Naku, naku. Kapag mag asawa na kayo, wala ka ng magagawa kahit ilang beses pang ma-deads 'yang body mo. Maniwala ka sa 'kin. Men are beasts pagdating sa sex."
Kinilabutan naman siya. "Ate.."
Narinig niya ang buntong hininga ni Zeny sa kabilang linya.
"A-anong gagawin ko?" Napahikbi siya. "Hindi ako matutulungan ng Mama, Ate. Nag aalala siya sa kalagayan ng Papa.."
"Get laid. Maghanap ka ng lalaking magde-devirginized sa 'yo bago ka pa man ikasal sa lalaking 'yon."
Muntik na siyang masamid sa sinabi ng kapatid.
"I'm serious, Arielle. Virgin ka at alam ni Busty iyon kaya nagkukumahog siyang makuha ka. He's about to ruin you and your future.. Ang best revenge d'yan ay yung malaman niyang hindi ka na virgin sa unang gabi ng kasal ninyo. Tiyak na sabog ang ego ng manyakis na yon."