webnovel

Chapter Six

"Kumusta si Belle, Bestie?" Tanong ni Arielle sa kaibigang si Cecille na panay ang paypay sa iniihaw na liempo.

"She's okay, Bestie. Unti unti makakarecover. Bababa sila ng Papa niya mamaya lang para sumali sa party."

Tumango siya. It was not too long ago when Cecille married Benjie Madrid. Biniyayan ang mga ito ng isang anak, si Belle. But just four days ago ay isinugod sa hospital si Belle dahil sa high fever na nauwi sa convulsion.

Kahapon pa nakalabas ng ospital ang bata nang tuluyan ng mag normal ang temperature nito. She was worried for Belle. Inaanak ito ng anak niyang si Theodore James.

Tatlong buwan lang ang pagitan ng panganganak nila ng kaibigan. She was there when Cecille gave birth to Belle, kahit sabihing kapapanganak pa lang din niya.

Sa Alabang piniling magpatayo ng bahay nina Cecille at Benjie. Doon din kasi nakatayo ang restaurant business ng huli.

"Wala pa yata ang mga bisita?" Puna niya habang iginagala ang mga mata sa bakuran ng bahay ng mag asawa. May ilang lamesa ang naka set up sa maluwang na bakuran. Nakasuksok sa bawat lamesa ang tag anim na upuan.

It was Cecille's 25th birthday. Abala ang ilang maids sa kani kanilang nakatokang gawain para sa party mamaya. Sa bahay na siya ng kaibigan dumeretso matapos ang shift niya sa pinagtatrabahuhang Call center.

"Oh, Ikaw lang ang inimbita ko at yong dating officemates ko sa DeMar Hotel. Darating din ang mga staff ni hubby mamaya. My boss is also coming pero baka gagabihin pa."

"Hindi ka na ba magtatrabaho uli?" Tanong niya. Simula nang makapanganak ay hindi na nagbalik sa pagtatrabaho si Cecille. Gusto nitong maging full time wife at full time mother. Hindi daw nito maaasikaso ang pamilya kung isisingit ang pagta trabaho.

"Hindi na muna, Bestie. Siguro kapag medyo malaki laki na si Belle. Para hindi naman lumilipad ang isip ko pag nasa trabaho ako. Worried ako lagi, masakit sa dibdib. Isa pa ay nag e enjoy naman ako sa pagiging mudra con yaya niya eh." Tumawa ito sa huling sinabi.

May point naman ang kaibigan, plus the fact that Benjie can provide everything their family needs. Mula sa well off family ang lalaking napangasawa ng kaibigan.

"Eh ikaw, kailangan ka magreresign sa pinagtatrabahuhan mo? Demoted na demoted ka mula sa pagiging receptionist mo sa hotel ah."

Nagkibit balikat siya. "Mahirap maghanap ng trabaho ngayon, Bestie. Okay na ako sa pagiging supervisor."

"Kahit hindi ka pa rin pinopromote sa kabila ng pagsisipag at pagiging efficient mo?" Gagad nito. Kinuha ang thong at binaligtad ang nakadapang liempo sa grill.

Sumimangot siya. She was really hoping for that promotion. Na hindi nangyari. Ibinigay iyon sa taong mas karapat dapat daw.

Nang mag umpisang lumaki ang tyan niya ay kusa siyang nagresign sa hotel na pinagtatrabahuhan noon. Hindi niya gustong maging produkto ng usap usapan. Alam niya naman na sa malaon at madali ay ite terminate siya ng kompanya kaya inunahan niya na.

"Pero bestie, talaga bang hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin nagku krus ang mga landas ninyo nong biological father ni TJ? Alam mo na, maliit lang ang mundo.."

Arielle faked a smile. Iyon ang madalas na gawin niya tuwing nababanggit ang lalaking pinag alukan niya ng virginity niya dalawang taon na ang nakakaraan. The gorgeous man from that four star hotel in Cebu. Ang lalaking kamukha ni Theo James. He was the first man in her life and he got her pregnant.

Hayun tuloy, when she gave birth to her son pinangalanan niya itong Theodore James. Sinubukan niyang pilitin ang sarili na palitan ang pangalang naisip but she couldn't just find the right name for her son. Mas maganda sa panlasa at pandinig niya ang unang pangalang naisip.

Itanggi man niya, the attractive man from the hotel gave her something worth remembering huwag ng idagdag pa si TJ.

Ipinilig niya ang ulo sa naisip. She was being ridiculous. She can't keep on patronizing the man in her mind. Paano kung married na pala ang lalaking iyon at sya pa ang naging kasangkapan para magkasala ito sa misis nito? But she doubt that, walang wedding ring sa daliri ang lalaki, isa pa bakit siya nito pananagutan kung married na ito?

Pananagutan. Maraming pwedeng ipakahulugan ang salitang iyon. Hindi lang ang alukin siya ng kasal. Pwede siya nitong maging kept woman. At hindi ba't maraming lalaking  nagtatanggal ng wedding ring sa daliri kapag hindi kasama ang mga misis nila?

Nagising sya ng umagang iyon na nakayakap sa kanya ang lalaki. His face burried on her long curly hair. He was still naked, kagaya niya. Dama ni Arielle ang naninigas nitong pagkalalaki sa pagkakatanday nito sa kanya.

Agad kumalat ang dugo sa mukha niya nang maalala ang nangyari sa pagitan nila ng nagdaang gabi. Ipinagpasalamat niya na lang na tulog ito.

Surprisingly, kakarampot lang ang pagsisising nakapa niya sa dibdib nang tumama sa kanya ang realisasyon. Something wonderful than sex happened to them that night. Iyon ang gusto niyang isipin, that they made love. Pero alam niyang ilusyon lang iyon. Why call it love making when there were no feelings involve maliban sa tawag ng laman?

Maingat siyang kumawala sa yakap ng lalaki pero nagising ito nang isinasara niya na ang zipper ng suot niyang jeans.

"Where are you going?" Halos mapapitlag siya nang marinig ang boses nito. Bahagyang kumunot ang noo sa pagkakatitig sa kanya.

Itinago ni Arielle ang nanginginig na mga kamay sa likod niya. Pinagsalikop iyon ng mahigpit roon.

"Babalik na 'ko sa suite ko." Sagot niya bagaman mabilis ang bayo ng puso niya.

Masakit ang nasa pagitan ng mga hita niya, bagay na hindi niya napagtuunan ng husto ng pansin nang mga sandaling inaangkin siya ng lalaki.

Napapikit sya ng mariin. Hindi nya gustong paulit ulit na isipin ang nangyari. My God, ibinigay niya ng dalawang ulit ang sarili sa lalaki kagabi!

Lumunok siya nang bumangon ito sa pagkakahiga. Her eyes grew wider now that she's seeing him again in all his glory. Half aroused glory. Pakiramdam ni Arielle magdedeliryo siya anumang sandali.

"Magsa shower lang ako. Let's eat breakfast together." He said as he walk towards her. Napaatras si Arielle ng nang huminto ito sa harap niya.

Oh my God. The man's really gorgeous she wanted to swoon. She doesn't want to care sa harap man nito. Pero pwede niya bang gawin iyon?

"Hey.." untag nito nang manatiling nakatitig siya sa half aroused nitong sex. Gusto nyang maeskandalo nang makita niya pa ang bahagyang pagkislot niyon.

"Stop staring already." Ungol nito pagkatapos ay hinablot ang comforter at itinapis sa ibabang bahagi ng katawan.

Nag angat siya ng mukha. Namumula. "Aalis na 'ko, Mister.."

Umangat ang sulok ng bibig ng lalaki.

"Mister." Ulit nito sa itinawag niya dito. "Just last night you used three endearments para tawagin ako."

Pinamulahan siya lalo ng mukha. Hindi siya liberated na babae at totoong hindi niya gustong ma involve sa pre marital sex lalo at pinag iingatan niya ang imahe ng kapatid niyang artista. But good Lord, hindi niya lubos maisip kung paano nyang nagawang ibigay ang sarili sa isang estranghero.

At tama ito, love.. sweet.. babe.. paulit ulit niyang nabanggit ang mga endearments na iyon habang inaangkin siya nito kagabi.

"Forget about last night, Mister." Sinadya niyang langkapan ng iritasyon ang tinig dahil sa pagkapahiya.

Humalukipkip ang lalaki at mataman siyang pinagmasdan. Salubong pa rin ang mga kilay.

"Are you going to blame me for taking advantage of you last night?"

"Walang dapat sisihin. I wanted it and I was the one who initiated it. Pinagbigyan mo lang ang gusto ko."

"That doesn't make me a good man." Buntong hininga nito. "Handa akong panagutan anuman ang nangyari.."

Napatitig siya dito. Hindi niya inaasahan iyon mula sa isang estranghero. Ganunpaman, nagpakailing iling siya. Hindi niya na gustong dagdagan ang bigat ng alalahanin niya.

Nagrerebelde siya dahil sa sapilitang pagpapakasal nila ni Busty at heto siya ngayon nakikipag usap sa lalaking nakasiping niya kagabi. At pananagutan daw siya. Heavens.

Pero kung tutuusin, kung si Busty lang naman mas di hamak na gusto niyang ikasal na lang sa lalaking ito. Walang involve na feelings but at least compatible sila pagdating sa isang bagay. Love making. Or sex sa tamang kahulugan niyon.

Pero magiging kumplikado lang lalo ang lahat kung pahahabain niya pa ang ugnayan sa estranghero.

"No need. Hindi kita itatali sa kung anuman dahil lang sa nangyari kagabi. Isa pa ay hindi ako mabubuntis, huwag kang mag alala. Alam kong hindi ako fertile, my doctor told me it was safe to have se.."

Naputol ang sinasabi niya nang makita niya ang pagtalim ng tingin ng lalaki.

"Talagang pinaghandaan mo ha?" Sarkastiko nitong sabi.

Well she was lying about the doctor thingy. Pero ayaw niya ng lumawig pa ng husto ang usapan. Kailangan niyang ituloy ang plano. No strings attached. Idespose ang lalaki at asarin si Busty sa araw ng kasal nila.

Bumuntong hininga siya. "I told you I only want to experience that thing. Nothing more."

Nakita niya ang pagtiim ng mga bagang nito. Gusto niyang kabahan sa galit na nakarehistro sa mukha nito. Naguguluhan siya. Bakit ikinagagalit ng lalaki ang sinasabi niya? Kung ibang lalaki, matutuwa na hindi kukulitin na panagutan ang nangyari but the man's different. O ginagawa lang nito iyon para alisin ang guilt?

Guilt saan? Sansala ng isip niya. Guilt for taking a young virgin to his bed?

"Ikayayaman mo ba ang experience na ipinaranas ko sayo kagabi, ha?" May talim ang salitang tanong nito. "Will that make you feel a lot better? Na may maisi share ka na sa mga barkada mo dahil na experienced mo na ang pakikipagtalik? Ikukwento mo ba sa kanila how I devour you last night at kung anong pakiramdam habang magkahugpong ang mga katawan natin, huh?"

Umawang ang mga labi ni Arielle. Pinigil niyang mapapikit sa insulto. She deserved that anyway.

"Wala na tayong dapat pag usapan pa, Mister. Malinaw kong sinabi sa'yo kagabi bago nangyari ang lahat kung hanggang saan lang tayo." Aniya sa pinakakalmanteng tinig. She walked towards the door kahit dinig niya ang pagtatagisan ng bagang nito.

"Look for me if you need someone to f-ck you, then." Narinig nya pang sabi nito bago sya tuluyang makalabas ng pinto ng suite nito.

Mapait na napangiti si Arielle sa alaala. Nag checkout agad siya sa hotel at dali daling nagtungo sa Airport kahit four hours earlier siya sa flight niya.

Nasa taxi na siya pauwi sa bahay nila nang tawagan siya ni Martha at sabihing nastroke ang Mama ni Busty at kritikal ang lagay nito.

A day after tuluyan na itong binawian ng buhay dahil sa komplikasyon. Naiatras ang petsa ng kasal nila ni Busty, mali pero lihim niyang ipinagpasalamat iyon.

Ang kasal ay tuluyan ng hindi natuloy dahil matapos ang mahigit isang buwan ay si Busty na mismo ang tumangging pakasalan siya. Why, she was pregnant at alam nitong hindi ito ang ama ng pinagbubuntis niya.

Hindi nga tinamaan ng kidlat si Busty, hindi nga ito nangisay pero nagbunga ang one night stand niya sa lalaki sa Hotel sa Cebu. It was a blessing in disguise.. na habang buhay niyang ipagpapasalamat.

Hindi makapaniwala ang Mama at ang Papa nila. Hindi naging issue ang tungkol sa pagbubuntis niya ng walang ama dahil agad na nagawan ng kwento iyon ng Papa nila. He told the reporters na nasa ibang bansa ang Tatay ng anak niya at na magpapakasal sila oras na matapos ang kontrata nito sa ibang bansa.

Hindi totoong naging issue ang pagbubuntis niya sa pagiging artista ni Troy. Nag overreact lang talaga siguro si Lucio.

Halos araw araw ay kinukulit siya noon ng mga magulang na sabihin kung sino ang ama ng ipinagbubuntis niya. She found it hard to explain to them dahil hindi niya gustong malaman ni Lucio ang ginawa niyang kalokohan para lang inisin ang lalaking ipinipilit nitong ipakasal sa kanya noon.

Hindi niya gustong habang buhay na ma-guilty ang Papa niya at sisihin nito ang sarili. Kagustuhan niya ang nangyari. Impulse. Ang tanging konsolasyon na lang ay si TJ.

Sa bata na umikot ang mundo ng mga magulang bagaman kabilin bilinan pa rin sa kanilang magkakapatid na ayusin ang kani kanilang buhay at umiwas sa eskandalo.

Madali na lang gawin iyon lalo at wala na si Busty sa buhay niya. Ganon pa man, hindi niya pinagsisihan ang nangyari sa kanila ng estranghero.

Many times, gusto niyang bumalik sa Cebu at puntahan ang Hotel at magtanong sa front desk kung sino ang lalaking umukopa ng top floor suite pero pinipigil niya ang sarili. Naghiwalay silang galit ang lalaki sa kanya. Walang dahilan para alamin nya kung sino ito o kahit ang pangalan nito kaya.

"Uy, Bestie.." untag sa kanya ni Cecille.

"Wag na natin siyang pag usapan. Past is past. Halika, tulungan na kita riyan."

"Naku ha. Ayaw mo man lang bang i-describe sa akin ang hitsura niya? Ano, pogi ba?"

Kahit kay Cecille ay hindi nya ikinwento ang totoong nangyari o kung paano nangyari ang nangyari sa pagitan nila ng lalaking kamukha ni Theo James. Hindi niya gustong pumangit ang tingin ng kaibigan sa kanya.

"Pangit. Kaya nga worried ako kay TJ, baka makamukha niya." Tawa niya para makaiwas. "Sige na, mamaya lang darating na ang mga bisita, maligo ka na. Ako ng bahala dito."

Chapitre suivant