webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
154 Chs

Huwag Mo Akong Iiwan

Pagkatapos nilang magusap ni Kate, nagmamadali ng bumaba si James para salubungin sila.

Habang pababa, inabisuhan nya ang Head Nurse na si Mayett.

"Ihanda mo ang operating room at maghanda ka ng mga kakailanganing dugo! Abisuhan mo na rin ang mga duktor, may emergency tayo!"

Pagkatapos madinig ng Nurse Head ang sunod sunod na putok, at sinundan pa ng sasakyan bumubusina, natitiyak na nyang may emergency kaya sinabi ni Dr. James na ihanda ang OR. Wala naman kasi silang emergency room, clinic lang pero mukhang malubha ang parating kaya pinapa ready nya ang OR.

Iniutos nya ito agad pero ang sa dugo kailangan nyang magtanong.

Konti lang ang nakareserbang dugo sa IDS Hospital dahil bihira lang naman dito ang operasyon lalo na ang emergency case kaya kailangan nyang humingi ng abiso sa Head ng Hospital bago kumilos.

"Sorry Dr. James pero konti lang po ang naka reserve na dugo dito sa atin. Pwede akong makakuha ng magdodonate pero kailangan ko muna ng request mula kay Chief Mel!"

"Nurse Mayett si Chief Mel ang emergency! Basta ihanda mo ang mga andyan muna saka tayo magisip ng susunod na gagawin! Hindi ko alam kung ano ang mga kakailanganin pa pero maganda na yung ihanda mo na lahat! Bilisan mo at andyan na sila!"

SCHHREEECH!

Biglang hinto ng sasakyan sa harapan ni James pagkatapos ng huling salitang sinabi nya.

Kung hindi ito emergency situation, malaman nabatukan na ni James si Kate sa ginawa nya.

Gahibla na lang tatamaan na sya ng sasakyan.

"Juskupo!"

Gulat na sabi ni Head Nurse Mayett.

Pero mas nagimbal sya ng mailabas si Mel mula sa likod at isakay sa strecher.

Mabilis syang dinala papuntang OR nakalimutan na si Roger na nasa loob pa rin ng sasakyan, nanghihina na rin sa dami ng dugo na nawala.

Nasa elevator na sila ng maalala ni Kate si Roger.

"Si Roger, may tama din sya! Kunin nyo sya sa sasakyan! Bilis!"

Si Mayett ang nakapansin kay Roger na parang namumutla at ng buksan nya ang pinto ng sasakyan, duon nya nakita ang dahilan.

"Kaya mo bang tumayo? Tulong! Tulong!"

Nailabas na nya si Roger ng sasakyan ng dumating ang inutusan ni Kate, may dala na itong stretcher.

"Isang operating room lang ang meron tayo, paano 'to?"

"Dalhin mo muna sya sa clinic, aakyatin ko si Dr. James sa kanya ko tatanungin ang dapat gawin!"

Ito ang unang beses na nagkaron sila ng ganitong emergency situation at dalawa pa!

Aminado syang hindi sila handa.

"HubbyLabs ... HubbyLabs ...."

Patuloy na tawag ni Kate kay Mel habang nasa elevator.

Kahit na matindi ang sakit na nararamdaman, nanghihina at nahihirapan ng magsalita, pinilit pa rin ni Mel na ngumiti at pisilin ang kamay ni Kate para hindi ito magalala.

"Huwag kang magaalala, magaling si Kuya James, magiging okey ka promise me HubbyLabs magiging okey ka!"

Sabi ni Kate sa pagitan ng mga hikbi.

Basang basa ng luha ang mga mata nito.

Sa kalagayan ni Mel mukhang may tinamaan itong internal organ, hindi nga lang matiyak ni James kung gaano kalaki ang pinsala nito.

Tumango tango si Mel, itinaas ang mga kamay at hinaplos ang mukha ni Kate.

"Ma...hal ... na ... ma ...hal... ki ... ta...."

Naghihingalo at halos pabulong na sabi ni Mel tila pati pagsasalita ay wala na syang lakas.

May luhang unti unting pumapatak sa gilid ng mga mata nito.

Natakot si Kate.

Natatakot sya sa sasabihin ni Mel.

Ayaw nyang madinig na sabihin ni Mel ang salitang, paalam.

"Alam ko HubbyLabs kaya pakiusap, nagmama kaawa ako sa'yo, huwag kang bibitiw, ipangako mo sa akin na lalaban ka! Huwag mo akong iiwan! Please, pleeeaaase! HubbyLabs ko! Huhuhu!"

Pinilit ngumiti ni Mel para ipadama ni sa asawa na okey sya pero pagkatapos ay nawalan na ito ng malay.

"MELABS!"

Nawalan ito ng malay bago makarating ng operating room.

"Kate! Kate! Listen to me! Gagawin ko ang lahat para mailigtas si Mel, pangako ko yan! But right now I need you, kaya ayusin mo ang sarili mo! Kailangan ko ng dugo kaya ihanap mo ako ng ka match ni Mel!"

Pero nakatanga lang si Kate, hindi nagresponse.

"Ako po Dr. James, willing po akong magdonate! Ano po bang blood type ni Mel?"

"Blood type 'O' po si Chief Mel!" Sabi ng isang Med Tech na kumuha ng sample ng blood ni Mel para malaman ang blood type nito

"Ako po 'O'!

"Ako din po!"

At sunod sunod ang nagtaas ng kamay, willing lahat sila mag donate ng dugo para kay Mel.

"Hindi kayo pwede dahil kailangan kayo sa operasyon! Hindi lang si Mel ang may tama pati si Roger!"

"Ako po din po 'O' ang blood type!"

Sabi ng isang security

"Ako din!"

"Ako din!"

May lima sa mga security ang nagtaas ng kamay.

"Dr. James, saan po namin dadalhin si Roger?"

Humahangos na tanong ni Mayett.

"Dun sa isang OR!"

Itinuro ni James ang lumang OR. Matagal na itong hindi nagagamit pero gumagana pa rin naman ang mga aparato kahit luma.

"Dr. James, kailangan na po kayo sa loob, bumababa po ang vitals ng pasyente!"

Sabi ng isang nurse.

Tiningnan ni James si Kate na nakatulala, na shock ata.

"Mayett, please paki tawag ang Mommy ko sabihin mo kailangan sya ni Kate!

Ikaw na ang bahala dito!"

Utos ni James.

Gustuhin man nyang damayan ang kapatid pero mas kailangan sya ng pasyente.

*****

Samantala.

Sa Pampang.

"Pasensya na pero hindi kayo pwedeng sumunod sa kanya. Dito lang kayo!"

Sabi ng isang security.

"Bakit si Gen. Santiago hinayaan nyo, bakit kami hindi?"

Tanong ni Wesley.

"May dahilan ho sya! Kayo ano hong dahilan nyo?

Wala ho kayong permiso, pwede namin kayong kasuhan ng trespassing!"

"Anong ibig mong sabihin? Narinig ko ang sunod sunod na putok ng baril kaya alam kong meron kayong itinatago dito! Kaya hayaan nyo kaming makaalis!"

Naiinis na sabi ni Wesley.

Wala itong magawa sa dami ng mga nasa harapan nilang security ngayon.

"Pasensya na Capt. Wesley pero wala kang karapatan pumasok ng Sinag. Si Gen. Malvar lang at si Jaime ang binigyan ng clearance ni Don Miguel."

Sabi ng bangkero. Inis pa rin ito sa kawalang respeto ni Wesley sa pinagusapan nila.

"Trabaho ko ang alamin ang nangyayari kaya huwag nyo akong hadlangan, kung hindi kakasuhan ko kayo ng obstruction of justice!"

Galit na singhal ni Wesley.

"Pasensya, ginagawa lang namin ang trabaho namin."

"Kahit na alam ninyong mali ito?"

Tanong ni Wesley na pinipilit pa rin na ang gusto nya.

"Alin ang mali Capt. Wesley, ang pagbawalan ang isang taong walang permiso?"

"Isa akong pulis pangkaragatan!"

"Pero hindi namin kailangan ang isang pulis pangkaragatan na wala sa katwiran! Andito naman si Gen. Malvar, bakit kakailanganin namin ang pulis na hindi alam kung ano ang tama sa trabaho nya!"

May pangiinis na sabi ng bangkero.

Sinasabi mo ba na wala akong kwentang pulis?"

"Hindi ako ang nagsabi nun.

Pero kung titingnan mo nga naman, isang pulis na basta na lang sumunod sa utos sa kanya na hanapin ang isang illegal alien dahil delikado daw ito pero hindi naman nakikilala kung sino ang taong hinahanap nya. At ang tangin impormasyon ay nagmula ito sa Sinag Island. Anong klaseng pulis kaya ang tawag dun?"

May pangungutyang sabi ng bangkero.

"Aba't .... "

Hindi naman sa hindi kilala ni Wesley, hindi lang nya pwedeng sabihin na ang Crown Prince ang hinahanap nya at gawa gawa nya lang ang dahilan na mapanganib ito.

"Tama na yan! Mabuti pa Capt. Wesley maiwan ka na lang dito sa pampang, ako na ang tutulong sa kanila kung sino man ang may gawa nito."

"Pero .... "

"Huwag ka ng humirit, Captain! Mas maigi ngang andito ka sa pampang para mabantayan mo ang lugar na ito!"

Katwiran ni Gen. Malvar.

"Tara na, samahan nyo ako kung saan nagmula ang putok!"

Utos ni Gen. Malvar sa isang security.

'Bwisit na mga 'to, ginawa akong bantay!'

'Kailangan malaman ito ni Boss para makagawa sya ng paraan.' Humanda kayo!

Tingnan ko lang kung anong gagawin nyo pag nalaman ito ni Vice!'