77 Nagawa Ni Mel Yun?

Puno ng yabang na kinuha ni Capt. Wesley ang cellphone nya.

'Masyado nyo akong minamaliit ha! Tingnan ko lang kung anong magagawa nyo pag si Vice President na ang kumilos!'

'Akala nyo porket private property ito hindi ko magagawang pasukin ito! Ha! Isang tawag ko lang kay Vice .....'

Ngunit pagbukas nya ng cellphone nya, nagulat sya bakit wala syang signal.

"Ano 'to, bakit wala akong signal?"

Iritang sabi ni Wesley.

Itinaas nya ang phone, naghahanap ng signal pero wala, as in WALA.

"Bakit ganito? Bakit wala akong signal?"

"Sir, pasensya na, pero wala talagang signal dito sa Sinag. Kaya nga radyo ang gamit namin eh!"

"ANO???!!!!"

Mulaga ang mga mata at hindi makapaniwala si Wesley.

Pinicturan sya ng lihim ng isang security.

'Hahaha! Ipopost ko 'to! Ano kayang magandang caption?'

"Seryoso ba kayo? Wala talagang signal dito? Hindi nyo ba ako pinagloloko lang?"

"Yes Capt. Wesley seryoso po kami."

"Grabe! Meron pa palang lugar sa Pilipinas na walang signal? Kung ako nga na nasa gitna ng dagat may signal kaya paano nangyari na walang signal dito?"

Nagkatinginan na lang ang mga security, alam nila ang totoong dahilan kung bakit walang signal sa Sinag Island habang ang ibang security naisipan na rin syang kunan ng video, natutuwa sa reaction nya.

"Uhm Sir, kung meron pong signal sa dagat bakit hindi nyo subukang magpunta duon?"

"Pinagloloko mo ba ako? Gusto mo lang akong paalisin sa islang ito diba? Siguro, gawa gawa nyo rin ito kaya ako nawalan ng signal?"

Kinuha nila ang cellphone nila at ipinakita sa kanya.

"Eto Sir, tingnan nyo, wala kaming signal. Wala talagang signal dito at hindi ka namin pinagloloko!"

Dismayado si Wesley pero anong magagawa nya kung wala talagang signal.

'Lintek na! Papaano ako magsusumbong kay Vice nito?'

'Haaaiisst! Ano bang lugar itong napuntahan ko, hindi uso ang signal?'

*****

Sa IDS Hospital.

"Saan dinala yung kararating lang na pasyente?"

Tanong ni Jaime sa Receptionist. Humihingal ito, galing sa pagtakbo.

"Duon po sa 3rd floor sa OR."

Sagot ng Receptionist.

Patakbong tinungo ni Jaime ang elevator at pag bukas nito sa 3rd floor agad syang lumabas at hinanap ang OR.

Hanggang sa ....

'Kate...?'

Napansin nya ang isang babaeng nakatayo sa harapan ng pinto ng OR. Nakatalikod ito sa kanya pero tiyak nyang si Kate ito.

Nilapitan nya ang anak.

"Kate!"

Tawag nya, pero hindi sya nililingon nito.

Simula kanina hindi pa rin kasi ito kumikilos, nakatulala pa rin sa nakasarang pinto ng OR.

"Kate!"

Muli nyang sigaw ng malapit na ito pero wala pa rin syang reaction.

"Sino po kayo?"

Tanong ng isang security na naroon pero hindi sya pinansin ni Jaime derederetso itong inakap ang anak.

"Kate! Kate! Anong bang nangyari sa'yo bakit ka nagkakaganyan?"

Hinarap nya si Kate at hinawakan ang mukha nito pero wala itong sagot, tumutulo lang ang luha.

Natakot si Jaime.

"Jaime, anong ginagawa mo dito?"

Gulat na tanong ni Nadine ng makita ang asawa.

Kinabahan sya kanina ng tawagin sya ni Mayett dahil kailangan daw sya ni Kate tapos madadatnan nya ang asawa nya dito.

'Bakit sya nandito at bakit nya kausap ni Kate?'

Naguguluhan sya, hindi naman sinabi ni Mayett sa kanya kung bakit sya kailangan ni Kate.

Ngunit mas ikinabigla ni Nadine ng makita ang itsura ng anak.

"Kate? Anong nangyari? Jaime anong ginawa mo? Bitiwan mo sya! Bitiwan mo ang anak ko!"

Singhal ni Nadine sa asawa sabay akap sa anak at inilayo kay Jaime.

Gustong magpaliwanag ni Jaime pero hindi nya alam ang sasabihin nya. Nasasaktan si Jaime ng makitang ganito ang anak.

"Madam maupo muna po kayo para makaupo din po si BigBoss."

Magalang na sabi ng isang security.

Nagaalala si Jaime para sa anak pero hindi nakalagpas sa pandinig nya ng banggitin ang 'BigBoss.

'Sinong tinutukoy nyang BigBoss? ... si Kate?'

"Anong sabi mo? Pakiulit nga?"

Sabi ni Jaime.

"Ang sabi ko po maupo muna kayo. Kayo po at si Madam para po makaupo din si BigBoss. Kanina pa po sya nakatayo simula ng ipasok dyan si Chief, hindi po namin mapaupo."

'BigBoss?'

'Chief?'

Naguguluhan si Jaime.

Inakay ni Nadine ang anak na si Kate at pinaupo pero nakatulala pa rin ito, tila wala sa realidad, tumutulo lang ang luha.

"Rene, pakipaliwanag nga ang sinabi mo at nalilito ako. Bakit nagkaganito ang anak ko?"

"Madam, si Chief po nabaril po sya at isinugod ni BigBoss dito."

Matalim na tiningnan ni Nadine si Jaime.

"Magtapat ka nga sa akin Jaime, ikaw ba ang may gawa nito?"

"Hindi Ling, kararating ko lang! Hinabol ko ang bumubusinang sasakyan ng mapansin kong kamukha ni Kate ang nagmamaneho!"

Paliwanag ni Jaime sa asawa.

"Tama po sya Madam, si BigBoss nga po ang nagmamaneho sakay nya si Chief Mel at si Roger. Pareho po silang nabaril mula po duon sa Forest."

'Ano daw? Si Mel yung Chief?'

Hindi pa rin maintindihan ni Jaime.

Paano naging BigBoss si Kate at paano naging Chief si Mel? At sino ang bumaril at bakit?

"Teka, kilala nyo ba kung sino yung namaril? At anong dahilan?"

Usisa ni Jaime.

"Sigurado ka bang wala kang kinalalaman dito, Jaime?"

Dudang tanong ni Nadine

"Ling nagsasabi ako ng totoo! Listen! Kaya ako andito ngayon kasama si Gen. Malvar at si Capt. Wesley dahil kanina may humarang sa sinasakyang yate ng Papa bago sila dumating ng daungan.

Ang sabi ni Capt. Wesley meron daw isang illegal alien at delikado daw ito at ang tanging impormasyon nila ay nagmula ito sa Sinag Island!

Yan ang dahilan kaya kami sumama pabalik dito para maabisuhan ang Sinag. Tapos, nasa boundary na kami ng Sinag water ng madinig namin ang sunod sunod na putok!"

Kwento ni Jaime.

"Hindi po namin alam kung sino yung namaril. Andun po ang mga Elite Security para hanapin sya. Pero huwag po kayong magaalala dahil nakasara po ang buong forest, hindi po yun basta makakalabas!"

Napapalibutan ng mataas na bakod ang buong forest at hindi ito madaling akyatin dahil naka activate ang kuryente sa taas ng bakod. Hindi rin ito madaling gibain dahil solidong bakal ang gitna nito.

Matalim pa rin ang tingin ni Nadine sa asawa. Ewan ba nya pero hindi nya maibigay ang buong tiwala nya dito lalo na pagdating sa anak nyang si Kate at Mel. Hindi nya maalis na may kinalalaman ito sa nangyari.

Walang alam si Nadine tungkol kay Prince Tobias. Ang tungkol sa Prinsipe ay lihim at nananatili lang sa Secret. Kahit sa Forest ay iilan lang ang may alam.

Ito ang utos ni Don Miguel. Kaya ang buong isla ng Sinag maliban sa Secret ay hindi pa nakita ang Prinsipe. Ni hindi nila alam na minsan ay nanatili sa gitna ng forest ang Prinsipe.

Kahit nga ang tungkol sa Secret ay iilan lang din ang nakakaalam.

"Sigurado ka bang wala kang kinalalaman dito Jaime?"

"Ling, wala nga akong idea na si Mel ang nasa loob ng OR! Nadatnan ko lang si Kate na nakatayo dyan at nakatulala!"

"Totoo po ang sinasabi nya Madam. Nagulat nga po kami at bigla na lang syang sumulpot at inakap si BigBoss. Sino po ba sya Madam?"

Tanong ng security na naguguluhan na bakit tila walang tiwala ang Nanay ni BigBoss sa kausap.

"Sya ang asawa ko, father ni Dr. James at ni Kate. Si Gen. Jaime Santiago."

"Totoo po ang sinasabi nya! (hingal) ako po ang sumunod sa kanya mula sa pampang!

Grabe naman Sir ang bilis nyo naman pong tumakbo!"

Sabi ng security mula sa pampang.

Hindi ito makapaniwala na sa edad ni Jaime hindi nya ito magawang maabutan.

Halos kalahati ng edad ni Jaime ang taong ito.

"Pasensya na pare, nagalala kasi ako sa mag anak ko. Nalaman nyo na ba ang dahilan ng pamamaril?"

Muling usisa ni Jaime.

"Hindi pa po namin alam ang buong kwento basta ang nadinig namin, si Roger ang unang binaril at si BigBoss po sana ang isusunod pero hinarang daw po ni Chief Mel ang bala kaya po sya ang tinamaan.

Napatulala si Jaime at napatingin sa OR, hindi makapaniwala.

'Nagawa ni Mel yun?'

avataravatar
Next chapter