75 Okey Lang Ako....

Mabilis ang mga nangyari.

Nakita ni Mel ng biglang bumukas ang pinto at pinaputukan nya agad nito Roger.

Mabuti na lang at naihagis ni Kate ang hawak nya at nagiba ng direksyon ang baril.

Pero nagulat si Mel ng biglang bawi ni Arik.

'Jusko, si WifeyLabs ko!'

Hindi na ito nagdalawang isip na sumugod kay Kate at umakap dito.

Saktong pagputok ng baril ni Arik si Mel ang tinamaan sa likod.

"MELABS!"

"HINDIIII!"

Dumagan kay Kate ang duguang asawa nya.

Nang makita naman ni Roger na tinutukan ni Arik ang boss nyang si Kate, agad nitong binunot ang baril nya at ipinutok din kay Arik.

PSSHOONG!

BANG!

Sabay na bumagsak si Mel at Arik. Tinamaan ito ni Roger sa dibdib.

Duon na realize ni Arik na hindi pala si Prince Tobias ang nabaril nya.

'Where the hell is the Prince?'

Inis na tanong ng isip ni Arik. Ramdam nyang andito ang hinahanap nya pero nasaan?

Mabilis na nakabawi si Arik, pinilit nya agad makatayo

'I need to fininished them! Then I'll go find the Prince!'

Nagulat si Roger ng makitang tatayo pa ito kaya pinaputukan nya ulit ito sa kamay.

BANG!

Pero ng makita ni Roger na hindi pa ito tumigil, at plano pang kunin ang reserbang baril, hindi na ito tinigilan ni Roger.

BANG!

BANG!

BANG!

Dinig sa buong Sinag ang alingawngaw ng putok na pumukaw sa kanila.

****

Samantala.

Nasa borderline na ang yate na sinakyan ni Gene kanina. Kinokontak nya ang tower para humingi ng permiso.

Walang nagawa ang bangkero kanina ng mamagitan si Gen. Malvar, kaya sa huli, nakasama pabalik si Jaime, si Wesley at si Gen. Malvar.

Gusto pa ni Wesley na isama ang buong pulutong nya pero hindi na pumayag ang bangkero.

"Mga Sir, ang usapan po natin ay pag hindi kayo pinayagang makapasok ng tower, ibabalik ko po kayo sa pantalan."

Pumayag naman ang lahat.

Wala silang choice, private property ito. Kailangan nila ng warrant para makapasok dito.

"Tower this is Mighty Issay requesting for entry! Meron akong mga kasama (over)"

"Negative! Ikaw lang ang nakalista dito na pwedeng makapasok (over)"

"Sabi ko na sa inyo mahirap makapasok pag walang permiso!"

Sambit ng bangkero.

Kita ang pagkadismaya ng tatlo lalo na si Capt. Wesley.

Si Gen. Malvar naman ang tumawag sa tower.

"Hello Tower, this is Gen. Malvar, kung makakahingi ba kami ng permiso mula kay Don Miguel papayagan mo na kami? (over)"

"Yes po Sir! As long as ma confirm namin mula kay BigBoss(over)"

"Naman! Sobrang higpit naman! Sino ba yang BigBoss na yan?"

Iritang sabi ni Jaime.

Wala syang kamalay malay na ang tinutukoy nya at kinakainisan na BigBoss ay ang anak nyang si Kate.

Tinawagan ni Gen. Malvar ang Presidente at sinabi ang sitwasyon.

Nasa kalagitnaan sya ng paguusap ng marinig nila ang alingawngaw ng putok ng baril.

Kinabahan silang lahat.

This time si Jaime na ang tumawag sa tower.

"Hello Tower this is Gen. Jaime Santiago, dyan ba nanggaling yung mga putok ng baril na nadinig namin? (over)"

"Hindi po ako sure, Sir, pero inaalam ko na po! Sinusubukan ko na rin pong kontakin si BigBoss (over)"

"Pwede bang papasukin mo muna kami? (over)"

"Negative po Sir, kailangan ko pang antayin ang abiso mula kay BigBoss. Pasensya na po! (over)"

Nanggigil na sa inis si Jaime.

Pero nung mga oras na iyon, hindi na nila makakausap si Kate dahil akap akap nito si Mel humahagulgol sa pagiyak.

"Hubby... HubbyLabs.... Huhuhu! Bakit mo ginawa yun?"

"Okey lang ako WifeyLabs.... (cough) (cough) 'wag kang ... mag... alala... hindi .... kita .... pababa ... yaan...(cough)"

Sa bawat pagubo ni Mel ay may lumalabas na dugo, pati puso ni Kate ay nagdurugo ng makita nyang ganito ang asawa.

"HubbyLabs please huwag ka ng magsalita, baka makasama sa'yo!"

Puno ng luha at pighati si Kate.

"Okey lang .... ako ....WifeyLabs basta .... ma..kita kong okey ka..."

Sa loob ng chamber tube kung saan naroon ang Prinsipe, napanood nya ang buong pangyayari sa tablet na hawak nya

"NO! NOOOOO!"

Sigaw nya pero walang nakakarinig sa kanya.

Ni sa hinagap, hindi nya inakalang magsasakripisyo ang mga taong ito para sa kanya.

Unti unti ng bumaba ang chamber at bumulusok ito palabas ng Sinag Island.

Hindi na nito alam ang sumunod na pangyayari.

Wala na ang Prinsipe pero dala nya sa puso nya ang sakit at pagsisi. Kung sana ay pumayag na syang umalis ng mas maaga hindi sana ganito ang nangyari sa kanila.

Bago bumulusok papalayo ang chamber capsule, nabuksan ang shield nito.

Sinadya pala itong iset ni Kate kanina ng isinasakay nya si Prince Tobias sa chamber. Kaya habang papalayo ang capsule kung saan lulan ang Prinsipe, unti unti naman tumambad sa Mighty Issay ang buong Sinag Island.

Napanganga ang lahat maging ang bangkero ay nagulat.

'Wala pa silang clearance kaya bakit nabuksan na agad ang shield?'

'Anong nangyayari sa Sinag?'

Habang puno ng pagkalito ang bangkero, nakakita naman ng pagkakataon si Wesley na agawin ang helm at biglang pinasibad ang yate patungong pampang.

"Sir, wala pa po tayong clearance mula sa tower!"

Suway ng bangkero kay Capt. Wesley.

"Pasensya na pero may nangyayaring hindi maganda at maging ikaw ay alam kong hindi mo ito maipaliwanag! Kailangan kong gawin ito!"

Katwiran ni Wesley.

Mula sa ID nitong suot may pinindot sya at biglang may tumunog.

Nag send sya ng alarm na ang ibig sabihin ay may ilegal na nakapasok.

"Pasensya, alam kong ginagawa nyo lang ang trabaho nyo pero, ginagawa ko rin ang trabaho ko!"

Inis na sabi ng bangkero.

Gusto syang bigwasan ni Wesley pero inawat sya ni Jaime.

"Tama na yan! Hayaan mo syang gawin ang trabaho nya! Hindi ikaw ang nagpapasweldo sa kanya!"

Anito.

*****

"BigBoss hindi ko na po naabutan si Arik pero hinahabol na po sya ng mga kasamahan ko!"

Sabi ni Roger.

Kanina, matapos nyang sunod sunod na barilin si Arik, naisipan nito na tumakas na lang. Nadinig nya na marami na ang paparating at mas magiging delikado kung mananatili sya kaya tumakbo sya palayo para maghanap ng matataguan.

Sinubukan syang sundan ni Roger pero mabilis pa rin nakalayo si Arik kahit batid nyang may tama ito tadyang.

Saka, may iniinda ring tama ng bala sa tagiliran si Roger kaya ng makasalubong nya ang isang kasamahan nya ay pinabalik nya ito.

"Tulungan mo ako, hayan mo na silang maghanap kay Arik kailang madala ko kayo ni HubbyLabs sa ospital!"

Wika ni Kate.

Magkatuwang nilang tinulungan si Mel na mailabas at makasakay ng sasakyan.

Pinaharurot agad ng mabilis ni Kate ang sasakyan habang bumubusina para malaman ng lahat na emergency.

"Kontakin mo ang Luntian Forest at ipasara mo ang lahat. Walang lalabas hangga't hindi nahuhuli ang hayup na yun!"

Utos ni Kate kay Roger habang tinitingnan si Mel sa likod ng sasakyan na nahihirapan na sa paghinga.

'Malapit na tayo HubbyLabs, huwag kang bibitiw please!'

Kinuha nito ang isang radyo at tinawagan si James.

"Kuya, si HubbyLabs nabaril! Huhuhu!"

"Jusmiyo!"

Nadidinig ni James ang ingay ng busina na papalapit at natitiyak nyang si Kate yun.

*****

Nang mga oras na iyon, nakadaong na sa pampang ang Mighty Issay at nakababa na sila Jaime, Gen. Malvar at Wesley pero hinarang sila ng security.

Magpapakilala pa lang si Gen. Malvar ng madinig nila ang bumubusinang sasakyan.

"Ano yun at saan papunta yun?"

Kinakabahang tanong ni Jaime.

Hindi nya sure pero may hawig kay Kate ang driver.

"Sa direksyon nya, mukhang sa ospital!"

Sagot ng isang security.

Tumakbo si Jaime patungo sa direksyon ng sasakyan at hindi na sya napigilan ng mga security.

"Sino ba yun?"

"Si Gen. Jaime Santiago, tatay ni Dr. James!"

avataravatar
Next chapter