Hanggang kailan ka nga ba magiging shadow ko, secret admirer?
"Good morning class, you will do a very special assignment." Nagkatinginan kami nina Nancy. Special assignment, mukhang exciting eto!
"I have here papers that will assign to you to a certain place which you need to interview a person whom do you think has a unique and touching story of their own. Kindly come here and pick the lucky paper."
Una ng tinawag sina Keira at Nancy na talaga namang hindi mapaghihiwalay dahil parehas silang nakabunot ng orphanage bilang place napupuntahan nila. Tinanong ko naman si Kendrick at ang nabunot naman niya ay Mental Hospital. At ako ang huling bubunot, good luck sa akin… Saan kaya ako mapupunta?
I stood up and walk straight to Miss Orticio who just give me the last piece of paper.
"Where will you go Miss Walton?"
Napatingin ako sa papel at biglang napakagat sa labi. Oh my God bakit sa lahat pa ng possible na lugar eh dito ako mapupunta?
"It is Women's Prison, Miss Orticio." Good luck sa akin. Tumango siya sa akin at dumiretso naman akong umupo.
"Ano sa iyo Thiara?" Tanong agad sa akin ni Keira pagkaupo ko. "Women's Prison..."
Nagkatinginan sila Keira at Nancy, alam ko kung ano ang iniisip nila. Kung meron lang sana akong choice…
"This is the instructions, please listen very carefully. I want you to choose only one person whom you will conduct an interview this afternoon. There are no guidelines of the questions you wanted to ask to that person. The most important thing is you know your limitations. The written report will pass by tomorrow, exactly the time of our class. Good luck to all and may you have a good interview. Class dismissed."
Lumabas na kami ng room at tinanong ako agad ni Keira kung gusto ko daw bang makipagpalit sa kanya at sasabihin ko na lang tomorrow kay Miss Orticio kung bakit, sabi ko wag na. Kakayanin ko na lang… Kakayanin ko na lang bumalik sa lugar na kinatatakutan ko dito sa Baguio …
"Miss Thiara Walton?" Napatingin ako sa warden at tumayo sa kinauupuan ko. "Good afternoon ho Warden Federa..."
"Anong ginagawa mo dito sa kinasusumpaan mong lugar?" Tama ako, naalala pa pala niya ako. Matagal-tagal na din panahon yun halos sampung taon na ang nakakaraan.
Huminga ako ng malalim at napatingin sa kanya. "Kailan ko hong mag-interview ng isang tao para sa special assignment namin sa review center."
Napatango-tango siya at kinuha niya yung record book niya na parang may hinahanap.
"Sige papayagan kita Thiara pero isang oras lang at kung makakarinig kami ng sigaw galing sa iyo, hindi na muli kitang papayagan na tumapak pa dito kahit na importante pa yan." Matigas at tila nagbabantang pahayag sa akin ni Warden. Naiintindihan ko naman siya. Alam kong iniisip lang niya ang kapakanan ko dahil ayaw na niyang maulit muli ang nangyari sa akin sa unang pagtapak ko dito sa kulungan ng mga babae.
"Gilda, halika dito..." Pinalapit niya sa kanya yung kasalukuyang babaeng nagbabantay sa kulungan at may binulong. Tumingin sa akin yung babae at tumango-tango.
"Si Gilda na ang sasama sa iyo Thiara para puntahan si Umali..." Tumango naman ako at nagpasalamat kay Warden bago sumunod dun kay Gilda.
Pagkapasok ko ng kulungan ay bumalik sa alaala ko ang lahat ng nangyari sa akin nung labintatlong gulang pa lang ako.
"Hindi po… Wala ho talaga akong kasalanan! Napagkamalan ho niya lang ako." Mangiyak-ngiyak kong pahayag dun kay Warden. Nakaposas pa rin ako at nasa harapan ko ang dalawang pulis na hinuli ako sa kasalanan hindi ko naman nagawa.
"Miss Walton, ikaw ang huling taong nakasama ng biktima at isa pa ikaw ang nakita ng mga testigo na may hawak ng kutsilyo."
"Pero hindi ho talaga ako, wala ho talaga akong kinalaman."
"Pasensiya na Miss Walton, sa ngayon kailangan ka muna naming ikulong."
At sa loob ng dalawang araw ay nakulong ako sa kasalanan hindi ko naman nagawa. Namatay ang katulong naming na si Yaya Sandra at ako ang sinisisi nilang may kasalanan dahil ako ang may hawak ng kutsilyo. Wala akong ginawa... Wala akong kinalaman sa nangyari dahil biktima din ako. Nilooban ang bahay namin eksaktong ako lang at si Yaya Sandra sa bahay. Tatlo silang armadong lalaki na may takip sa mukha at alam kong hinahanap nila ang Papa ko. Tinali ng mga walang hiyang yun ang paa ko samantalang si Yaya Sandra ay dinala nila sa kung saan parte ng bahay. Bumalik sila makaraan ang ilang minuto na dala-dala ang alahas ni Mama at ang baril ni Papa. Hinagis nila si Ate Sandra sa likuran ko, lumapit sa akin yung isang lalaki at bigla akong sinuntok sa tiyan. Pagkatapos nung hindi ko na alam ang nangyari basta pagkagising ko ay nakaposas na ako at inaakusahan na nila ako na ako ang pumatay kay Yaya Sandra.
Sa loob ng dalawang araw sa kulungan ay naramdaman ko ang sobrang pag-iisa. Parati akong sumisigaw at takot na takot sa mga babaeng kasama ko. Ang sasama nila,sinasaktan nila ako at sobrang pinagtratrabaho sa banyo. Tiniis ko yun at alam kong sobrang paghihirap din ang naramdaman nila Mama dahil sa nangyari. Sobrang nagpapasalamat ako ng nahuli din ang mga demonyong yun... Mula nung araw na lumabas ako sa kulungan ay isinumpa ko na ang lugar na iyon na hindi na ako babalik…
At ngayon nagbabalik na naman ako sa rehas na yun kung saan eto ang nagtulak sa akin na kumuha ng psychology.
Napahinto si Gilda at napatingin sa akin. "Andito na tayo, Umali may dalaw ka."
Napatingin ako dun sa babaeng tinawag niya na nag-iisa lang sa kulungan. Lumapit yung babae sa rehas at napatingin sa akin. This is it. Good luck sa akin.
"Iiwan na kita dito at kung may kailangan ka tawagin mo lang ako diyan sa labas." At naglakad na si Gilda pabalik sa pwesto niya.
"Sino ka? Hindi kita kilala..." At tatalikuran na sana ako ng babae kaso pinigilan ko siya.
"Kailangan ko lang ho ng tulong nyo."
Tumawa siya at napatitig sa akin. "Ako? Anong maitutulong sa iyo ng isang babaeng 26 ng nakakulong dito sa kulungan na eto?"
Nagulat ako sa sinabi niya, hindi kasi halata sa hitsura niya na matagal na siyang nakakulong.
"Mabilis lang ho eto, kailangan ko lang ho ng kooperasyon nyo para sa interview na importante sa kurso ko."
"Interview? Sino namang hayop ang interesado sa buhay ng isang taong nakakulong?"
Oh God please give me patience. "Ako ho interesado ho ako Miss Umali. Pakiusap ho..."
Tinitigan niya ako at susuko na sana ako dahil mukhang hindi nga siyang magpapa-interbyu ng bigla siyang magsalita.
"Hindi naman talaga akong masamang tao at sigurado ako wala akong ginawang kasalanan Masama bang magmahal?" Napatitig ako sa kanya. Naalala ko yung nangyari sa akin. Tulad pala niya ako nakulong sa kasalanan wala naman akong nagawa pero iba kami ng dahilan ng pagkakakulong.
Hindi ako sumagot sa tanong niya dahil mas mainam na pakinggan ko muna lahat.
"Nakulong ako hindi dahil nakapatay ako ng tao kundi pinakulong ako ng taong pinakamamahal ko. Pinagbantaan ko kasi ang taong mahal niya at ang walang hiya sinisi ako nung nakipaghiwalay sa kanya yung babae at pinakulong ako dito dahil hindi lang daw yung babaeng mahal niya ang pinagbantaan ko kundi siya rin na papatayin ko."