"What is it Thiara?"
"I remember you said that you like a girl and you are sending her letters everyday, can I ask if who is that girl?"
Bahagyang nagulat si Kendrick sa tinanong ko at naubo naman si Keira na nasa likuran ko.
Ngayon mukhang parehas na kaming naghihintay ni Keira sa sagot ni Kendrick na umiiwas na ng tingin sa amin.
"Okay I give up…" At nagtaas na siya ng kamay at ngumiti na sa amin.
"Just please don't tell her I told you." Tumango na kaming dalawa ni Keira.
"I am sending letters to a certain girl whom I adore at first but now I am falling in love with her. She is non-other than… Nancy…"
Nanlaki yung mata ni Keira at ako naman bahagyang napanganga. Nagulat kami sa confessions ni Kendrick. So si Nancy pala yun… Kaya naman pala…
"Ang daya ni Nancy! Wala man lang siyang sinasabi sa amin tungkol dun ha!"
"Gusto na nga niyang sabihin sa inyo kaso biglang nagkaroon siya ng problema..."
"Kung ganun alam mo yung nangyayari sa kanya especially yung nangyari ngayon lang?"
Umiling siya at malungkot na napatingin sa akin. "If I know then I should be the one who save her from her father."
"Napakamasikreto talaga ni Nancy… Basta eto lang ang masasabi ko sa iyo Papa Kendrick este Bro…" Lumapit si Keira kay Kendrick at sinuntok ba naman yung balikat ni Kendrick pero mahina lang.
"Alagaan mo yan si Nancy and shower her with all your love. Pag ayan sinaktan mo…" Pinakita ni Keira yung kamao niya at kunwaring nagagalit-galitan.
Napatango at napangiti na lang si Kendrick. "I will not promise but I will do it."
At nagpaalam na kami sa kanya.
Hay ang swerte ni Nancy… Hindi nga talaga si Kendrick… Kung ganun sino nga kaya siya?
Sino ka nga ba secret admirer ko?
I'll take care of you, oh
Have faith that when you call my name
I'll be there
I'll be right there
-Copeland
Napatitig ako sa kahon na nakapatong sa lamesa at napabuntung-hininga. Hanggang kailan kaya siya magpapadala ng messages at flowers? Katatapos ko lang basahin yung pinabigay niyang paper with message kay Kendrick.
When you're in love you never really know whether your elation comes from the qualities of the one you love, or, if it attributes them to her, whether the light, which surrounds her like a halo, comes from you, from her, or from the meeting of your sparks.
Tulad pa rin ng dati, clueless ako sa mga ibig sabihin ng mga messages na pinapadala. Oo inamin kung alam kung puro tungkol sa paghanga at pagmamahal yung laman nun pero hindi talaga mawala yung tanong sa utak ko na, why not he have the courage to say it in front of me? Mas okay nga yun but I assume he has reasons and maybe he wanted his self to be mysterious type pero hay ang labo. Kung iisipin ko lang siya ng iisipin mababaliw ako.
I am very sure that I will meet him sooner than I expected.
Sunday ngayon at napag-usapan pa naman last week nina Keira na pupunta kami ng SM Baguio to wind up sa mga review pressures naming na lalong humihirap as they passed by. One month na lang pala ay matatapos ko na rin sa wakas yung review and I can finally now take the board exam without further interruptions. Ngayon maliban dun importante talaga kaming mag-shopping dahil isasama naming si Nancy na so far according kay Kendrick ay maayos na ang kalagayan niya.
"Nancy ano ready ka na?"
Tumango siya sabay ngiti sa aming dalawa ni Keira. "Tara let's go na girls, I'm so excited to boy hunt este mag-shopping pala!" Eto talaga si Keira paglumalabas kami laging hindi nawawala sa dapat gawin niya sa mall ay boy hunting!
Napangiti na lang kami ni Nancy at sumunod na sa super excited na si Keira na kumekebot-kebot pa habang naglalakad kami papuntang SM Baguio.
"It is 5,000 Mam." Naglabas si Keira ng credit card at inabot niya yun sa cashier sabay tingin sa akin.
"Thiara wala ka bang bibilhin? Eh halos lahat na atang napasukan nating boutique eh tumingin ka lang, hindi ka man lang namili. Wag mong sabihin nagtitipid ka na naman?" Sa aming tatlo ang pinakamagastos talaga sa shopping ay si Keira walang duda yun. Mula sa three pairs na stiletto hanggang sa five different colors and style na damit ay kayang-kaya niyang bilhin.
"Walang damit ni sapatos ang pumukaw ng atensyon ko eh, pasensiya na." Paano ba naman meron eh ang tanging boutique lang na pinagbibilhan ko ng damit ay yung boutique ni Mama! Halos lahat ng style kasi ng damit ay pwede mong mabili dun, isa pa libre yun dahil siyempre ang Mama ko na mismo ang gumagawa ng nababagay na style para sa akin. How lucky of me! Siguro nga nasanay lang ako na halos lahat na magandang damit ay makikita ko sa boutique ni Mama. Hay kumusta na kaya siya? Alam ko naman na naiintindihan niya ako dahil ako lang ang anak niyang sakit lagi ng ulo niya.
"Hay ikaw talaga, so saan na tayo next?"
"Bookstore tayo…." Napatingin kami kay Nancy na nauna ng lumabas sa amin sa Penshoppe. "Ayan humihirit na naman si Miss Bookworm Nancy..." Hindi na talaga maitatanggi na si Nancy ang pinakamahilig sa aming magbasa. Ang pagpunta naman sa bookstore ang laging hindi nawawala sa list niya.
"Tara na Keira, mamaya na tayo bumalik diyan…"
Hinila ako ni Keira at nagmamadali na kaming sumunod kay Nancy na masayang tumatakbo papunta sa bookstore.
Kung si Nancy ang mahilig sa amin sa books, si Keira sa magazines, ako naman sa mga colored papers and different scrap book materials. Mahilig kasi akong magdisenyo at gumawa ng album at scrap book, hobby ko talaga yun simula pa nung high school.
"Wow ang ganda ng bago nilang design." Kinuha ko yung colored paper sa pinakababa at papatayo na sana kaso bigla akong na-out of balance at natumba ko sabay napahiga sa sahig!
Napapikit ako at bahagyang sumakit yung likuran ko. "Ouch…"
Napamulagat ako agad ng mata at napatingin ng unti-unti sa taong nakatayo sa harapan ko.
Nanlaki yung mga mata ko at bago pa ako makapag-react ay inabot niya yung kamay niya sa akin.
Napatingin ako sa kamay niya tapos sa kanya. Napatango ako sa kanya at tinulungan niya akong tumayo.
Pagkatayo ko ay hindi ako makatingin sa kanya. Nakakahiya ka Thiara!
Paano ba naman yung taong nakakita sa akin na nakahiga sa sahig at tumulong sa akin ay walang iba kundi yung si Mr. Foreigner!
"Ah…" Ano ba yan, umurong na ata yung dila ko. "Ah thank you."
"Welcome." Ngumiti siya sa akin at bahagyang inayos yung cap niya. "Take Care…" At naglakad na siya paalis sa harapan ko.
Ako naman napatunganga na lang, ang gwapo pala niya talaga sa malapitan! Tama nga si Keira, siya ay-
"Thiara..." And speaking of which, papalapit na sila sa akin ni Nancy.
"Ano tapos ka na?"
Napangiti ako ng maluwag kay Keira at napangunot siya ng noo sa akin. "Keira..."
"Ano? Ang daya mo…" Papalabas na kami ng national bookstore at kanina pa ako inaaway ni Keira. Bakit daw hindi ko nasabi sa kanya agad? Dapat daw tinawag ko siya. Etong babaeng eto, malay ko bang madudulas ako at yung si Mr. Foreigner ang tutulong sa akin?
"Keira hayaan mo na…"
"Hindi, hindi it's so un-"
"Mam sandali lang po!"
Napahinto kami sa paglalakad at napatingin kaming tatlo sa likuran namin. Mabilis na tumatakbo yung cashier kanina dun sa Penshoppe.
"Hooh buti ho may naabutan ko kayo. Kanina ko pa nga ho kayo hinahanap."
Nagkatinginan kaming tatlo sabay tingin dun sa cashier. "Bakit may naiwan ba kami Miss?"
Tinignan ni Keira at Nancy yung mga dala nilang shopping bag at kumpleto naman.
"Hindi ho kayo…" Napalingon sa akin yung saleslady at may inabot na envelope at anim na white lilies!
"Sa inyo ho eto di ba Mam?"
Nanlaki yung mga mata ko, imposible. Sa pagkaalam ko wala akong naiwan at dalang envelope at mas lalong wala pa akong nakukuhang lilies!
Napatingin ako sa paligid at bumilis yung tibok ng puso ko…
Andito siya, pero sino?
With bars all around
The judge says I'm guilty
My sentence is to die
I know I've been forgiven
But the price of love is high.
-Loretta Lyn
Take love, multiply it by infinity and take it to the depths of forever… And you still have only glimpse of how I feel…
Ang dami na niyang ginagawa… Halos nga lahat surprises sa iba't-ibang paraan ay nagawa na niya, hanggang kailan niya kaya gagawin eto? Hanggang kailan niya itatago ang sarili niya sa likuran ng mga messages at flowers?