webnovel

So many walls

LovelY_King24 · Book&Literature
Not enough ratings
48 Chs

chapter 39

"Maari ko ho bang malaman kong sino yung lalaki?"

Napangiti siya sa akin. "Para saan pa?"

"Para ho masabi ko ang kalagayan nyo baka ho maari pa kayong makalaya."

Umiling siya at napangiti na lang sa akin. "Hindi na ako umaasa..." Tumalikod na siya sa akin at alam kong hudyat na yun na tapos na ang interview ko sa kanya.

Aalis na sana ako ng tinawag niya ang pangalan ko at sinigaw yung pangalan ng lalaking nagpakulong sa kanya at hindi ko yun inaasahan…

The Sunday after there was laughter in the air

Everybody had a kite

They were flying everywhere

And all the trouble went away

And it wasn't just a dream

All the trouble went away

And it wasn't just a dream

-Patty Griffin

"Have you just arrived?" Napatingin ako kay Tito at huminga ng malalim, kakayanin ko eto. "Where did you go?"

"In the Women's Prison, Uncle..." Bahagyang namutla yung mukha ni Tito at napalunok muna siya bago tumingin sa akin.

"Why did you get back there? I know you hate that place."

"I went there for our special assignment and I found out someone." Huminga ako ng malalim bago tumingin kay Tito na namumutla pa rin ang mukha. "Do you know Criselda Umali?"

Parang nasuntok sa mukha si Tito sa tinanong ko. Napatitig siya sa akin at pagkatapos ay napaupo siya sa desk niya at kinuha yung record book niya.

"How did you meet her?" Kung ganun nga ay nagsasabi ng totoo si Miss Umali, si Tito nga wala ng iba pa ang nagpakulong sa kanya. But how could Tito did that to a woman?

"She was the one assigned for me to be interview. Tito paano nyo nagawa ang magpakulong ng isang tao na walang kasalanan?"

"I know I did wrong but Thiara, past is past."

Lumapit ako kay Tito at kinuha yung record book na hinahawakan niya.

"But you can still change it. Tito naman 26 years na siyang nakakulong doon sa isang kasalanan na hindi naman talaga niya ginusto at isa pa hindi naman mabigat yung ginawa niya."

"But the damage is done. I will not let you ask me questions about what happen 26 years ago and that woman who made my life miserable!" At mabilis si Tito umalis sa harapan ko at umaakyat siya agad sa kwarto niya.

"Sinabi niya yun?" Tumango ako kay Keira at napatingin agad sa ginagawa ko. "I think you're uncle is hiding something about his past."

Napahinto ako sa pagsusulat at napatingin kay Nancy. Tama siya, mukha ngang may tinatago si Tito sa nakaraan niya at ang tanong ano at sino. Ano yung totoong nangyari sa past niya at sino yung babaeng nang-iwan sa kanya? Alam kong malalaman ko rin yun one of these days…

Kapapasa lang naming kay Miss Orticio ng special assignment naming at ngayon nakaupo kami sa soccer field, pinagmamasdan yung mga lumilipad na kite.

Kite festival kasi at lagging nagaganap yun dito mismo sa soccer field. At ngayon nga nagtitipon-tipon ditto yung mga kite fanatic and enthusiast.

Sa totoo lang kauumpisa lang competition ng napagkasunduan naming tatlo na manood ng kite festival. Ang gaganda ng mga kalahok na saranggola at ang tataas ng lipad nila.

Halos isang oras din yung competition at sa wakas natapos din. Napatingin ako kina Keira at Nancy naghahanda na silang umuwi. Papatayo na sana ako sa kinauupuan ko na blanket na tinawag ako ni Keira.

"Thiara..." Napatingin ako sa kanya at bigla siyang may tinuro sa itaas ko.

Napatingin ako at bahagyang namangha sa nakita ko. May butterfly shape na kite ay mukhang babagsak ata sa mukha ko!

Napaatras ako agad pero huli na dahil bumagsak na siya sa ulo ko. Hindi naman siya masakit dahil siyempre saranggola lang yun.

Lumapit agad sa akin sina Nancy at Keira. "Okay ka lang girl?"

Tinanggal ko yung saranggola sa ulo ko at napatingin sa kanila.

"Yup I'm very fine."

"Buti naman dahil... Oh!" Napahinto si Keira sa sasabihin niya sana sa akin at tinuro niya agad yung hawak kong kite.

Napatingin naman ako at nanlaki yung mata ko.

"Oh my God…" Si Nancy na ang nagsabi ng dapat sasabihin ko at kinuha niya yung piece of paper na nakalagay sa kite!

Napatingin siya sa akin at napatango na lang ako sa kanya.

"Guys always seem to wonder what it takes to get a girl. Like, what you do they have to do to make a girl notice them? Guys have to realize that they have to be sweet, caring, gentle, and honest and still have that sweet try, if you don't reach her heart, it won't ever be worthwhile."

"At may message pa siya sa iyo Thiara…"

Nagkatinginan kami ni Keira at binasa ng malakas ni Nancy yung personal message.

"We will meet soon in the most unexpected way you can imagine. Take care…"

I can see you

Sitting there feeling like the world has passed you by

I can feel you

I feel you there thinking that your time is running out

It's been so long since somebody

Patted you on the back

But what do you need that for

Reach inside your heart and explore

There's nothing you can't do if you pray

Stay in the fight a little longer for better days

Never loose hope for tomorrow

Never loose sides of your ribbon in the sky

Never for go into sorrow

The rain will come but the sun must shine

(Keep hope alive)

-3rd Storee

Oh my God… Please hindi kaya siya kaya yun? Napahawak ako sa bibig ko at napatingin sa akin sina Keira.

"Oh Thiara… Bakit, anong nangyari sa iyo?"

"I think I know who he is…"

"Ano?!!!!!!!!!!!!!!!" Halos mamula na yung tenga ko sa lakas ng pagsigaw ni Keira sa akin.

"Ano ka ba Keira, wag ka ngang OA diyan!"

"Eh kasi naman nakakagulat yung sinabi ni Thiara."

"Ang sabihin mo ayaw mo lang maniwala na baka posible nga siya yung secret admirer ni Thiara." At siniko ni Nancy si Keira para tumigil na siya sa walang katapusan kadradrama niya sa harapan namin.

"Basta impossible talaga yun pero Thiara kung gusto mo aalamin ko kung si Mr. Foreigner aka husband to be ko ba ang iyong secret admirer mo!"

"Paano Keira?"

Ngumiti si Keira at lumapit sa akin sabay tumingin sa buong paligid.

"I will be a spy."

"Ha? Spy? Ano bang pinagsasabi mo diyan ha Keira?"

"Etong si Nancy talaga walang katiwala-tiwala sa akin, sa galing ko para ka tuloy hindi ko best friend." At kunwaring nagtatampo-tampuhang lumakad palayo sa amin si Keira with matching singhap at hikbi pang nalalaman.

"Naku nagdrama ka na naman, tumigil ka na nga diyan Keira at sabihin mo na sa amin ni Thiara kung ano yung binabalak mong pag-iispiya."

"Actually I will not actually a spy." Ha? Ang gulo talaga ng babaeng eto. "Ang ibig kong sabihin hindi ako mag-iispiya tulad ng mga napapanood natin sa mga movie ha, kukuha lang ako ng impormasyon."

"Paano nga?" Hindi naman obvious excited si Nancy sa ideya ni Keira.

"Hindi ba ako at yung secretary ng Tito mo Thiara na si Elizabeth ay super close as in para kaming pinagdikit." Tumango kami ni Nancy, totoo talagang close sila ni Elizabeth yung ten years ng secretary ni Tito pero hindi close as in friend ha, close lang sila dahil nagpapalitan lang sila ng tsismis!