webnovel

QUARTER PALACE [FILIPINO]

Quater Palace is a private place in an unknown abandoned palace. Power, Authority, and Wisdom. You have to be careful who to trust.

Enialaqt · Película
Sin suficientes valoraciones
38 Chs

SOLVED

HARPER DEVIANT POV

"Harp" napatingin ako sa pinto ng bumukas yon at iniluwal si Abram

Inaasahan ko na kakausapin nya talaga ako kaalis ni Leo. Sa aming lahat ay alam naming sya lang ang nagdadalawang isip. Hindi nya masyadong prinopoblema ang mga magulang nya dahil para sa kanya ay hindi big deal ang pagiging ampon.

Pinapakain at inaalagaan naman daw sya. Pinaramdam din sa kanya na hindi sya isang ampon lang yon na daw pinakamahalaga.

"hmm, i expected you" ani ko

Nakailang lunok pa yata sya bago makaupo sa harap ng lamesa ko.

"Harp, Hindi kona alam gagawin ko. Alam nyong ayaw kong iwan mga magulang ko dito"

"You know what?Dapat hindi ako ang kinakausap mo. Dapat ang tinuring mong magulang ang kausap mo, bakit? marami kang gustong malaman Abram."

"Harper"

"Sabi mo non kaya ka sasali sa bubuoin kong gang ay para malaman ang pagkatao mo, sinong magulang mo, at bakit ka ampon. Itanong mo lahat yan sa magulang na tinuturing mo ngayon at hindi mo kailangan sumama sa amin."

"Harp, hindi ganon kadaling magtanong sa kanila"

"Sa tingin mo madaling hanapin na issearch mo lang na Abram Garcia at lalabas lahat ng tunay mong pagkatao?Abram, Ampon ka. May karapatan kang itanong sa magulang mo kung sinong biological parents mo, dahil karapatan mo yon."

"Harp"

"Abram hindi ka katulad ng ibang tao na marunong magtanim ng sama ng loob. Alam mong sa sarili mo na hindi ka galit sa kahit kanino dahil alam mong may mga dahilan sila. Abram uuwi ka ngayon at hahayaang magpaliwanag ang mga magulang mo"

"Harper, tangina hindi ko kaya yon. Baka nagsisimula palang sila ay nadagdagan na ang mga tanong ko"

"Kagulo mo punyeta."

"Ang gagawin mo ay uuwi at sasabihin sa kanila na magpaliwanag tungkol sa dati mong magulang o kung bakit ka nila inampon." dagdag ko

"Paano kung sabihin nilang kinindap lang nila ako dahil kamuka ko anak nila?"

"Eh ano naman?tsaka ka magalit sa kanila kung pinabayaan ka nila. Osige hiniwalay ka sa tunay mong magulang, pero Abram ung tinuturing mong pamilya ngayon ay pamilya ang turing sayo, tinuturing kang anak."

"Harper tangina wala akong gana"

"Samahan kita" gulat syang napatingin sa akin

"Tumayo ka dyan at ako na ang spoke person mo. Ang gagawin mo mamaya ay makikinig lang sa mga rason nila at kung hindi ka natuwa ay edi hindi." ani ko at tumayo na

Nang makarating ako sa pinto ay don palang sya napatayo at agarang sumunod sa akin. Nadatnan ko silang lahat sa sala na nagaagawan sa sahog na baboy sa pakbet.

"San punta?Samaa" saad ni Sabrina

Kada may makikita syang paalis o ano ganon sinasabi eh. Sama, Sama ako.

"Kila Abram" kako

Lumapit naman si Sab kay Abram na parang wala sa sarili.

"Gusto mo sama ako?" tanong nya ngumiti nalang si Abram at umiling

"Wag na, kumain kana mauubusan kang sahog oh" tinititigan muna sya ni Sab bago tumakbo pabalik sa pwesto kanina at nakisubo subo dahil mas maraming sahog ang nakuha ni Pev

Tinanguan nalang namin si Ivan at Evu. Alam na nila yon.

#

Mayaman ang umampon kay Abram. May ari ng malawak na palayan ang tatay nya at ang nanay nya naman ay may ari rin ng palayan. Laking maynila sila pero hindi ko alam kung bakit mas ginusto nilang magstay dito sa probinsya.

"Oh handa kana?" tanong ko tinanguan lang nyako

Hindi nako nagdoorbell at pumasok nako asa likod ko naman si Abram. Nakasalubong pa namin ang ilang kasambahay at sinabing asa opisina daw ang magasawa

Kumatok nako at ilang minuto lang ay bumukas yon at bumungad ang nanay nya. Halata ang gulat nya pero pinapasok nadin kami.

"Anong meron?may road trip ba kayo?okay lang naman" bungad ng tatay nya

Nagmano kaming dalawa para narin sa pagrespeto.

"May gustong itanong si Abram" panimula ko

Mukang naintindihan naman na yon ng magasawa dahil ngumiti nalang sila.

"Laking maynila ako at ayaw na ayaw kong nagsstay dito sa probinsya. Licensed Nurse ako non nuong na nakita ko kayo ng nanay mo. Sa Field kasi ako non at binigyan ako ng medical mission sa isang probinsya eh ayaw ko, Pero pumunta parin ako."

"Nasa isang tent ang nanay mo non at ayaw hawakan ng ibang nurse dahil maselan daw. pinagalitan ko naman sila dahil manganganak na at bakit wala pang nagaasist sa kanya. Nuong pumasok ako sa tent umiiyak nanay mo."

"'Nurse, paanakin nyo nako handa nakong mamatay' bungad nya sakin. Yon pala ay meron syang sakit sa bandang private part nya at ang mangyayari ay pagkalabas mo ay malaki ang posibiladad na mamatay sya."

"Hindi ko alam ang gagawin ko non. Nuong una ay parang gusto kong lumabas sa tent at pabayaan kayo. Pero naalala ko ung panata namin, pumasok ako sa tent. Ang sabi ko pagkalabas ng bata kung may mangyayari man sa nanay mo ay ako na ang bahala."

"Alam mo ba?buong pagpapanganak ko sa nanay mo ay nakangiti sya at nakamulagat ang mata. Nang makalabas ka ay inayos kita agad at agad na ipinakit sa kanya. Tuwang tuwa sya non at punas ng punas ng luha. Kaso ilang minuto lang rin non ay bigla na syang pumikit."

"Abram daw. Abram ang huling salitang binigkas nya. Inasikaso na sya ng ibang nurse pero ikaw, hindi kita mabitawan. Kamukang kamuka mo ung kapatid ko." don nakuha ni Abram ang atensyon nya

"Kamukang kamuka mo. Tinawagan ko tatay mo at sinabi lahat ang nangyari. Nagalala sya at pinuntahan agad ako. Alam moba nuong araw din na yon ay nalaman ko na anak ka pala ng kapatid ko?" tangina

"Tuwang tuwa ako non wala nakong pake kung nakaduty ako o ano bumayhe agad ako pamaynila tapos alam moba?Dumiretso kami sa hospital. Naaksidente raw ang tatay mo."

"Pero alam mo ba?pagkadating namin don ay ikaw ang binungad ko sa kanya. Tuwang tuwa sya,hindi nya ramdam sakit ng katawan nya na kahit kasasabi lang ng doctor na hindi na sya pwedeng makalakad."

"Pero bago matapos ung araw na yon Abram. Sinitsitan nyakong lumapit sa kanya. Sabi nya "Hindi kona kaya, ang gusto ko ay itabi moko sa asawa ko. Kaya ba?I byahe nyo ngayon sige na" sabi nya. Ginising ko agad sila mama non at sakto raw na naasikaso na agad at malapit na. Pero nuong pagkapasok sa hospital ng nanay mo ay biglang hindi na nakausap ang tatay mo" lumabas na ang pagiyak ni Abram

"Hindi man lang nya nakita nanay mo kahit sa huling sandali nya. Ako na ang nagalaga sayo simula non kasi ayaw din kitang bitawan. Sa akin ka huling hinabilin. Pero alam moba?kaya hindi kita mapigil pigilan dyan sa ginagawa mo ngayon?gusto ko, gusto ko patayin mo ung lolo mo. Patayin mo! ung tatay ng nanay mo! Dahil sa kanya kaya hindi buo ang pamilya nyo! Dahil sa kanya! Sya ang dahilan ng aksidente sa private part ng nanay mo kaya ganon ang nangyari at sya rin ang may pakana ng aksidente sa tatay mo!"

Para sa akin ay hindi nyo dapat sinabi yan. Malaki ang kasiguraduhan ko na mababago nyan ang Abram na pinalaki nyo.