webnovel

Kabanata 5

Jorge's p.o.v.

Dahan-dahan ko na minulat ang aking mga mata kasabay ng aking mga pag-unat nitong kamay ko, umupo ako ng maayos saka tinanggal ang kumot na nakabalot sa aking katawan.

"thank you lord for this another day of blessing na natanggap ko" pasasalamat ko na banggit aa hangin kasabay ng pagbuka ng bibig ko.

"inaantok pa ako, bwesit naman kasi na student life na ito, bakit pa kailangan pumasok sa paaralan" reklamo ko saka tumayo na ako mula sa aking higaan, inayos ko na muna ang aking hinigaan saka ko na kinuha ang tuwalya sa gilid nitong kwarto ko.

Pumunta ako sa loob ng maliit na comfort room dito saka ako naghilamos then pinunas ng tuwalya ang aking mukha.

"another day na ang bwesit na babae na naman na iyon ang makakasama ko, sana naman umuwi na ang Aubrey ko" kausap ko sa aking sarili habang nakatingin lang ako sa salamin sa loob nitong cr ng kwarto ko.

Ilang minuto na nakatingga ang aking paningin dito hanggang sa maisip ko na may pasok pa pala ako sa paaralan kaya naman nagmamadali ako na lumabas at bumaba sa may kusina.

"oh anak, gising ka na pala" salubong sa akin ni mom na mag-isa lang na kumakain sa may mesa ng almusal, napatingin ako sa pagkain na nakahanda.

"sino nagluto, bakit parang iba yata ang nakalapag na almusal natin?" nagtataka na tanong ko sakanya habang umupo naman ako sa isang upuan sa may tabi niya, ngumiti siya sa akin bago sumagot.

"sino pa ba eh di ako" masiglang sagot niya sa akin, ako naman ito na di makapaniwala sa narinig ko mula sakanya, di naman siya nagluluto sa pagkakaalam ko at kung sakali man na magluto siya then may special celebration yun para makapagyabang siya sa mga business partner niya kung gaano siya kasarap maghanda ng pagkain.

"weh, bakit ano po ba ang meron?" intersado ko na tanong sakanya kasi alam ko at nararamdaman ko na may good news na naman siya na sasabihin sakanya.

Hindi agad siya sumagot habang ako naman itong patuloy na naghihintay sa sasabihin niya, she drunk first the coffee infront of her habang ako ito na nakatingin sakanya ng seryoso.

"bakit ka naman ganyan makapagtingin sa akin, daig mo pa ang kakainin ako" parang natatawa niya sibat sa akin saka napakamot na lamang ako sa aking ulo.

"kasi naman ang tagal niyo sabihin sa akin" naiinis ko na sagot sakanya, napabuntong hininga muna siya saka na nagsalita.

"I am happy na mas dumami pa ang investors sa ating kumpanya at kahit mga customer din natin ay dumadagdag and so mas kumikita ito" masiglang sagot ni mama, ngumiti naman ako sa kanya.

"mabuti naman po kung ganun" sagot ko saka na ako sumandok ng pagkain sa aking plato na nasa harapan, kumuha ako ng fried egg and hotdog saka fried chicken then fried rice na lahat ay hinanda lang ni mom for that matters about our business company.

"nope, di lang yun kasi meron pa akong gusto na sabihin sayo at alam ko na magiging masaya ka sa malalaman mo" may saya sa tono ng pananalita niya kaya ako na naman itong napahinto sa pagsubo ng pagkain at naghihintay sa kanyang sasabihin habang hawak ko lang ang kutsara at tinidor sa aking mga kamay.

"ano yun ma? baka naman tungkol na naman dun sa babaeng yun eh wag na kung kay Cecelia na naman" inunahan ko na siya sa sasabihin niya kasi alam ko na dun na naman ang usapan namin mapupunta pero nagkamali ako ng sumagot siya.

"it's not about Cecilia" sagot niya kaya napatingin ako sakanya ng diritso habang may tanong sa mga mata ko na kung sino ang tinutukoy niya sa akin.

"its about the girl you love two years ago, nandito na siya at balita ko papasok na daw ulit siya sa school na pinapasukan ninyo" dagdag pa niya na nagpabilis bigla sa tibok ng dibdib ko dahil sa kanyang sinabi, hindi ako makapaniwala sa narinig mula sakanya.

"are you sure, kanino niyo naman yun nalaman?" tanong ko sakanya na kunwari ay di ako masaya sa tono ng pananalita ko pero deep inside in my heart and mind ay nagsisimula na sa pag-celebrate sa tuwa.

"oh bakit di ka naman masaya diyan, di ba ito ang hinihintay mo na araw ang magkita ulit kayo at magkausap para makapagpaliwag ka sakanya, wag mo na sayangin ang pagkakataon na ito para makapaghingi ng sorry sa nagawa mo na pananakit sakanya anak ah" payo ni mudra saka siya sumubo ng pagkain, napaisip tuloy ako if she's still love me after I broke her heart.

"paalala lang anak, may Cecelia ka na kaya wag mo na lamang ipilit kapag alam mo na di na pwede" dagdag na sabi pa niya na nagpagulo sa isipan ko, napabuntong hininga na lamang ako at di makasagot sakanya.

"oh, natulala ka na diyan, kumain ka na at ng makapasok ka na sa paaralan mo, mauna na ako at baka mahuli pa ako sa meeting ko sa new client, sige na anak alis na ako" paalam ni mom na tumayo na saka nagsimulang humakbang palabas ng bahay habang ako pa rin ito na naiwang mag-isa na iniisip ang sinabi niya.

"ito na nga ang hinihintay ko na panahon para magkausap kaming dalawa pero di ko naman alam kung paano, ahhhh! ang hirap" kausap ko sa sarili ko habang tinutusok ang hotdog na nasa aking plato.

Hindi ko alam kung dapat ba na ayusin ko pa ang dating meron kami ng Aubrey na nilalaman ng puso ko o hayaan ko na lamang ang sarili ko sa piling ni Cecelia, mahirap magpili sa dalawa kung alin ang sususndin ko, ang isip o puso ko ba?

"ikaw kasi Jorge, ang tanga mong lalaki ka!" pagsisisi ko sa aking sarili, saka nagpatuloy na ako sa pagsusubo ng pagkain.

Ngayon alam ko na, ang hirap pala kapag nagsimula ka na makaramdam ng pagmamahal sa puso mo kasi darating sa punto na maguguluhan ka sa mga desisyon na gagawin mo sa buhay katulad na lamang ngayon,

masyado ko na iniisip ang bagay na maaring mangyari kahit wala pa ako sa sitwasiyon, ang tanga ko lang di ba?

Tinapos ko na lang ang pagkakain ko saka na ako tumayo at inihanda ang aking sarili para pumasok sa paaralan.