webnovel

Kabanata 6

Aubrey's p.o.v

Isang bagong umaga na naman at ito ang unang araw ko na papasok sa kolehiyo dito s Pilipinas, di ko alam kung makakaya ko pa kaya na harapin ang dati ko na kaibigan at kasintahan after of what they did with me, niloko nila ako.

"Hija, Aubrey di mo pa ginalaw ang pagkain sa harapan mo, di mo ba nagustuhan ang inihanda namin saiyo ng yaya clara mo? sabihin mo lang at papalitan namin yan" pukaw ni yaya Anita habang seryoso sila na nakatitig sa akin na ako naman itong nasa malalim ang pag-iisip.

Nakatayo lang sila habang pinaglilingkuran ako na kumain.

"di naman po sa ganun, may iniisip lang po ako" sagot ko na napapoot pa ako ng aking labi, magkasama na humakbang ng lakad ang dalawa na katulong ng aming bahay na lumapit sa akin saka tumayo sila sa magkabila ko na gilid.

"hija, para ka na namin anak kaya kung ano man ang gumugulo diyan sa isipan mo eh wag kang magdalawang na sabihin yun saamin, alam naman namin na kulang sa atensiyon ang mga magulang mo sayo pero gusto namin malaman mo na we're always there beside you para makinig at suportahan ka sa buhay mo" paglilinga naman ni yaya Anita sa akin, napasulyap pa ako sa kanila bago ako sumagot.

"alam ko naman po yun and I am so thankful na nasa tabi ko lagi kayo, don't worry po kasi di ko pababayaan ang sarili ko para sainyo" sagot ko saka ako bumigay ng smile sa kanila.

Hinawakan ko na lamang din ang kutsara at tinidor na nasa harapan ko saka nagsimula na kumain ng inihanda nila sa akin na almusal, fried rice with egg, ham, and hotdog lang naman ang niluto nila, they know kasi na ito ang gusto ko kainin sa umaga as my breakfast.

"gusto mo ba hija, ihatid ka namin nito ni Anita, sabihin mo lang" concern question mula kay yaya clara, uminom muna ako ng tubig bago sumagot, baka kasi mabilaukan ako sa pagkain na nasa loob ng bibig ko.

"wag na po, kaya ko na naman ang sarili ko saka sino na lang ang matitira dito sa bahay, si kuya sekyu na naman mag-isa, eh paano kung may magloob dito eh di wala siya kasama" palusot ko na lamang sa kanila, ayaw ko na makita nila ang reaksiyon ko kapag nagkita na ulit kami ng mga tao na minsan ay naging mahalagang parte sa buhay ko.

"ikaw bahala, pero teka lang muna at kukunin ko na sa kwarto mo ang mga gamit mo, ewan ko muna kayo" paalam ni yaya Anita saka naglakad siya paalis dito sa kusina para pumunta sa kwarto ko, kukunin niya ang bag ko at iba pa na school material ko mula sa aking kwarto, umupo naman si yaya clara sa upuan sa may tabi ko.

"ayos ka na ba talaga?" paninigurado niya na tanong sa akin habang sobra ang pagkakatitig niya sa mukha ko, napayuko ko na lamang din ako kasi naman di ko alam kung papaano ang magsinungalinga kanya.

"sa totoo lang po ya, di ko po alam, may part po kasi sa akin na kinakabahan ako at may part din na natatakot ako, di ko alam ang gagawin kahit mararamdaman ko ay naguguluhan din po" sagot ko kay yaya, hinawakan niya naman ako sa kamay ko kaya napatingin ako sakanya ng maayos at direktahan sa kanyang mukha.

"lahat ng bagay sa mundo ay hindi madali at mas lalo lang ito na hihirap kapag iniwasan mo, kaya mo yan, wag mong sukuan ang bagay na di mo pa nasusubukan, kapag iniwasan mo lang ito ng patuloy eh baka di mo namalayan na ubos na pala ang tamang pagkakataon para sa panahon na hinihintay mo sa bagay na gusto mo nq gawin" pangangaral sa akin ni yaya, napakagat labi na lamang ako, hindi ko alam ang isasagot ko sakanya.

"oh siya, lapagin mo na yan breakfast mo at ng maka-gora ka na sa paaralan mo, sa may hardin lang muna ako at didiligan ko pa pala ang mga halaman dun, maiwan na muna kita" paalam ni yaya clara saka tumayo na siya mula sa upuan, ngumiti lang ako at ganun din siya saka na humakbang palabas si yaya at naiwan ako na mag-isa dito na nakaupo.

Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking pagsubo ng pagkain habang hinihintay si yaya Anita sa pagkuha ng gamit ko sa aking kwarto.

Ilang sandali pa ay dumating na rin si yaya Anita dala ang aking bag at mga aklat, lumapit siya sa akin at inilapag ito sa aking harapan sa ibabaw ng mesa, nakatayo lang siya sa aking harapan.

"bilisan mo na ang pagkain mo at maleleyt ka na sa school mo, first day of school mo pa naman" banggit niya pa sa kanyang bibig matapos na ibaba ang mga gamit ko.

"ito na nga po, tapos na" sagot ko saka ko isinubo ang huling isang kutsara ng pagkain saka uminom ako ngg tubig, tumayo na rin ako at isinuot ang bag sa aking likuran.

Yeah right, I use to be an ordinary school girl, yun bang tipo na nasa likuran ang bag ko then bitbit sa aking kamay ang mga libro katulad ng nasa hayskul, ayaw ko kasi ng shoulder bag kasi sa tingin ko eh parang ang arte tingnan.

"nasaan na ba yun si Clara? tara na nga lang at ng maihatid na kita sa labas" alok ni yaya saka ngumiti lang ako sakanya at magkasama na kaming dalawa na naglakad para lumabas na ng bahay papunta sa may parking ng sasakyan ko.

"sige ya, mauna na po ako" paalam ko din sakanya saka nagnod lang din siya saakin, binuksan ko na ang pinto ng aking sasakyan saka pumasok dito.

"kaya mo yan girl, wag kang kakabahan" kausap ko pa sa aking sarili saka ko binuhay ang makina nitong aking sasakyan, medyo kinakabahan kasi ako kapag nagkita kami nina Jorge at Cecelia sa university, di ko alam kung anong maaring mangyari, deep inside kasi may sakit pa rin sa parte ko na nararamdaman para sa kanilang dalawa.

"hoy Kalong! ano pa ba ang ginagawa mo diyan, buksan mo na ang pintuan ng makalabas na ang alaga ko, baka gusto mo pa makatikim ng sipa ko" bulyaw na sigaw ni yaya kay kuya guard, agad naman na nagmamadaling binuksan nito ang pintuan.

"ingat sa daan hija" paalala ni yaya saka ko na pinaandar ang aking sasakyan palabas ng bahay, binuksan ko na lamang ang radio fm nitong aking sasakyan.

"aba, nakikisama naman ang kanta sa radio" banggit ko sa aking sarili matapos marinig ang musika na aking napapakinggan mula rito, mas nakaramdam tuloy ako ng kaba at pagbilis ng tibok ng aking puso na para bang may horse race sa loob nito, ewan ko ba.

🎶🎶🎶kung pwede man kuta na idagus ko pa,

mag-ilusyon sa iba o kaya lingawan ka na,

Nyata dai maintindihan ang buhay kong ini,

Ika permi ang tighahanap ko🎶🎶🎶

Ika Permi song by Unknown artist, di ko alam kung sino ang kumanta basta ang alam ko lang ay maganda ang kanta na yan pakinggan saka ang message niya, mamaya hanapin ko na lamang sa google kapag may time ako basta Bikolano song yan.

Mga kalahating oras din ako na nagmaneho ng sasakyan ko papunta sa paaralan, di ko na rin kasi masyado alam ang pasikot sikot ng daan kaya medyo mabagal ang patakbo ko, baka maaksidente pa ako kapag binilisan ko.

Inihinto ko na ang kotse ko sa may parking lot ng school saka pinatay ang makina nito at lumabas na ako mula dito.

"good luck Aubrey, wooh!" sambit ko pa sa aking sarili kasabay ng pagbuga ko ng hangin.

Tinahak ko na lamang din ang daan papunta sa loob ng building nitong paaralan para hanapin na ang klarum kung saan ako papasok.

Hindi ko na lamang pinapansin ang ilang mga estudyante na napapatingin sa akin kapag madaraanan ko, natural lang naman kasi di ba na kapag baguhan ka sa paaralan then ang atensiyon ng mga mata nila ay mapupunta sayo.

Bahala sila!