webnovel

Kabanata 4

Keith's p.o.v.

Maaga akong nagising para mamili ng grocery sa condominium unit na tinitirahan ko, nasa isang grocery store na rin ako dito sa loob ng pamilyar na SM sa lugar namin para bumili ng mga kailangan sa aming bahay, hawak ko na sa aking kamy ang isang cart na may dalawang basket eh medyo marami rin kasi ang bibilhin ko.

Una ko na pinuntahan ang mga can goods.

"alin kaya dito, ah ito nalang kasi medyo mura ng kaunti ang price na nakalagay sa tag" pagpipili ko sa mga de-lata na medyo kaunti lang din naman ang agwat ng mga presyo, kumuha ako ng sampung piraso ng sardinas na Family Sardine ang brand name saka inilagay iyon sa cart na hawak ko at sunod ko naman pinuntahan ang mga noodles.

"alin ba ang mas masarap saka mas madali na ihanda? siguro ito na lang, bahala na nga tutal ako lang din namanang kakain nito" sambit ko saka kumuha na lang ako ng sampung piraso din ng Ho-mi beef flavor at sampung piraso din ng pancit canton na chilimansi ang flavorinilagay iyon sa cart ko.

"saan naman kaya ako muna sunod na pupunta?" tanong ko sa sarili ko na napapaisip pa.

"ah alam ko na, sa mga gamit naman para sa mga panlalaki, medyo kailangan ko na rin pala ng bagong magagamit na underwear, maluwag na rin sa akin kahit papano itong mga brief at boxer ko" banggit ko sa sarili ko na napatingin pa talaga ako sa aking parteng ibaba bago ako nagsimula na lumakad para tahakin ang mens area dito sa loob ng mall dala ang cart na hawak sa aking kamay.

Agad akong pumili ng mga brief na kasya sa akin at syenpre nagtitipid ako kaya naman murahin lang ang pinili ko, yung tipo ba na limang piraso pero nasa one hundred ninety nine lang ang presyo, di ba sulit.

Inilagay ko na iyon sa lalagyan nadala ko saka kumuha naman ako ng isang pares ng boxer, nakatipid na naman ako kasi two in one ang kinuha ko, buy one take one kasi sa halaga na eksaktong dalawang daan.

"sapat na ito, dun na ako sa may mga powder na tinitimpla" sambit ko saka tinungo ko na ang mga lalagyan ng kape, gatas, saka juice. Kumuha ako ng dalawang 25g na ganules coffee saka one dozen of nestea lemon, then isang kilo ng bear brand para naman tipid na, di na ako bumili ng asukal kasi meron pa naman ako nun sa tinutuluyan ko.

Tinahak ko na ang counter saka ako tumayo sa may likuran ng isang babae na nasa pila.

"anong oras ba ako nito makakauwi, ang haba naman" reklamo ko sa aking isipan habang nakatayo ako sa likuran nitong isang babae na nakatalikod sa akin, medyo mahaba din naman ang pila, binilang ko nga lahat at pang-pito ako sa mga ito.

"shit, may nakalimutan ako na bilhin" biglang napakamot sa ulo ng babae sa harapan ko nakatayo saka humarap siya sa akin, she look familiar.

"ahm, kuya, can you please pakibantay naman nitong mga pinamili ko, may nakalimutan kasi akong isang napakahalaga sa katawan ko, please" pakiusap niya sa akin na may nalalaman pa talaga na parang paawa effect pa.

"wait, you look familiar? Aubrey, ikaw ba yan?" tanong ko sakanya saka napakunot noo bigla siya at umayos ng pagkakatayo.

"you know my name?" nagtataka na tanong niya sa akin saka pinagtitinginan niya ako ng mabuti sa aking mukha.

"yes, ako ito si Keith, Keith Tuana ang bestfriend ni Jorge, do you remember?" pagpakilala ko sakanya saka napatango-tango naman siya, di makapaniwala ang reaksiyon niya kahit ako sa pagkikita namin kasi ang alam ko ay nasa ibang bansa siya sa kuya niya sa Switzerland.

"ahh, yeah natatandaan na kita, kumusta na" naging normal na ang itsura ng mukha niya.

"anong kumusta ka diyan, ikaw ang kumusta na, long time no see ah, matagal ka rin na nawala its been two years na rin ang nakakalipas" sagot ko sakanya, napangiti naman siya sa akin.

Her smile makes my world will shine as a crystal, baka nga kung di lang naging girl friend ito ng kaibigan ko eh baka niligawan ko na kasu naunahan ako ng kaibigan ko, ang torpe ko kasi pagdating sa mga babae.

"grabi ka naman, ayos lang ako saka kahapon lang naman ako dumating, ikaw anong balita sayo, rinig ko umalis ka daw sa bahay niyo? anyare bakit mo pinili na maging independent at nakuha mo pa talaga mag-upa ng condominium unit?" balik tanong niya sa akin, I saw a glance with her face like it makes my day complete.

"ah oo, wala lang kasi naisip ko lang naman na di na ako bumabata kaya kailangan ko na rin matuto na mag-isa, I'm trying to be independent tutal naman ay college na ako kaya kailangan ko na rin tumayo sa pansarili ko na mga paa" paliwanag ko sakanya saka binigyan ko siya ng napakatamis kong mga ngiti.

"ikaw bahala, sabagay pero naisip ko lang na di ba mahirap sayo ang ginawa mo? saan ka kumukuha ng daily needs mo? tuition sa school saka allowance mo na rin sa pagpapasok sa university?" concern niya na tanong, napahinga muna ako ng malalim bago ako sumagot sakanya, sobra naman kasing direct to the point ang mga katanungan niya na wala man lang pakunswelo sa sasabihin niya.

"may scholarship naman ako sa school as one of the basketball player kaya di na masyadong mahirap sa gastusin, about naman sa allowance ko eh may part time job naman akong pinapasukan sa isang kainan malapit sa school, saka may kaunti na rakit rakit din ako na pinapasukan na kahit ano basta kaya ko, yun" sagot ko sakanya na napailing naman siya sa akin, napakagat labi na lang din ako sakanya.

"di mo naman kasi yan kailangan gawin sa ngayon di ba, may pera kayo saka mayaman naman pero bakit gusto mo na piliin ang maghirap sa paghahanap ng panggastos mo sa sarili mo eh nag-aaral ka pa naman saka pwede mo naman gawin na buhayin ang sarili mo kapag naka-graduate ka na at may trabaho ka na, oh di ba" paliwanag niya sa akin na may pakindat pa ng kilay niya, she look so weird.

"hay naku, hayaan mo na lang, kaya ko naman saka kapag di ko na kinaya eh di saka na lang ako hihingi ng tulong sa parents ko, ang mahalaga kasi ngayon ay maging handa na ako sa future, mga ganun ba na bagay" sagot ko sakanya, umabante naman siya kasi siya na ang magbabayad ng mga pinamili niya.

"wala na akong magagawa kung yan ang desisyon mo basta nandito lang ako, I can be your friends and you can with me kapag kailangan mo ako, anytime" sambit niya na pukos sa paglalatag ng mga ipinamili niya sa may counter.

"sabi mo yan ah, di ko yan kakalimutan" sagot ko na normal lang ang tono sa aking boses pero sa loob ko ay sobrang saya na para bang gusto ko ng tumalon at sumigaw sa tuwa, iniisip ko tuloy na baka kahit di man naging kaming dalawa noon atleast baka ngayon na bumalik na siya ay ito na ang tamang panahon para sa aking dalawa na at para maging kami ng dalawa.

I am hoping na this time ay mapupunta na ngayon siya saakin at gagawin ko lahat para mangyari yun and I will do all of my effort para di na mawala siya sa tabi ko.

"Oo naman, oh siya mauna na ako sayo, kita na lang tayo sa school bukas" paalam niya habang binabayaran ang bills ng kanyang mga pinamili.

"school? do you mean na papasok ka na ulit?" curious ko na tanong sakanya, humarap siya sa akin saka ngumiti bago sumagot.

"yup, and in-enroll na ako ni yaya kanina so bukas papasok na ako, sige ah mauna na ako, I need to prepare my things para bukas, see you na lang tommorow" paalam niya ulit saka ngumiti na lang din ako sakanya, tumalikod na siya sa akin kasabay ng mga hakbang ng paglakad niya papalayo sa aking kinatatayuan habang nakatingin lang ako sa direksiyon niya palabas.

"sir, pakilagay na po ng mga groceries niyo, marami pa po na nakapila ang susunod sainyo" pukaw sa akin ng babae sa counter.

"ha, ah oo sige" medyo natataranta ko bigla na sagot habang sinimulan ko na ilagay ang mga pinamili ko sa counter table.

Hindi ko napansin na natulala pala ako kanina habang nakamasid lang kay Aubrey na naglalakad palabas ng mall, di ko tuloy napansin na ako na pala ang magbabayad, nakakahiya tuloy eh ang dami pa naman na mga susunod na nakapila sa may likuran ko.

"ito po ang bayad" sabi ko sa babae saka kinuha ko na ang tatlong daan sa wallet ko na nasa kamay at ibinigay ko na ang bayad ko sakanya, sakto naman kasi na tatlong daan ang bills ko.

Dinampot ko na ang mga grocery ko matapos ilagay ng babae sa paper bag ang mga ito saka nagsimula na rin akong maglakad palabas ng mall papunta sa aking sasakyan sa may parking lot kung saan nandoon ang aking sasakyan.