webnovel

Kabanata 3

Cecilia's p.o.v.

People define that the family is the highest institution in every community in worldwide, and they said that family are always there for you whatever it happens but still they care about your good even in sadness or in pain.

Paglingon-lingon lang ako sa mga kasama ko dito sa kusina ng aming bahay habang hawak ko sa aking kamay ang kutsara at tinidor, kumakain kasi kami nina mom at dad habang nasa gilid lang ang mga katulong na nakatayo para pagsilbihan kami.

"ah, anak bakit nga pala di nakapunta ang boyfriend mo ngayon sa dinner natin, di ba sabi ko naman sayo na anyayahan mo siya na salohan tayo ngayon" biglang basag ni mom sa katahikan ng aming salo-salo sa hapunan, napahinto naman ako sa pagsubo ng pagkain na nasa kutsara ko at tumingin ako sa kanila.

"kasi po ano, baka may importante daw siya na gagawin, yun po ganun" palusot ko nalang sabay nagsmile ako sa kanila, napatingin naman sila sa akin ng masama.

"hija, sabihin mo nga, hanggang ngayon ba ay di ka pa rin magawa na mahalin ng lalaki na yun?" tanong ni dad sa akin.

"hayaan niyo na lang po muna kasi hindi naman napipilit ang pagmamahal, dumarating at nararamdaman yan ng kusa ng isang tao, kasi kahit anong gawin ko pero kung ang nasa puso niya ay iba naman ang laman at sinisigaw nito ay masasaktan ko lang siya saka baka ako mahirapan lang din po" paliwanag ko sa kanila, hindi ko sinabi ang totoo na nangyari sa boyfriend ko na si Jorge para naman mas kampihan pa ako nina mom na mapalapit sa akin ang lalaki na mahal ko.

"sabagay nga naman, may tama ka diyan" sagot ni dad na napatango-tango pa.

"kaya nga kami niyan tumagal ng dad mo hanggang ngayon na magkasama kasi mahal namin ang bawat isa at di namin pinilit ang aming mga sarili sa nararamdaman ng puso namin" sagot naman ni mom na bumakas pa talaga sa mukha niya ang sigla ng saya nito.

"sana all, by the way mom, ilang years na nga po pala ulit kayong mag-asawa ni dad?" tanong ko kay mom sabay subo ng pagkain.

"it's almost 20 years na rin pero tingnan mo naman kami ng dad mo, masaya pa rin na nagsasama hanggang ngayon, matatag ang pundasiyon ng aming pagmamalan" masiglang sagot ni mom kasabay naman nito ang pagtunog ng cellphone ni dad na nakalatag sa tabi niya sa kanyang harapan.

"excuse me lang muna, sasagutin ko lang ang tumatawag" paalam ni dad saka niya kinuha ang kanyang gamit at naglakad na palabas ng bahay, napatingin ako kay mom and I saw her eyes like different a minute ago.

"mom, ayos lang po ba kayo?" usisa ko sakanya, napatingin naman siya sa akin kasabay ng may ngiti sa kanyang mga labi pero kabaliktaran naman nito ang kanyang sinasabi sa mga mata, I know that there's something wrong with them pero wag ko na muna silang pangungunahan, I will wait them na sila na mismo ang magsabi sa akin.

"ah, oo naman, kumain ka na lang at ng makapagpahinga ka na sa kwarto mo" sagot niya at ramdam ko dito ang lungkot sa tono ng mga pananalita niya kahit pa ipakita niya sa akin ang saya sa itsura niya ngayon sa harapan ko.

"sige po, basta mom if there's something wrong between the of you ni dad at kapag kailangan ninyo ng kausap just always remember na nandito lang po ako na anak niyo, I will not let this family be broken" paalala ko kay mom, kasi naman kahit di nila saakin sabihin but still nararamdaman ko na may problema na sa pagitan nila, na baka nga malala na pero ayaw lang nila ito ipaalam sa akin kasi ayaw nila na isipin ko pa ito, parang ganun siguro kasi di naman ako manhid para hindi yun maramdaman.

"ano ba ang pinagsasabi mo diyan, we are fine, ayos lang kami ng dad mo kaya mo na kaming isipin, just focus with your study na lang, okey ba?" sagot naman ni mom na pinipilit itago ang totoong nararamdaman niya.

"okey po, ah mom parang busog na po yata ako, I have to go sa kwarto ko na po para gawin na mga homework ko" palusot ko na paliwanag sakanya pero ang totoo ay di naman talaga ako ang gumagawa ng mga yun kasi may beloved genius girl best friend naman ako na gumagawa nito para sa akin kaya naman no need to think about it.

"sige na" sagot ni mom saka tumayo na ako at inumpisahan na maglakad para tahakin ang daan papunta sa hagdan ng aking kwarto.

Pagdating sa kwarto ay agad ko na kinuha ang one roll of tissue na nakalagay sa aking maliit na drawer dito sa gilid ng kwarto saka ako umupo sa aking higaan.

Napabuntong hininga na lamang ako habang iniisip kung paano ko mapapaamin sina dad at mom sa kanilang problema bilang mag-asawa.

Alam ko kasi at ramdam ko na may pinagdadaanan silang dalawa at pinipilit lang nila na itago ito sa akin, but I'm not a kid para di yun maramdaman kahit di nila yun sabihin sa akin.

🎶🎶bicolana, magayonon ka!

sinda naaara sa gayun mong dara

ika naman talaga, nasa glorya

magaya-gaya mayo na ning iba🎶🎶

biglang isang musika ang narinig ko mula sa aking cellphone na nakalagay sa maliit na mesa sa tabi nitong kama ko, napatayo ako at kinuha iyon saka umupo ulit sa aking higaan.

Bicolana song by Nonoy, yan ang message tone ng cellphone ko, isang text message lang naman mula sa boyfriend ko ang pumasok dito.

Screen Unlocked!

(sensiya na kung di ako nakapunta diyan, kararating ko lang kasi sa bahay saka inaantok na rin ako, btw enjoy your family dinner)

pagbabasa ko sa laman ng mensahe niya, hindi ko nalang nireplayan kasi alam ko naman na iniiwasan niya lang ang mga magulang ko na makita.

Inilapag ko na lamang din ang aking gamit sa pinagkunan ko nito kanina saka humiga na sa aking malambot na kama para magpahinga na lang din, nakakapagod na rin kasi isipin ang mga bagay sa paligid lalo na kung nagmumukha ka na parang pilit lang na pinagsisiksikan mo ang sarili mo sa ibang tao sa paligid mo para lang bigyan ka nila ng pagpapahalaga but deep inside with them ay gusto ka na nilang ipagtabuyan papalayo sa kanila.

Ipinikit ko nalang ang aking nga mata na baka sakaling mapatulog na ako habang inilalagay ang kumot sa sarili kong katawan.