webnovel

Kabanata 11

Aubrey's p.o.v.

Sobrang awkward! Ganito pala ang pakiramdam kapag nakita mo muli ang iyong dati na naging karelasyon tapos wala kayong naging formal na paghihiwalay noon.

Hindi ko alam kung paano makikisabay sa mga maaaring mangyari at kung paano ako makikitungo sa mga taong makakasalamuha ko basta ang alam ko lang sa ngayon ay naglalakad ako kasama ang dalawang lalaki sa magkabilang gilid ko para pumunta sa basketball court daw nitong paaralan, napakatahimik nga nilang dalawa maging kahit ako.

"Eheemmm! ang tahimik 'no? matanong ko lang pala, kailan ka pa dumating?" normal na tanong bigla ni Jorge na nasa kaliwang gilid ko, and finally he break the silence first.

"kahapon lang pero inasikaso na naman nina yaya ang enrollment ko since one week before I come back there sa Philippines" sagot ko naman at syempre nasa relaks lang na tono ang pananalita ko para di naman nila mahalata na may kaba din akong nararamdaman kahit paano.

"sina Tita at Tito, kumusta na pala sila? yung kuya mo, nakakamis na din siya makalaro ng basketball, dati lagi kaming magkasama sa paglalaro tapos tinuturuan niya pa nga ako kasu biglang umalis siya para sundan ang fiancee niya sa ibang bansa" pagbabalik tanaw niya ng kwento sa nakaraan ng mga panahon na kami pa, ngumiti nalang ako habang ramdam ko ang labis na pagiging out of place ni Keith na nasa kanan na parte sa gilid ko dahil sa pinagsasabi ni Jorge.

"yeah, right! he follows Ate Lucy sa Switzerland para ayusin ang wedding nila dun then afterwards naging masaya naman pagsasama nila matapos na ikasal sila" sagot ko naman sakanya tapos biglang napabuntong hininga siya bago sumagot ulit.

"what if hindi ka umalis noon? siguro na ayos pa natin yung meron tayo, siguro may tayo pa rin hanggang ngayon, ano sa tingin mo?" naging seryoso bigla ang itinanong niya, napalunok na lamang ako ng laway at di nakasagot sa sinabi niya. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya sasagutin at ano naman ang isasagot ko sakanya? I don't have a feeling like I had for him before as when we let go of each other.

"alam ninyo, ang bagal ng hakbang natin! I'm sure kanina pa sila naghihintay sa atin sa praktis" singit naman ni Keith, mabuti nalang at nakahalata siya na nawalan akong isasagot sa tanong ni Jorge.

"tama ka! tara na nga bilisan na natin ang paglalakad, hehe" dagdag ko na lamang din sakanya saka mas nauna na kaming hakbang ni Keith kay Jorge ng ilang saglit.

"salamat ah" sambit kong bulong kay Keith kasabay ng paglingon ko sakanya, he just give me a smile tapos isang kindat mula sa kanyang kaliwang mata.

"pre - Jorge! bilisan mo na maglakad diyan, naiiwan ka na namin ni Aubrey" sigaw ni Keith sa kasama namin na nasa likuran na si Jorge, kahit papaano siguro nahiya naman siya sa itinanong niya saakin lalo pa at hindi ko man lang din sinagot ang kanyang mga itinanong.

"ang bilis niyo naman kasi maglakad, daig pa ninyo ang may sinalihan na walk race contest!" reklamong pagsaad nito, narinig na lang namin ang tunog ng paa niya sa pagtatakbo niya pero jogging para lang maabutan kaming dalawa.

Hindi lang talaga mawala sa aking isipan ang itinanong niya saakin, naiisip ko tuloy na baka may gusto pa rin siya sa akin hanggang ngayon kahit may bagong girlfriend na siya at ang dati ko pa na kaibigan na nahuli kong kahalikan niya noon na naging rason kung bakit ako umalis at sumunod kay Kuya sa Switzerland para dun gawin ang paglimot sa nangyari sa amin.

"finally, dumating na rin kayo sa wakas, kanina pa namin kayo hinihintay!" bungad sa amin ng isang lalaki na siya siguro ang coach nila ayon sa pansarili kong pananaw. Sa totoo lang nakaupo silang lahat dito at tahimik sa kanya-kanya nilang puwesto ng makarating kami at nadatnan sila dito sa loob ng school gym. Napatingin na lamang silang lahat sa aming tatlo ng magsalita ang sa tingin ko ay coach nila.

"sorry po coach! dumaan pa kasi kami sa CR" paliwanag naman ni Keith sa lalaki at hindi nga ako nagkamali kasi siya nga ang Coach ng team nila. Napunta ang tingin nilang lahat sa akin maliban sa dalawa kong kasama kanina pa.

"at sino naman yan na maganda at sexy ninyong kasama?" curious na tanong ng coach nila na may patango pa na nalalaman na ang tinutukoy ay ako na napangiti naman sa sinabi niya. Impyernes naman kasi sa buka ng bibig niya, I like his words that use to describe me.

"si Aubrey Pacandong po, a new transfer student enroll at siya rin ang aking -- haaattsiingg!!!" naputol na pakilala ni Keith saakin ng pagsagot niya nang biglang nabahin siya kaya naman parang mga temang ang itsura na nag-aabang sila sa idudugtong niya.

"siya ang girlfriend mo?" naiilang na tanong ng coach nila, napakunot noo naman ako sa itinanong niya na hulang sagot na idudugtong ni Keith.

"she's my representative para sa cheerleading ng team natin" nakangiting sagot ni Keith at halata sa mukha niya ang pagbakas ng ligaya sa itsura niya, napatango-tango naman silang lahat.

"ahhhh!! ganun!" mala-choir nilang sambit ng sabay-sabay silang sumagot sa akin.

"wait, by the way - Keith said while ago na isa ka palang Pacandong so it means - kaano-ano mo yung dating Pacandong na varsity player na famous dito dati sa university?" nagtatakang tanong ni coach saakin pero di na ako nakapagsagot pa kasi may nauna ng sumagot kaysa sa akin.

"I'm sure coach na si kuya niya po yun, her brother is really excellent in this kind of sport, siya nga rin po nagturo saakin kaya natuto akong maglaro ng basketball" sumingit na eksena ang pagsagot ni Jorge sa coach nila bagkus na ako dapat ang sumagot kasi ako naman ang tinatanong di ba? Nagsimula na rin si Cecelia at ang isa niya na kaibigan na lumapit sa amin habang ako naman nakararamdam na ng kakaibang hangin ng pag-init sa paligid.

"so you are connected to each other, it's good for our team and to each of us" sagot ni coach na tinuturo pa niya ng kanyang daliri kaming tatlo nina Keith at Jorge.

"Coach Suwail, hindi po ba much better if magsimula na tayo ng praktis since totally complete na naman tayo, di po ba?" bait-baitan pero halata ang kasungitan at pagkamataray sa tono ng boses sa pananalita ni Cecelia.

Nahuhulaan ko na ang nasa isipan niya na ayaw niya lang mabuksan ang pagiging kunektado naming lahat sa bawat isa lalo na ang nakaraan na nangyari sa aming tatlo pati na kay Keith.

"mabuti pa nga siguro, oh siya - form your designated line and position, mag-start na tayo!" sagot naman ni coach Suwail na may halong utos sa tono ng pananalita niya kasabay naman nito ang pagkilos ng lahat para pumunta sa kanya-kanya nilang puwesto maliban sa akin na nanatiling nakatayo lang.

"Miss Pacandong, dun ka na sa harapan ni Mister Ibayag!" utos na sigaw sa akin ni coach ng makita niya ako na nakatayo lang, ako naman itong parang natataranta na lumapit at tumayo sa harapan ni Keith na halata ko sa itsura niya na parang natatawa siya sa akin kasu pinipigilan niya lamang sa pamamagitan ng pagkagat niya ng kanyang labi.

"bakit mo naman ako basta nalang iniwan dun gayon alam mo naman na di ko pa alam ang gagawin ko dito?" naka-sad face kong tanong sakanya with extra pa-poot expression pa.

"sorry, akala ko kasi kusa ka na susunod sa likuran ko, pasensiya na at di na mauulit" palusot niya naman na sagot bilang rason sa akin.

Napaayos na lamang kami ng pagkakatayo sa aming posisyon kasi nagsimula na sa pagsasalita ang trainer na tuturo sa bawat steps na gagawin namin.

"everyone listen! dahil lahat na player ng team ay may kanya-kanya ng representative so mas maghihigpit ako sa pagpraktis sainyo kaya make sure na lambutan ninyo ang kilos kung kinakailangan lalo na sa paggiling ng beywang at patigasin ang kinakailangan na dapat ay matigas basta wag lang ang nasa baba ninyo mga boys! I believe in trust with the girl you pick kasi di ninyo naman siguro ipapatalo ang team dahil pipili kayo ng lampa na member, hindi ba!?" seryosong pagpapaalala ng trainor namin na may halong pagbibiro sa hulihan ng mga salita niya. Napangisi naman kaming lahat pero walang tunog dahil gusto raw ng trainer namin na walang tumatawa sa oras ng praktis at dapat seryoso daw lahat, medyo may takot voice effect nga ang boses niya magsalita.

"sa mga baguhan, watch and act nalang muna para matutunan ninyo ang steps and later on I will teach you the steps in counts - coach, music please!" pagpapasimula ng babae namin na trainer saka pinatugtog na ni coach ang Remix songs mula sa malaking Audio Speaker na connected sa Laptop niya kasabay ng pagsimula na nila sa pagkilos, wala na akong nagawa pa kundi gawin ang ginagawa nilang mga hakbang at ganun din naman ang partner ko.

Tuloy lang ako sa paggaya ng ginagawa nila kahit medyo nahihiirapan at mali-mali ako, para akong temang na gusto ng tawanan ang sarili sa mga ginagawa ko.

Sa una lang naman siguro mahirap pero masasanay din ako at magagawa ko rin ito ng pulido at tama, siguro.