webnovel

Sweetness Overload

"AJ, ampon ka ba?!"

"Po? Bakit nyo po natanong Sir?"

Gulat na tanong ni AJ.

'Bakit ko nga ba naitanong?'

'Pwede ko bang sabihing na curious lang ako?'

"Uhmm, pumasok lang sa isip ko!"

"Bakit po Sir, may duda po ba kayo na hindi ako tunay na anak ng parents ko?"

Hindi alam ni Edmund kung paano nya sasagutin ang tanong sa kanya ni AJ.

"Sorry AJ, it just cross my mind!"

"The truth Sir, hindi ko po masasagot ang tanong nyo! I don't have any memory of my family! Ang kwento po sa akin ng Lolo ko mga pa five lang daw po ako ng mawala sila, at sa picture ko na lang po sila nakikita. Kaya hindi ko po kayo masasagot kung ampon ba ako o hindi!"

Ikinagulat ni Edmund ang deretsahang sagot ni AJ.

'Maging sya ba ay may duda rin sa identity nya?'

'Kailangan kong sabihin ito agad kay Ames!'

'At kailangan ko ring makausap ang Lola Inday ni AJ. Tyak ang nalalaman nya ay malamang naikwento lang din sa kanya!'

Si AJ, walang idea kung para saan ang mga ginagawang pagtatanong ni Edmund pero hindi naman nya ito minamasama. Natutuwa nga sya at meron nagkaka interes ng past nya.

"Sir Edmund, kung gusto nyo po, ipapakilala ko kayo sa Lola ko para po masagot ang mga tanong nyo!"

Natuwa si Edmund sa pagkukusa ni AJ.

"AJ, naikwento mo na ba sa iba ang tungkol sa nangyaring trahedya sa family mo?"

"Wala pa po, kayo pa lang po!"

"Can you promise me not to tell this to anyone?"

Hindi maintindihan ni AJ kung bakit ito hinihiling ni Edmund pero wala naman talaga syang plan na sabihin ito kahit kanino.

Malaki lang talaga ang paghanga nya sa boss nyang ito kaya hindi nya binigyan ng malisya ang pagtatanong nito.

*****

"So Sissy, kamusta naman ang new car mo?"

Usisa ni Mel sa kaibigan.

"Masaya! Hehehe! First time ko magmaneho ng mag isa! YES!"

"Mukha nga! Hindi matanggal ang ngiti mo eh, hanggang tenga, parang naka ukit na dyan sa fez mo! Hehe! Musta naman si Tita, ano naman ang sabi nya?"

"Waaaaahhh! Beshy naman pinaalala mo pa! Waaaaaahhh!"

"Bakit Sissy? Bakit ka umaatungal dyan? May nasabi ba ako?"

Wala pang alam si Mel sa ginawa nilang magpinsang pagtakas sa mga nanay nila kanina.

"Waaaah Sissy, si Mommy, si Mommy! Huhuhu!"

Hawak nito si Mel na niyuyugyog pa ang balikat.

"Bakit anong nangyari kay Tita Mommy?"

"Walang nangyari kay Mommy pero si Daddy, pinapauwi ako ng Little Manor ngayon! Waaaah!"

"Eh ano naman kung pinapauwi ka ng Daddy mo? Saka tigilan mo na kayuyugyog sa akin at nahihilo na ako!"

"Eh kasi .... kasi, may kasalan ako kay Mommy, natatakot akong umuwi!"

'Susmiyo, akala ko kung ano ng nangyari!'

"Bakit, anyare?"

Tanong ni Kate na kadarating lang. Kasama nito si AJ na nakasalubong nya sa labas ng tambayan.

"Coffee what happen? Bakit ka umiiyak?"

Nagaalala itong lumapit at tumabi kay Eunice.

"Okey lang ako Milky!"

Sabay punas ng mga luha nya.

"Anong wala ka dyan eh grabe ang atungal mo kanina?"

Sabi ni Mel.

"Bakit Melabs ano bang pinaguusapan nyo ni Eunie?"

"Si Daddy Edmund daw nya pinapauwi sya dahil sa Mommy nya!"

Kwento ni Mel.

"Ahhh! Hahahaha!"

Sabay tawa ni Kate ng maalala ang nangyari kanina.

Napansin nyang question mark ang mga mukha ng dalawa ikinuwento nya kung bakit ito tumatawa.

"Kasi ... kasi ... hahahaha! ... Si Eunie ... hahaha! .... Sinabihan nya ng shut up si Tita ... tapos ... tapos ... binabaan nya ng phone! Hahahaha!"

"Ate naman eh, natatakot na nga ako, iniinis mo na pa ako! Huhuhu!"

"Sorry ... sorry, Eunie! Promise tutulungan kitang magpaliwanag ke Tita Ninang!"

"Kung gusto mo Coffee bigyan mo ng gift ang Mommy bilang sorry gift!"

Suggestion ni AJ.

"Oonga magandang suggestion yan Milky! Pwede mo ba akong samahan bumili ng gift?"

"Oo naman Coffee ko! Kung gusto mo samahan din kitang umuwi sa inyo at ibigay yan sa Mommy mo! Tutulungan na rin kitang humingi ng sorry sa kanya!"

"Talaga, Milky?"

"Oo naman, basta ikaw Coffee!"

"Kate MyLabs, ano ba? Sabi ko naman sa'yo huwag ka ng naglalagay ng sugar sa coffee mo at ang dami ng langgam dito, oh!"

"Halika nga dito Melabs ko!"

Sabay halik kay Kate.

Papatalo ba sila sa ka sweetan ng dalawa!

*****

"Ames, kung may kutob ka na sya si Allan, bakit hindi ka mag request ng DNA test?"

Tanong ni Edmund.

Nakipagkita agad sya sa kaibigan para ikuwento ang napagusapan nila ni AJ.

Alam nyang nagaantay ito ng update.

"Papaano ko sasabihin sa bata yun? 'AJ kamukha mo ang nawawala kong anak, pwede bang magpa DNA tayo?'!

"Nope, hindi mo na kailangan gawin yan! Eto, ang spoon na ginamit nya!"

Sabay bigay ng plastic na may spoon sa loob.

"Huh? Paano mo .... "

"Advance ako magisip!"

"Thanks, Bro!"

Masaya nyang kinuha ang plastic.

Gusto mo bang ipagpatuloy ko ang pagiimbestiga?"

Tanong ni Edmund.

"Curious ako dun sa sunog! Nangyari yun same year na nawala si Allan!"

"Ames, naitanong mo ba ang asawa mong si Jethro bakit nya sinabi na patay na ang anak nyong si Allan?"

"Hindi ko na naitanong dahil simula ng mawala si Allan nagbago na siya! Lagi na lang bugnutin at hindi na gaanong makausap!"

"Ames, papaano kung totoong patay na si Allan? Papaano kung gusto mo lang ng closure kaya tingin mo si Allan si AJ?"

"As a mother, mahirap tanggapin na wala na ang anak ko!"

Naramdaman ni Edmund ang lungkot at pangungulila sa boses ni Ames.

"Sorry!"

"Okey lang Edmund, at least may nasasabihan ako ng nararamdaman ko!"

"Ames, totoong may hawig si AJ sa namatay mong asawa, pero hindi ba pumasok sa isip mo na baka naman may other woman ang asawa mo?"

Natahimik bigla si Ames.

'Jusko! Posible nga kaya?'