webnovel

Ampon Ka Ba?

Sa office ni Edmund.

Pinatawag nya si AJ para kausapin. Gusto nyang personal nyang tanungin ito sa background nya. Baka may mapulot sya na clue sa kung bakit sya gustong paimbestigahan ni Ames.

Inusisa na nya si Ames tungkol dito.

'Dig deeper'

'How deep should I go? Paano kung hindi nya magustuhan ang matutuklasan ko?'

Matagal na nyang napaimbestigahan si AJ, wala itong nakitang hindi maganda sa buhay ng binata. Simple at payak kasi ang buhay nilang mag lola.

Ang problema lang, patay na ang mga magulang ni AJ, bata pa sya ng mamatay ang mga ito kaya sa poder ng lolo at lola nya na parents ng mother nya sya napunta. Bata pa lang ito ng mapunta sya sa kanila.

Nasa highschool naman sya ng mamatay ang lolo nya kaya ngayon silang dalawa na lang ni Lola Inday nya.

"Sir Edmund, andito na po si AJ!"

"Sige, papasukin mo!"

"Sir Edmund good morning po!"

"AJ sitdown!"

Kinabahan si AJ.

'May nagawa ba akong mali?'

"Don't worry, pinatawag kita hindi sa trabaho, gusto lang kitang makausap! Kaya relax, magkape ka muna!"

Sabay abot ng kape sa binata.

"Sir, Kung hindi po sa work, tungkol po saan ang paguusapan natin?"

"Tungkol sa'yo!"

"PO?!"

"Relax AJ! Curious lang kasi ako sa'yo! Sa background mo, sa family mo!

Alam mo na siguro na lahat ng empleyado ko pinaiimbestigahan ko?"

"Opo Sir!"

'Jusko, saan po ba patungo ang usapang ito?'

Kinakabahan talaga sya.

"AJ, magtatanong lang ako sa'yo ng konti! Pwede ba?"

"Opo Sir!"

Sagot nya. Halatang kinakabahan.

"AJ, diba sa school ka rin ni Eunice grumadweyt?"

"Yes po Sir!"

"Naimbestigahan ko na ang background mo and I found out na sa Lola Inday mo ikaw nakatira, tama ba ako?"

"Yes po!"

"I also found out na hindi kaya ng Lola mo financially na pag aralin ka, so paano ka nakapag aral sa school na yun? May nag sponsor ba sa'yo o may scholarship kang nakuha?"

"Hindi po Sir! Baby pa lang po ako may educational plan na po na binili ang parents ko para sa akin saka may mga insurance na rin po na nakalaan para sa pagaaral ko simula nursery hanggang sa college. May money back din po akong nakuha pagka graduate ko na syang ginamit ko nung mag masteral ako!"

"Ahhh, sa parents mo pala!"

"Yes po Sir! Before they died nakaayos na po ang lahat para sa future ko pati sana sa kapatid ko!"

Ito ang unang beses na nadinig nya ang tungkol sa kapatid ni AJ. Ang alam nya ay ulilang lubos na ito kaya nasa poder ng Lola nya. Hindi nya alam na may kapatid pa pala sya.

"AJ, I hope you don't mind, pwede ko bang malaman ang ikinamatay ng parents mo?"

"Bata pa po ako nuon ng mamatay sila sa isang sunog. Ang kwento po ng Lola ko, mayaman daw po ang family ng Father ko! But because of that fire, na ikinamatay ng mga relatives ng Father ko, lahat ng angkan ng Father ko, namatay sa sunog na yun. Kasamang pong namatay sa fire na yun ang Mother at Father ko pati ang little sister ko sa sunog!"

".... at kasama din pong namatay sa sunog na iyon ang negosyo ng pamilya ng Father ko!"

Napatigil si Edmund.

'Gaano kalaki ang sunog at namatay lahat ng angkan nya?'

'At bakit hindi sya nadamay?'

"You mean lahat ng relatives ng Father mo nasa iisang lugar?"

"Opo, Sir! Kaarawan po kasi ng lolo ko nung nangyari ang trahedyang iyon, kaya po lahat sila nasa iisang lugar!"

"So paano ka nakaligtas?"

Wala po ako dun Sir, nasa bahay po namin ako, sa Bulacan, lagi lang po kasi ako nasa bahay. Hindi po nila ako isinasama nun sa mga gatherings!"

"Bakit?"

"Hindi ko na po maalala ang reason, sinabi lang po ng Lolo ko!"

"AJ, anong business ng family ng Father mo?"

"Ang sabi po ni Lolo, may malaking bakahan daw po ang lolo, pero may iba din daw pong negosyo si Papa .... parang winery!"

"Winery?"

Na curious ng husto si Edmund.

Iisa lang ang kilala nyang winery na namatay sa sunog at matagal ng nangyari iyon.

Muli nyang tiningnan ang info ni AJ at hinanap ang pangalan ng father nito.

"Anak ka ni Jeremy Allan Raquiñon? Si JAJA?!"

"Opo Sir!"

'Totoo ba ito? Isang magaling na winery ang father nya?!'

Pero ang alam ko, iisa lang ang anak nun at babae yun!'

May balitang kumalat nuon na may isa pa itong anak pero bali balita lang yun. At hindi na nya maalala kung anong itsura ni Jaja.

"Bakit po Sir, kilala nyo po ba ang Father ko?"

"Yes, kilala ko sya na negosyante pero hindi kami personal na magkakilala! Pero yung wine nya ang ka close ko! Meron pa nga ako nun sa Old Mansion at hindi ko pinagagalaw dahil vintage na at wala na akong mabibili nun! Hehe!"

Natuwa si AJ ng madinig nyang meron pa palang nakakakilala sa Papa nya.

Maliit lang ang mundong ginagalawan ng mga negosyante kaya madali nyang nakilala ang ama ni AJ, kung ito talaga ang Father nya.

"AJ, my next question is too personal pero sana sagutin mo!"

'Jusko, meron pa palang mas pepersonal sa mga tanong nya?'

"Ano po yun Sir?"

Napalunok na lang si AJ.

"AJ, ampon ka ba?!"