webnovel

Dapat Na Ba Akong Kabahan?

Nagulat si Nicole ng pagdating nya sa bahay naroon na si Eunice kasama si AJ.

"Mommy!"

Kinakabahan si Eunice sa pagharap nya sa Mommy nya pero dahil nasa tabi nya si AJ, nabawasan ang kaba nito.

'Buti na lang sinamahan ako ni Milky! Hehe!'

Tyak nyang hindi sya mapapalo ng Mommy nya ngayon.

Lumapit ito sa ina at inakap nya ng buong higpit.

"Mommy sorry na po, huwag na po kayong magalit sa akin! Please!"

Sabay abot ng binili nyang gift para sa ina.

Sa totoo lang nakalimutan na ni Nicole ang tampo nito sa anak pero hindi nya ito pinahalata dito.

Gusto nya kasing madinig ang sorry nito. Saka ... paano nya ma tsitsinelas ito kung andito si AJ?

Naipaliwananag na ng asawa nyang si Edmund kung bakit kailangan syang babaan ng phone ni Eunice.

"Alam kong naging rude sa'yo ang bata pero sana maintindihan mo na nag da drive sya tapos tinataranta mo! Hindi makaka focus yun sa pagdadrive! Ayaw mo naman sigurong madisgrasya sila diba?"

Paliwanag sa kanya ni Edmund habang umiiyak sya kaninang umaga.

"Saka ... lagi naman nakasunod sa kanya si Reah at mga bodyguard nya kaya alam ko kung ano ang mga pinaggagawa ni Eunice!"

Nakaramdam sya ng takot ng sabihin ni Edmund na baka madisgrasya ang dalawa sa pangungulit niya kaya naintindihan na nya ang anak.

"But still, she told me to 'shut up'! Hindi mo naman siguro gusto na makasanayan ng anak mo na sagutsagutin ako nuh!"

Katwiran ni Nicole sa asawa.

Kaya sa huli, pinauwi si Eunice ng Daddy nya para mag sorry sa Mommy nya.

Kunwari nagtatampo pa rin ito ng makita ang anak paguwi, pero ng mag sorry ito at inakap sya sabay abot ng gift ....

Hindi nya mapigilan ang mangiti.

"WOW! Ito yung .... yung bagong bag na nakita natin the other day!"

"Yes po Mommy! Obvious naman po na like nyo po yan! May plan na nga po si Daddy na bilhin yan para isurprise po kayo, inunahan ko lang po sya! Hehe!"

"Talaga?"

Nangiti lalo si Nicole ng madinig na gusto pala syang isurprise ng asawa.

Ito lang naman kasi ang luho nya, bag at shoes.

Plan nyang balikan talaga yung bag para bilhin, pero hindi nya akalaing maguunahan pa ang mag ama sa pagbili ng bag.

Tuwang tuwa si Eunice ng makitang hindi maalis ang ngiti ng Mommy.

"Thank you baby Eunie ko! Pero mahal 'to, ikaw ba talaga nagbayad nito?"

"Yes po Mommy! Binigyan po ako ng bonus ni Daddy dahil sa success nung project namin!"

"Talaga? Mukhang malaki ang naging bonus mo ah! May natira pa ba sa'yo?"

"Don't worry Mommy meron pa naman po!"

Lumapit na rin si AJ sa mag ina.

"Mam Nicole, magandang gabi po!"

Sabay abot ng dala nyang flowers at chocolate.

"Sa ... akin 'to? Sure ka?"

Gulat na tanong ni Nicole. Akala nya kay Eunice ang mga flowers and chocolate.

"Opo Mam!"

"Teka, akala ko akin yung chocolate?"

Nagtatampong tanong ni Eunice.

"Sorry Coffee, ibibili na lang kita bukas! Promise!"

"Mommy, pahingi po ko, please!"

"Anong pahingi ka dyan? NO! Akin 'to!"

Sabay palo sa mga kamay ni Eunice na pilit kinukuha ang chocolate sa kanya.

"Ehem!"

"Daddy!"

"Oh, andyan ka na pala, Hon!"

"Good evening po Sir!"

Nakita nya ang hawak ni Nicole na bag at itinago nya ang dala nya kapareho ng hawak ng asawa.

'Lintek na, mukhang naunahan ako ng anak ko sa pagbigay ng bag!'

Lumapit ito sa kanila.

"Saan galing ang flowers and chocolate mo?"

Tanong nya na kunwaring naiinis ngunit batid nyang galing ang mga ito kay AJ.

"Sir, pasensya na po! Sa akin po galing ang mga yan! Gusto ko lang pong pasayahin si Mam!"

"Bakit Honey ko nagseselos ka ba?"

Panunukso ni Nicole.

Kumagat naman si Edmund sa panunukso ng asawa.

"Oo Honey ko! Kaya iwan na natin yang dalawa at dun tayo magusap sa taas!"

Sagot nito sa asawa.

"AJ dito ka na mag hapunan! Eunice, cook something!"

Utos ni Edmund sa kanila.

"Po? Bakit po ako?"

"Punishment mo yan for being rude to your Mom!"

"Pero ... ano pong iluluto ko?"

"Anything! basta masarap!"

At kinarga na nya ang asawa para iakyat sa itaas.

"Behave kayong dalawa, may gagawin lang kami sa taas ng Honey ko!"

"Ano pong gagawin nyo sa taas?"

"Mag eexercise!"

"????"

"Halika na Coffee, hayaan mo na sila! Dun na tayo sa kusina, I'll help you cook dinner!"

Magkatulong silang nagluto pero halos lahat si AJ ang nagluto bagay na ikinatuwa ni Eunice.

'Ang sexy pala nya pagnaka apron! Hehe!'

Sabi ng isip ni Eunice habang pinagmamasdan nitong magluto si AJ.

"Huy, anong tinitingin mo dyan? Tulungan mo kaya ako!"

"Kaya mo na yan Milky, ako na lang ang magsasaing at sa dessert!"

Pagkatapos, magkatulong din silang naghain.

Ganito sila naabutan ni Nicole na bumaba na matapos nilang mag exercise ni Edmund.

'Gosh, ang cute nilang tingnan!'

'Dapat na ba akong kabahan?'