webnovel

Chapter 25

Chapter 25 : Birthday

"How are you?." tipid na ngumiti sa akin si Troy. Sumaglit ako sa Maynila para kumustahin ito. It's been two weeks since. Mas mabuti na ang kalagayan niya.

"How about you?."

"I'm fine."

Bagaman nitong nakaraang linggo ay limitado ang paglabas ko dahil sa nangyari. Nabawasan na iyon ngayon dahil napatay sa engkwentro ng mga pulis ang suspek sa pagbaril nina Troy at Caden.

"Si Caden?."

"He's fine."

"And the two of you?."

Ningitian ko siya. "We're fine."

"Kayo na?." tinaasan ko siya ng kilay.

"What do you mean?."

"Kayo na ba?." ulit niya.

"Hindi kita naiintindihan."

"Ang ibig kong sabihin kong opisyal niyo na bang mahal ang isa't isa?."

Walang sagot na lumabas sa bibig ko. Hanggang ngayon ay hindi ako sigurado sa nararamdaman ko at kung ano nga ba ito. I like Caden. But hindi parin talaga ako sure.

"What did I tell you? Kayo rin sa huli."

"Do you think so?." Tumango ito.

"Sa tingin mo ba mahal ko na siya?."

Kumunot ang kaniyang noo.

"What do you mean by that? Hindi mo pa ba siya mahal?." sunod sunod niyang tanong. Napaiwas ako ng tingin.

"Hindi ako sigurado."

"Seriously?!-Aww." Napadaing siya nang magalaw ang kanang kamay na isa sa mga tinamaan ng bala.

"Hindi ka sigurado?." Mahina akong tumango sa kaniya.

I notice how Caden get silent every time I told him I wasn't still sure of my feelings. Pilit lang niyang iniintindi ang sitwasyon. Palagi niyang sinasabi sa akin na baka hindi pa ako handa o naninibago parin ako.

"Paano kung hindi naman talaga tama ang nararamdaman ko? I was just pressured o nadadala lang?."

Hindi na maipinta ang mukha ni Troy. Mukhang naiinis na ito.

"Do you think I love him , Troy?."

Umiling siya. "Hindi ko alam."

"Anong gagawin ko?."

"Anong gusto mo?."

"Hindi ko alam?."

Hinilot niya ang sentido.

"Sumasakit ang ulo ko sayo."

"Ano nga gagawin ko?!."

Sandali itong nag-isip bago muling bumaling sa akin.

"Ask for a sign. A miracle perhaps. Kapag may himalang nangyari. Mahal mo siya. Kayo talaga ang para sa isa't isa."

"Hindi naman ako naniniwala sa ganiyan."

"Just try nang matapos na yang problema mo."

"But I won't trust my future with a sign."

"Bahala ka."

Ulo ko na rin ang sumasakit ngayon. Maayos naman kami ni Caden lalo na kapag magkasama kami. Napapansin ni Zach iyon kaya madalas nagtatanong ang mga ito kung kami na ba talaga which is funny dahil mag-asawa na kami. Si mommy at daddy ay ganoon rin.

Even his parents notice it too. Nang minsang magkaroon ulit kami ng dinner sa mansyon ng mga ito ay nagtanong sila kung totoo na bang kami. Na kung mahal na ba namin ang isa't isa. Caden did say. He confess to them. I did. I say I did love him. Pero dahil ayokong mapahiya si Caden sa kanila. Ayoko siyang masaktan at maiwan sa ere though hindi naman sa hindi ko gusto ang sabihing mahal ko siya. Masaya ako kapag sinasabi ko iyon pero may kulang parin. Hindi ko alam.

"Bumisita ka ba kay Troy?." Nakasalubong ko palabas ng hospital si Daniel. Narinig kong nandito sila ni Cassey sa hospital para magpa-check up.

Matapos itong matanguan ay nilagpasan ko na siya. Hindi naman sa umiiws ako sa kaniya. Gusto ko lang na maging pormal kami sa isa't isa. Tinitigan ko ang suot kong singsing. Nahanap ko rin ang wedding ring naming dalawa. Mabuti at hindi ko nawala.

Sumaglit ako sa bahay para sana bisitahin sina mommy at daddy pero nasa emergency meeting raw ang mga ito sa kompanya. Nagpasya na lang ako na dumaan sa kompaniya para na rin makita ang kalagayan nito ngayon.

Nasa lobby ako ng kompaniya ng makasalubong ko ang pamilyar na mukha. Hindi niya agad ako natatandaan dahil kunot na kunot ang kaniyang noo habang pinagmamasdan ako.

"You're Caden's wife , right?."

"I'm glad you remember."

Peke itong ngumiti sa akin. "Kumusta na kayo?."

"We're fine."

"You know.." humakbang ito palapit sa akin. "I have secrets I could share with you."

"Pwede ba? Wala akong panahon para makinig sa mga walang kwenta mong sekreto."

Lalakad na sana ako ng hawakan niya ang braso ko.

"May anak kami ni Caden."

Natutop ako sa aking kinatatayuan sa kaniyang sinabi.

"What did you say?."

"We have a son." ulit niya. Hindi ko magawang ibuka ang mga bibig ko.

Tumawa ito. "Joke lang. Caden is infertile. You don't have to worry having your husband make sex with other women. I'm sure hindi sila mabubuntis."

What the!

"It's nice seeing you Mrs. Escariaga."

Nanatili akong nakatulala habang bumabalik ang sinabi niya sa isip ko.

Caden is infertile? Does she mean , hindi niya kayang makabuntis? Pero paano niya nalaman? May nangyari na ba sa kanila dati? Maybe. I've heard she drugged him not once but twice.

Bumabagabag iyon sa isip ko kaya halos wala ako sa sarili ko habang kasama sina mommy at daddy ng tanghalian.

"How's Troy?."

"Scarlette?."

"Scarlette!."

"Huh?." maang akong napatingin sa kanila.

"Ayos ka lang? Kanina ka pa tulala?."

"I'm okay dad." paniniguro ko sa kanila. Parang hindi naman naniniwala si mommy sa sinasabi ko.

"I'm really fine."

"Sabi mo e." sabay na ani nilang dalawa.

"I know you're not fine." Mom approach me after our lunch.

Masyadong busy si dad sa kompaniya na halos bawat minuto ay kailangan ito roon kaya madalang na rin kaming nagkakausap ng masinsinan. Mula nang mawala ako sa kompaniya ay bumalik sa kanila ang reponsibilidad sa pagpapatakbo nito.

"What's the problem? Nag-away ba kayo ni Caden? Akala ko ba ay ayos na kayo? What's the matter now?."

Bumuntunghininga ako.

"Nothing mom. We're fine."

"Are you sure?." pilit akong tumango.

Agad akong bumalik sa probinsiya. Gusto kong tanungin mismo si Caden para hindi na ako maguguluhan pa.

Hapon na ng dumating ako. Dumeretso ako sa opisina nito at nadatnan siya roong abala sa mga iilang papeles.

"Hey.." agad siyang tumayo ng makita akong pumasok. "Ang bilis mo atang bumalik." aniya. Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo.

"How's Troy?."

"He's fine." sagot ko habang nanatili ang tingin sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo nang mapansin ang paninitig ko.

"Why?." I continued staring at him. Trying to figure out something.

"What's wrong?."

"A-Ahm.."

"May problema ba?."

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba o hindi. Pero baka dapat dahil baka gumagawa na naman ng kwento ang babaeng yun.

"Is there something you want ask?."

Lumunok ako. "Apparently , yes."

"What is it?."

He placed his hand back at my back and pulled me close to him. Mas lalo akong nagdalawang isip.

"What is it?."

Halos dumugo na ang labi ko sa kakagat.

"Stop biting your lips. What is it?."

I breath deeply. "Nagkita kami ni Maxine kanina."

"That bitch. What did she do to you?."

"Wala naman. May sinabi siya tungkol sayo."

"What did she say?."

I count one to three in my mind before saying it. "She said you are infertile." His face fell blank.

"Are you?." Hindi siya agad nagsalita. At parang sa sandali pa lang na iyon ay alam ko na ang sagot.

"Yes. I'm infertile." Buo ang naging sagot niya. Hindi man lang niya ikinaila.

Napalayo ako sa kaniya. The sudden revelation made me do it.

"Avery?." Napatigil siya ng umatras ako.

"N-nabigla lang ako.."

Tumango tango siya.

"Naiintindihan kita."

Wala akong makitang emosyon sa kaniyang mukha. Just coldness in eternal void.

"M-mauuna na ako. M-magkita na lang tayo sa bahay."

Bumalik siya sa kaniyang mesa. I took one glance at him before leaving out.

"Nakabalik ka na pala." Tipid ko lang tinanguan si Zarah na nakasalubong ko pagpasok sa bahay. Dumeretso ako sa sarili kong kwarto. Mula ng may mangyari sa amin ni Caden at makabalik rito , we shared the same room. Pero ngayon , gusto ko na muna ng space sa ngayon.

"Avery? Dinners ready." katok ni Zarah sa kwarto ko. Sumunod din ako pagbaba.

Sina Zach at Zarah kasama si Mang Rene ang nasa mesa. Wala si Caden.

"Where is Caden?."

Sandali silang nagkatinginan bago nagsalita si Zach.

"He said he'll be late. May tatapusin daw siyang importante."

"Bakit hindi na lang niya tapusin rito sa bahay?."

Nagkatinginan ulit ang mga ito and ended up shrugging. Kaming apat lang ang nagsalo sa hapunan. Hanggang matapos ito ay hindi parin dumadating si Caden.

I stayed at the pool for half an hour waiting for him but he didn't came. Inaantok na rin ako kaya bumalik na ako sa loob. Baka marami siyang kailangang tapusin.

Kalagitnaan ng gabi ng magising ako. Malakas ang ulan at hangin. Nagliwanag ang labas sa lakas ng kidlat maging ng kulog. Sobrang sama ng panahon. May bagyo ata.

Bumangon ako para ayusin ang kurtina ng binta at pumapasok lalo ang lamig. Napatigil naman ako ng may kumatok sa pinto. Nang buksan ko iyon ay si Mang Rene ang naroon.

"Manong?."

"Nakauwi na si Caden. Kaso , nabasa ng ulan at mukhang masama ang kalagayan."

"Where is he?." nag-aalala kong tanong.

"Nasa kwarto."

Mabilis akong lumabas at pumanhik sa katabing kwarto. Kakatapos lang ni Zarah na lagyan ito ng towel sa noo.

"Ayos lang ba siya?."

"Mataas ang lagnat pero baka huhupa na rin yan mamaya."

Tinanguan ko ang mga ito. "Ako ng bahala sa kaniya. You can rest."

Nang makalabas sila ay hinipo ko ang noo nito. Nakakapaso ang kaniyang init. Nanginginig rin ito marahil dahil sa lamig. Inayos ko ang kaniyang kumot at pinunasan ang kaniyang mukha ng maligamgam na tubig.

Ilang oras ang lumipas bago mawala ang panginginig nito at pumayapa ang pagtulog. Bahagyang bumaba ang kaniyang lagnat.

Dumapo ang tingin ko sa kaniyang daliri. Wala siyang suot na singsing. Nakita ko pang suot niya iyon kanina.

*"Yes. I'm infertile. "*

Bumalik sa akin ang naging sagot niya sa tanong. As I stare at him , my mind is clouded with stir.

Kung magkatuluyan kami , kaya ko bang makasama siya sa kabila ng kondisyon niya. I mean , hindi ba at isa sa mga pangarap ng mga mag-asawa ang magka-anak? Anong mangyayari sa amin kung sakaling hindi niya iyon kayang ibigay sa akin.

Of course. I want a child. Kaya nga hindi ako nagdalawang isip na hayaan na may mangyari sa akin dahil sa ideyang magkaka-anak kaming dalawa. But now , that would be impossible. Hindi ba magiging problema iyon sa amin. May ibang mga mag-asawa na nag-aaway , naghahanap ng iba o nagkakahiwalay dahil sa hindi nila kayang bigyan ang sarili nila ng anak. Having a child would complete the whole marriage life. But what happen if we can't have it. Bagay ba kaming dalawa?

Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman sa kaniya at heto na naman ang isang problema.

"A-Avery?." Napatingin ako sa kaniya. Bahagyang nakabukas ang kaniyang mga mata. Ini-abot niya ang kamay ko at muling pumikit.

Would all of this going to be worth it?

I deeply sigh. Inalis ko ang kaniyang kamay at inayos ang kumot sa kaniya bago lumabas.

Wala akong matinong tulog sa kakaisip ng mga bagay. Naguguluhan na naman ako. Kung dati ay pumapayapa ang isip ko ng dahil sa kaniya ngayon naman ay gulong gulo ako.

Kinabukasan ay maayos na ito. Magkasabay kaming nag-agahan. He seem fine. Malakas na ito. Pero hindi ko kayang tumingin sa kaniya.

"Ayos ka lang? Hindi ka ata kumakain." ani Zach sa akin. Napatingin ang tatlo sa akin.

"Are you okay?."

Caden held my hand. I forced a nod.

Pagkatapos ng agahan ay sinama ako ni Caden sa farm. Naiwala niya ang singsing nito kahapon kaya magpapatulong siya sa paghahanap. Tahimik ako at hindi ko alam kung hindi ba niya iyon napapansin. Hindi ko rin siya kinakausap o sinasagot kapag may mga tanong ito pero hindi rin siya nagtatanong kung bakit ganito ako.

Abala siya sa paghahanap ng singsing habang nakatitig lang ako sa kaniya. Iniisip ang maaring mangyari sa amin sa hinaharap.

"Caden?."

"Found it!." nakangiti niyang ipinakita sa akin ang singsing na nahanap niya sa ilalim ng mesa. Muli niya iyong isinuot.

"I almost lost it." aniya at yinayakap saka huminga ng maluwag.

"Caden?."

"Hmm." Nanatili siyang nakayakap sa akin.

"I-I think this is wrong-No. There's nothing wrong. I-I just can't imagine myself with you. Mas lalo akong naguguluhan. H-hindi ko alam kung ano-Ewan! Naguguluhan talaga ako. Hindi ko kaya to." mariin akong napalunok.

Wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya. Nanatili lang itong nakayakap sa akin.

"C-Caden?." pumikit ako upang pigilan ang nagbabadyang luha.

"I'm sorry. Pero parang hindi ko kaya ang ganito. Sobrang gulo. Sorry."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

"Y-You don't have..." He gulp Naging malikot ang kaniyang mga mata. Iniiwasan na magpang-abot nang sa akin.

"You don't have to say sorry." tila hirap na hirap niyang saad.

Ilang beses niyang sinuklay ang buhok at pabaling baling. Hindi mapakali.

"Yeah." Pilit niyang sinalubong ang mga titig ko. "Things happen."

"I'm sorry."

"It's okay. Wala kang kasalanan. Ayos lang. Naiintindihan kita."

He's good at hiding and lying but I can tell how hurt he is. Ayokong masaktan siya pero ayoko ng ganitong buhay. Parang walang matinong kinabukasan. Malabo. Magulo. I don't want to reject him.

Nagpunta siya sa kaniyang mesa at may hinalughog. Mahina siyang nagmura ng hindi iyon mahanap.

"H-hindi k-ko a-alam.." He stutter. Pumikit siya at tumalikod sa akin.

"Hindi ko alam kung saan inilagay ni Zach ang annulment papers. Hahanapin ko na muna." hirap na hirap ang kaniyang boses. Ramdam ko ang sakit roon. Maging ang puso ko ay pinipiga ng sakit.

"It's not in here. Baka nasa bahay. Kukunin ko lang." mabilis niyang binitawan ang mga salitang iyon. Iwas na iwas ang kaniyang mga mata sa akin pero hindi nakatakas sa akin ang panunubig ng kaniyang mga mata.

"Wait here." Lumabas ito. Baka babalik sa bahay.

Mula sa mga nagkalat na papeles ay umagaw ng atensyon ko ang isang papeles na naroon. It was some sort of surgery to help infertile men to at least have a chance to have a child. Makapal ang papeles na iyon at hindi ko na binasa lahat. Nakatutok lang ako sa pangalan sa huling pahina.

* Patients Name : Caden Nathaniel Escariaga *

He's been undertaking a therapy for months now. Kusang ibinaba ng mga kamay ko ang mga papeles na iyon.

Lumipat ang tingin ko sa picture frame na naroon. It was our wedding photo. He displayed a large one at his room. The edit was really good that you can't hardly tell that it wasn't so true.

"I have it." napakurap ako ng magsalita si Caden. I don't know how long I've been staring at the photo.

Nang tingnan ko siya ay nakasuot ito ng cap dahilan para matabunan ang kaniyang mga mata.

"Zarah insist. Umaambon sa labas baka bumalik raw ang lagnat ko." aniya at lumapit sa akin but not too close.

Nang makalapit siya sa kaniyang mesa ay pasimple niyang kinuha ang papeles tungkol sa kaniyang therapy at itinago sa drawer. For what , Caden? Para hindi ko makita?

"Ito iyong huling mga papeles. Okay na siguro to. Matatagalan lang kung gagawa pa tayo ng bago." Inilahad niya ito sa akin. Tinanggap ko ito at kinuha ang mga papeles. May pirma na iyon mula sa kaniya.

"Pahiram ng ballpen." Ngumiti siya at tumango nang abutin ko ang ballpen sa kaniyang mesa.

Pinirmahan ko lahat iyon at alam kong bawat galaw ng mga kamay ko ay nakatingin siya. I saw how his Adams apple move as he swallowed hard.

"Done."

"Ipapalakad ko kay Attorney. Magpapadala rin ako ng copy sayo." aniya at ibinalik ang mga papeles sa loob ng envelope.

"I'm sorry Caden."

"Don't be sorry."

Tinanggal ko ang singsing sa aking daliri at inilapag sa kama. Maging ang kwintas na ibinigay niya sa akin ay tinanggal ko rin.

"I didn't intend to hurt you." I bit my lip.

"It wasn't your fault. I took the risk."

Nagbutunghininga siya.

"I'm sorry."

"A-Ayos lang." Unti-unting nababasag ang kaniyang boses.

"N-naisip ko na naman to. I-I had it coming. A-ano lang..." napakamot siya ng batok. Pinipiga sa sakit ang puso ko habang nakikita siyang ganito.

"Hindi ko aakalaing ngayong araw pala yun. Sobrang malas naman. Hindi pa pwede bukas na lang?." tumawa ito. "Joke lang."

Sa kabila ng tawa niya ay naroon parin ang sakit.

"I'm sorry."

Tinalikuran ko na ito at mabilis na naglakad palabas. Hindi ko kayang makitang ganoon siya. But why am I letting him feel that way? I'm just confused. So confused right now. I need time to think and space to realize things.

Bago pa ako tuluyang makalayo sa lugar ay narinig ko ang pagkanta niya ng isang pamilyar na kanta. Mula sa maliit na giwang ng pinto ay nasulyapan ko siyang muli. Nakaupo sa kaniyang mesa at nakatalikod sa may gawi kung nasaan ako. He shoulders are down.

You came along , unexpectedly

I was doing fine in my little world

Oh baby , please don't get me wrong

'Cause I'm not complaining

But you see , you got my mind spinning

Why can't it be?

Why can't it be the two of us?

Why can't we be lovers?

Only friends

You came along

At the wrong place , at the wrong time

Or was it me?

Baby , I dream of you every minute

You're in my dreams

You're always in it

That's the only place I know

Where you could be mine

And I'm yours only till I wake up.

Lumalabo ang mata ko sa nagbabadyang luha.

"Avery!." mabilis akong nagpunas ng dumating si Zarah.

"Si Caden?."

"Nasa loob."

"Ayos ka lang ba? Parang iiyak ka ah."

Umiling ako at pinahid ang mata ko.

"Wala. Mahangin kasi , napuwing ako."

Tumango-tango siya kahit parang hindi naman naniniwala sa akin.

"Mabuti naman. Akala ko may nangyari e. Anyway , ikaw nang magdala nito."

I stared at the box he laid before me.

"A-Ano to?." taka kung tanong sa kaniya.

"Cake." nakangiti niyang sagot.

"Today is Caden's birthday and the most special one."

Today is his birthday?

"He was busy planning for it this past few days. Secretly. Ayaw niyang malaman mo dahil kahit birthday niya ikaw daw ang isu-sorpresa niya. He invited almost all the barangay. I think he'll made an official announcement about the two of you-Oh shit! Hindi ko dapat sinabi."

Tuluyang lumabo ang mga mata ko dahil sa sunod sunod na patak ng luha na bumuhos mula roon.