webnovel

Chapter 26

Chapter 26 : Impossible

Napakurap ako ng may pumalakpak sa harapan ko. Kunot noong nakatingin sa akin si Troy.

"Wala ka na ba talagang ibang gawin kung hindi ang magtulala diyan."

Nasa bar niya ako ngayon. Dalawang linggo na mula ng bumalik ako rito sa Manila. Dalawang linggo na rin na wala akong ibang ginawa kung hindi ang magmukmok at tulala.

Hindi pa ito ulit ito nabubuksan mula nang may mangyaring barilan. It's quite traumatic to be here pero wala ako maisip na ibang lugar para mapag-isa.

"Tumawag si Tito. Hinahanap ka."

"Anong sinabi mo?."

"Nandito ka. Nagdadrama." Nagbutunghininga ako.

"Bakit ka pa nakipag-annul kung magdadrama ka naman pala?."

I'm just guilty. Hindi ko naman alam na sa araw na sinaktan ko siya ay kaarawan niya rin.

"Are you guilty now?."

Hindi siya masagot pero tama siya. Nagu-guilty na ako. The moment I know it was his birthday. Gusto ko ng bawiin ang sinabi ko. Pinigilan lang ako ni Zach. Ang sabi niya ay mas makabubuting ituloy ko na ang nasimulan ko dahil mas masasaktan lang si Caden. But he's still hurting and I don't want to see him that way.

"Ba't hindi ka na lang bumalik sa kaniya?."

"Anong sabi mo?."

"Bumalik ka sa kaniya."

"Are you out of your mind?."

Wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya matapos ang lahat ng sakit na ibinigay ko sa kaniya. Hindi ko siya kayang harapin. Sa tingin ko mas masasaktan lang siya.

"Hindi ka ba nasasaktan?."

Natahimik ako. Kung alam lang nila ang sakit na naramdaman ko ngayon. Hindi man ako umiiyak , pero unti unting namamatay ang puso at isipan ko dahil sa guilty.

"Nasasaktan ka hindi ba?."

"Who cares if I'm hurting."

"Alam mo Scarlette. May saltik ka!." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Why  did you ask an annulment when you love him in the first place?."

"I didn't know."

"You don't have to. You just have to felt it. Naramdaman mo. Pinaglaban mo sana." Pangaral niya.

"Who cares of he's infertile? You could just jave adopt a child. Kaya ka ba sumuko sa kaniya dahil hindi ka niya kayang bigyan ng anak?."

"No." mabilis akong umiling. "Naguguluhan lang talaga ako ng mga oras na iyon. I think I needed space and time."

"Then I think the space and time you needed is enough. Bumalik ka na sa kaniya."

Muli akong umiling. "I can't."

"At bakit?."

"Natatakot ako."

Ilang linggo pa lang mula ng hindi kami nagkita pero pakiramdam ko ay sobrang tagal na. I miss him bad but I can't do anything to ease that longing.

"Kung mananatili kang takot. Walang mangyayaring maganda."

"I should just move on."

Sigurado akong galit sa akin si Caden. Ayaw man niyang ipakita o iparamdam but I know that he hates me. Sinaktan ko siya and I've been in his place before. Like what I feel toward Daniel. Siguro ay kinakamuhian na niya ako ngayon.

"Bahala ka. Pinagsabihan na kita."

Lumipas ang mga kasunod na linggo. Nagbakasyon akong mag-isa sa Hawaii. It wasn't a coincidence that I went back there. Sinadya ko talaga. Gusto kong maalala ang mga naganap doon. Kasi kahit na anong gawin kung pagpapanggap na ayos ako hindi parin. Hinahanap parin ng puso ko si Caden. Walang palya bawat oras , bawat araw.

At ayaw ko siyang kalimutan. I've told Troy and everyone that I'll move on like what I did to Daniel. Palagi kung dahilan na nagawa kong makapag-move on mula kay Daniel , kay Caden pa kaya. Pero hindi. Ibang iba ngayon.

Wala akong takas. Tila nakakulong na sa mga alalala naming dalawa. Ngayong wala na siya sa akin ay doon naman naging malinaw sa akin na ang nararamdaman ko para sa kaniya. I'm in love with him and I don't care what inability he has. Kaya ko siyang tanggapin at manatili sa tabi niya. But I already let him go. Binitawan ko na siya.

"Scarlette?." mula sa aking laptop ay lumipat ang tingin ko kay Cassey.

Since , bumalik na ako sa bahay. Araw araw na kaming nagkikita dahil dito parin siya hanggang ngayon. Wala naman atang balak si Daniel na bumukod silang dalawa o magpakasal lalo pa at manganganak na ito dalawang buwan mula ngayon.

"Bakit?." tipid kong sagot dito at bumalik sa ginagawa.

"You've been working the whole day. Pinasabi ni dad na magpahinga ka na muna ngayon."

"I just came back from my vacation. I had enough of rest. Magtatrabaho na ako. Masyadong maraming gawain sa kompaniya. Dad can't handle it all."

"Nag-aalala ka sa kanila. Dapat alalahanin mo rin ang sarili."

"Ayos naman ako ah." Tiningnan ko ang sarili ko. "Hindi naman ako pumayat o pumangit." pabiro kung saad.

"Pero mas hagard ka pa sakin."

"Baka kasi naman nakaka-glow up ang pagbubuntis." Saglit itong natahimik.

"Sorry—

Itinaas ko agad ang kamay ko para patigilin ito sa pagsasalita.

"I'm done with that word. Let's just move on , shall we?."

Wala na namang magagawa kung babalikan natin ang nakaraan dahil kahit anong gawin natin hindi na mababago ang nangyari. At kung hahayaan ko ang sarili ko na makulong sa nakaraan na iyon , sa huli ako ang talunan at kawawa. And besides , I've move on from Daniel.

Akala ko noon sobrang hirap. Noong una , oo. Pero mula ng dumating si Caden sa buhay ko , hindi man naging madali ang lahat , nalampasan ko rin nang dahil sa kaniya. At ngayon , siya na naman ang hindi ko kayang mag-move on.

"Have you talk to Caden?."

"There's nothing to talk about."

"The Science and Tech Expo is coming. Both of the two companies will be the fundraisers of the project. Magkikita kayo ni Caden roon."

"Hindi ako pupunta."

Tinapos ko ang dokumentong ginagawa at itinaas ang paa sa mesa at pumikit.

"This is funny." I smiled bitterly.

I was broken hearted when I met him. He fixed my broken heart and I leave him broken hearted. Maybe , he didn't really deserve someone like me. He deserve someone else. Someone that could love him no matter how imperfect he is. I can but sadly I was too late to realize.

At ayaw ko ng subuking ayusin ang anumang nasa sa amin dati. It's not for my own sake but for him. Alam kong nasaktan ko siya ng sobra. Ayoko ko ng dagdagan pa. Hindi niya deserve ang masaktan ng ganito. At siguro hinding hindi na niya ako tatanggapin kapag sinubukan kong bumalik. Pinakawalan lang din naman niya ako.

Tumayo ako at niligpit ang mga gamit ko

"I have to go."

"Saan ka na naman pupunta?." Sumunod sa akin si Cassey paglabas.

"Kung saan dadalhin ng mga paa ko."

"Scarlette!." Hindi natuloy ang pagbukas ko ng pinto ng kotse.

"Just stay home. Baka kung anong mangyari sayo." Pag-aalala niya.

"Matanda na ako. Kaya ko na ang sarili ko."

Kaya ko na nang ako lang mag-isa.

"Scarlette!."

Hindi ko na ito pinakinggan at pumasok na sa loob. I have no certain plan where to head now. Maybe just drive until to the end of the road.

Ilang minuto na akong nagda-drive nang makatanggap ako ng tawag mula kay Troy.

I put him in speaker and continued driving.

"Where are you?." tanong niya agad.

"In my car." simple kong sagot.

"What are you doing?."

"Driving , perhaps?."

"Where to?."

"I don't know. Maybe to the north?."

The other line went silent. Sinilip ko saglit ang phone at on-going parin ang kaniyang tawag.

"We're worried Scar. Umuwi ka na."

"Magpapahangin lang ako. OA niyo."

"Magpapahingin?! Anong klaseng hangin ang nandiyan at kailangan mo pang umalis para magpahangin?!." galit niyang saad.

"Chill. Ba't ba ang tense mo? Hindi ako magpapakamatay kung yan ang iniisip mo. I just need to go somewhere I can breath."

"Look. We can talk about your problem."

"Wala akong problema Troy. Ayos na ako."

"You're not."

"I am."

"You're fvcking not!." giit niya.

"I'm really fine." sabi ko at pinatay ang tawag. I am.

Natagpuan ko ang sarili ko sa airport. Ilang minuto akong nakatayo roon habang nag-iisip kung saan ako pupunta ngayon. Wala akong dalang mga gamit maliban na lang sa mga travel documents at pera ko na palaging naiiwan sa sasakyan.

I decided to head to Batanes. Mabuti at may nahabol akong flight paroon. Hindi ako nakapag-book ng hotel kung saan ako tutuloy kaya pagkalapag ng eroplano ay sumakit pa ang ulo sa kakahanap ng matutuluyan.

May nahanap akong matutuluyan roon. It's not exactly a hotel but more like a house for rent. May kalakihan at malapit lang sa mga pasyalan sa isla. It's mostly made of wood and glass. The air is fresh and cold. Remind me of memories worth remembering.

It's all an unplanned vacation kaya hindi ako nakadala ng kahit na anumang gamit. I had to shop clothes and other things I needed.

I was in a nearby cafe when I receive another call from Troy. May signal pala rito.

"Kung magtatanong ka kung nasaan ako. I'm at—

"I know where you are."

Bahagyang tumaas ang kilay ko.

"Oh. Ba't ka tumawag?."

"Wala. Miss lang kita."

I fall silent for a second before laughing out loud. Napatingin pa sa akin ang ibang nandito sa cafe.

"Are you nuts?." Halos hindi akoa makainom ng kape ko dahil natatawa parin ako sa sinabi niya.

"Miss na nga kita." seryoso ang kaniyang boses.

"Anong nakain mo?."

"Alam mo Scarlette. Matagal ko ng gustong sabihin to sayo."

Bigla akong kinabahan. Ano na naman kaya ang pakulo nito?

"Nasaan ka ba? May nangyari ba sayo? Ang weird mo na naman."

Tahimik ang kabilang linya. Wala siguro siya sa bar  o baka mag-isa lang.

"Scarlette , gusto kita." Sandali akong natahimik at kalaunan ay humagalpak ng tawa.

Wala na akong pakialam kung nagiging center of interest ako.

"Troy. Nagpapatawa ka ba."

"Of course not. I know you don't like me at all. Beacuse it was Caden right?."

Tuluyan akong natahimik.

"Why do you have to bring him up?."

"Tell me that you love him."

"Troy. Pinag-usapan na natin to diba? You promised not to bring that up. Akala ko ba tutulungan mo ako?."

"Tinutulungan nga kita e."

"Oh gosh. You're not helping." I grab my coffee and headed outside.

"Just say that you love him and all."

I swallowed the lump in my throat.

"Troy."

"Just say it and we're done."

"You know I do but I can't do anything about it now but just move on. Okay?."

There is no way I'm going back to him. Gusto ko syempre pero wala akong karapatan na gawin iyon. Wala na ngayon.

Pinatay ko ang tawag at mabilis na bumalik sa inuupahan ko. Agad akong naghilamos dahil sa nagbabadyang luha sa mga mata ko. Troy naman e. Sa halip na ma-enjoy ko ang gabi , ngayon ay hindi na.

My eyes are sore the next day. I promised not to cry only to find myself drowning in tears. Kahit na anong hilamos ko ay halatang halata parin na umiiyak ako. Sasapakin ko talaga si Troy pagbalik ko. He always ruin my day.

I tried to make my day more enjoyable , spending my time in beaches , hiking on mountains ,  island hoping and visiting lighthouses. I kept my phone off para lang hindi ako makatanggap ng tawag mula kanino para lang asarin ako.

"Hey there."

I was busy admiring the beauty of the islands rock formation when someone approach me. She's wearing his two piece bikini.

Maxine.

Papalapit pa lang siya ay ramdam ko na ang bad vibes niyang dala.

"Mag-isa ka lang?."

I tried to walk away but as what she's used to do , she pulled my arm.

"Pwede ba? I had no business with you and neither do you. So , can we just let ourselves rest from fighting."

"Sino bang nagsabi sayo na makikipag-away ako?."

I rolled my eye. "You're a war freak."

She smiled bitterly. "That's what everyone think. I'm not surprise at all."

Huminga ako ng malalim. "Maxine." Nagkagat ako ng labi. Kung sasabihin ko sa kaniya ang totoo , titigila na niya siguro ako diba. I don't want any fight anymore lalo na kapag may kinalaman kay  Caden.

"Caden and I—

"I know." putol niya sa akin. Nagulat ako roon.

"Wait , what?."

"I know that the two of you did breakup."

"We got annulled." There's the difference in that.

Tumango lang ito.

"I don't want to talk to you , actually. Maghanap ka na lang ng ibang makakausap."

Maglalakad na sana ako ng bigla naman akong nakaramdam ng hilo. Akala ko ay mawawala din agad iyon pero lumala lang ata. Umiikot ang paligid at hindi ko na maramdaman ang sarili ko.

"You okay?." Maxine's last word was what I heard before going unconscious.

Masakit ang braso ko nang magising ako. Napadaing pa ako ng mas sumakit pa iyon.

"Tumama sa bato ang braso mo nang mawalan ka ng malay. You got bruised. Lucky it wasn't your head."

Nang tingnan ko ang aking braso , kitang kita ang pasa.

Nakaupo sa gilid ng kama si Maxine habang naka-de quatro.

"Nasaan ako?."

"Clinic." sagot niya agad.

"Do you know?." muli akong napatingin sa kaniya.

"What?."

"You're pregnant."

Inirapan ko siya at bumaba mula sa kama.

"Don't joke on me. I'm not buying it."

"Hindi ako nagsisinunggaling." Napahinto ako sa akmang paglabas ng clinic.

"You can ask the doctor who check up on you."

Tinitigan ito. Seryoso ang kaniyang mukha pero hindi ko alam kong dapat ko ba siyang paniwalaan o hindi.

"Pwede ba—

"Ask  the doctor then."

Bumaling ako sa doktor na kakapasok lang. Kahit hindi ko itanong mukhang alam niya ang itatanong ko.

"Yes. You're pregnant."

Pakiramdam ko ay muli akong nahilo sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ilang minuto akong tulala. Namalayan ko na lang ang sarili ko na mabilis na naglalakad palabas roon.

Imposibleng mangyari iyon.

"Bakit parang hindi ka makapaniwala?." tanong ni Maxine na sumunod sa akin.

"It can't be."

"Why not?." habol niya sa akin. Tumigil ako sa paglalakad ng makalapit ito sa akin. Nanatili akong tulala habang nakatitig sa kawalan at nag-iisip.

"Bakit? Are you still virgin?." rinig kong tanong niya.

"O baka—

"Caden is infertile. Imposibleng mabubuntis ako."

Her mouth formed an O.

"Baka naman hindi siya ang ama." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Wag mo akong igaya sayo. I don't flirt with other men while I have my man."

"Ang sama mo sakin. I'm good naman ah."

"You're not helping." Nilampasan ko ito at bumalik sa inuupahan ko.

"Hey! I have private plane. Kung gusto mong umuwi , isasabay kita." habol niya ulit sakin.

"Thanks but I can handle my own."

"Tumutulong lang ako. Baka mahirapan ka lang."

"I'm not pregnant!." Napatigil ito. "I'm not." ulit ko.

"And you're not going to tell anyone about this." tulala lang ito ng iwan ko.

"I'm not pregnant." paulit-ulit na paniwala ko sa sarili ko.

It was impossible. Si Caden lang ang binigyan ko ng sarili ko kaya hindi maaring mabuntis ako. Nagkakamali lang sila. Maybe , I should head home now.

I take the latest flight back to Manila. Magga-gabi na ng lumipad kami kaya inabot ako ng gabi bago kami makalapag sa NAIA. Sa pagmamadali kong umuwi at halos banggain ko na lahat ng tao sa airport.

Nasa labas na ako ng airport ng maisip na naman ang sinabi ng doktor. Ang hirap paniwalaan pero may parte sa aking nagtutulak na maniwala. Nag-aaway ang puso at utak ko kaya sa huli , dinaanan ko ang iniwan kong kotse at dumaan muna sa pharmacy at bumili ng PT kit.

I was in a public restroom. Kanina pa tapos ang dapat kung gawin pero nagdadalawang isip ako kung titingnan ko maniwalang hindi ako buntis. Though , the thought of having a child inside my belly slowly consumed me. Isn't it such a miracle if it is?

*"Ask for a sign. A miracle perhaps. Kapag may himalang nangyari. Mahal mo siya. Kayo talaga ang para sa isa't isa. "*

I suddenly remember what Troy said. Is this could be the sign. The miracle.

Matapos ang ilang minutong pagtatalo sa loob ko. Hinayaan kong malaman ang totoo. Hinanda ko ang sarili ko para tingnan ito.

Two red lines.

Ito ang bumungad sa akin. Two red lines sa lahat ng tatlong PT na binili ko. And that mean just one thing.

"I'm pregnant?."

I covered my mouth to stop myself from shouting in joy.

"Oh my ghad!."tiningnan ko ulit iyon at baka nagkamali ako ng nakita pero hindi. "I'm really pregnant."

Walang tigil ang luhang tumulo mula sa mga mata ko. This sound so crazy but I'm pregnant and that's all what matters now.

"Hi  , baby.." Naiiyak kong hinaplos ang tiyan ko , hindi parib makapaniwala.

Pinahid ko ang mga luha. Hindi dapat ako umiiyak. Nakakasama iyon sa isang buntis.

"Right , baby?." Para akong baliw na kinakausap ito. I'm am excited.

Habang pauwi ay umiiyak parin ako. Too overjoyed of the good news. I tried not to cry anymore. Maliban sa nakakasama ito baka ma-aksidente pa ako nang wala sa oras. Pero , nakakaiyak talaga. Anong magagawa ko?

"Mom?."

Si mommy agad ang hinanap ko ng makarating pero tahimik ang buong bahay at mukhang walang tao.

"Dad?! Cassey?!." Wala ni isa sa kanila ang sumagot.

I  tried calling their cell but they never pick up. Muli akong lumabas at pumunta sa bar ni Troy. Nadatnan ko itong nag-aayos ng mga mesa at upuan. Bumabalik na ang dating lakas nito mula ng makalabas ng hospital. Halos magtatlong buwan na rin iyon.

Abala ito sa pagsasa-ayos kaya hindi agad napansin ang pagpasok ko. Walang suot na t-shirt at gulong gulo ang buhok.  Suprisingly , walang tao kahit weekend ngayon.

"Troy?." Tinapik ko ito at napatalon siya sa gulat.

"What the Hades?!." nagmura ito at napahawak sa kaniyang dibdib. "S-Scar?."

Gulat na gulat ito ng makita ako. Halos mamutla pa siya.

"What? Ba't parang gulat na gulat ka na nandito ako?."

"A-Ano. A-akala ko nasa Batanes ka pa. Kailan ka umuwi?." nauutal niyang saad.

"Kanina. Bakit? May problema ba?."

"Ha? W-wala.."

Kinunutan ko siya ng noo.

"Stop lying. Kanina ka pa nga nauutal diyan. Tingan mo pa yang mukha mo. Para kang nakakita ng multo. Inakala mo bang patay na ako?."

Damn this man!

"J-just—

"Troy."

Sabay kaming napalingon nang may tumawag sa kaniya. Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig at hindi makagalaw nang makita ang mukha ng tumawag rito.

"Caden?."

Natigilan rin ito ng makita ako. My eyes landed at his body. Wala rin itong suot na t-shirt , pawisan at inaayos pa ang kaniyang sinturon.

Lumipat ang tingin ko kay Troy na halos ganoon din ang hitsura.

"Oh my ghad!."

This is imposible!

Nagtakip ako ng bibig at mabilis na naglakad palabas at doon sumuka.