webnovel

UNBROKEN VOW (JOURNEY TO FOREVER SEQUEL)

Bata pa si Sara nang una itong masilayan ni Benjamin. Pero sa kabila niyon ay nagkaroon na ito ng espesyal na parte sa kanyang puso. At masasabi niyang puso niya mismo ang nag-alaga ng bahaging iyon kaya hindi niya iyon nagawang ibigay sa iba. Pero hindi madali ang lahat, dahil minsan kahit hawak mo na ang mundo kailangan mo parin itong bitiwan, hindi sa kung anumang kadahilanan kundi dahil pinili iyon ng tadhana. Ang isang tunay at wagas na pagmamahal ay walang pinipiling panahon o edad, minsan kailangan lang maghintay. Pero anong katiyakan ni Benjamin na hindi mahuhulog sa iba at babalik sa kanya ang dalaga kung ang tanging pinanghahawakan niya ay isang pangakong kung tutuusin ay posible rin namang masira?

JessicaAdamsPhr · Urban
Zu wenig Bewertungen
29 Chs

PART 27

KUNG ilang beses siyang huminga ng malalim para kalmahin ang mabilis na kabog ng kanyang dibdib ay hindi masabi ni Kelly. Ayaw man niyang aminin pero malaki ang naging impact sa kanya ng pagkikita nila ni Sara. Napapikit siya saka ipinagpatuloy ang marahang pagmamaneho.

Hindi iilang beses nang naikwento sa kanya ni Benjamin ang tungkol sa babaeng iyon. At isiping ito ang nag-iisang taong minahal ng binata at siyang dahilan kung bakit ayaw nito ng commitment ang nagbibigay ng alalahanin sa kanya ngayon. Alam niya ang lugar niya sa buhay ni Benjamin. Pero bakit ganito ang nararamdaman niya? Magkaibigan sila pero bakit nasasaktan siya?

ILANG araw ang nakalipas at tuluyan na ngang naisaayos ang tungkol sa pagbebenta ng mansyon at manggahan. Nakabalik narin si Roxanne kasama ang asawa nito pero dahil sa pagiging abala ng una ay bihira rin silang magkausap.

Nalungkot si Sara sa kaisipang kailangan na niyang bumalik ng Norway dahil tapos narin naman ang misyon niya doon. At sa ikalawang pagkakataon, mukhang kailangan na nilang maghiwalay na ni Benjamin. Pero sa pagkakataong iyon, ay permenente na.

Mula sa pagkakaupo sa tumba-tumba ay mapait na napangiti ang dalaga. Umalis si Benjamin matapos mananghalian at nagtungo sa manggahan. Inalok naman siya nito kung gusto niyang magpasama pero minabuti niyang magpaiwan nalang. Hindi niya mapigilan ang masaktan dahil sa kabila ng lahat ng nangyayari sa kanila ni Benjamin ay wala itong inamin sa kanya. At iyon ang nakapagpapasakit ng kalooban niya. Nasa ganoong ayos siya nang maabot ng tanaw niya ang pumaradang itim na kotse sa may gate ng mansyon. Nagsalubong ang mga kilay niya.

"Papa?" nasambit niya nang makilala ang naunang bumaba ng sasakyan. "M-Marcus?" at ang isa pang nanggaling naman sa may passenger seat. Biglang sumikdo ang matinding kaba sa kanyang dibdib.

"Bakit ka nandito? Anong ibig sabihin nito Papa?" ang ibinungad niya sa dalawang bagong dating matapos niyang patuluyin ang mga ito sa kabahayan.

"Nasaan ang mga katulong? Bakit ikaw ang nag-aasikaso sa amin?" ang sa halip ay isinagot sa kanyang ni Roberto.

Sinulyapan niya ang kanyang ama ng walang emosyon ang mukha. "Hindi na sa atin itong mansyon Papa, naibenta na ito pati narin ang buong manggahan" dry niyang sagot.

Nakita niyang rumehistro ang kagalakan sa mukha ni Roberto, gayun pa man ay iba parin ang namutawi sa mga labi nito. "Nandito si Marcus para makipag-ayos sayo anak" ang walang gatol nitong sabi.

"Hindi mangyayari iyon Papa, not ever!" may pinalidad niyang sagot.

Nagbuka ng bibig ang ama niya pero napigil ang iba pang gusto nitong sabihin nang parang isang tao silang naglingunan sa may malaking pinto kung saan nakatayo na ngayon ang bagong may-ari ng bahay at buong orchard.

"Hindi ba siya iyong apo ng katiwala ng Lolo mo dito sa mansyon noon?" may katayugan sa tinig na tanong ng kanyang ama.

Natawa ng mahina sa narinig si Sara. "Tama ka Papa, siya si Benjamin. Siya ang bumili nitong mansyon at buong manggahan" wala sa plano niya ang magtonong nagmamalaki pero ganoon parin ang kinalabasan.

Noon nagsimulang humakbang ang binata palapit sa kanyang ama at nakipagkamay. "Kumusta kayo sir Roberto?" anitong sinulyapan si Marcus pagkatapos.

"Mabuti naman hijo, ngayon lang tayo nagkaroon ng pagkakataong magkakilala ng personal" ang Papa niyang ngumiti pa kay Benjamin.

Lihim na natuwa doon si Sara, pero hindi nakaligtas sa dalaga ang biglaang pag-asim ng mukha ni Marcus habang nakatitig sa mukha ni Benjamin. Hindi nalang siya kumibo doon. "Baka may pag-uusapan kayo, sa kusina lang po ako" paalam ni Benjamin makalipas ang ilang sandali.

"Anong nangyayari Sara? Bakit nandito ka gayong nabili na pala ni Benjamin itong mansyon?" sita sa kanya ni Roberto sa mababang tinig.

Biglang kumabog ang dibdib ng dalaga sa tanong na iyon. "Ako nga ang dapat na nagtatanong sa inyo Papa. Bakit kasama ninyo ang lalaking ito?" aniyang sinulyapan ng matalim si Marcus na mabilis namang nagbaba ng tingin.

Noon nagbuka ng bibig si Marcus pero mabilis niyang pinutol ang lahat ng sasabihin nito. "Kung ano man ang plano mo alam mo na, tapos na tayo. At hindi na magiging maganda kung ipipilit natin ang hindi na pwede, dahil kung ako ang tatanungin mo, wala na akong planong makipagbalikan sa'yo" aniya sa matigas na tono.

"Sara!" awat sa kanya ng Papa niya.

"No Papa! Hindi ninyo ako mapipilit na makipagbalikan sa lalaking iyan. Sa maraming pagkakataon naging masunurin ako sa inyo, lahat ng gusto ninyo ginagawa ko. Pero hindi na ngayon, hindi kayo ang pipili sa taong makakasama ko habang buhay" ang mariin niyang paliwanag.

"Sige" si Marcus na nagbuntong hininga. "babalik nalang ako sa ibang araw, kapag malamig na ang ulo mo" saka ito tumayo na kasunod ang Papa niya.

Hindi siya umimik at saka inihatid palabas ang dalawang lalaki. Humalik pa muna siya sa Papa niya bago inihatid ng tanaw ang mga ito. Tamang kaaalis lang ng sasakyan nang lumabas naman sa terrace si Benjamin.

"Umalis na sila?" takang tanong ng binata.

Nang malingunan niya si Benjamin ay awtomatikong napangiti ang dalaga. "Si Marcus, ex ko."

Nakita niyang nagbago agad ang timpla ng mukha ni Benjamin. "Nakikipagbalikan?" malamig ang tono ng binata.

Nagkibit siya ng balikat. "Parang ganoon na nga" aniya napahawak sa pasemano nang makitang humahakbang palapit sa kanya si Benjamin.

"And I guess hindi ka pumayag kasi nandito ka pa eh, kasama ko" nahimigan niya ang kasiyahan sa tono ng lalaki.

Tumango siya saka napasinghap nang binigla ni Benjamin ang paghalik sa kanya. "N-Nagugutom na ako" ang naisip niyang sabihin pagkatapos. Ang mga mata ng binata nangingislap habang sinusuyod ng tingin ang kanyang mukha.

"Halika na" anito hinawakan ang kamay niya. "thank you, gusto kong malaman mong isa ito sa pinakamasayang araw ng buhay ko dahil pinili mo ako" anang binata nang papasok na sila ng kabahayan.

Naglalambing niyang inihilig ang ulo sa balikat nito. "You're welcome" aniya.