webnovel

EPISODE 47

"PAGKA-SIRA NANG AYDEN AT DALAKET "

Sa pagpapatuloy...

Hindi pa din maka galaw sina Tyler, kahit anong gawin nila ay hindi nila maigalaw ang kanilang katawan. Tila paralisado silang lahat.

"Bakit Hindi natin napansin yun!" Wika ni Jake.

"Ipanalangin nalang natin na Hindi sila matatalo." Sambit ni Tyler habang nakatingin sila kina Samantha, Samuel at Aira.

Samantala, Hindi napansin ni Samantha na nasalikuran na pala nya si Aira. Walang ano-ano ay ibinaon ng babae ang punyal sa kanyang likuran.

Dahil sa nangyari ay agad humiwalay si Joshua sa kanyang katawan. Sabay silang bumagsak sa lupa.

"Saaammaanthaaa!!" Sigaw ni Samuel.

Tutulungan na sana ni Samuel ang kapatid ng biglang hinarangan sya ng isang malaking kidlat.

"Mag iingat ka Samuel. Tandaan mo, kaya ni Aira manipulahin Ang elemento ng hangin. " Sabi ni Xavier sakanya.

"Naiintidihan ko." Sagot ni Samuel at muling nagliyab ang kanyang mga kamay kasabay ng pag tubo ng dalawang pakpak na umaapoy.

"Magpakita ka Aira! Wag Kang duwag!" Sigaw ni Samuel.

Hindi nya namalayan na nasa likuran na rin nya si Aira at gamit ang isang malakas na kidlat ay tinamaan si Samuel. Katulad ng nangyari kina Samantha ay nahiwalay sa katawan nya si Xavier. Sabay silang bumagsak sa lupa katulad sa kapatid nya.

"Bagsak na ang mga Tanga!" Natatawang Sabi Aira.

Nilapitan nya ang magkapatid ngunit pinigilan sya ng dalawang prinsepe.

"Wag Kang mag tatangkang saktan sila!" Sambit nina Joshua at Xavier habang pinipilit nilang tumayo.

"Wag nyo nang sayangin ang mga lakas ninyo. Dahil Wala kayong magagawa. Hindi na kayo kompleto. Patay na Ang prinsepe ng Andromeda. Bagsak na kayo. Nakakalungkot nga lang dahil. Sabi ng babaylang si Jenna. Dapat tayung anim ang tatalo sa Hari ng kadiliman. Pero palpak, napakagaling talaga ni Ama. Wala na akong oras para sainyung dalawa." Sabi ni Aira.

Itinaas ni Aira ang kanyang dalawang kamay. At Mula sa kalangitan isang malakas na kidlat ang nababadyang babagsak sa dalawang prinsepe.

Ngunit isang malakas na hangin ang umiihip sa paligid. Dahil dun ay natigilan si Aira sa kanyang pagtatangkang pag paslang sa dalawang prinsepe.

"Kami ang kelangan mo diba? Kami nalang!" Sabi ni Samuel habang nanghihina pa ito dahil sa natamong sugat.

Ngumiti lang si Aira at lumapit kay Samuel. Hinala nya Ang buhok nito sabay sabing.

"Kayong dalawa ni Samantha ang magdadala sakin sa Dalaket at Ayden." Bulong ni Aira.

Sinubukan ni Samantha na ikumpas Ang kamay pero nanghihina pa din ito.

"Samantha? Wag nang magpilit pang lumaban! At alam ko na kung saan Tayo mag sisimula? At yun sa kaharian kung saan lumaki ang inyong Ina. Sa Dalaket!" wika ni Aira at hinawakan nya Ang magkapatid. Sa isang kisapmata ay naglaho ang tatlo.

"Saaaammuelll!!" Sigaw ni Xavier.

"Susundan natin sila!" Wika ni Joshua. Tumango naman si Xavier at agad silang naglaho.

Nang makaalis na si Aira ay malayang nakakagalaw na sina Tyler at pati narin Ang mga kasama nina Zandro.

Lumapit si Selena kay Jenna.

"Jenna? Anong gagawin natin?" Nalulungkot na wika ng babae.

Nilingon ni Jenna ang mga kasama hanggang sa dumako ang kanyang paningin sa grupo ni Zandro.

"Handa ba kayong lumaban?" Tanong ni Jenna.

"Handa kami Pinuno! Diba mga kasama " Sagot ni Marife. At tiningnan nya Ang kanyang grupo. Ngumiti lang Ito sa kanya at tumango.

"Kung ganun susundan natin sila sa Dalaket. " Sabi ni Jenna.

Dumating naman sina Gassia at Dalikamata.

"Hindi kayo pwdeng makisali Jenna. Hindi kayo ang nakatakdang makakatalo sa kadiliman. Tanging sila lang." Sambit ni Dalikamata.

"Sinong sila?" Tanong ni Alpia.

"Ang kambal at Ang dalawang prinsepe ang dapat nating Gawin kung papano natin mapipigilan sa pag sira ng mga Mundo si Aira. " Dagdag Naman ni Gassia.

Samantala..

Nakarating na sina Aira, Samantha at Samuel sa Dalaket. May binanggit na kakaibang salita ang babae. At unti-unting nanghihina Ang mga engkantong naroroon

"Lalakas ako kapag nariyan kayong dalawa" Sabi ni Aira.

Dumating na sina Mia, Alpia at Raven sa Kastilyo ng Dalaket.

"Dating Reyna, anong gagawin natin?" Tanong ni Raven.

"Sumunod kayo saakin!" Sambit ni Alpia ay nagbukas ang isang malaking pintuan at dito nasaksihan Nina Mia at Raven ang puno ng buhay.

"Ang puno ng buhay, Ang punong nagkokonekta sa Mundo sa ilalim ng tubig, at sa kagubatan ng Ayden." Wika ni Mia.

"At kapag nasira ito, masisira ang ating Mundo maging Ang Mundo ng mga tao ay maapektuhan. " Sambit ni Alpia sabay pitas ng isang bunga sa puno.

"Itago ninyo kung sakaling makapasok si Aira dito sa silid kelangang mailigtas Ang bunga." Sabi ni Alpia at iniabot Niya ito sa mga dama.

Ilang sandali pa ay dumating si Aira silid kung saan nag aantay sina Alpia, Mia at Raven.

"Pinag antay ko ba kayo?" Ngiting Sabi ni Aira.

"Nasaan sina Samuel at Samantha?" Tanong ni Mia na may lumalabas na kidlat sa kanyang mga kamay.

Si raven naman ay inilabas nya ang kanyang kulay itim na pakpak.

"Pinapunta ko sila sa Ayden at Oceana upang sirain ang tatlong kaharian na nangialam sa labanan noon. At uunahin kung sisirain Ang Mundo ng mga engkanto. " Ngiting Sabi ni Aira at isang malakas na ipo-ipo ang ginawa ni Aira.

Sa Ayden naman ay naka abang na sina Jessel at Susmihta sa bulwagan ng palasyo.

"Protektahan ang Trono!" Sigaw ni Susmihta kasama ang kanyang anak at naka abang sa pag dating ng isang kalaban.

Si Jessel naman ay nag tungo sa mahiwagang silid kung saan doon naka tago at nabubuhay ang puno. Katulad din ito ng puno ng buhay ng mga Dalaketnon. Ngunit Ang mga dahon nito ay kulay puti.

Hinawi nya ang kanyang buhok sa may batok at doon lumabas Ang isang umiilaw na bagay.

"Inang Olivia, patawad! Ito lang ang tanging alam kung paraan para mapigilan ang kadiliman. Alam Kung mawawalan ako ng kapangyarihan kapag puputulin ko ang aking ugat-vinya. Patawad! " Sambit ni Jessel sabay putol ng bagay na nasakanyang Batok.

Pagka putol nya ay agad nya itong binaon sa lupa.

Dumating naman si Samuel at hawak si Susmihta.

"Kamusta ka Mahal na Reyna?? Kay Ganda Pala ng puno? Yan na ba ang sinasabi ni Ama na dapat naming patayin at sirain?" Ngiting Sabi ni Samuel na ngayon ay nasa ilalim na nang kapangyarihan ni Aira.

"Gumising ka itinakdang madirigma. Wag Kang papayag na malukuban ng kadiliman" Wika ni Jessel.

"Mamang!" Sabi ni Samuel sabay tulak Kay Susmihta papunta Kay Jessel na halatang nanghihina na.

"Mahal na reyna? Anong ginagawa mo!" Bulong ni Susmihta.

"Wala nakong naisip pang paraan. Kelangang iligtas ang puno ng buhay ng Aydendril." Sambit ni Jessel at kinuha nya ang libro na ginagamit nya noon sa pakikipaglaban Kay Sitan.

Sa Oceana...

Dumating si Samantha at nakaharap na sya sa mga korales ng pagkadalisay at kapayapaan.

"Samantha. Gumising ka!" Sigaw ni Sierra.

Dumating naman sina Xavier at Joshua.

"Maraming salamat Mahal na Reyna sa bunga na iyong ibinigay saamin upang makahinga sa tubig." Wika ni Joshua.

"Bakit naman ako gigising? Eh gising naman talaga ako!" Wika ni Samantha at isang malakas na enerhiya Ang kanyang pinakawalan at pinatamaan niya sina Sierra, Joshua at Xavier.

"Masungit talaga yang syota mo Prinsepe Husua." Sambit ni Xavier. Na sinubukang gumawa ng apoy.

"Hindi gagana ang kapangyarihan mo dito Xavier! Tandaan mo nasa tubig ka. Walang laban ang apoy sa tubig." Sabi ni Samantha at bigla itong naglaho sakanilang harapan at lumipat ito sakanilang likuran. Isang malakas na Suntok ang ibinigay ni Samantha Kay Xavier.

Habang abala si Samantha sa dalawang prinsepe.

Kinuha ni Sierra ang Trident at itinutok ito sa mga mahiwagang korales.

"Sa ngalan ng diwatang si Lindagat, binigbigyan ko ng basbas Ang mga korales ng proteksyon laban sa mananakop. Kapalit ang aking buntot at pagiging Reyna ng Oceana." Sambit ni Sierra.

Ngunit biglang nagliwanag ang mga korales at dito nag may maraming Boses ang nagsalita ngunit iisa lang Ang aking sinasabi.

"Isang maharlika sa kabilang kaharian ang nagbuwis ng buhay ang aming bubuhayin. Ikaw ay magiging sagisag ng buhay ng tubig." Sabi ng mga boses at sa isang iglap ay nag laho ang mga korales.

"Nasaan Ang mga korales?" Tanong ni Samantha.

Dahan-dahang humarap sakanila si Sierra at isang malakas na boses ang umalingaw-ngaw sa buong Oceana. At tanging si Samantha lang ang nasasaktan.

Mula sa likuran ni Samantha isang kaibigan ang muling nag babalik.

"Liam?" Gulat na wika ni Joshua. kumindat lang si Liam at mabilisang hinawakan si Samantha sa magkabilang kamay.

Aaarrrghhhhhhh!!!!!!!

Sigaw ni Samantha ng mahawakan ni Liam.

"Bes gumising ka! Bumalik kana saamin!" Sigaw ni Liam.

Balik sa Dalaket...

Napabagsak ni Aira sina Mia at Raven. At tanging si Alpia lang ang kanyang Hindi nya mahawakan.

"Marami kapang kakaining itim na kanin na kakainin! Hindi mo kelan man masasabayan ang bilis ko." Sabi ni Alpia na kasing bilis ng liwanag ang kanyang mga galaw. Hanggang sa napagud si Aira at nakaluhod na ito sa lupa.

"Nasira mo nga ang puno ng buhay. Ngunit Hindi kaming mga Dalaketnon." Sabi ni Alpia at muling inatake si Aira gamit ang kanyang kamao.

Sinamantala na din ni Mia ang pagkakataon upang gapusin si Aira gamit ang kanyang lubid na kidlat. Si Raven naman ay pina-ikutan nya ang babae gamit ang kanyang mga uwak.

"I don't expect this, na magagamit ko ang sayaw ng kamatayan sayo!" Sambit ni Raven.

"Arrggghhh!! Pakawalan ninyo ako mga hayup kayo!" Sigaw ni Aira.

"Your highness, Ngayon na!" Sigaw ni Mia.

At inilabas ni Alpia ang mahiwagang salamin at nag-usal ng engkantasyon.

"Salamin ng pagkadalisay, dinggin ang utos ng isang Reyna. Ikulong ang dungan (Kaluluwa) ng babaeng ito!" At iniharap ni Alpia ang malaking salamin kay Aira.

Isang nakakasilaw na liwanag ang nagbulag kay Aira. At unti-unti syang kinukuha ng salamin. Hanggang sa nakapasok na sya sa salamin at tuluyan ng nakulong.

"Pakawalan ninyo ako dito." Sigaw ni Aira sa loob ng salamin.

Malaki ang pinsala sa Dalaket. Idagdag mo pa ang pagka sunog ng Puno ng buhay. Mabuti nalamang ay ligtas ang bunga ng Puno at doon inilibing nina Alpia, Mia at Raven ang bunga. Gamit ang kanilang kapangyarihan ay mabilis itong naging isang malaking Puno.

Sa Ayden o Aydendril naman ay muntik nang mapaslang ni Samuel si Jessel mabuti nalamang at Dumating ang mga tribu na dumukot sakanila noon at tanging Ang tribo na yun ang Hindi natatablan ng anumang mahika.

Mabilis nilang naigapos si Samuel at kahit nanghihina man Ang Reyna. Pilit pa din nyang iligtas si Samuel. Gamit ang kanyang libro ay napagtagumpayan nyang mailabas ang itim na usok na sumanib kay Samuel.

"Ligtas kana Samuel. " Sabi ni Jessel ngumiti lang Ito sakanya at muling nawalan ng Malay. Dumating naman si Xavier at pinaapoy ang kanyang daliri.

"Anong gagawin mo binata?" Tanong ni Susmihta.

"Para Hindi na sya muling malukuban ng kadiliman." Sagot ni Xavier at hinawakan ang pisngi ni Samuel sabay dahan-dahan nyang inilapit ang kanyang mukha. Hanggang sa naglapat na ang kanilang mga labi.

Sa Oceana naman, pinaalis ni Liam si Xavier dahil Hindi gagana ang kanyang kapangyarihan sa ilalim ng tubig.

Hinawakan nina Liam at Joshua si Samantha. Gamit ang Trident ni Sierra. Isang malakas na kuryente ang lumabas at tumama Kay Samantha. Katulad ng nangyari sakanyang kambal. Isang maitim na usok ang lumabas sakanyang katawan.

"Ligtas na si Samantha." Sabi ni Sierra.

"Maraming salamat, mabuti nalamang at Hindi nasira Ang mga korales ngunit nasaan na sila?" Tanong ni Joshua.

Ngumiti lang si Sierra at nagwika.

"Hindi na mahalaga yun, Ang importante ligtas ang mga Mundo. Nararamdaman kung ganun din Ang mundong kinalakhan ng kambal. Minsan na kaming nanirahan doon ng mga kapatid ko. dahil doon nakatira Ang kapatid kung lalaki at aking ama."

"Maraming salamat Mahal na Reyna. " Sabi ni Liam

"Maligayang pagbabalik Liam. Prinsepe ng Andromeda!" Ngiting Sabi ni Sierra at ikinumpas Ang kanyang hawak na trident.

Agad silang naglaho sa Oceana.

Muling nagbalik si Alpia sa Jamais at unang hinanap sina Jenna.

"Ligtas na muli ang mundo." Sabi ni Alpia.

"Safe bang ikulong natin si Aira sa Loob ng salamin?" Tanong ni Theo.

"Sa Ngayon, Oo pero papano sa hinaharap? Hindi ko alam kung kakayanin pa nating makipaglaban." Sambit ni Tyler.

"Kakayanin hanggat buo Tayo ni Miss Alpia. Diba Miss Alpia?" Sambit ni Jake.

"Tama. Hanggang may Kadiliman. Hindi Tayo papayag na mananaig ang kasamaan!" Sambit ni Katalina.

Ilang sandali pa ay dumating na sina Samuel, Samantha, Liam, Joshua at Xavier.

"Papano si Aira? Isa sya sa mga itinakda diba?" Tanong ni Selena.

"Wag Kang mag alaala Selena, Ang Aira na nakalaban natin ay isang Huwad ginawa sya ni Hex. Noong ipinanganak Ang totoong Aira ay ikinulong ni Hex Ang sanggol sa kaharian. " Sambit ni Reyna Anya na may kasamang kamukha ni Aira.

"Siya Ang totoong Aira. Kung Hindi ako nag tungo kanina sa Aera. Hindi ko malalaman ito. Mabuti nalamang ay nahanap sya ng abo ng kanyang kinakapatid na si Via. " Paliwanag ni Reyna Anya.

Gulat Ang lahat sa rebelasyon ng Reyna Anya.

"Kamusta kayo, ikinagagalak ko kayong makilala. Ako si Aira ang ikatlong anak ng Hari ng Aera." Bati ni Aira.

Napatitig sina Liam sakanya.

"Wag kayong mag-aalala. Ako ang dahilan kung bakit nakuha ninyo noon Ang mga sagisag ng elemento ng Jamais sa Mundo ng mga tao. Ako din Ang nagbigay ng babala Kay Liam noon sa kambal ng buwan. Kahit sa hangin ako gumagabay sainyo. Parang nakakasama ko na din kayo. Kahit sa kulungan ako. Pero may limitasyon dahil, minsan ay nahuhuli ako ng Huwad na Aira. Masaya ako dahil ligtas kayo. Pasensya na." Salaysay ni Aira.

Nakita Nila ang mga sugat sa kamay ng babae gawa ng pagkakagapos sakanya.

Agad syang Niyakap nina Samantha, Samuel, Liam, Joshua at Xavier.

"Maraming salamat Insan.." ngiting Sabi ni Samuel.

Itutuloy....