webnovel

EPISODE 48

"ANG PROPESIYA NG KAMBAL"

Pagkatapos naming magape si Hex at ang Huwad na Aira na matagal na pala naming kasama. Gamit ang kapangyarihan naming magkapatid, naibalik namin sa dating Ganda ang Jamais. Ngunit, nakaramdam ako ng pangungulila sa Mundo kung kinalakhan.

Habang nakatingin ako sa malayo, Hindi ko namalayan na lumapit na Pala saking likuran ang aking kambal na si Samantha.

"Samuel? Ayus ka lang ba?" Ngiting Sabi ni Samantha saakin. Habang ako naman ay nakatingin sa mga gansang naliligo sa lawa.

Tumingin ako sa kanyang mga mata at tsaka ako nag salita.

"Oo, ayus lang ako. Natutuwa lang ako sa mga gansang naliligo sa lawa. Totoong maganda pala ang Jamais. Mas naging maganda pa ito noong natalo na natin si Hex at ang Huwad na Aira." Sagot ko sakanya.

Bago nag wika si Samantha nang kanyang susunod na sasabihin ay kumumpas ito at nag sulat sa hangin.

"A-anong ginagawa mo?" Tanong ko sakanya.

"Binigbigyan Kita ng basbas na mag tungo sa Mundo ng mga tao." Ngiting Sabi ni Samantha.

"Samantha? " Nauutal kung sambit sakanya.

"Kapatid ko Hindi mo na kelangang mag tago ng nararamdam saakin. Minsan na tayong naging isa. Kaya alam ko ang ninanais ng iyong puso." Wika nya at niyakap nya ako ng napaka higpit.

Ilang sandali pa ay dumating sina Joshua, Liam, Aira at Xavier.

"Pinapatawag kayo ng Reyna Anya. Oras na ng koronasyon ninyong dalawa bilang bagong Hari at Reyna ng Lakur." Sabi ni Aira.

Itinulak naman ni Liam si Xavier at tila nahihiya pa ito ng tingnan sya ni Samuel.

"Sabihin mo na!" Bulong ni Joshua sakanya.

Napataas ang kilay ni Samuel ng marinig ang pagbubulungan ng dalawa.

"Anong sasabihin mo Xavier?" Tanong ni Samuel.

"Ah eh~" panimula ng prinsepe.

"Pambihira natatameme nanaman tung manok ko!" Sigaw ni Samantha at sabay kumpas ng kanyang mga kamay.

"Ano?" Tanong ni Samuel.

"Ah eh? Gusto Kita at payag kabang maging kabiyak ko?" Namumulang Sabi ni Xavier.

Tinitigan ni Samuel si Liam, Aira Samantha at Joshua. Nakangiti lang sila at tila nag aantay ng tugon sa sinabi ni Xavier.

"Mababang nilalang papayag kabang maging Syota ko?" Sigaw na Sabi ni Xavier at nakapikit pa ang mga mata nito.

Dahan-dahang lumapit si Samuel sakanya at nakangiti pa ng bila nyang binatukan ang prinsepe Xavier sabay sabi ng...

"Oo!" Sagot ni Samuel na halatang kinikilig sa mga orasan na iyon.

"Sige na, Tama na muna yan. Kelangan na nating bumaba. Hindi lang koronasyon ninyong dalawa maging sa mga bagong hahalili sa trono ng ibang kaharian. Kumapit kayo!" Sabi ni Aira at isang malakas na hangin ang pumalibot sakanila, sa isang iglap ay naglaho sila.

Samantala sa Kanlaon, kung saan naninirahan Ang mga diwata.

Abala si Magayon sa kakatitig sa nakasulat sa huling Propesiya tungkol Kay Aira. Nang biglang may nagsalita sakanyang likuran. At nang lingunin nya ito.

"Tila nag kakamali ang propesiya Magayon tungkol Kay Aira. Si Aira nga ang tinutukoy nya ngunit isang Huwad na Aira." Sabi ni Lalahon.

"Maligayang pag babalik Lalahon. Kasama mo ba sila Lindagat at Libulan? Kamusta ang inyong pagbisita sa Tahanan ng ating bathala.?" Tanong ni Magayon.

Lumabas naman Sina Libulan at Lindagat.

"Hindi nagkakamali ang propesiya marahil ay may dahilan ito kung bakit ganoon ang sinabi. O nakasulat. Hindi tiyak." Sabi ni Libulan.

"Tama ang iyong tinuran Libulan. bagkus sinabi ni Bathala saatin na ang propesiya ay may pagkakataon pang baguhin ng tao o nilalang na kasama sa nakasulat. " Dagdag na Sabi ni Lindagat.

Dumating naman Sina Gassia, Dalikamata at Maria makiling.

"Tila hindi yata kaaya-aya ang araw mo Lalahon. Pinagduduhan mo ba ang nakasulat sa propesiya. Tama si Lindagat. Ito ay gabay lamang. Isa pa? Noong nasa pangangalaga natin Sina Theo at Tyler, pilit nating iniligtas ang magkapatid sa kinahihinatnan Nila sa kamay ni Sitan. " Sabi ni Maria Makiling habang sina Gassia at Dalikamata naman ay nakatingin lang sa nakasulat sa huling Propesiya.

"Baka pagud lang ako. Magpapahinga nako." Sabi ni Lalahon at agad itong naglaho.

"Wag mo nang isipin yan Magayon. Magaling ang iyong pagbabantay sa dalawang supling ni Hex. Tingnan mo nasa panig sila ng kabutihan." Sambit ni Libulan.

Ilang sandali pa ay biglang yumanig ang buong kapaligiran at muling nag bigay ng bagong propesiya.

Nagulat silang lahat ng tungkol ito kina Samantha at Samuel.

"Sana wag namang mangyari." Sabi ni Gassia.

Balik kina Samantha at Samuel...

Unang kinoronahan sina Joshua ng Harte, Liam ng Andromeda, Aira ng Aera, Xavier ng Hestia. Panghuli Sina Samantha at Samuel.

Nakatayo Sina Selena at Jenna sa harapan ng Trono habang nakatayo naman si Ang reyna Anya hawak ang korona na para sakanyang mga anak.

"Maari na kayong mag tungo dito mga anak ng Reyna Anya. " Sabi ni Jenna.

"Prinsesa Samantha, ipinakita mo ang iyong katapangan sa digmaan. Nararapat lang Sayo na maging Reyna at bagong tagapag ligtas ng binhi ng Puno ng buhay at buto ng mga korales Mula sa Andromeda at Oceana. " Sabi ni Selena at lumuhod sa harapan nina Jenna at Selena si Samantha at yumuko. Kinuha ni Selena ang korona na hawak ni Reyna Anya at pinasuot Kay Samantha.

"Prinsepe Samuel, isang mabuting halimbawa ng pagiging matapang at tuso ngunit may puso sa labanan. Ang buong kaharian ng Jamais ay iyong pamumunuan." Sabi ni Jenna.

Dahan dahang yumuko si Samuel nang akmang ilalagay ni Jenna ang korona. Biglang tumayo si Samuel at humingi ito ng paumanhin.

"Paumanhin miss Jenna, Tiya Selena at Maging Sayo Inang Reyna. Hindi ko po matatanggap ang pagiging Hari ng Lakur. " Sabi ni Samuel.

Lumapit Sina Liam, Aira, Joshua at Xavier kay Samuel.

"Bakit Prinsepe Samuel.?" Tanong ni Selena.

"Gusto ko pong nanirahan sa Mundo ng mga tao kung saan ako lumaki. Hindi naman sa tinatalikuran ko ang mga Jamais. Doon ako magiging masaya Inang Reyna. Sana maintindihan ninyo. " Sabi ni Samuel.

Nilapitan sya ng kanyang Ina at niyakap ito.

"Anak? Alam kung magiging ganito Ang mangyayari. Pipiliin mo ang Mundo sa labas. Ngunit sigurado ka na bang doon manirahan?" Tanong ni Reyna Anya.

"Opo Ina, patawad po!" Umiiyak na sagot ni Samuel.

"Kung ganun, papayag ako. Hindi ako magiging masaya kung Hindi ka masaya." Sambit ni Reyna Anya at niyakap ang anak ng napaka higpit.

Samantala si Xavier naman ay hinubad ang koronang suot at nagsalita.

"Sasama ako sa prinsepe Samuel. Iniibig ko sya at nais ko syang samahan kung nasaan man sya. Handa kung ialay ang aking buhay para sakanya." Sabi ni Xavier at lumuhod sabay abot ng korona kay Aira.

Ngumiti naman si Aira, Joshua at Liam.

"Kung ganun, kung pipiliin ninyong dalawa na manirahan sa mundo ng mga tao. Isa lang ang maibibigay naming babala.

Kapag nakalabas kayo ng Jamais, maaring magsara na ang lagusan ng pernamente. Itoy nakapagsunduan namin ng mga sentinel ng Harte, Sirena ng Andromeda, Santelmo ng Hestia at hanging amihan ng Aera.

Nagkatinginan Sina Samantha at Aira. Maging sina Joshua at Liam.

"Sino ang mamumuno sa Hestia?" Tanong ng mga Jamaisan. 

Tumayo si Zandro na sa mga oras na iyon ay kasama nya ang kanyang mga kaibigan na sina Marife, lance, nobyang si Denise at Ang kanyang matalik na kaibigan na si Dennis.

"Ako ang papalit sa aking kapatid." Sambit ni Zandro at mas hinigpitan ang kapit ng kanyang nobya sakanyang kamay.

Tiningnan ni Zandro si Xavier at kinindatan nya ito.

Bumulong naman sa hangin si Xavier ng salitang salamat.

Pagkatapos ng koronasyon..

Isang engrandeng handaan ang naganap sa Jamais. Kinabukasan ay nagpaalam kami sa aming mga kaibigan sa Jamais. Sumabay kami kina Miss Alpia palabas ng Jamais ngunit bago paman kami nakauwi sa Mundo ng mga tao ay nagpaalam ako ng maayus saaking mga kaibigan, Ina at saaking kapatid na si Samantha.

"Wag mong sasaktan ang kapatid ko Xavier Utang na loob." Sambit ni Samantha na umiiyak.

"Wag ka ngang umiiyak Sam, matatanggal yang make up mo. " Biro ko sakanya.

"Loko ka! Kapag sinaktan ka ng buang NATO gumawa ka ng spell para malaman ko. " Sabi ni Samantha. At yumakap ulit ito saakin.

Yumakap din sina Ina, Liam, Aira at Joshua.

"Hoi Xavier! Wag Kang magkakamaling saktan bff ko!" Sabi ni Liam. At kinurot Ang mukha ni Xavier.

"Oo nga humanda ka saamin." Sabi ni Aira.

"Mag iingat kayong dalawa Doon. " Sabi ni Joshua at niyakap ako.

"Oo naman, Basta magtapat ka nang patingin mo Kay Samantha." Sabi ko sakanya. Biglang namula ang pisngi ng kakambal ko ng marinig nya ito.

"Loko ka Samuel. Sige na mag iingat kayo. Malapit nang mag Sara Ang lagusan." Sabi ni Samantha.

Bago ako umalis ay nagbigay pugay ako kina Ina, Jenna at Selena. Maging kina ate Katalina at Kuya Theo at Tyler na nasa oras na yun.

Hindi na kami nag tagal at humakbang na kami sa lagusan. Hanggang sa dahan-dahang maglaho Ang lagusan at Hindi ko na din Makita ang mukha ng aking Ina at kapatid. Ngunit alam kung magiging okay sila.

Bago kami nag hiwalay Nina Miss Alpia ay nagbigay ito ng isang Susi.

"Susi po ng saan?" Tanong ko sakanya.

"Susi yan ng Bahay ko sa Maynila. Hindi naman masyadong Malaki pero alam kung magiging safe kayo doon. At heto." Sabi ni Miss Alpia at dumukot sa kanyang bag. Mula sa kanyang bag ay kumuha ng isang pirasong papel si Miss Alpia.

"Ano yan miss Alpia?" Tanong ni Xavier.

"Cheque worth 1M gamitin ninyo para makapag simula kayo. Hindi na run ako magtatagal dito sa pilipinas dahil magbabalik nako sa Bansang Hapon bukas. At bukas Ang flight ko. Ayukong pabayaan kayong dalawa. Naging mabuting kaibigan sakin si Anya noon. At para na din kitang anak Samuel." Sabi ni miss Alpia.

"Kay laking halaga po. Nakakahiya naman Po!" Sabi ko sabay abot muli ng cheque.

"No Sammy, para sainyo yan. " Sabi ni Miss Alpia at niyakap Niya kaming dalawa bago sya sumakay ng taxi.

Nakasulat naman papel ang Adress ng Bahay na ibinigay ni Miss Alpia. At doon kami ng tungo ni Xavier.

Samantala sa isang madilim na lugar kung saan may isang nilalang ang nababalutan ng kakaibang maitim na kapangyarihan Ang nakatingin kina Samantha at Samuel gamit ang mahiwagang salamin.

"Isang pagkakamali ang ginawa ninyo. Hindi pa tapos ang kadiliman. Kaya wag kayong kampanti." Sambit ng nilalang sabay tawa ng malakas.

At narinig ito Nina Samuel at Samantha..

"Narinig mo yun Joshua?" Tanong ni Samantha habang nagmamasyal sila ni Joshua sa harden ng Harte.

"Hindi? Ano ba Kasi yun?" Tanong ni Joshua.

"Ah Wala." Sagot ni Samantha na tiningnan ang kanyang paligid.

Sa Mundo ng mga tao...

Nabasag ni Samuel Ang plato at nasugatan pa ito sa kamay dahil sa gulat.

"Sam? Bakit Mahal? Anong nangyayari?" Tanong ni Xavier.

"Narinig mo ba yun?" Tanong nya Kay Xavier.

"Wala. Halika nga, lagyan natin ng halamang gamot yang sugat mo. Tska itong alcohol na ginamot mo sakin noong nagkasugat ako. Mahapdi to!" Sabi ni Xavier.

Tumango lang si Samuel at napaisip dahil pamilyar Ang tawa, maging Ang boses ay pamilyar.

"Huhugas muna natin yan Mahal para di ma impeksyon." Sabi ni Xavier at inilapit Ang kamay na may sugat sa gripo.

Sa Kanlaon...

"Muling magbabalik ang kadiliman dahil sa isang pagkakamali. Muling malalagay sa kapahamakan ang Mundo. " Basa ni Magayon.

"Sino ? At saan mag simula?" Tanong nya.

"Yun ang tanong na Hindi ko Makita sa aking ikatlong mata!" Sambit ni Dalikamata.

"Maging ang mga hayup at halaman Wala silang alam. Pero nararamdaman Nila Ang panganib!" Sabi ni Gassia.

"Kelangan nating maging handa. Kung darating man Ang panahong yan!" Sambit ni Magayon.

The End.....

Maraming salamat mga Mahal sainyong pag suporta at pagbasa ng ating kwento. Lalo na sa mga nag antay ng susunod kung update maraming salamat po.

Abangan nyo po ang Sequel ng ating storya.

Pero kahit na tapos na ating kwento, you can read all of my work just for you mga mahal.