webnovel

EPISODE 46

"ANG HULING LABAN"

ANG NAKARAAN...

Hi Samantha here, natalo namin si Hex sa tulong ng mga kaibigan namin ni Samuel. At may bunos pa dahil binigyan kami ni Samuel ng gift at Hindi nako makikihati sa kanyang katawan. Pero habang abala kami sa kasiyahan ay may hindi kaming inaasahang mangyayari sa isa naming malapit na kaibigan.

ANG KARUGTONG...

Habang masaya silang nagyayakapan dahil nakamtan muli ng mga Mundo ang katahimikan.

Sa Hindi inaasahan, may panganib pang nakaabang sa kanila.

Sa Kanlaon...

Biglang yumanig ang buong lugar. At agad namang nag tungo si Magayon sa silid kung saan nalalaman nilang mga diwata ang mga panibagong propesiya.

" Tatlong bunga ang nakatakdang sisira sa mga mundong pinag-iingatan,

Ang dalawa ang magdadala ng kaayusan, Ang isa naman ang sisira at magdadala ng delubyo."

Basa ni Magayon na nakasulat Ito sa pader ng Kanlaon at inukit ito gamit ang sinaunang letra.

Agad namang nag tungo sa silid sina Gassia, Dalikamata at Maria Making.

"Magayon anong nangyayari?" Wika ni Gassia.

Itinuro ni Magayon ang nakasulat sa pader at agad silang kinabahan.

"Hindi ako nagkakamali dahil dalawa lang ang anak ni Anya. Sino ang ikatlong anak? May anak pa si Hex?" Tanong ni Dalikamata.

"Magtutungo ako ng Jamais. Sinasabi ko na nga ba! Malakas ang pakiramdam ko na siya yun." Sabi ni Magayon. Na agad itong nag palit anyo bilang isang malaking ibon.

Sumunod naman sina Gassia, Dalikamata at Maria makiling.

Balik sa Jamais...

Habang yakap ni Samuel si Samantha. Biglang itinulak ni Liam ang dalawa na agad naman silang natumba ngunit isang punyal ang nakatarak sa tyan ni Liam. Bago pa matumba si Liam. Nakita nya ang nakakalukong ngiti ni Aira.

"B~bakit Ai" tanging naisambit ni Liam.

Hindi agad nakagalaw silang lahat dahil sa gulat. Hindi nila inaasahang magagawa iyon ni Aira na tinuring na leader ng grupo. At tagapag-mana ng kaharian ng Aera.

Agad umaksyon sina Tyler ngunit hindi sila makagalaw. Pati na din ang grupo nina Marife at Dennis.

Maging sina Alpia, Mia at Raven tila naging bato sila.

Pinapunta naman nina Xavier at Joshua sa likuran Nila sina Samuel at Samantha.

"Sa likud lang kayo namin." Utos ni Joshua.

Si Xavier naman ay Pina apoy nya ang dalawang kamay.

"Aira anong ibigsabihin nito?" Tanong ni Xavier.

Ngumiti lang si Aira at sabay sabing...

"Hindi ang dalawa kung mangmang na kapatid ang nakatakdang sisira sa mga Mundo. Kundi ako!" Sambit ni Aira, unti-unting nagbabago Ang kanyang anyo. Dating kulay puting mga buhok ay biglang naging itim.

Dahan dahan itong lumapit sakanilang apat ngunit nanatali pa ding nakahanda ang dalawang prinsepe na protektahan Ang mga tagapagmana ng Harte.

"Insan bakit mo to ginagawa?" Tanong ni Samuel.

"Tanga, magkapatid tayo! Lahat ng mga nangyari ay parte ng Plano ko. Diba napaka talino ko?" Sabi ni Aira sabay lingun kina Liam na nanghihina na dahil sa sugat.

"Papano ka nabuo Sino ang iyong Ina?" Tanong ni Selena.

"Tiya? Wala? Ginawa ako ni ama gamit ang sinaunang salamangka galing sa abo at dugo ni Sitan at nang diwatang kapanalig nya na si Margarita. Hindi ako ang tunay na anak ni Haring Meydo ng Aera. Wala kaming koneksyon ni Via at pati na Sayo Tiya!" Sagot ni Aira sabay kumpas ng kanyang kamay at bigla nalang itong lumipat sa likuran ni Selena.

Pilit pa ding gumalaw si Selena ngunit kagaya Nina Tyler ay Hindi Ito makagalaw.

Sinubukan naman nina Tyler at Alpia na gumamit ng salamangka gamit ang isip ngunit hindi Ito tumalab.

"Hindi tatalab ang kapangyarihan ninyo dahil nilagyan ko na nang sumpa Ang buong Jamais. Kaya wag na kayong mag-aksaya ng lakas. Dahil lahat kayo ay luluha ng dugo. " Sambit ni Aira. Sabay tawa ng malakas. Umupo Ito sa isang malaking bato.

"Aira papano mo to nagawa saamin." Tanong ni Joshua.

"Tinuring ka naming kapatid. At guro ng grupo. Aira alam kung mabuti Kang Jamaisan." dagdag ni Samantha.

"Hindi ako Jamaisan, fyi? Isa akong kalahating anak ng kadiliman at diwata. Lahat ng mga ginawa ko ay parte ng Plano ko upang malaman ang huling elemento. Pero nakakalungkot dahil, Ang huling elemento ay isang kanta? Dahil pa bida kayong mga Sirena. Kukunin ko Ang mga boses ninyo. Hindi lang yan maging kayong mga mahilig kumanta. Masyado kayong pabida. " Sabi ni Aira at isang maitim na usok ang pumasok sa katawan Nina Sierra. Pati na kina Alpia, Jessel, Samuel at Samantha.

Sa isang iglap ay nawalan ng kakayahang kumanta.

"Magbabayad ka! Lapastangan." Sigaw ni Sierra.

Tumayo si Aira at tiningnan sina Samantha at Samuel

Sabay sabing..

"Tama may proposal ako. What if samahan ninyo akong dalawa na sakupin ang mga Mundo? Lalo na sa mundong kinalakhan mo Samuel. " Sabi ni Aira.

"Hindi ako papayag na gagawin mo yun!" Hinawakan ni Samuel si Xavier.

Isinigaw naman ni Xavier ang kanyang pangalan at naging isa. Ganun din Ang ginawa ni Samantha at Joshua.

"Sa tingin ninyo makakaya ninyo akong dalawa. Este apat?" Tanong ni Aira.

"Subukan natin Insan?" Ngiting Sabi ni Samuel. Na agad namang inilabas ang espada ng Dalaket.

"Ang espada ng Prinsesa emerald. Dating Reyna ng Dalaket. " Sabi ni Alpia.

Si Samantha naman ay ang espada na ibinigay ni Susmihta galing sa isang tribo sa Ayden.

"Ito ay magbibigay ng panangga sainyo. Kahit anong kapangyarihan ay kayang ibalik ng kalasag na ito." Sabi ni Jessel sabay abot Kay Samuel noon sa Sandata. Noong nasa Ayden pa sila.

"Alam ko na Ang mga kahinaan ng mga sandatang yan. Hindi nako mahihirapan kayong paslangin." Ngiting Sabi ni Aira.

Samantala, medyo nakakabawi na ng lakas si Liam.

Nagpanggap syang patay kanina noong saksakin sya ni Aira.

Lingid sa kaalam ng lahat, lihim nyang binabantayan si Aira simula noong maka laban nila si Via sa kakahuyan.

"Mag-iingat ka sa kasama ninyo. May nanaramdaman akong Hindi maganda sakanya. Tanging kapahamakan ang kanyang Dala. " Sabi ni Magindara.

"Mahal na diwatang Magindara. Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Liam.

"Ang babaeng nagtataglay ng Huwad na hangin. Bantayan mo sya at mag-iingat kayo." Sagot ni Magindara at agad itong lumundag sa ilog.

Nang makabawi na nang lakas si Liam agad itong tumayo at tumakbo papunta kina Samantha at Samuel.

Nagulat naman si Aira. Nang Makita nyang nasa harapan na nya si Liam. Kasama sina Samantha at Samuel.

" Buhay kapa Pala? Kayong tatlo laban sa kalahating anak ng kadiliman at diwata? Anong laban ninyong mga itinakda sa aking may dugong diwata?" Sambit ni Aira.

"Wala nga pero, kapag nagsama kami. Matatalo ka namin." Sabi ni Liam at hinawakan nya sina Samantha at Samuel.

"Papano ka lalaban? Kung ilang oras nalang mamatay kana sa lason na nasa katawan mo.?" Sabi ni Aira.

Nagpalit anyo si Liam bilang isang nilalang ng dagat na may buntot ng isda ang pang-ibabang bahagi at katawang ng tao ang pang-itaas.

"Papano ka lalaban Liam? Eh nag anyong sireno kapa? Napaka bobo mo!" Sabi ni Aira.

Hindi na sumagot si Liam at agad nag usal ng isang engkantasyon.

"Tinatawagan ko Ang mga ispiritu ng tubig. Bigyan ng katuparan aking mga salita." Panimula ni Liam at hinawakan nya muli sina Samantha at Samuel sa kamay.

"Tinig ay maging iisa, katawan at kaluluwa ay magiging iisa. Leyam (Liam) prinsepe ng Andromeda." Unti-unting naglalaho si Liam.

Nakakaramdam ng kakaibang lakas sina Samantha at Samuel maging sina Joshua at Xavier ay nararamdaman Nila Ang kakaibang lakas.

"Kasama na ninyo ako. Masaya ako dahil nagamit ko ng Tama Ang aking kapangyarihan sa huling pagkakataon." Sabi ni Liam na ngayon ay boses na lamang.

"Hindi ko sasayangin ang sakripisyo mo Bes!" Sabi ni Samuel.

"Tama nang satsat. Papatayin ko kayong mga sagabal sa Plano ko !" Sigaw ni Aira na agad namang naglabas ng kakaibang enerhiya sa kanyang kamay at itinira kina Samantha at Samuel.

Habang Ang mga diwata naman ay Hindi na makapasok sa Jamais.

"Anong nangyayari Magayon? Bakit Hindi Tayo maka pasok ng Jamais. " Tanong ni Gassia.

"Hindi ko alam Gassia. Subukan pa din natin. " Sabi ni Magayon. Sabay kumpas ng kanyang kamay sa lagusan.

Si Dalikamata naman ay nakikita nya sakanyang ikatlong mata mga nangyayari sa Jamais.

"Isang buhay nanaman ang nagbuwis." Wika nya.

Balik sa Jamais...

Naduduling sina Selena dahil sa sobrang bilis ng galaw ng tatlo.

"Miss Jenna, anong gagawin natin?" Tanong ni Selena.

"Bakit ngayon pa ? Na Wala na sakin ang libro at bakit Hindi ko Ito nakita. " Sabi ni Jenna.

"Maging ako Insan. Ay naitago nya sakin ang lahat noong sinasanay natin sya." Sabi ni Katalina.

Habang ang mga lalaki ay sinusubukan nilang makawala sa kakaibang enerhiya na nakabalot sakanilang katawan ngunit bigo silang maka galaw.

Patuloy pa din sa pag lalaban ang tatlong anak ni Hex.

Sino kaya ang magbubuwis ng buhay?

Abangan sa huling kabanata ng ating kwento..

Itutuloy....

So kapit lang mga Mahal.. anyway may bago akong kwento na sinusulat.

Paki check naman mga Mahal sa wall ko Ang kwento ni Rexy sa Donde esta Rexy Morales and more... just check my profile para mabasa ninyo ang lahat ng gawa ko..

Thanks Mahal.