webnovel

Chapter 51- Real Confession

Kinabukasan, huling araw ng taon, abala ang lahat sa paghahanda ng ilulutong pagkain at pagbili ng mga paputok sa Palengke para sa bisperas ng Bagong taon.

Sa araw ding ito, sakto namang wala ng nararamdamang sakit si Emily at abala din siya sa pagtulong sa kanyang Ate sa pagluluto ng ihahandang pagkain.

Lucile: "Bunso, tapos mo na bang balatan ang mga patatas at carrots na ilalagay sa Mechado?"

Emily: "Opo, Ate. Pati rin po yung Bellpepper nahiwa ko na rin po."

Lucile: "Kung ganun, pwede ba kitang mautusan saglit na bumili ng Tomato sauce sa Store?"

Emily: "Opo, Ate. Akin na po ang pambayad."

Ibinigay naman ni Lucile ang perang pambili ng Tomato sauce kay Emily, tsaka ito agad na umalis.

Paglabas sa bahay, pumunta si Emily sa Sari-Sari Store para bumili ng tomato sauce, nang madatnan niyang nagsusugal sa tapat ng Store sila Temyong, Eliasar at Impong.

Nakatayo naman si Selmo sa tapat ng tatlong naglalaro at minamatiyagan ang kanilang mga kamay kung may mandaraya ba sa tatlo, at tahimik naman nanonood si Kit sa likod ni Selmo habang nakasimangot. Nagpagtuloy si Emily sa paglalakad at bumili sa Sari-Sari Store.

Emily: (Hay....andito na naman yung mga Weird na kapit-bahay, kay aga-aga nagsusugal. Pero buti naman, hindi sila nakainom ng alak. Kapag nagkataon, magkakagulo na naman ng dito.)

Mang Eliasar: "Hahaha!! 4 Aces!"

Mang Impong: "Pambihira! Talo na naman! Baka dinadaya mo na naman kami, Eliasar!"

Mang Temyong: "Oo nga! Kanina mo pa kami natatalo sa sugal!"

Mang Eliasar: "Oy! Hindi ah! Tignan niyo naman yung mga baraha ko! Apat na Alas! Nakikita niyo namang isang Spade, isang Diamond, isang Clover at isang Hearts! Walang daya yan!"

Mang Impong: "Selmo, totoo ba sinasabi ng lalaking ito?!" (Parang duda akong hindi na naman nandaya ang lalaking ito.)

Mang Selmo: "Oo. Hindi siya nandaya. Sa sobrang linaw ng aking paningin, walang uri ng pandaraya ang hindi ko makikita."

Mang Temyong: "Talaga? Malinaw ang iyong paningin?"

Mang Selmo: "Oo, Temyong. Bakit, duda ka ba?"

Mang Temyong: "Huwag mo sanang masamain, Pare. Pero nagdududa talaga ako sa iyong paningin."

Mang Impong: "Oo nga. Duda rin ako."

Mang Eliasar: "Ako rin."

Mang Selmo: "Bakit naman?"

Mang Impong: "Siyempre! Lagi kang nakasuot ng Sun Glasses!"

Mang Temyong: "Oo! Tsaka sa sobrang itim ng lente, parang kasing kulay ng uling ang Sun Glasses mo!"

Mang Eliasar: "Kaya paano mo masasabing malinaw ang iyong paningin kung doble sa normal na single lens ang suot mong Sun Glasses?!"

Mang Selmo: "Simple lang ang sagot dyan, aking mga Friends. Ipinanganak akong may mga mata ng Agila"

Mang Temyong: "Nagbibiro ka ba?"

Mang Selmo: "Hindi. Pero kaya kong patunayan na malinaw ang aking paningin."

Mang Impong: "Sige nga?! Patunayan mo nga?"

Mang Selmo: "Sige ba."

Mang Eliasar: "Kung ganon, ano ang nakikita mo sa malayong parte ng kalsadang ito?"

Humarap si Selmo sa kanang parte ng kalsada at sasabihin pa lamang ang kanyang nakikita.

Habang tinitignan ni Selmo ang malayong parte ng kalsada, bumili naman si Emily sa Store.

Emily: "Pabili po!"

Allan: "Anong bibilhin mo, Emily?"

Allen: "Oo nga!"

Emily: "Pabili ako ng Tomato sauce."

Allen: "Eto na, Emily."

Allan: "Oo nga!"

Emily: "Salamat, Allen. Eto ang bayad."

Allan: "Salamat, Emily."

Allen: "Oo nga!"

Emily: "Siya nga pala, nasaan si Mang Saroy?"

Allen: "Pumuntang Downtown si Lolo. Magwi-withdraw daw ng pera."

Allan: "Oo nga! Pero mamaya uuwi na iyon."

Emily: "Nagwithdraw? Mukhang marami kayong handang pagkain ngayong bagong taon ah?"

Allen: "Dyan ka nagkakamali, Emily. Kasi hindi para sa pagkain yung iwi-withdraw ni Lolo."

Allan: "Oo nga!"

Emily: "Huh? Anong ibig niyong sabihin?"

Maya't maya, nagulat si Emily ng biglang sumigaw si Selmo sa kanyang nakita."

Mang Selmo: "AHA!"

Mang Temyong: "Aha ka dyan! Sabihin mo nga kung anong nakikita mo?!"

Mang Eliasar: "Oo nga, Selmo. Nagkukunwari ka lang atang kasing linaw ng mga mata ng Dracula ang iyong mga mata."

Mang Impong: "Elias, Agila yun! Hindi Dracula!"

Mang Selmo: "Ganun pa man, mga Friends! Nakikita kong paparating na ang mortal na kalaban ni Mang Saroy."

Emily: "Mortal na kaaway ni Mang Saroy?"

Allan: "Naku! Patay tayo, Tol!! Wala pa si Lolo!"

Allen: "Oo nga! Magsara na tayo ng Store!"

Emily: "Magsasara kayo ng Store?! Eh maaga pa naman?!"

Allan: "At this point, Emily. Bukas na kami magbubukas ng Store. Kaya Happy New Year na lang!"

Allen: "Oo nga!"

Sa hindi malamang dahilan, biglang nagsara ng Sari-Sari Store ang Kambal at nag-iwan ng karatula ang mga ito na nagsasabing bukas na sila magbubukas ng kanilang Sari-Sari Store.

Naguluhan si Emily kung bakit biglang nagsara ng Sari-Sari Store ang kambal, kaya lumapit siya kay Kit at kanya itong tinanong.

Emily: "Kit, bakit biglang nagsara ng Sari-Sari Store yung kambal? Sino bang tinataguan nila?"

Kit: "Yung lalaking pinaka-weird sa lahat ng weird."

Emily: "Pinaka-weird sa lahat ng WEIRD?" (Teka?! May tao pang mas Weird pa kay Kit at sa mga kapit-bahay ko?)

Mang Selmo: "Guys! Andiyan na siya! Sabi ko naman sa inyo! Malinaw ang mga mata ko!"

Pagtingin ng lahat sa kanang bahagi ng kalsada, magkahalong gulat at pagkamangha ang naramdaman ni Emily, nang makita niya ang isang lalaki na naka-gray na damit, may dark-brown na kutis, puno ng balbas ang mukha, naka-suot ng Turban sa ulo at nakasakay sa isang motorsiklo.

Ngunit nakasakay ang lalaki sa kanyang motorsiklo ng naka-Lotus Yoga pose at naka-Folded hand habang umaandar ng sobrang bilis ang kanyang sasakyan.

At ang nakakamangha pa sa lalaking ito, umaandar ng naka-Free hand sa manibela ng motor ang lalaki at hindi man lang ito natutumba.

Kaya napangiwe si Emily sa ginagawang pagmamaneho ng lalaki.

Emily (amazed): (Te-Teka?! Paanong umaandar ang motor ng wala sa manibela ang kanyang mga kamay?! Tsaka halata sa kanyang itsura na isa siyang Foreigner. Siguro, isang Indian national ang lalaking ito.)

Kit: "Mukhang babangga pa siya dito sa mesa."

Emily: "A-Ano?! Babangga pa siya sa mesa?!"

Mang Temyong: "Mga Pre! Umilag kayo!"

Bago pa bumangga ang motor, hinila ni Kit si Emily palayo sa mesa para hindi sila madamay sa pagbangga nito at tumayo sila sa harap ng nagsarang Sari-Sari Store.

Sa sobrang bilis ng motorsiklo, agad itong bumangga sa mesa kung saan nagsusugal sila Temyong, Eliasar at Impong, pero agad din naman nakailag ang tatlo.

Umatras naman palayo sa mesa si Selmo, ngunit hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari.

Pagbangga ng motor, tumilapon ang sakay nitong lalaki ng naka-Lotus Yoga pose pa rin at dumiretso sa direksyon ni Selmo, sabay iniunat ng lalaki ang dalawa nitong mga binti paharap habang naka-folded hands at bumulusok ang mga paa nito diretso sa mukha ni Selmo.

Indian National na lalaki: "YOGA FLYING KICK!"

Mang Selmo: "AAAAHHHK-!"

Nasapul ng mga paa nang naturang lalaki ang mukha ni Selmo na siyang dahilan para bumulagta ito sa lupa at mawalan ng malay.

Matapos masipa nang lalaki si Selmo, dumapo ang isang paa ng lalaki sa lupa habang naka-angat ang isang paa nito ng naka-dekuwatro at nakatayo pa rin sa kanyang meditation pose.

Sobrang na-weirduhan si Emily nang makita nito ang ginawa ng lalaki.

Emily: (W-Wow... Nakakamangha naman yung ginawa niya. Kaso ang weird pa rin.)

Kit: (Nasapul ng kanyang Flying kick ang mukha ni Mang Selmo. Pero hindi man lang nabasag yung Sun Glasses? Saan kaya gawa yung Sun Glasses ni Mang Selmo?)

Mang Impong: "Selmo?! Okay ka lang?! Buhay ka pa ba?!"

Mang Selmo: "Buhay pa naman siya, Pare. Kita naman sa itsura niya na humihinga pa siya."

Mang Temyong: "Hoy! Yoga master! Ba't mo ginawa yun?!"

Indian National na lalaki: "Huwag mo ako tawagin "Hoy"! Hindi ko yan pangalan!"

Mang Eliasar: "Kung ganon, sino ka ba?!"

Mang Impong: "Oo nga! Sino ka ba nga ulit?!"

Indian National na lalaki: "Yearly niyo ako nakikita dito sa inyo! Hindi niyo man lang matandaan pangalan ko! Ilang beses ko ba sasabihin na ang pangalan ko ay Ranjithira Maddhafakha!!"

Sandaling nanahimik at nag-iisip ang tatlong lalaki, at pilit na inaalala kung sino ang Indian National na lalaki.

Hanggang sa maalala nila kung anu ang pagkakakilanlan nito.

Mang Temyong: "Aah! Naalala ko na! Ikaw yung Collector ng mga utang ni Saroy!"

Mang Impong: "Oo! Naalala ko na din! Matalik kang kaibigan ni Saroy!"

Mr. Maddhafakha: "Huwag niyo akong lokohin! Where not friends! Mortal Kombat enemy ko siya! Dahil hindi siya nagbabayad ng utang!!"

Mang Eliasar: "Tsaka isang bagay pa Mister Mother Fu- este Maddhafakha, bakit mo pala sinipa si Selmo?"

Mr. Maddhafakha: "Dahil nakaharang siya aking landing spot! And magkasabwat pa sila ni Saroy! Kaya sabihin niyo sa akin, nasaan si Saroy?! Magbayad na siya ng utang kung ayaw niyang sirain ko bahay niya using my Powers of Mind!"

Mang Temyong: "Power of Mind?! Anong uri ng Power of Mind ang sinasabi mo?!"

Mang Eliasar: "Mayroon bang ganon?"

Mr. Maddhafakha: "Gusto niyo Sample?! Sige! Ihahagis ko kayo gamit Power of Mind!"

Dahil hindi naniniwala ang tatlong lalaki sa sinasabi ng Indian National, inilagay ng lalaki ang kaliwang hintuturo at hinlalato nito sa kanyang kaliwang sentido, at ginamit naman nito ang kanang hintuturo nito para ituro ang tatlong lalaki.

Tsaka iwinasiwas niya ang kanyang kanang kamay para ihagis ang tatlo gamit ang sinasabi nitong Power of Mind.

Ngunit wala namang naramdamang kakaiba ang tatlong lalaki at inisip lang nilang imaginary powers ang sinasabi nitong Power of Mind.

Kaya lalo lang hindi naniwala ang tatlong lalaki sa lalaking Indian National.

Mang Temyong: "Mr. Wadapaka, wala naman kaming naramdaman sa ginawa mo."

Mang Impong: "Oo nga. Mukhang nakikipaglokohan lang ata sa atin itong Bombay na ito."

Mr. Maddhafakha: "Anong Bombay?! Indian ako!! INDIAN!! Hindi BOMBAY! Yung Bombay, lugar iyon sa pinanggalingan ko!! At Maddhafakha apelyido ko! Hindi Wadapaka!"

Mang Eliasar: "Ganon ba yun? Akala namin Bombay ang ibang tawag sa mga Arabo."

Mr. Maddhafakha: "Sabing INDIAN ako! Hindi Arabo! Ang Arabo nakatira sa Middle East! Hindi sa India!"

Mang Temyong: "Anyway, ano nga pala ipinunta mo dito? Mr. Maddhafakha?"

Mr. Maddhafakha: "Nandito ako para singil si Saroy sa utang niya sa akin 300,000 Pesos! Plus 100% interest, kaya mayroon siya 400,000 pesos! Tapos hindi niya pa nabayaran last year interest! Kaya total babayaran niya sa akin 500,000 pesos!"

Emily: (500,000 pesos?! W-Wow! Kaya pala maagang nagsara ang Kambal. Ang laki pala ng utang nang kanilang Lolo.)

Kit: (Binalaan si Mang Saroy ni Lola na huwag umutang sa mga Bombay dahil literal na 5'6 talaga ang estilo nila ng transaction sa pagpapautang. Pero hindi nakinig si Mang Saroy, kaya yan tuloy napala niya.)

Mr. Maddhafakha: "Ngayon! Sabihin niyo kung nasaan si Saroy! At sisingilin ko na siya ng pera!"

Nanahimik ang lahat at nagkunwaring hindi alam ng tatlong lalaki kung saan nagpunta si Saroy. Kaya pinilit ng Collector na Indian National na kausapin ang tatlo para sabihin ang totoo.

Mang Temyong: "Pasensya na Mr. MotherFather, hindi namin alam kung nasaan si Saroy."

Mang Impong: "Oo. Kanina pa kami tumatambay dito sa harap ng kanyang bahay at kanina pa nakasara ang kanilang Sari-Sari Store."

Mang Eliasar: "Tsaka lumabas din ng bahay mga kasama niya sa Store. Kaya hindi mo sila mahahanap."

Mr. Maddhafakha: "Huwag kayong magsinungaling! Nakikita ko dami tsinelas sa pinto bahay niya! Tsaka bakit nakawala aso niya nakakadena at may kagat na Itak?!"

Mang Temyong: "Sino? Yung aso niyang si Slasher? Hindi naman papangalanang Slasher yan kung hindi nananaga ng tao."

Mang Eliasar: "Tsaka si Slasher lang ang aso dito na hindi nangangagat. Pero kapag nakawala yan, naghahanap iyan ng itak o katana tsaka ka niya tatagain sa likod. Kaya nakakatakot din yan aso ni Saroy."

Mr. Maddhafakha: "Kung ganun, gamitin ko na Super Power of Mind sa inyong lahat! Para malaman ko asan si Saroy! Dahil kayo hindi sabi totoo!"

Kit: "Super Power of Mind?"

Emily: "A-Ano naman kaya iyon?" (Totoo nga sinabi ni Kit, sobrang napaka-Weird nga nang lalaking ito. Tsaka ang weird din nung aso nang Kambal. Nakikita kong nakabantay sa pinto ng kanilang bahay at may kagat-kagat na itak.)

Maya't maya, tumayo ng tuwid ang Indian national at inilagay niya ang parehong hinlalaki at hintuturo ng kanyang mga kamay sa kanyang kaliwa at kanang sentido.

Tsaka niya tinitigan si Temyong sa mga mata. Nataka naman ang lahat sa kung ano ang ginagawa ng lalaki hanggang sa magulat sila sa kanyang mga sinabi.

Mr. Maddhafakha: "Ayon sa iyong isip, Temyong! Gusto mong umutang ng alak sa Sari-Sari Store ni Saroy! Pero hindi ka makautang kasi umalis siya ng maaga."

Mang Temyong (shocked): "Teka?! Paano mo nala-!"

Mr. Maddhafakha: "Silence! Hindi pa ako, tapos! Nababasa kong, nandaya si Eliasar sa sugal ninyo kanina! At Dalawa ang Ace of Spades sa Deck ng mga baraha!"

Mang Impong: "A-Ano?! Dinaya mo kami?!"

Mang Temyong: "Kaya pala nagtataka ako kung bakit may Ace of Spades ka kanina! Samantalang nagdrop ako ng Aces of Spades sa gitna ng mesa!"

Mang Eliasar (denial tone): "Hi-Hindi yan totoo! Niloloko lang kayo nitong Indiano!"

Mr. Maddhafakha: "Ito namang si Impong, ipinanganak na Uto-Uto! Kaya laging natatalo sa sugal!"

Mang Impong: "Sinungaling ka! Hindi ako uto-uto! Lagi lang akong talo pero hindi ako uto-uto!"

Mang Temyong: "Impong may Granada sa paa mo."

Mang Impong (scared): "Nasaan yung Granada?! Tumakbo na tayo!"

At tumakbo si Impong palayo sa Store dahil naniwala ito sa sinabi ni Temyong.

Mang Temyong: "Oo nga. Uto-uto nga siya."

Mang Eliasar: "Pero hindi ibig sabihin totoo ang sinasabi nitong Indiano at nababasa niya ang ating mga isip! Sigurado akong nagkukunwari lang yan!"

Mr. Maddhafakha: "Ayaw niyo maniwala na nababasa ko isip niyo? Sige! Eliasar! nababasa ko sa mga isip mo kinuha mo pangsugal pambayad mo ng kuryente! Kaya galit na naman asawa mo!"

Mang Eliasar: "Pa-Paano mo nalaman iyon?! At paano mo din nalaman mga pangalan namin?!"

Mr. Maddhafakha: "At umalis ka na! Bayad ka nang kuryente bago ka abutan at sakaling ka asawa mo!"

Mang Eliasar: "Ha! Bakit kita susundin?! Sa tingin mo maniniwala ako sa mga-"

Mang Temyong: "Pare, tumingin ka muna saglit dito sa kaliwang kanto. Mukhang asawa mo ata yung naglalakad papunta dito."

Saglit na tumingin si Eliasar sa kaliwang kanto at nagulat na lang ito ng makita ang kanyang asawa na galit na galit at papalapit sa tapat ng Sari-Sari Store.

Mang Eliasar: "Jusko! Asawa ko nga yan, Pre! Kailangan ko nang umalis!"

At kumaripas ng takbo si Eliasar palayo sa Store para magbayad ng kuryente sa Downtown.

Naiwan naman sila Mang Temyong, ang Lalaking Indiano, Emily at Kit.

Mr. Maddhafakha: "Ngayon, nababasa ko pa isip ng nakahiga dito sa lupa, pumunta si Saroy downtown para magwithdraw pera! At kaya naka-Sun glasses si Selmo dahil..!"

Mang Temyong: "Dahil ano?"

Mr. Maddhafakha: "Dahil nakikita niya ang Secret of the Universe!"

Mang Temyong: "Hay...Ewan ko kung ano sinasabi mo. Pero wala akong pakialam kung ano ang nakikita mo sa lalaking iyan."

Mr. Maddhafakha: "At isa pa! Nababasa ko ang isip ng dalagitang iyan na gusto niya ang binatilyong kanyang katabi!"

Emily: "HA?!"

Nagulat si Emily nang basahin din ng lalaking Indian national ang laman ng kanyang isip at dahil sa sinabi ng lalaki, itinanggi niya kay Kit ang sinabi nito.

Emily: "Kit! Huwag kang maniwala sa sinabi niya! gumagawa lang siya ng kuwento!"

Kit: "Oo."

Emily: "Ha? Naniniwala ka ba sa akin?"

Kit: "Mabuti pang umuwi ka na at baka hanapin pa yan Tomato Sauce na dala mo."

Emily (disappointed): "Si-Sige. Mabuti pa nga." (Mabuti naman at hindi naniwala si Kit sa sinabi nung lalaki. Pero ba't parang naghihinayang akong hindi naniwala si Kit sa kanyang sinabi?)

Dahil naiilang at ayaw ni Emily na malaman ni Kit ang tungkol sa kanyang tunay na nararamdaman, minabuti na lang niya na sabayan ang sinabi ni Kit at umuwi siya sa kanyang bahay.

Mr. Maddhafakha: "Iba ka rin, Boy! Nagkunwari kang hindi naniniwala sa akin para hindi mabigla ang dalagang iyon! Pero sa totoo lang, nababasa ko iyong isipan na..."

Biglang nanahimik ang Indianong lalaki nang mabasa niya ang iniisip ni Kit at inalis ang kanyang mga daliri mula sa kanyang ulo. Nakasimangot naman si Kit at nakatitig din siya sa lalaki.

Mr. Maddhafakha: "Ihahampas mo ang upuan at babasagin mo ang aking bungo kapag hindi pa ako tumigil sa pagbabasa ng isip. Kaya sige, titigil na ako. Mahirap pa naman pakisamahan ang mga taong pabago-bago ang iniisip."

Kit: "Buti naman po at nababasa niyo. Tsaka andiyan na pala si Mang Saroy."

Mr. Maddhafakha: "Si Saroy?! Nasaan?!"

Sakay ng isang Tricycle, huminto at bumaba si Saroy mula sa loob ng Tricycle dala ang isang malaking bag.

Hinala nina Kit at Mang Temyong, naglalaman ng sangkatutak na pera ang naturang bag para pambayad ng utang sa Indianong lalaki.

Mr. Maddhafakha: "Sa wakas! Dumating ka na rin, Saroy."

Mang Saroy: "Oo. Nandito na ako, Ranjithira. Para tapusin ang ating pagtutuos!"

Mr. Maddhafakha: "Kung ganon, sisiguraduhin kong marami ka pang kakaining bigas! Dahil kukulangin na naman ang dala mong pambayad."

Mang Saroy: "Ranjithira, hindi ako kumakain ng bigas! Kumakain ako ng palay! Nginunguya ko ang palay kasama ang Ipa! Tsaka ko lulunukin!"

Kit: (Grabe naman yun. Kinakain niya yung palay mismo? Buti hindi nasusugat ang kanyang bituka sa pagkain ng Ipa ng palay.)

Mr. Maddhafakha: "Kung ganon, walang matigas na tinapay sa mainit na kape! Kaya huwag kang umastang mas matigas ka sa akin!"

Mang Saroy: "Diyan ka nagkakamali, lalaking may Body odor! Alam mo bang ang Crinkles na niluto ng aking Manugang at kasing tigas ng bato? At hindi natutunaw sa Kape?"

Mr. Maddhafakha: "Impossible! Pa-Paanong hindi natutunaw sa kape kanyang Crinkels?!"

Mang Saroy: "Simple lang ang sagot, aking karibal. Napagkamalan lang naman niyang Harina ang naihalo niyang White cement. Kaya nang maluto, basag ang aking pustiso!"

Mr. Maddhafakha: "Anyway, tapusin na natin ito, Saroy! Nang matapos na ang iyong paghihirap!"

Mang Saroy: "Oo. Tama ang sinabi mo, lalaking amoy sibuyas! Tapusin na natin ang isang taon na pagtutuos! Nang malaman na natin kung sino ang REAL Gangster!"

Mang Temyong: (Kung makatindig at makapagsalita ang dalawang ito, parang may magaganap na duelo sa kung sino ang mabilis bumaril.)

Upang matapos ng tuluyan ang isang taong hindi pagbabayad ni Saroy ng kanyang utang kay Mr. Maddhafakha, ibinigay niya ang dala niyang bag sa lalaki at binilang naman ng Indainong lalaki ang perang laman ng bag.

Matapos bilangain at mapatunayang 500,000 pesos ang laman ng bag, inilabas ng Indianong lalaki ang isang envelop at inilabas ang isang papel na nagsasabing bayad na si Saroy sa kanyang mga utang. Agad naman itong pinirmahan ni Saroy at ibinigay sa Indiano.

Mr. Maddhafakha: "Sa wakas, tapos na ang iyong paghihirap, Saroy. Wala ka ng utang sa aking kumpanya."

Mang Saroy: "Salamat naman, kung ganon."

Mr. Maddhafakha: "Payo ko na lang sayo, Saroy. Huwag ka na uutang! Ayoko nang makita pagmumukha mo!"

Mang Saroy: "Ako din naman! Ayoko na din kitang makita! Dahil napakabaho mo!"

Mr. Maddhafakha: "Then, Good bye!!"

Tsaka nito itinayo ang kanyang motorsiklo sabay pinaharururot ng mabilis ang kanyang sasakyan at iniwan sila Kit, Mang Saroy at Mang Temyong sa tapat ng Sari-Sari Store.

Mang Saroy: "Hay! Nakahinga na rin ng maluwag! Hindi ko na din makikita pa ang pagmumukha ng lalaking iyon!"

Mang Temyong: "Saroy, ano ba kasi ginawa mo at umutang ka ng pagkalaki-laking halaga ng pera sa lalaking iyon?"

Mang Saroy: "Ipinadala ko sa anak kong nasa Abroad yung perang inutang ko sa Tiyuhin nung Kambal. Pang dagdag sa kanyang Placement fee. Buti na lang hindi naaksaya ang ipinadala kong pera at nagbunga din yung kanyang pagsisikap. Kung saan na-permanente siya sa trabaho. Kaya nung mga nakaraang buwan, sobra pa sa inutang kong pera ang ipinadala niya sa akin at ibinili ko ng lulutuing handang pagkain para sa bisperas ng bagong taon."

Mang Temyong: "Wow! Ang swerte mo naman pala, Saroy. Ibinalik din ng anak mo ang iyong paghihirap bilang isang Ama."

Nanahimik si Saroy ng maalala nitong wala na palang kasamang pamilya si Temyong. Kaya naisip niyang imbitahan si Temyong na magbagong taon sa kanyang bahay.

Mang Saroy: "Alam mo, Temyong. Naisip ko lang, kung saluhan mo kaya kaming mag-New Year dito sa bahay. Para hindi ka lang nagso-solo at umiinom ng alak dyan sa kalsada."

Mang Temyong: "Iniimbitahan niyo po ako?"

Mang Saroy: "Oo. Bakit? Masama ba?"

Mang Temyong: "Hindi. Hindi sa ganun."

Mang Saroy: "Huwag ka nang mahiya. Makapal din lang naman ang iyong mukha kapag nakainom!"

Mang Temyong: "Kung iyan ang gusto mo, sige. Hindi na ako tatanggi pa. Tsaka salamat, Saroy."

Mang Saroy: "Oo na. Tsaka pakitulungan na din ako sa pagluluto."

Mang Temyong: "Salamat ulit."

Matapos mag-usap ang dalawang matanda, agad pumasok si Saroy sa loob ng kanyang bahay para magluto at sandaling naiwan si Temyong sa labas.

Tahimik sanang aalis si Kit para bumalik sa kanyang bahay, nang bigla siyang pinigilan ni Temyong.

Mang Temyong: "Kit! Sandali! May sasabihin lang ako sayo."

Kit: "Ano po iyon?"

Lumapit si Kit kay Mang Temyong at sinabi nito ang gusto nyang sasabihin.

Mang Temyong: "Kit, habang sariwa pa sa isipan ni Emily ang nangyaring mind reading ni Maddhafakha kanina, kung ako sayo, magtapat ka na at sabihin mo sa kanya ang iyong nararamdaman."

Kit: "Mang Temyong, hindi po ba masyadong maaga itong-"

Mang Temyong: "Kit! Magandang pagkakataon ito para magtapat sa kanya! Habang inaalala pa niya ang iyong mga nalalaman tungkol sa kanyang nararamdaman!"

Kit: "Naniniwala po kayo dun sa sinabi nung Indiano? Paano kung nagkataon lang?"

Mang Temyong: "Naniniwala ako sa kanya dahil totoo ang kanyang sinabi tungkol sa akin kaninang umaga. At totoo din ang kanyang sinabi tungkol kila Impong at Eliasar. Kaya naniniwala ako na gusto ka ni Emily dahil sinabi ni Mr. Body Odor na gusto ka niya."

Nanahimik si Kit at pinag-isipan ang sinabi ni Mang Temyong sa kanya, at naguguluhan din siya sa kung tama ba na sundin ang sinabing kutob ni Mang Temyong sa kanya.

Pero dahil gusto ni Kit si Emily, isinawalang bahala na lang niya ang mga mangyayari at sinunod ang sinabi ni Mang Temyong.

Kit: "Sige po. Gagawin ko po."

Mang Temyong: "Tama! Ganyan nga! Kung gusto mo siya, sabihin mo sa kanya!"

Kit: "Mang Temyong, salamat po sa payo. Aalis na po ako."

Mang Temyong: "Oo, Kit. At Good luck sayo."

Matapos payuhan ni Mang Temyong si Kit, sumunod itong pumasok sa bahay ni Saroy para tumulong sa pagluluto at umuwi naman si Kit sa kanyang bahay.

Makalipas ang ilang oras na paghahanda sa mga ilalagay na Kuwitis at pa-ilaw para sa magaganap na Fireworks display ng Barangay, sa tabi ng dagat.

Labing-limang minuto ang nalalabi bago sumapit ang bagong taon, pumunta sa tabi ng dagat ang lahat ng mga kapit-bahay nina Kit at Emily para abangan ang magaganap na Fireworks display na pinondohan ni Lola Delia.

At habang nagpupuntahan ang mga tao sa tabing-dagat, sasabay sana si Emily sa paglalakad kasama ang kanyang Ate at ang pamilya ni Mark at Lola Delia, nang bigla siyang hinila ni Kit.

Emily: "Kit? Ba't mo ako hinila? Hindi ka ba sasabay sa pamilya mo para manuod ng Fireworks display?"

Kit: "Hindi."

Emily: "Bakit hindi? Nag-effort pa naman si Lola Delia sa pagpapalagay ng Fireworks display sa tabi ng dagat, tapos hindi ka manonood?"

Kit: "Wala naman akong sinabi na hindi ako manonood."

Emily: "Eh bakit ayaw mong sumabay na manood kasama ang pamilya mo sa tabi ng dagat? Tsaka baka hanapin ako ni Ate kapag napansin niyang wala ako sa kanyang tabi."

Kit: "Gusto kong pumwesto tayo sa lokasyon kung saan tayo ligtas."

Emily: "Anong ibig mong sabihin?"

Nagtaka si Emily sa sinabi ni Kit at napansin niyang tila nagpapahiwatig ito na may magaganap na hindi maganda sa panonood nila ng Fireworks display.

Kaya muling tinanong ni Emily si Kit sa kung ano ang kanyang nalalaman.

Emily: "Kit, sabihin mo? May aberya ba doon sa mga inilagay na paputok sa tabi ng dagat?"

Kit: "Walang problema sa mga paputok. Ang problema yung taong magsisindi."

Emily: "Taong magsisindi? Sino ba kasi ang magsisindi sa mga paputok?"

Kit: "Si Mang Saroy at nakainom na siya ngayon ng alak."

Emily: "Bakit? Ano bang mangyayari kapag siya ang nagsindi sa mga paputok?"

Kit: "Madalas natatabig ni Mang Saroy ang mga nakatayong lalagyan ng mga Kuwitis sa tuwing magsisindi siya ng paputok. Ang resulta, nagmimistulang mga Missile yung mga nakahigang Kuwitis at sumasabog sa direksyon ng mga taong nanonood."

Emily: "Eh di nasa panganib si Ate! Kailangan ko siyang itext!"

Kit: "Hindi na kailangan. Kasama naman niya sila Uncle Ansyong, Uncle Mark at si Lola. Kaya hindi siya mapapahamak."

Emily: "Kit?! Paano ka nakakasiguro na hindi mapapahamak si Ate?!"

Kit: "Hindi mo ba napansin kanina habang magkakasama kayong naglalakad? May mga dalang Riot Shield sila Lola Delia at pati na rin yung iba pang mga kapit-bahay. Si Mang Selmo nga, nakita ko pang dala niya yung Shield ni Lapu-Lapu."

Emily: "Oo. Nakita ko ngang may mga dalang Shield ang mga kapit-bahay natin. Akala ko kanina pampaingay nila yun pagsapit ng hating-gabi."

Kit: "Kaya huwag kang mag-alala dahil hindi nila hahayaang mapahamak ang iyong Ate."

Emily: "Kung sabagay, tama ka nga Kit. Hindi niyo naman kami iimbitahan ni Ate kung ikakapahamak namin ang panonood ng Fireworks display. Pero sa ngayon, saan naman tayo pupuwesto?"

Kit: "Halika. Sundan mo ako."

Matapos mag-usap, naglakad sina Kit at Emily papunta sa tabi ng dagat. Pero, imbes na pumunta sila sa lokasyon ng mga manonood, pumunta ang dalawa sa isang maliit na Shed, malayo sa mga magsisindi ng Kuwitis.

Emily: "Kit? Sigurado ka bang hindi tayo aabutan ng nakahigang Kuwitis dito?"

Kit: "Oo. Magtiwala ka. Ligtas tayo dito."

Emily: "Sabi mo yan ha?"

Kit: "Oo. Tsaka maghahating gabi na pala."

Isang minuto na lang bago magbagong taon, excited na ang lahat at hinihintay na lang ang oras ng hating-gabi para sindihan ang mga Kuwitis, nang mapansin ni Lucile na wala sa kanyang tabi si Emily.

Lucile: "Madam, nakita niyo po ba si Emily?"

Lola Delia: "Ay hindi, Iha. Pero sigurado akong kasama niya ang Apo ko."

Lucile: "Magkasama po sila ni Kit? Pero saan naman kaya sila nagpunta?"

Lola Delia: "Siguro nasa likod sila nang mga tao at hinihintay din ang pagsisindi sa mga Kuwitis."

Lucile: "Eh si Ma'am Amelia po? Ba't parang hindi po natin siya kasama?"

Lola Delia: "Nagpaiwan siya sa bahay. Mas gusto daw niyang manood ng mga Fireworks sa Balkonahe kaysa dito sa tabing dagat."

Lucile: "Tsaka bakit po kayo may mga dalang panangga at pati na rin ang karamihan sa mga taong nandirito? Gagamitin niyo ba iyan sa pag-iingay?"

Lola Delia: "Hindi, Iha. Proteksyon natin ito mula sa mga Kuwitis. Kaya pumwesto ka lang dyan sa likod at mag-enjoy!"

Lucile: "Pro-Proteksyon?! Madam, anong ibig niyo pong sabihin?!"

Mark: "Guys! Ayan na! 3! 2! 1!"

Ansyong: "Lahat! Formation! Lasing na naman yung mga taga-sindi ng Kuwitis!"

Ihinilera at pinagdikit-dikit ng mga tao ang dala nilang mga panangga, nang sindihan nina Saroy at Temyong ang mga nakahilerang Kuwitis.

At gaya ng inaasahan, sinindihan ni Saroy ang mga Kuwitis ngunit kasabay ng kanyang pagsindi, natatabig naman niya ang mga nakatayong lalagyan ng mga Kuwitis at natutumba ang mga ito na nakatutok sa mga manonood.

Mang Temyong: "WOOOOOH!! HAPPY NEW YEAR!!"

Mang Saroy: "SINDI LANG NG SINDI!! FIRE IN THE HOLE!!"

Lalaki1: "Mga Kapit-bahay!! Lasing na si Mang Saroy!!"

Lalaki2: "TAKE COVER!!"

Lalaki3: "Gantihan niyo!! Hagisan niyo ng Pla-Pla!!"

Mark: "R.P.G.! 12 O'Clock! Natabig na naman niya yung lalagyan ng Kuwitis!!"

Lucile: "Ma-Madam?! Fireworks display po ba to?! Ba't nagmimistulang giyera na po ang nagaganap po dito?!"

Lola Delia: "Talagang ganito dito, Iha. Masasanay ka din. Hahahaha!"

Lucile (shocked): "A-ANO?!"

Dahil panay ang tabig ni Mang Saroy sa lalagyan ng mga Kuwitis, nagsisiliparan sa iba't ibang direction ang mga ito at kung saan man dumapo ang mga Kuwitis ay doon na rin sumasabog ang mga ito.

Napangiwe na lang si Emily sa Shed kung saan sila nanonood ni Kit, nang makita niya ang mistulang Giyera na nagaganap sa lokasyon ng mga taong nanonood sa Fireworks display.

Emily: "Kit, lagi bang ganito ang New Year niyo dito?"

Kit: "Oo. Pero kung minsan, matiwasay naman ang New Year namin kapag hindi naka-inom si Mang Saroy."

Emily: "Tsaka Kit, wala bang nasasaktan sa mga tao kapag pumapalpak ang mga inilalagay niyong mga Fireworks?"

Kit: "Wala naman. Sa katunayan nga, normal na lang sa kanila ang masabugan ng mga paputok at kapag naubos na ang mga paputok, aalis na lang sila na parang walang nangyari."

Emily: "Uhh...Ga-Ganon ba?"(Sa madaling salita, napaka-weird ninyong lahat.)

Kit: "Paubos na ang mga Kuwitis ni Mang Saroy. Mukhang mapapa-aga ang pag-uwi ng mga tao."

Ilang sandali pa, tuluyan nang naubos ang mga Kuwitis at nagsiuwian ang mga tao ng matapos ang palpak na palabas.

Hinila naman ng ilang mga kalalakihan sila Saroy at Temyong pabalik sa kanilang lugar dahil hindi na makatayo ang mga ito sa sobrang kalasingan.

Pag-alis ng mga tao, kinausap ni Kit si Emily kung nag-enjoy ba siya sa kanyang napanood.

Kit: "Emily, nag-enjoy ka ba sa Fireworks show na iyong napanood?"

Emily: "Uhmm...Ang totoo, nadismaya ako sa aking napanood kasi kung saan-saang direksyon sumasabog ang mga Kuwitis. Kaya hindi ko masabi kung matutuwa ba ako sa show kanina o hindi."

Kit: "Dismayado ka ba kanina?"

Emily: "Oo. Pero huwag mo sanang masamain."

Kit: "Okay lang. Pero dito sa ipapakita ko, baka hindi ka na madismaya."

Emily: "Bakit? Ano bang ipapakita mo sa akin?"

Kit: "Tumingin ka sa dagat."

Emily: "Sa Dagat? Ano bang mayroon sa Dagat?"

Paglingon ni Emily sa dagat, inilabas ni Kit mula sa kanyang kanang bulsa ang isang Remote control igniter at pinindot ang pulang button.

Nagulat si Emily ng biglang may lumipad na Kuwitis mula sa gitna ng dagat at pumutok sa himpapawid.

Hanggang sa sunod-sunod ang paglipad ng mga Kuwitis at kasabay ng pagputok ng mga ito sa ere ay ang naggagandahang ilaw na inilalabas ng bawat isa.

Labis ang naramdamang tuwa ni Emily nang makita niya ang mga ilaw sa kalangitan at habang tinitingnan ang mga naggagandahang ilaw ay napansin din niya ang isang bangka sa gitna ng dagat kung saan nagmumula ang mga Kuwitis.

At habang nagpuputukan sa kalangitan ang naggagandahang mga pailaw, kinausap ni Emily si Kit.

Emily: "Kit, ang gaganda ng mga Fireworks."

Kit: "Buti nagustuhan mo."

Emily: "Kailan ka pa naglagay ng mga paputok sa bangka?

Kit: "Kaninang dapit-hapon."

Emily: "Tsaka bakit ka pa nag-abalang gumawa ng Fireworks display para sa akin?"

Kit: "Alam ko kasing madidismaya ka sa Fireworks show ni Mang Saroy. Kaya naghanda pa ako ng isa pa, sakaling hindi ka matuwa sa napanood mo kanina."

Emily: "Oo. Nadismaya ako kanina. Pero ngayon, masaya ako kasi ang gaganda ng mga nakikita kong mga pa-ilaw sa himpapawid."

Kit: "Ano masasabi mo sa mga pa-ilaw na iyong nakikita?"

Emily: "Ang gaganda nila. Para silang mga bituin sa langit."

Kit: "Magaganda sila?"

Emily: "Oo. Bakit? Hindi ka ba nagagandahan sa mga inilagay mong mga pa-ilaw."

Kit (cold tone): "Hindi."

Emily (irritated): "Hindi?! So ano pang silbi na naghanda ka pa ng Fireworks display para sa akin kung hindi mo lang pala gusto yung mga pa-ilaw na iyong nakikita?!"

Kit: "Kasi yung pinakamagandang pa-ilaw na aking nakita ay katabi ko lang at kasing ganda din niya ang pinakamagandang bituin sa langit."

Emily (confused): "Ki-Kit? A-Anong ibig mong sabihin?"

Nagtaka si Emily sa sinabi ni Kit at siya'y napatingin rito.

Pagtingin niya, nakita niyang seryosong nakatitig sa kanya si Kit at tila may gustong ipahiwatig. Maya't maya, muling nagsalita si Kit.

Kit: "Gusto kita, Emily. Pero higit pa sa pagkagusto ang nararamdaman ko para sayo."

Emily: (Ki-Kit?! Ipinagtatapat mo na ba sa akin ang iyong nararamdaman? Gusto na din kita pero ano ang dapat kong sabihin para hindi kita ma-offend?!)

Namula ang pisngi ni Emily ng marinig niya ang sinabi ni Kit at naiilang siya rito. Ngunit nagpatuloy si Kit sa mga gusto niyang sabihin.

Kit: "Kung hindi mo ako gusto, irerespeto ko ang iyong desisyon. Pero kahit ano pa ang maging desisyon mo tungo sa akin, hindi magbabago ang pagtingin ko sayo. At kung magkaproblema ka man, nandito lang ako para sayo."

Patuloy na nailang at hindi makapagsalita si Emily dahil sa biglaang pagtatapat ni Kit sa kanyang nararamdaman.

Ngunit inaalala pa rin Emily ang ginawang pag-iwan sa kanya ni Axel at natatakot siya na kapag sinagot niya si Kit ay maaaring iwan din siya nito.

Kaya para masiguro ni Emily na nagsasabi ng totoo si Kit, tinanong niya muna ito.

Emily: "Uhmm....Kit.. uhmm... Gu-Gusto mo ako?"

Kit: "Oo."

Emily: "Uhmm...Pa-paano ko masisiguro-"

Kit: "Kung nagsasabi ako ng totoo?"

Emily: "Oo."

Kit: "Dahil ba ito sa panloloko sayo ni Axel kaya ba natatakot kang sagutin ako?

Emily: "O..Oo, Kit."

Kit: "Kung natatakot ka, hindi kita pipilitin."

Emily: "Pa-Pasensya na, Kit."

Kit: "Nauunawaan ko."

Emily: "Pero gu-gusto mo ba ako?"

Kit (determined tone): "Oo at gagawin ko lahat. Para sayo."

Emily: "Gagawin mo...lahat?"

Tinitigan ni Emily si Kit sa kanyang mga mata at nakita niyang seryoso ito sa kanyang mga sinabi.

Hanggang sa bigla niyang naalala, noong panahong nagkaroon sila ng Camping ay binigyan siya ni Kit ng isang sako na may lamang mga prutas.

At ito rin ang naging basehan ni Emily na sa una pa lang ay gusto na siya ni Kit. Kung kaya't, muli na namang tinanong ni Emily si Kit.

Emily: "Kung talagang totoo ka sa akin, Kit at sinasabi mong gagawin mong lahat para sa akin, gusto kong patunayan mo ang iyong mga sinabi."

Kit: "Kung patunay lang naman ang hinahanap mo, matagal na akong nakahanda. Kaya sabihin mo na kung ano ang dapat kong patunayan."

Emily: "Huwag mo akong halikan kapag pinipilit kitang halikan."

Kit: "Nagbibiro ka ba?"

Emily: "Hindi ako nagbibiro. Gusto kong malaman kung hindi ka matutukso sa aking labi."

Kit: "Gawin mo na nga at patutunayan kong hindi kita hahalikan."

Dahil sa ibinigay na hamon ni Emily kay Kit para patunayan ang kanyang pagiging totoo, lumapit si Emily kay Kit at pinatulis ang kanyang labi, tsaka pilit na hahalikan si Kit. Pero hindi inasahan ni Emily ang sumunod na ginawa ni Kit, matapos nitong maglabas ng isang baraha at idinampi ito sa patulis na labi ni Emily na naging dahilan para mainis siya kay Kit.

Emily (annoyed): "Puweh! Kit! Ba't mo idinampi sa labi ko yan baraha?! Ang dumi niyan!"

Kit: "Sabi mo, huwag kitang halikan. Kaya itinapal ko na lang yan baraha sa iyong bibig."

Emily: "Wala akong sinabi na magtapal ka ng kung anong bagay sa aking bibig! Ang inaasahan kong gagawin mo ay iiwas mo ang iyong bibig sa aking labi!"

Kit: "Iniwasan ko naman. Gamit ang baraha."

Emily: "Iniwasan mo nga! Pero wala akong sinabing tapalan mo ng kung anong bagay ang aking bibig!"

Kit: "Eh anong bagay ba ang gusto mong itapal dyan sa iyong bibig?"

Emily: "Ano pa ba?! Eh di yung LABI mo!"

Saktong naubos ang mga Kuwitis na ihinanada ni Kit at kasabay ng pagkaubos nito ay ang biglang pananahimik ng buong paligid, matapos sabihin ni Emily na gusto niyang labi ni Kit ang nakadampi sa kanyang labi.

Emily (blushing hard): "Ahh...ehh..." (A-ANONG GINAWA KO?! BA'T KO SINABI YUN?!)

Kit: "Labi ko?"

Emily: "Kit! Nagkamali ka nang narinig! Hindi labi ang iyong narinig!"

Kit: "Natataranta ka at namumula ang iyong mukha. Kailangan mo munang huminahon."

Emily: "Kit! Hindi ako natataranta! At naguguluhan na ako dahil sa sinabi mong gusto mo ako!!"

Kit: "Huminahon ka kasi."

Emily: "Pinipilit ko na nga!!"

Kit: "Gusto mo tulungan kitang huminahon?"

Emily: "Paano mo ako mapapahinaho-!"

Sa hindi inaasahang pangyayari, lumapit si Kit at hinawakan niya ng pareho niyang mga kamay ang mga pisngi ni Emily at idinampi ang kanyang labi sa kanyang mga labi.

Bagamat nagulat sa ginawang paghalik ni Kit, hindi nagpumiglas si Emily matapos niyang maramdaman ang malambot at mainit na labi ni Kit hanggang sa niyakap niya na rin ito sa kanyang batok.

Ilang segundo din ang itinagal ng paghahalikan ng dalawa, bago kusang inilayo ni Kit ang kanyang mga labi.

Kit: "Gumaan na ba yung pakiramdam mo?"

Emily: "Oo."

Kit: "Bigla ka ata tumigil sa pagrereklamo?"

Emily: "Ehh...Hinalikan mo ako sa pangalawang pagkakataon at ikaw lang ang tanging lalaki na humalik sa akin sa labi."

Kit: "Hindi mo ba ako sasampalin?"

Emily: "Hindi."

Kit: "Bakit hindi?"

Emily: "Gusto din kita. Pero natatakot ako na baka-"

Kit: "Ibahin mo ako kay Axel. Hinding-hindi kita sasaktan."

Emily: "Si-Sigurado ka ba?"

Kit: "Hindi kita pipilitin kung ayaw mong maniwala. Pero patutunayan kong mas higit pa ako kaysa sa kanya."

Emily: "Kung ganon, aasahan ko ang mga sinabi mo sa akin, Kit. Naniniwala na ako sayo."

Kit: "Huwag kang sobrang magtiwala sa akin. Magtiwala ka din sa sarili mo. Sabi nga nila, magtira ka din para sa sarili mo at huwag mong ibigay ang buo mong sarili sa taong mahal mo."

Emily: "Kanino mo naman iyan narinig?"

Kit: "Kay Mang Saroy. Tinuturuan niya kung paano manligaw yung Kambal. Pero alam mo namang iba ang ugali nung dalawang iyon."

Emily: "Oo. Sinabi mo pa."

Ilang minuto din na nakayakap si Emily kay Kit nang mapansin niyang napapatagal ang kanyang pagkakakapit sa batok ni Kit. Kaya bigla siyang lumayo.

Emily: "Pasensya na. Mukhang napatagal ang pagkakakapit ko sayo."

Kit: "Okay lang. Di problema yun. Tsaka mag aala una na ng umaga. Mabuti pa kung umuwi na tayo sa ating mga bahay."

Emily: "Oo. Mabuti pa nga. Tsaka...."

Kit: "Tsaka ano?"

Emily: "Salamat, Kit. At masaya ako dahil nakilala kita."

Kit: "Wala yon."

Matapos ang bagong taon, nagkaroon na rin ng bagong kasintahan si Emily matapos ihayag ni Kit ang kanyang tunay na nararamdaman at magkasamang naglakad pabalik sa kanilang mga bahay ang dalawa habang hinahawakan ni Kit ang kanyang kamay.

Para kay Emily, ito ay isang magandang pagkakataon para tuparin ang isa sa kanyang mga pangarap: ang makasayaw ang tunay niyang minamahal sa araw ng kanilang JS Prom.