Kinaumagahan, unang araw ng Enero at ng bagong taon, tanghali na nang magising si Emily mula sa pagkakatulog at bumangon sa kanyang kama.
Habang nagtatanggal ng dumi sa kanyang mga mata sa harap ng salamin, na-aalala ni Emily ang mga nangyari noong gabi ng huling araw ng taon at pakiramdam niya ay para siyang nananaginip, matapos siyang halikan ni Kit sa labi.
Emily: (Totoo ba yung nangyari kagabi? Hanggang sa mga oras na ito, pakiramdam ko parang panaginip lang ang ginawang paghalik sa akin ni Kit sa labi.)
Inilapit ni Emily ang kanyang mukha sa harap ng salamin at binusising pinagmasdan ang kanyang labi.
May puntong pinisil pa ni Emily ang kanyang sariling labi gamit ang kanyang kanang hintuturo at inuusisa ang kanyang bibig.
Hanggang sa mapansin niya ang isang kakaibang bagay.
Emily: (Teka? Parang may mali. Ba't pakiramdam ko, parang hindi na ito kasing lambot ng dati kong labi? Ganito ba ang pakiramdam matapos kang halikan ng isang lalaki sa labi? Ibig sabihin, totoo ang nangyari kagabi?! At hindi yun panaginip?!)
Maya't maya, biglang nakarinig ng malakas na tili si Emily mula sa Kusina ng kanilang bahay at nagmadali siyang bumaba mula sa kanyang kuwarto para puntahan ang pinanggagalingan ng ng malakas ng sigaw.
Pagdating sa Kusina, nadatnan niya ang kanyang Ate na nag-aalala at kinalat nito ang lahat ng kanilang mga gamit sa paluluto sa paligid na tila may hinahanap.
Lumapit naman si Emily sa kanyang Ate at kanya itong tinanong.
Emily: "Ate? Bakit po kayo tumitili? Ano pong nangyari?"
Lucile: "Jusko! Nawawala! Nawawala ang mga yun!"
Emily: "Ate? Ano po ang mga nawawala?"
Lucile: "Bunso! Nawawala lahat ng mga bagong labang mga underwear dito sa loob ng Kusina!"
Emily (shocked): "Nawala ang mga Underwear?!"
Nagulat si Emily ng marinig niya mula sa kanyang Ate na nawawala ang lahat ng mga nilabahan nilang mga underwear bago sumapit ang Bagong taon.
Hindi ina-akala ni Lucile na sa unang araw ng kanilang bagong taon sa bagong nilang tinitirahan ay mararanasan nila ang isang hindi maipaliwanang na pangyayari at ang malala pa, ito ang unang beses na nawalan sila ng mga sinampay na underwear sa kanilang bahay.
Dahil sa pangyayaring ito, may hinala si Emily na hindi basta nawala ang kanilang mga underwear at ito ay ninakaw ng kung sino.
Emily: "Ate! Kung sinampay niyo po dito sa loob ng kusina ang mga Underware, di ba dapat nandiyan lang po sila sa sampayan?"
Lucile: "Oo, Bunso. Sinampay ko sila dito sa loob bago mag-New Year. Pero paggising ko kanina, nawawala na sila sa sampayan. Iniisip ko, baka nailagay ko sa kabinet ang mga underwear pero ni isa, wala akong mahanap."
Emily: "Ate, hinala ko po, ninakaw ang mga nilabhan po nating mga Underware. At may hinala po ako kung sino ang "mga" kumuha."
Lucile: "Bunso? Alam mo kung sino ang mga kumuha? Kung ganon, sino?"
Emily: "Puntahan po natin sila mamaya. Pero sa ngayon, mag-agahan po muna tayo."
Lucile: "Oo. Mabuti pa nga."
Agad kinuha ni Emily ang mga tirang pagkain sa loob ng kanilang Ref at muling ininit sa kawali habang naghanda naman ng maiinom ng tsokolate ang kanyang Ate na nagpakulo ng tubig sa takure at inilagay sa kabilang pares ng Stove.
Nang maihanda nila ang kanilang agahan, agad pinagsaluhang kinain ang magkakapatid ang kanilang pagkain at pagkatapos kumain ay agad nilang inilagay sa lababo ang mga plato't kubiyertos, tsaka sila lumabas ng bahay at pumunta sa tapat ng Sari-Sari Store ng Mang Saroy.
Pagdating sa labas, nadatnan nila ang galit na mga tao sa harap ng bahay ni Mang Saroy at kanila itong sinisigawan na ilabas ang kanyang mga Apo.
Dalaga1: "Hoy!! Mga Manyak!! Lumabas kayo dyan! Ibalik niyo yung mga panty namin!"
Dalaga2: "Tsaka sa lahat ng mga kapit-bahay, alam naming kayo ang mga bastos!! Kaya ibalik niyo ang mga underwear namin!"
Hot Mama1: "Hindi na ba kayo nakuntento sa palpak ninyong paninilip?! Pati pagnanakaw ng panty, inatupag niyo na rin?!"
Macho Guy1: "Hindi lang panty kanilang ninakaw! Pati Brief hindi pa nila pinatawad!"
Lola Delia: "Kaya nga eh! Pati panty ng matanda, ninakaw pa nila! Hindi mo ba dinidisiplina yan mga Apo mo, Saroy?!"
Mang Saroy: "Mga kabarangay! Huminahon kayo! Alam kong marami nang nagawang perwisyo sa inyo ang mga Apo ko. Pero ni minsan, hindi ko sila tinuruan na magnakaw!"
Babae1: "Hindi kami naniniwala sayo, Mang Saroy! Alam namin na iyan mga Apo mo ang kumuha sa mga Underwear namin! Dahil sila lang ang mga bastos at manyak dito sa barangay!"
Lalaki1: "Oo nga! Tama iyon! Sila lang ang mga dakilang bastos dito!! Kaya ilabas niyo sila!"
Bakla1: "Tsaka ang sama ng ginawa nila! Ninakaw nila pati ang aking...Pagkababae!"
Nang marinig ng mga Kambal ang sinabi ng bakla nilang kapit-bahay, agad nilang binuksan ang bintana ng kanilang Sari-sari Store, tsaka nila ito pinagsabihan.
Allan (irrirated): "Hoy!! Vladimir!! Ang kapal mo!! Wala kaming ninanakaw na pagkababae sayo!! Dahil hindi ka babae!!"
Allen: "Oo nga! Tsaka wala kaming alam sa mga sinasabi ninyo! Wala kaming mga ninanakaw na Underwear!!"
Hot Mama1: "Hindi kami naniniwala sa inyo!! Lumabas kayo dyan sa lungga ninyo!!"
Sa galit ng mga tao, pinagbabato nila ng kung ano-anong mga bagay ang labas ng Sari-Sari Store ni Mang Saroy.
Dahil dito, napilitang magsara ng Store ang matanda at patuloy namang iginiit ng mga Kambal ang bintang sa kanila ng mga tao.
Habang si Emily at ang kanyang kapatid na si Lucile ay nanonood na lamang sa likod kanilang mga kapit-bahay.
Emily: "Yan. Ang babastos kasi. Ganyan tuloy ang napala nila."
Lucile: "Tsaka ayaw pa nilang aminin na sila ang kumuha sa lahat ng mga underwear ng kanilang kapit-bahay."
Emily: "Oo nga po. Ayaw pa nilang umamin. Halata namang sila ang mga magnanakaw."
Lucile: "Teka, Bunso? Anong na naman gagawin ni Kit sa tapat ng Sari-Sari Store ni Mang Saroy?"
Emily: "Ha?" (Si Kit? A-Ano na naman ang pinaplano niya?)
Biglang natigilan ang mga tao nang biglang maglakad si Kit sa tapat ng Sari-Sari Store at humarap sa mga tao ng nakakrus ang kanyang mga braso.
Habang nakatayo na nakasimangot, kapansin-pansin ang isang karatulang nakasabit sa kanyang leeg at may nakalagay na mga katagang: Walang ninakaw na mga Underwear ang mga Kambal. Nainis naman lalo ang mga tao sa ginawa ni Kit, ngunit inabisuhan naman ni Lola Delia ang kanilang kapit-bahay na huwag saktan o batuhin ang kanyang Apo.
Macho Guy1: "Hoy! Kit! Ano na namang ginagawa mo dyan?!"
Dalaga1: "Tumabi ka nga dyan! Kit! Kung ayaw mong masaktan!"
Lola Delia: "Apo! Umalis ka dyan! Masasaktan ka ng mga tao kapag hindi ka dyan tumabi!"
Lalaki1: "Siguro kasabwat ka sa pagnanakaw! Kaya pinoprotektahan mo yung dalawang Manyak na iyan!"
Hot Mama1: "Oo! Baka isa ka sa mga look-out ng Kambal! Kaya nagagawa nilang makapagnakaw!"
Lola Delia: "Oy! Oy! Oy! Sandali! Bakit pinagbibintangan niyo ang Apo ko?! Walang kinalaman ang Apo ko sa pagnanakaw nung Dalawang Apo ni Saroy!"
Bakla1: "Eh bakit po siya nakaharang diyan sa tapat ng bahay nung dalawang Kambal kung hindi siya kasabwat sa pagnanakaw ng mga Underwear?!"
Lola Delia: "Hoy! Vladimir! Hindi ko pinalaking kasabwat sa kung anong krimen ang Apo ko! Kaya huwag mo siyang pagbibintangan!"
Hanggang sa nagkaroon ng pagtatalo ang mga tao at si Lola Delia ng dahil lamang sa pagprotekta ni Kit sa mga Kambal.
Napangiwe na lang sa mga nangyayari sina Emily at si Lucile.
Maya't maya, dumating si Mang Temyong na hanggang sa mga oras na ito ay lasing pa rin at uutang sana sa Sari-Sari Store ni Mang Saroy, nang madatnan niya ang mga nagtatalong mga tao sa tapat.
Mang Temyong: "Hey! Wash happening there? Why are you everything?!"
Lalaki1: "Temyong! Hanggang ngayon ba naman, lasing ka pa rin?! Parang magdamag ka nang umiinom ng alak ha?!"
Mang Temyong: "Wash you problem?! You don't cares! Tsaka Why sharado Store ni Sharoy?!"
Kit: "Mang Temyong, nagsara po si Mang Saroy dahil pinagbabato po nila yung Store."
Mang Temyong: "What?! Binato?! Sino nangbato? Sino ang matapang na tao nagbabato ng bato sa harap ng Store ni Saroy ha?!"
Dalaga1: "Mang Temyong kung maaari po itulog niyo na po yan sa inyo-"
Mang Temyong: "Matapang kayo?! Lahat kayo hinahamon ko!! Mag-Lips-to-Lips tayo! Ikaw! matapang ka ba?!"
Macho Guy1: "Boss! Hindi po. Hindi ako lalaban. Tsaka maiwan ko na kayo."
Mang Temyong: "Ikaw?! Kayo?! Sila?! Saan?! Sino?! Papaano?! Lalo na itong si Vladimir lalaki pa naman! Matapang ka ba?!"
Lalaki1: "Naku! Ayan na naman si Temyong! Naghahamon na naman!"
Lola Delia: "Makaalis na nga. Nasaniban na naman ng espiritu ng alak itong si Temyong."
Hot mama1: "Umalis na lang tayo! Andyan na naman yung lalaking lasengo!"
Bakla1: "Lumayo ka sa akin! Hindi ako matapang!"
Biglang nagsialisan ang mga tao matapos magsimulang maghamon ng kakaibang away si Mang Temyong at hinabol ang mga sa tingin niya ay matatapang niyang mga kapit-bahay.
Naiwan naman si Kit sa tapat ng Store at kinatok ang bintana nito para palabasin si Mang Saroy kasama ang Kambal. Lumapit naman sina Emily at Lucile para kausapin si Kit, matapos maitaboy ni Mang Temyong ang kanilang mga galit na kapit-bahay.
Kit: "Mang Saroy, lumabas na po kayo. Wala na po sila."
Mang Saroy: "Wala na sila? Buti naman kung ganun."
Allan: "Oo nga. Kit, buti napaalis mo sila kanina. Kung hindi, isang linggo kaming magkukulong ni utol dito sa bahay."
Allen: "Oo nga!"
Lucile: "Kit, anong ginawa mo kanina? Bakit ka humarang sa harap ng mga tao?"
Emily: "Tsaka halata namang kasalanan nitong kambal. Ayaw pa kasi umamin."
Allen: "Emily, gaya ng sinabi namin kanina, wala kaming ninanakaw na Underwear. Maniwala naman kayo."
Allan: "Oo nga!"
Mang Saroy: "Itigil niyo nga yan kaka-"Oo nga" ninyo! Para kayong mga bakla!"
Allen: "Oo nga!"
Mang Saroy: "Hay! Jusko!"
Kit: "Mabalik lang tayo sa tanong ni Ate Lucile. Alam nating lahat na dakilang maninilip ng banyo itong dalawang ito. Pero hindi sila magananakaw ng Underwear."
Emily: "Kit, paano ka nakakasigurong hindi magnanakaw ng mga Underwear ang dalawang ito?! Halata naman na sila ang may kakayahang pumasok sa banyo ng mga bahay at kumuha ng mga underwear nang hindi napapansin ng mismong may-ari."
Kit: "Dahil kung maninilip sila ng banyo, bakit pa sila mag-aabalang magnakaw ng Underwear?"
Allan: "Oo nga! Bakit pa namin pag-iinteresan ni utol ang inyong mga Underwear?! Kung may sarili naman kaming mga Underwear!"
Allen: "Oo nga! Tsaka isa pa, babae lang ang sinisilipan namin ni Utol at hindi kasama ang mga lalaki!"
Mang Saroy: "Ngayon, dahil kayo na rin ang nagsabi na naninilip kayo sa mga banyo ng kapit-bahay, isang linggo kayong magbabantay dito sa Store! At hindi kayo lalabas hangga't hindi natatapos itong gusot na pinasok niyo! Pati tuloy ako nadadamay sa mga kalokohan ninyo!"
Sa sobrang galit ni Mang Saroy sa kanyang mga apo, piningot nito ang kanilang mga tenga at hinila papasok sa loob ng kanilang bahay.
Tsaka muling lumabas si Mang Saroy para humingi ng tawad dahil sa mga nangyari.
Mang Saroy: "Mga Iha, pagpasensyahan niyo na ang aking mga Apo. Minsan kasi hindi ko makontrol ang kalokohan ng mga pilyong iyan. Tsaka bagong tira niyo pa lang dito sa amin ay naperwisyo na kayo ng dahil sa kanila. Kaya pagpasensyahan niyo na."
Lucile: "Okay lang po, Mang Saroy. Nauunawaan po namin kung paano mag-isip yung Kambal. Pero sana man lang po, maibalik na po nila yung mga ninakaw nilang mga underwear nang sa ganon ay wala po tayong magiging problema."
Kit: "Mawalang galang na po, Ate Lucile. Pero hindi po sila ang nagnakaw sa mga Underwear."
Emily: "Kit, bakit sobra mong ipinagpipilitan na hindi sila ang nagnakaw sa mga Underwear?! Eh alam naman nang lahat na sila lang ang mga bastos dito sa inyo?!"
Kit: "Kahit na anong sabihin niyo dun sa Kambal, alam kong hindi nila magagawang magnakaw ng mga Underwear."
Emily: "Sinasabi mo bang naniniwala ka na hindi sila ang mga magnanakaw ng Underwear?!"
Tumango si Kit sa naging mga tanong ni Emily at halata sa kanyang mukha na seryoso ito sa kanyang pagsang-ayon.
Hindi naman makapaniwala si Emily sa sinabi ni Kit at humabol pa ito ng sasabihin.
Kit: "Aaminin kong sina Allan at Allen ang may pinakapangit na imahe dito sa lugar namin dahil sa paninilip nila ng banyo. Pero ni minsan hindi ko pa sila nakitang nagnakaw ng kung anong mga bagay. Kaya naniniwala ako doon sa dalawa na wala silang ninakaw at yung tunay na salarin ay siguradong nandito lang sa paligid at natutuwa sa pagbibintang ng mga kapit-bahay doon sa kambal."
Emily: "Kit, ayoko sanang sabihin ito. Pero wala na sa katwiran ang mga sinasabi mo sa amin ni Ate. Alam naman ng lahat na sina Allan at Allen ang mga bastos at manyak dito. Kaya halata naman na sila marahil ang kumuha sa mga Underwear."
Kit: "Kung ganyan ang tingin mo sa kanila. Sige, hahayaan kita, Emily. Pero hahanapin ko pa rin yung magnanakaw ng Underwear para pagbayaran niya yung ginawa niyang pagnanakaw."
Hanggang sa biglang naglakad si Kit palayo sa Store ni Mang saroy. Nagtaka naman sina Emily at Lucile sa biglaang pag-alis ni Kit.
Lucile: "Bunso? Bakit parang nainis pa ata si Kit sa sinabi mo?"
Emily: "H-Hindi ko po alam."
Mang Saroy: "Hindi mo kasi masisisi ang binatilyong iyon kung naging mga kababata niya ang mga Apo ko. Kaya natural na mainis siya sa mga ibinibintang ng ibang tao sa Kambal."
Emily: "Ha?! Kababata ni Kit yung dalawang Kambal?"
Lucile: "Kaibigan niya ang mga bastos niyo pong mga Apo? Eh di ibig sabihin si Kit ay...."
Mang Saroy: "Mga Iha, huwag muna kayong mag-isip ng mga konklusyon nang hindi niyo pa lubusang nakikilala ang tao. Tsaka hindi gaya ng karamihan, hindi itinuring ni Kit na mga salot sa barangay ang aking mga Apo at marahil ay may malalalim na nag-ugatan ang kanilang pagkakaibigan. Kaya ganun na lang ang naging reaksyon ni Kit noong pinagbintangan ng mga kabarangay ang aking mga Apo."
Emily: (May malalim na nag-ugatan ang kanilang pagkakaibigan? Ano naman kaya ang dahilang iyon para maging close si Kit sa Kambal?)
Dahil sa mga sinabi ni Mang Saroy, minabuti na lang nina Emily at Lucile na huwag husgahan ang kambal at hintayin na lang ang susunod na gagawin ni Kit dahil na rin sa sinabi nitong huhulihin ang tunay na magnanakaw ng mga Underwear.
Kaya minabuti na lang nilang humingi ng paumanhin kay Mang Saroy, tsaka sila umuwi ng kanilang bahay.
Matapos maglakad palayo ni Kit mula sa Store, agad nitong sinimulan ang paghahanap sa magnanakaw at una muna niyang tinukoy kung sino ang mga taong may malalim na motibo para pagbintangan ang Kambal.
Ngunit naalala ni Kit na halos lahat ng kanilang mga kapit-bahay ay galit sa Kambal.
Kaya muli niyang inisip kung sino ang mga taong may malaking galit sa mga Kambal.
Pero naalala na naman niyang karamihan sa naggagandahang mga babae sa kanilang Barangay ay malaki ang galit sa mga Kambal at naisip ni Kit na malabo niyang matukoy kung sino ang matalinong magnanakaw na ibinaling ang pagnanakaw ng underwear sa mga Kambal.
Kaya wala rin nagawa si Kit kundi ang bumalik sa harap ng Sari-Sari Store at umupo sa tapat nito para mag-isip.
Kit (deep thinking): (Pambihira kasi itong dalawang ito. Nang dahil sa paninilip nila sa mga naggagandahang ng mga kapit-bahay, wala tuloy akong maisip na lead kung sino ang nambibintang sa kanila. Madali lang sanang pabayaan ang dalawang ito sa kanilang nagawa at hayaan ang karma na magparusa sa kanila. Pero kung hindi ko lang mga malapit na kaibigan ang dalawang kumag na ito, baka kasama na ako kanina sa mga nakikibato sa kanilang bahay.)
Patuloy sa taimtim na pag-iisip si Kit habang siya ay nakaupo sa bangko ng Store at hanggang sa mga oras na ito, iniisip pa rin niya kung sino marahil ang salarin sa pagnanakaw ng Underwear.
Hanggang sa maalala niyang hindi lang ang Kambal ang dati niyang nakakalaro noong sila'y mga bata pa.
Kit (deep thinking): (Naalala ko, hindi lang pala ang Kambal ang dati kong kalaro noong mga bata pa kami. Kalaro din namin si baklang Vladimir at si Macho. Possible din na sina Vladimir at Macho ang nagnakaw sa mga underwear, pero ano naman ang gagawin nila sa mga yun?)
Taimtim pa rin na nag-isip si Kit kung sino sa kanyang mga kapit-bahay ang tunay na magnanakaw ng Underwear.
Hanggang sa nagkaroon siya ng magandang ideya at muling bumalik sa bahay ng mga Kambal.
Pagbalik sa bahay ng mga Kambal, agad kumatok sa pinto si Kit.
Ngunit wala ni isang tao ang lumapit para pagbuksan siya ng pinto.
Muling kinatok ni Kit ang pinto sa pangalawang pagkakataon, pero wala na namang nagbukas sa pinto.
Kaya sa pangatlong pagkakataon, biglang sinipa ni Kit ang pinto dahilan para masira ang pinto at madaganan mismo si Allan na nakikinig sa likod nito.
Allan: "AAAAAHHK!"
Allen: "Lolo!! Nilulusob tayo ng mga Kapit-bahay!"
Kit: "Allen. Ako lang ito."
Nahimasmasan si Allen nang makita nitong si Kit ang nasa labas ng bukas nilang pintuan.
Pero imbes na tulungan ang kakambal nitong nadaganan ng pinto ay tinapakan pa niya ito.
Allen: "Jusko, Kit. Akala ko pa naman nilulusob na kami ng mga kapit-bahay. Halika! Pumasok ka muna."
Matapos paunlakan ni Allen na pumasok sa loob ng kanilang bahay si Kit ay muli na naman nitong tinapakan ang nakatumbang pinto na nakadagan kay Allan, tsaka siya pumasok sa kanilang Sala.
Pumasok naman si Kit at tinapakan din ang pinto na nakadagan kay Allan.
Nakatayo lang si Allan matapos niyang maitayo ang pinto ng kanilang bahay at ibinalik ito sa pagkakasara.
Pagpasok ng dalawa sa Sala at umupo sa mga upuan, agad nagtanong si Allen kung ano ang ipinunta sa kanila ni Kit
Allen: "Kit, ano nga pala ang ipinunta mo dito sa bahay?"
Kit: "Tungkol ito sa pagnanakaw sa mga Underwear."
Allen: "Tol! Pati ba naman ikaw? Pinaghihinalaan mo na rin ba kami ni Utol na nagnakaw sa mga Underwear ng ating mga kapit-bahay?"
Kit: "Hindi. Pero baka may mga kilala kayo na posibleng may galit sa inyo. Alam niyo na ang dahilan kung bakit."
Allen: "Tao na posibleng may galit sa amin ni Utol? Hmmmm..."
Taimtim at tahimik na inisip ni Allen ang mga kilala nitong mga tao na kanilang nakaalitan.
Maya't maya, lumabas galing sa kusina si Allan at inilapag ang isang tray na may pitsel na naglalaman ng orange juice, tinapay at tatlong baso.
Allan: "Ayan! Magmeryenda muna kayo! Di niyo man lang ako tinulungang itayo yung pinto!"
Kit: "Salamat."
Allen: "Tol! Umupo ka na lang dito at tulungan mo akong mag-isip."
Allan: "Bakit naman? Tsaka ano ang iisipin natin?"
Allen: "Sabi ni Kit, isipin daw natin kung sino ang mga nakaalitan nating mga kapit-bahay."
Allan: "Oo na. Pero bakit nga?!"
Kit: "Para mahuli ko kung sino ang magnanakaw ng mga underwear dito sa barangay natin. At para matukoy ko din kung sino ang nang blackmail sa inyo sa pagnanakaw ng mga Underwear."
Allan: "Alam mo Kit, mahirap yan plano mong paghuli sa magnanakaw na iyan."
Allen: "Oo nga Kit. Tsaka alam mo namang taon-taon ay laging may ninanakaw na Underwear dito sa atin at hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin nahuhuli ang magnanakaw."
Kit: "Alam ko. Pero sa inyo ibinibintang ang pagnanakaw sa mga Underwear kahit na wala kayong kinalaman doon. Kaya dapat matapos na ngayong taon ang taunang pagkawala ng mga Underwear na iyan. Lalo na't nakakahiya kila Emily at sa Ate niya kung taon-taon din nilang mararanasan ang pagkawala ng kanilang mga Underwear."
Allan: "Kung sabagay may punto ka."
Allen: "Oo nga."
Kit: "At itigil niyo na ang paninilip. Kayo din lang ang laging pagbibintangan ng mga kapit-bahay sa ginagawa niyo."
Allan: "Sige, susubukan namin. Di ba, Tol?"
Allen: "Oo nga."
Kit: "Mabalik tayo, may mga kilala ba kayo na maaring may galit sa inyo?"
Sa pagkakataong ito, muling nag-isip ang Kambal kung sino sa tingin nila ang tao na maaring may galit sa kanila.
Pero wala silang ma-aalala kung sino ang taong kanilang nakasamaan ng loob.
Allan: "Pasensya, Kit. No idea eh."
Allen: "Ako din."
Kit: "Kung wala, bakit sa inyo ibinibintang ang pagnanakaw sa mga Underwear?"
Allan: "Pasensya na, Kit. Pero di namin alam."
Allen: "Oo nga."
Tahimik na pinag-isipan ni Kit kung bakit ibinibintang sa Kambal ang pagkawala ng mga Underwear. Hanggang sa may nasabing kakaiba si Allan.
Allan: "Kit, speaking of Underware. Na-aalala ko, nawawala din yung mga Brief na iniregalo sa amin noong Pasko ng Lola mo."
Allen: "Oo nga. Hindi ko din mahanap yung akin. Kay bago pa naman, biglang nawala."
Kit: "Ano? Nawawala yung mga bagong Underwear na niregalo sa inyo ni Lola?"
Allan: "Oo, Kit. Pagkatapos kong maligo kaninang umaga, gagamitin ko sana iyon dahil nga sa bago. Kaso napansin kong bigla na lang iyon nawala sa lalagyan ko ng mga Underwear."
Allen: "Oo nga! Pati nga rin yung akin nawawala at pinagbintangan pa ako ni Utol kanina na kumuha sa kanyang Brief. Ipapakita ko sana sa kanya yung regalo din na Brief sa akin ni Lola Delia para patunayan na hindi ko ninakaw yung sa kanya. Pero nung hinanap ko sa aking Drawer ay nawawala din."
Allan: "Hanggang sa nagdatingan ang mga kapit-bahay at kami ang pinagbintangan sa pagkawala ng kanilang mga Underwear."
Matapos itong marinig ni Kit, napagtanto niya na ang pagkawala ng mga Underwear sa kanilang Barangay kada sasapit ang Bagong taon ay isang malinaw na kaso ng pagnanakaw kung saan naisip ni Kit na isang taong Obsessed o may pagnanasa sa Underwear ang salarin.
Kit: "Kung ganon...."
Allan: "Kung ganun, Ano?"
Kit: "Isa itong malinaw na kaso ng pagnanakaw nang isang tao na may pagnanasa sa Underwear."
Allen: "Taong may pagnanasa sa Underwear?!"
Allan: "Pero sino naman ang gagawa nun?"
Kit: "Hindi ko alam. Pero...."
Allen: "Pero ano?"
Hindi maintindihan ni Kit kung bakit sa tuwing sasapit ang araw ng Bagong taon, laging may nawawalang mga Underwear at hindi ito nawawala sa pangkaraniwang mga araw.
Hanggang sa may ma-aalala siyang isang kakaibang bagay.
Kit: "Allan, kung maalala mo. Kailan nagsimula ang pagkawala ng mga Underwear?"
Allan: "Ehhhh.....hindi ko din alam."
Kit: "Allen, kailan kayo nagsimulang manilip ng Utol mo?"
Allen: "Sa pagkaka-alala ko, noong nakakita kami ng tatlong magazine ni Utol sa may Plantasyon ng Niyog noong Grade 6 pa kami."
Kit: "Allen, nagsinungaling ka pa. Grade 4 pa tayo noong nakita niyo yung mga hubad na larawan sa mga magazine at kasama niyo kami nila Vladimir, Macio A.K.A. Macho at AKO nang mga panahong iyon."
Allen: "Ay....Oo nga noh."
Allan: "Tsaka ano nga pala ang dahilan kung bakit kasama namin kayo?"
Kit: "Nag-Cutting class kayo noong Recess. At inutusan kami ng Teacher natin na hulihin kayo."
Allan: "Ah.... Oo, tama."
Allen: "Oo, naalala ko na. At doon niyo kami naabutan sa Plantasyon."
Kit: "Kung saan naglalakihan ang mga mata niyo sa nahanap niyong magazine."
Allen: "Oo nga."
Kit: "Ngayon, saan ninyo natagpuan yung mga magazine na inyong nahanap?"
Allan: "Kung saan namin nahanap? Sa pagkakaalala ko, nakita lang namin ni Utol yung magazine sa tabi ng isang puno ng niyog, katabi nung mga sako ng may mga lamang kung anong mga bagay."
Allen: "Oo. Nakita namin yun ni Utol sa tabi ng puno ng niyog. Kaso hindi namin alam kung sino nag-iwan nun dun."
Allan: "Pero sigurado kami na ang may-ari ng mga magazine ay taga dun sa Plantasyon."
Dahil sa kuwento nang Kambal tungkol sa kung paano sila nagsimulang manilip, nagkaroon ng hinala si Kit kung sino ang salarin sa pagnanakaw ng mga Underwear.
Ngunit kailangan pa rin kumalap ni Kit ng mga ebidensya na ang taong nagmamay-ari sa Plantasyon ng Niyog ay ang tunay na magnanakaw. Kaya muli niyang tinanong ang mga Kambal.
Kit: "May idea ba kayo kung sino ang may-ari sa Plantasyon?"
Allan: "Wala. Pero maraming nagsasabi na naunang dumating dito sa barangay ang mga tao sa Plantasyon bago si Mang Temyong."
Kit: "Teka? Sinabi mo bang "Mga Tao"?"
Allan: "Oo, Kit. Marami silang nagbabantay sa Plantasyon. Karamihan ata sa kanila mga trabahador sa pagkuha ng Tuba sa puno ng Niyog."
Allen: "Oo nga."
Mapapadali na sana ang pagtukoy ni Kit sa salarin dahil sa binigay na impormasyon ng Kambal.
Ngunit hindi ina-akala ni Kit na marami pa lang tao ang nagbabantay sa Plantasyon ng Niyog.
Kaya lalong dumami ang mga taong pinaghihinalaan ni Kit na sangkot sa pagnanakaw ng mga Underwear.
Kit: "Kung ganon, mahihirapan akong hanapin ang salarin kung lahat ng mga trabahador sa Plantasyon ay maaaring sangkot sa pagnanakaw ng mga Underwear."
Allan: "Oo, Kit. Mahihirapan ka talaga."
Allen: "Pero Kit, may kilala akong tao na laging naglalagi sa Plantasyon, tuwing umaga."
Kit: "Sino yun, Allen?"
Allen: "Si Mang Selmo."
Kit: "Mang Selmo? Paano mo naman nasabing si Mang Selmo ang laging naglalagi sa Tubahan?"
Allen: "Kasi sa tuwing bumibili siya ng instant Pancit canton dito sa Store, lagi niyang ikinikuwento kay Lolo kung gaano katamis yung naiinom niyang Tuba na kanyang binibili sa Plantasyon. Tsaka posibleng may mga kilalang mga trabahador si Mang Selmo."
Kit: "At posible ding nakilala ni Mang Selmo ang salarin ng hindi niya sinasadya."
Allen: "Oo. Tama!"
Allan: "Oo nga!"
Kit: "Kung ganon, maiwan ko na kayo. Sapat na ang mga nalaman ko para mahuli ang magnanakaw ng mga Underwear."
Allan: "Salamat Kit sa paglilinis ng pangalan namin ni Utol."
Allen: "Oo nga!"
Kit: "Oo na. Basta magbago na kayo at baka sugurin kayo ng tuluyan ng mga kapit-bahay kapag nagpatuloy pa kayo sa paninilip."
Allan: "Oo. Makakaasa ka Kit."
Allen: "Oo nga."
Kit: (Eto na naman tayo sa salitang "Makakaasa". Baka mamaya wala din lang kayong binabago sa inyong mga sarili.) "Aalis na ako. Hahanapin ko pa si Mang Selmo. At salamat din sa meryenda."
Sabay tayo ni Kit mula sa kanyang upuan at naglakad palabas sa bahay ng Kambal.
Paglabas ni Kit, agad siyang naglakad papunta sa bahay ni Mang Selmo.
Ngunit pagdating niya sa bahay nito ay napansin niyang sarado at nakakandado ang lahat ng pinto't bintana ng bahay.
Na-aalala ni Kit ang sinabi ni Allen na tuwing umaga ay naglalagi sa Plantasyon si Mang Selmo para bumili ng maiinom na Tuba.
Kaya naisip ni Kit na pumunta sa Plantasyon ng Niyog para hanapin si Mang Selmo.
Pagdating sa maliit na gusali sa loob ng Plantasyon ng Niyog, nakita niyang abala pagpili ng Tuba na nakalagay sa mga bote si Mang Selmo at matagal na pinag-iisipan kung bibilhin ba niya ang isang litro ng puti at sariwang Tuba o ang isang brownish na nasa kabilang bote.
Abala din naman ang mga taong bantay ng Plantasyon sa pag-akyat sa puno ng niyog at ang may-ari naman ay ang nagbebenta sa loob ng gusali.
Tsaka lumapit si Kit para ito'y kanyang kausapin.
Kit: "Mang Selmo. Buti nandito po kayo."
Mang Selmo: "Aba! Kit! Nandito ka rin ba para bumili ng sariwang Tuba? Kung bibili ka, irerekomenda kong bilhin yung maputing Tuba na kakukuha lang sa mga puno ng niyog. Sigurado akong magugustuhan mo ang matamis na lasa ng Tuba kapag natikman mo."
Kit: "Hindi po yung Tuba ang ipinunta ko po dito."
Mang Selmo: "Ha? Hindi yung Tuba? Eh di ano ang ipinunta mo dito?"
Kit: "Kayo po ang ipinunta ko po dito. May itatanong po kasi ako."
Mang Selmo: "Ano naman ang itatanong mo sa akin?"
Kit: "Nabalitaan niyo po ba yung nangyaring insidente po kanina sa harap ng Sari-sari Store ni Mang Saroy?"
Mang Selmo: "Tungkol ba iyan sa ginawang kalokohan ng mga apo ni Saroy sa ating mga kapit-bahay?"
Kit: "Opo."
Mang Selmo: "Sa katunayan, nandun nga rin ako kanina eh. Pero ang nawala sa akin hindi Underwear kundi isa sa aking mga Authetic na Sun Glasses."
Kit: "Sun glasses?"
Mang Selmo: "Oo, Kit. Sun Glasses at magazine ang nawawala sa akin. At nagtataka ako kung bakit Sun glasses ang ninakaw sa akin."
Kit: (Oo. Nakapagtataka nga iyon. Bakit Sun Glasses ang ninakaw kay Mang Selmo at hindi Underwear? Sinadya ba ng salarin na nakawin ang Sun Glasses ni Mang Selmo para hindi matuon ang attensyon ng mga tao sa pagkawala ng mga Underwear?)
Nagulo ang pag-iimbestiga ni Kit sa kaso ng pagnanakaw ng underwear nang malaman niya kay Mang Selmo na ninakaw ng salarin ang Sun Glasses nito.
Dahil sa kakaibang impormasyon na kanyang nakalap, nagtanong pa muli si Kit kay Mang Selmo.
Kit: "Mang Selmo, may isa pa po akong tanong?"
Mang Selmo: "Ano yun, Kit?"
Kit: "Gusto ko pong malaman, kailan po unang nagsimula ang kaso ng pagnanakaw ng mga Underwear dito po sa barangay?"
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, napa-angat ang mga kilay ni Mang Selmo matapos niyang marinig ang tanong ni Kit, tsaka siya tumingin sa paligid kung may ibang tao na nakikinig sa kanilang pinag-uusapan.
Sakto namang lumabas ang kalbong lalaki na may-ari ng Plantasyon para tignan ang kanyang mga trabahador.
Kaya ng mapansing walang tao sa paligid, inimbita muna ni Mang Selmo si Kit na lumabas mula sa loob ng Plantasyon at pumunta sa labas ng gate.
Mang Selmo: "Kit, sasagutin ko ang tanong mong iyan. Pero mas mabuti kung lumabas muna tayo at dun tayo sa labas mag-usap malayo sa Gate."
Kit: (Hmmmm.....Posible kayang...?) "Sige po."
Pinaunlakan naman ni Kit ang imbitasyon sa kanya ni Mang Selmo at lumabas sila mula sa gusali ng Tubahan tsaka sila dumiretso malayo sa Gate.
Pagdating sa labas ng Gate, pumwesto at tumayo ang dalawa sa isang malapit na puno ng Mahogany, tsaka sila nag-usap.
Mang Selmo: "Okay, malayo na tayo sa Plantasyon. Puwede na tayong mag-usap."
Kit: "Mang Selmo, sabihin niyo po. May ideya po ba kayo kung sino ang magnanakaw sa mga trabahador ng Plantasyon?"
Mang Selmo: "Aba? Ang bilis mong makapansin, Kit. Tama ka sa sinabi mo. Isa sa mga trabahador ni Kalbo ang pinaghihinalaan kong magnanakaw. At para sabihin ko sayo, nagsimula ang mga pagnanakaw mula noong nagkaroon ng Plantasyon ng Niyog dito sa ating Barangay."
Kit: "Mula po noong nagkaroon ng Plantasyon dito sa Barangay?"
Mang Selmo: "Oo, Kit. Noong una, kung anu-anung mga bagay lang ang laging nawawala sa mga bahay-bahay. Gaya nang pantalon at damit na nakasampay sa labas ng bahay, mga tanim na halaman, kambing na nakapastol sa bakanteng lote at mga manok."
Kit: "Ibig sabihin, hindi lang mga Underwear ang ninanakaw ng salarin."
Mang Selmo: "Oo, noon yun. Pero habang tumatagal, nagsisimula nang mawala ang ilan sa mga Underwear ng ating mga kapit-bahay. At tama ang hinala mong hindi yung Kambal ang may pakana sa pagkawala ng mga underwear dahil hindi palang kayo ipinapanganak ay talamak na ang pagnanakaw sa mga Underwear mula pa noon."
Kit: "Mang Selmo, kaya po ba lagi po kayong nagpupunta dito sa Plantasyon ay para hanapin ang magnanakaw?"
Mang Selmo: "Oo, Kit. Kasi ilang beses na rin akong ninakawan ng mga gamit. Tulad ng mga Magazine, Brief at Sun Glasses."
Kit: "Magazine? Ano pong uri ng Magazine?"
Mang Selmo: "Ahh...Ehh... Sabihin na lang nating hindi yun para sa mga bata. Alamin mo na lang kapag nasa tamang edad ka na."
Kit: (Ibig sabihin, yung mga magazine na napulot nung Kambal noon ay pagmamay-ari ni Mang Selmo at marahil iniwan iyon ng salarin sa tabi ng puno ng niyog, sa tabi din ng mga sako. ... Teka? Sandali?)
Biglang may naalala si Kit matapos niyang marinig ang paliwanag sa kanya ni Mang Saroy at nagkaroon siya ng ideya kung saan itinatago ng magnanakaw ang mga nakaw nitong mga gamit.
Nagtaka naman si Mang Selmo sa biglang pananahimik ni Kit.
Kit: (Naalala kong sinabi ng Kambal na may laman na kung anu-anung mga bagay yung sako kung saan nila napulot ang mga magazine at maaring mga bagay iyon na ninakaw nang salarin. Kung hindi ako nagkakamali.... Maaring nandun sa lokasyon na iyon ang mga ninakaw na Underwear.)
Mang Saroy: "Kit? Okay ka lang? Bigla ka atang nanahimik?"
Kit: "Mang Saroy, noong bata pa po kami. May natagpuang mga sako ang dalawang Kambal sa pinakalikod na lokasyon ng Plantasyon. At kasama po dun siguro ang inyo pong mga nawawalang magazine."
Mang Selmo: "Talaga?! Sa likod ng Plantasyon ng Niyog?!"
Kit: "Opo."
Mang Selmo: "Kung ganun, puntahan na natin nang mabawi na natin ang mga ninakaw na gamit."
Kit: "Mang Selmo, huwag po muna."
Mang Selmo: "Ha? Bakit naman?"
Kit: May naisip po akong ideya at kailangan ko po ng tulong niyo."
Mang Selmo: "Sige! Ano ang ideyang iyan?"
Lumapit si Kit kay Mang Selmo at ibinulong ang kanyang plano.
Naintindihan naman ito ni Mang Selmo at sumang-ayon sa naisip na plano ni Kit.
Mang Selmo: "Okay. Makakaasa ka. Babalik na ako sa Plantasyon para magmatiyag."
Kit: "Opo. Salamat po."
Tsaka naghiwalay ang dalawa para isagawa ang naisip nilang plano, kung saan bumalik sa loob ng Plantasyon si Mang Selmo para magkunwaring tumitingin ng bibilhing Tuba at bumalik naman sa kanilang lugar si Kit.
Pagdating ni Kit, agad siyang dumiretso sa bahay ni Emily at kinatok ang pinto.
Binuksan naman ni Emily ang pinto ng kanilang bahay at nakita si Kit sa labas.
Emily (blushing): "Kit? Napabisita ka? Namimiss mo na ba ako? Hehe.."
Kit: "Hindi. Pero may kailangan lang akong hiramin sayo."
Emily (disappointed): "Ay...Ang KJ mo naman! Ano naman ang hihiramin mo?!" (Akala ko pa naman bumisita si Kit dahil namimiss niya ako.)
Kit: "Kailangan kong hiramin ang ginagamit mong Panty ngayon."
Emily (shocked): "ANO?!"
Kit: "Narinig mo ako."
Emily: "Te-Teka nga?! Para saan mo naman gagamitin ang Panty na ginagamit ko ngayon?!" (Pambihira! Ano na naman bang iniisip mo, Kit?!)
Kit: "Basta."
Emily: "Basta?!"
Kit: "Oo."
Emily: "Kit! Sabihin mo nga?! Ikaw ba yung magnanakaw ng Underwear?!"
Kit: "Hindi. Pero malapit ko na siyang mahuli. At kailangan ko yung ginagamit mong Panty."
Emily: "Bakit sa lahat pa ng babae, ako pa ang napili mong hiraman ng gamit ng panty?!"
Kit: "Dahil ikaw lang ang malalapitan kong babae dito sa atin. Tsaka may dala akong cycling shorts na pambabae. Yan na muna isuot mo."
Tsaka iniabot ni Kit ang tatlong piraso ng pambabaeng Cycling shorts kay Emily bilang pamalit sa ginagamit na Panty na kanyang suot.
Napakamot na lang ng ulo si Emily sa kung ano na naman ang pinaplanong gawin ni Kit.
Emily: "Hay....Pambihira ka, Kit. Sige! Kukunin ko na lang yan mga cycling shorts na dala mo. Tsaka pumasok ka muna sa loob ng bahay habang hinihintay mong tanggalin ang suot kong Panty sa banyo."
Kit: "Hindi na. Hintayin na lang kita dito sa labas."
Pumasok sa loob ng bahay na napapakamot ng ulo si Emily dahil sa hinihiram ni Kit ang kanyang suot na Panty.
Ilang sandali pa, lumabas ng bahay si Emily at namumula ang kanyang pisngi habang binibigay kay Kit ang kanyang Panty.
Emily: "Hayan! Ku-kunin mo."
Agad kinuha ni Kit ang puting Panty ni Emily at inilagay sa kanyang bulsa.
Kit: "Salamat. Malaking tulong ito para mahuli ang magnanakaw ng Underwear."
Emily: "Para mahuli ang magnanakaw ng Underwear?"
Kit: "Oo. May Suspect na ako kung sino ang magnanakaw. Kaya sumama kayo ng Ate mo sa barangay kapag narinig niyo na ang balita."
Emily: "Kapag narinig ang balita? Kit, anong ibig mong sabihin?!"
Kit: "Mamaya, malalaman mo din."
At muling umalis si Kit papunta sa Plantasyon para balikan si Mang Selmo.
Gulong-gulo at hindi maunawaan ni Emily kung ano ang pinaplanong gawin ni Kit sa kanyang Panty.
Pero sinunod na lang niya ang ibinilin sa kanya ni Kit at naghintay na lang ng balita.
Matapos makuha ang Panty ni Emily, agad nagtungo si Kit sa likod ng Plantasyon ng niyog at nagtago sa likod ng halamanan.
Habang nasa likod ng halaman, nakita niya ang itsura ng salarin matapos nitong ilabas mula sa likod ng mga halaman na katapat ng isang puno ng niyog, malapit sa pinagtataguan ni Kit, ang isang sako na naglalaman ng mga underwear kasama ang ilang mga magazine na may mga hubad na larawan at isang makapal na Sun Glasses.
Kit: (Tama ang hinala ko. Dito nga tinatago ng magnanakaw yung mga nakaw niyang gamit.)
Magnanakaw: "Hehehe! Mukhang nakarami na naman ako ng mga Panty! Iba talaga ang binibigay na lakas sa akin ng Panty kapag nakakasinghot ako ng Aroma. Hahahaha!"
Kit: (..Yuck.. ..Kadiri... Inamoy talaga niya. Tama ang hinala ko. Isang taong Obsessed sa panty ang tunay na magnanakaw. Pero hindi ko ina-akalang sobra pala ang pagka-manyak ng lalaking ito. Tsaka parang panty pa ata ni Lola ang inaamoy niya. )
Magnanakaw: "Buwisit nga lang itong mga Brief ng mga lalaki. Wala sana akong planong nakawin ang mga ito pero maghihinala sa akin ang lahat kapag hindi ako nagnakaw ng Brief at iba pang mga gamit. Tsaka puwede ko pa rin naman pakinabangan ang mga ito at ibenta sa Palengke. Konting laba lang, maibebenta ko na ulit at idagdag mo pa ang Extrang mga Magazine na pampagana sa buong araw. Hahahaha!"
Kit: (Kung ganun, panty lang talaga ang kanyang ninanakaw at Extra Baggage na lang yung iba. Mukhang tama ang tsamba ng aking plano. Kailangan ko lang sabihan si Mang Selmo para maisagawa na namin ang paghuli sa kanya.)
Habang abala sa pagsinghot ang magnanakaw ng Underwear, maingat na umalis mula sa halamanan si Kit at agad siyang nagpunta sa gate ng Plantasyon.
Pagdating sa Gate, naabutan niyang naghihintay sa kanya si Mang Selmo.
Mang Selmo: "Kit, handa ka na ba para hulihin ang magnanakaw?"
Kit: "Opo at sa maniwala po kayo o hindi. Nakilala ko na po kung sino ang magnanakaw."
Mang Selmo: "Talaga?! Sino?!"
Lumapit si Kit kay Mang Selmo at ibinulong sa kanyang tenga ang pagkakakilanlan ng magnanakaw.
Hindi naman makapaniwala si Mang Selmo sa kanyang narinig."
Mang Selmo: "Kit, totoo ba iyan?! "Siya" ang magnanakaw?!"
Kit: "Opo. Kasing linaw po ng umaga. "Siya" ang magnanakaw."
Mang Selmo: "Hindi ako makapaniwalang "Siya" pala ang nagdudulot ng pagnanakaw dito sa barangay. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung paano niya naipupuslit ang mga nakaw na gamit sa loob ng Plantasyon?"
Kit: "Mukhang dahil po sa mga sako. Doon po siguro niya inilalagay ang mga nakaw niyang gamit. Dahil kulay green ang sakong ginagamit ng mga trabahador para mag-supply ng buko sa ibang bayan, hindi nila aakalain na mga nakaw na gamit ang laman ng mga sako."
Mang Selmo: "Kung ganon, ang magnanakaw pala natin ay taga-kuha pala ng buko at wala man lang akong ideya na trabahador din pala siya dito sa Plantasyon ng Niyog."
Kit: "Opo. Ako nga rin po."
Mang Selmo: "So, anong gagawin?"
Kit: "Simple lang po, Mang Selmo. Sabihin niyo lang po kung saan siya naglalagi."
Mang Selmo: "Ah! Okay. Alam ko kung saan siya naglalagi. Halika! Sundan mo ako."
At umalis ang dalawa sa Gate papunta sa loob ng plantasyon ng Niyog.
Abala pa rin ang ibang mga trabahador sa pagkuha ng Tuba, Niyog at Buko mula sa mga puno at habang abala ang mga ito, sinamantala naman nina Kit at Mang Selmo ang pagkakataon para isagawa ang kanilang plano na paghuli sa magnanakaw.
Kung saan iniwan ni Kit ang kinuha nitong panty sa tapat ng puno ng niyog, malapit sa sako na pinagtataguan ng mga nakaw na Underwear.
Ilang sandali pa, tumunog ang alarm mula sa maliit na gusali ng Plantasyon, sinyales na oras nang pananghalian at nagsisilabasan mula sa kanilang trabaho ang mga empleyado ng Plantasyon, maliban sa isa.
Imbes na lumabas sa Plantasyon, dumiretso ang pinaghihinalaang magnanakaw sa pinakalikod na parte ng lugar at gaya ng inaasahan, nakita nito ang panty na hiniram ni Kit kay Emily.
Magnanakaw: "Oooh!! Ano ito?! May nahulog na biyaya! Sino naman kaya ang nakaiwan nito dito? Di bale na. Ang importante, napakaswerte ng araw ko. Hahahaha!! Anyway, ma-inspeksyon ko nga ito."
Mang Selmo: ("Pambihira. Nakakasuka naman ang taong ito. Talaga ba namang inaamoy niya?!")
Kit: ("Oo nga po eh. Pero kahit papaano, hindi po niya napansin yung inihanda natin sa kanya.")
Mang Selmo: ("Huhulihin ko na ba siya?")
Kit: ("Opo. Nakatapat na po yung kanang binti niya. Hatawin niyo na po ng malakas.")
Mang Selmo: ("Okay!")
Walang ideya ang magnanakaw na naghanda na pala ng isang patibong sina Kit at Mang Selmo sa lugar kung saan itinatago ng Magnanakaw ang kanyang mga ninakaw ng mga Underwear.
Wala din ideya ang Magnanakaw na tinawag ni Mang Selmo ang pamunuan ng barangay at pinakiusapan din niya ang may-ari ng Plantasyon ng niyog na sila'y tulungan sa paghuli sa mangnanakaw.
Kung saan nag-aabang na rin ang mga ito sa loob ng maliit na gusali at hinihintay na lang ang sinyales ni Mang Selmo.
Dahil nakatuon ang attensyon ng magnanakaw sa panty na nakahilata sa lupa, hindi na nito nagawa pang iwasan ang lubid na pumulupot sa kanyang kanang binti at hinila siya nito paangat sa ere nang lubid na nakasabit sa isang puno ng mangga na malapit din sa puno ng niyog.
Napasimangot at napakamot ng ulo si Kit matapos niyang makita na nahulog sa isang simpleng Snare Trap ang Magnanakaw na halos halata ang pagkakatakip ng mga dahon sa lubid.
Kit: "Grabe. Sa panty lang talaga siya nakatutok. Hindi man niya napansin ang lubid."
Magnanakaw: "Hoy! Mga Walang Hiya! Ibaba niyo ako!"
Mang Selmo: "Hindi ko iyan gagawin dahil huli ka na! Teburcio!"
Kit: "Mang Teburcio, kayo pa naman ang nirerespetong Kagawad dito sa atin. Pero mukhang madidismaya ang lahat kapag nalaman nilang isang manyak sa Panty ang aming Kagawad."
Mang Teburcio (sarcastic tone): "Madidismaya? Hah! Kahit madismaya pa kayo sa akin! Wala akong pake!!"
Kit: "Grabe. Isa pala kayong dakilang akyat-bahay"
Mang Teburcio (annoyed): "Manahimik ka! Pakialamero! Gaya ka din nung Kambal mong mga kaibigan! Nagkukunwaring naninilip sa mga kapit-bahay pero pinipigilan nila ako sa aking binabalak!"
Kit: "Tulad po ng ano? Pagnanakaw sa mga gamit, Panty o may iba pa kayong binabalak?!"
Mang Teburcio: "Wala ka na dun! At kung may naisip man akong gawin lalo na kung walang kasamang bantay na lalaki ang isang bahay, gagawin ko ang aking gusto!"
Kit (irrirated): (Aba't..! Utak kriminal pala ang lalaking ito.! Mabuti pang baliin ko na ang kanyang mga kamay bago pa niya pagtangkaan sila Emily!)
Sa sobrang inis ni Kit sa sinabi at sa kung ano pa ang maari nitong magawa sa kanyang mga kapit-bahay, lalong-lalo na kila Emily, susuntukin niya sana ito na parang isang Punching Bag pero agad siyang pinigilan ni Mang Selmo.
Mang Selmo: "Kit, hayaan mo na at baka ikaw pa ang mapasama kapag inupakan mo iyan dito."
Kit: "Pero Mang Selmo, maluwag ang turnilyo niya sa ulo! Napakadelikado niyang tao!"
Mang Selmo: "Alam ko. Kaya ipaubaya mo na lang ang lalaking iyan sa akin. At ang gawin mo, hihipan mo na yan pito nang sa ganun ay magpunta ang Barangay dito."
Kit: "Mang Selmo, ano gagawin niyo po sa kanya?"
Mang Selmo: "Kit, doon ka muna at hihipan mo na ang pito. Kakausapin ko lang saglit ang lalaking ito. Okay?"
Dahil kinumbinsi si Kit ni Mang Selmo na lumayo muna para hihipan ang pito bilang signal sa mga nag-aabang na mga Tanod, napilitan na lang siyang sundin ito at bahagyang naglakad palayo sa kanilang bitag.
Sabay hinihipan ang kanyang pito. Habang kinakausap naman ni Mang Selmo ang magnanakaw.
Mang Teburcio: "Ngayon? Anong gagawin mo sa akin, Selmo?"
Mang Selmo: "Simple lang, Pare. Kukumbinsihin lang naman kita na mangibang-bayan pagkatapos mong makulong ng anim na buwan."
Mang Teburcio: "At bakit naman kita sususndin, Selmo? Sino ka ba sa akala mo ha?!"
Hanggang sa ipinakita ni Selmo sa magnanakaw ang bagay na nasa likod ng kanyang mga Sun glasses, tsaka niya rin ito isinuot pabalik sa kanyang mga mata.
Labis na kinilabutan at pinagpawisan ang magnanakaw matapos niyang makita ang tinatakpan ng mga Sun glasses ni Selmo.
Mang Selmo: "Ngayong nakita mo na kung ano ang nasa likod ng Sun glasses kong ito, pinapayuhan kita na sundin mo na lang ang sinabi kong mangibang-bayan at mamuhay ng marangal."
Mang Teburcio: "O-Oo. Si-Sige.. S-S-Sundin ko na ang mga sinabi mo sa akin."
Mang Selmo: "Okay. Good! At umaasa ako na hindi na tayo magkikita pa pagkatapos mong makulong ng anim na buwan ha?"
Mang Teburcio: "O-O-Opo! Pro-Pro-Promise! hindi na ako babalik sa barangay na ito."
Maya't maya, bumalik si Kit at kasabay ng kanyang pagbalik ay nagsidatingan din ang mga Tanod at ang Chairman ng barangay.
Chairman: "Kit, nasaan na ang magnanakaw ng mga underwear?!"
Kit: "Ayan po, Kap. Nakasabit sa puno ng mangga."
Tanod1: "Teka?! Teburcio?! Ikaw ang magnanakaw?!"
Tanod2: "Pambihira! Kaya pala lagi akong nawawalan ng batuta sa Barangay Hall! Ikaw pala ang kumukuha!"
Chairman: "Kaya nga eh. Pati mga Paste nawawala din. Ikaw din pala ang may pakana sa pagkawala ng mga iyon.
Tanod3: "Kap! May nakita po akong mga sako dito sa gilid! Puro mga Underwear ang laman!"
Tanod4: "At may Panty din sa kanyang ulo niya! Halatang siya ang magnanakaw!"
Chairman: "Sapat na ang mga nakita ko! Ilaglag niyo na sa puno ang Manyak na iyan at damputin niyo na rin! Sa Barangay ka na magpaliwanag!"
Matapos makita ng Barangay Chairman ang mga ebidensya na nagdidiin kay Mang Teburcio na siya ang magnanakaw, agad din itong umamin at sinabi na siya ay nagnanakaw ng mga Underwear.
Kaya agad din siyang dineretso sa istasyon ng pulis at nang mabalitaan ng buong Barangay na siya ang salarin sa pagkawala ng kanilang Underwear, agad sumugod sa Presinto ang mga ito at sinampahan siya ng iba't ibang mga kaso.
Kinahapunan, bumalik sa normal ang lahat at sabay na naglakad pabalik sa Store ni Mang Saroy sila Kit at Mang Selmo.
Kit: "Mang Selmo, salamat po sa tulong po ninyo kanina. Hindi ko po mahuhuli ang magnanakaw kung wala po kayo."
Mang Selmo: "Okay lang. Walang kaso yun. Tsaka gusto ko din namang mabawi ang aking mga Magazines kaya nagpapasalamat din ako sayo."
Kit: "Siya nga po pala. Ano pong sinabi niyo kay Mang Teburcio at napa-amin niyo siya sa harap ni Chairman?"
Mang Selmo: "Ahhh.....Wala naman. Sinabihan ko lang siya na umamin sa kanyang mga kasalanan at magbago na siya."
Kit: "Ganun po ba?"
Mang Selmo: "Oo."
Kit: (Ang weird. Halos makipagsagutan sa akin si Mang Teburcio kanina pero nang kinausap siya ni Mang Selmo, bigla siyang nagbago. Ano kayang sinabi niya kanina habang malayo ako sa kanila?)
Mang Selmo: "Ooops! May naalala pala ako. May pupuntahan pala ako ngayong araw. Maiwan na muna kita, Kit."
Kit: "Salamat po, Mang Selmo."
Mang Selmo: "Okay."
At naglakad palayo si Mang Selmo papunta sa isang malapit na nakahintong Tricycle at sumakay ito papunta sa bayan.
Nagtataka pa rin si Kit sa kung ano ang ginawa ni Mang Selmo sa magnanakaw ngunit panatag na rin ang kanyang loob dahil makukulong ng anim na buwan ang magnanakaw at hindi na rin ito makakaperwisyo, dahil sa dami ng taong nagreklamo dito.
Pagdating sa tapat ng kanilang bahay, nakita niyang nagbukas ng Sari-sari Store ang mga kambal at natutuwa ang mga ito dahil sa nagawang paghuli ni Kit sa tunay na magnanakaw.
Allan: "Kit! Salamat sa paghuli sa magnanakaw ha!"
Allen: "Oo nga."
Allan: "Dahil sa ginawa mo, makakabalik na kami sa normal naming pamumuhay ni Utol!"
Allen: "Oo nga!"
Kit: "Oo na. Basta magbago na rin kayo!" (Normal na buhay daw. Mga pasaway!)
Sa unang pagkakataon, paglingon ni Kit sa kanyang likod, nakita niya si Emily na nakatayo at nakakrus ang kanyang mga braso na parang hinihintay niya si Kit na ibalik ang isang bagay.
Emily: "Kit? Ngayong napatunayan mo na sa amin na hindi yung mga Kambal ang tunay na magnanakaw ng mga Underwear. Marahil, may kailangan ka na sigurong ibalik sa akin."
Kit: "Bukas ko na lang ibalik."
Emily: "Bukas mo ibabalik? Bakit bukas pa?"
Kit: "Labahan ko muna."
Emily: "Kit, ibalik mo na. Ako na ang maglalaba."
Kit: "Ayaw."
Emily: "Ayaw?! Ba't ayaw mong ibalik?!"
Kit: "Basta. Bukas ko ibabalik."
Sabay alis ni Kit at agad pumasok sa loob ng kanyang bahay.
Sobra namang nagtataka si Emily kung bakit ayaw ibalik ni Kit ang kanyang panty at dahil ayaw nitong ibalik ang kanyang panloob, hinayaan nalang niya ito.
Kaya bumalik na lang siya sa loob ng kanyang bahay at nanood ng lang ng TV.
Pagdating sa loob ng bahay ni Kit, naabutan niyang wala sa bahay ang kanyang Lola at Nanay.
Kaya malaya niya magagawa ang lahat ng gusto niyang gawin sa loob ng bahay, kasama na ang paglalaba sa Panty ni Emily.
Ngunit bago pa niya labahan ang naturang panloob, nausisa muna siya kung bakit gusto ng magnanakaw ang amoy ng Underwear ng mga babae.
Kaya itinapal ni Kit sa kanyang ilong ang panloob ni Emily at nang mapansing hindi kaaya-aya ang amoy, agad din niya itong itinapon sa Washing Machine, tsaka binuhusan ng isang tabo ng Detergent at pinaikot ng sobrang bilis ang makina.
Matapos malabhan, agad din niya itong binanlawan at isinampay sa likod ng kanilang bahay.
Sa sobrang puti ng kulay, aakalain ni Emily na bagong bili ang Panty na ibabalik sa kanya ni Kit.