webnovel

Chapter 50- Sinat

Kinaumagahan, maagang nagising ang kapatid ni Emily na si Lucile at abala sa pagluluto ng agahan sa kusina.

Ilang sandali pa, nang matapos ito sa pagluluto, napansin niyang tila tinanghali ng gising ang kanyang kapatid at mag-aalas siyete y media na rin ng umaga.

Sa mga oras na iyon, dapat gising na si Emily at sumasabay na sana ito sa pagkain ng agahan.

Kaya pinuntahan ni Lucile ang kanyang kapatid sa kuwarto at nilapitan si Emily.

Lucile: "Bunso, bumangon ka na diyan. Mag-agahan na tayo. Maaga pa akong aalis, para sa trabaho."

Narinig ni Emily ang boses ng kanyang kapatid at mabagal na umupo sa kanyang higaan. Tsaka niya kinausap ang kanyang Ate.

Emily: "Pasensya na po, Ate. Medyo nahihilo at masakit din po ang katawan ko."

Lucile: "Bakit ka naman nahihilo? Dahil ba sa sobrang pagbababad niyo sa dagat kahapon? O sa pagmamaneho ni Madam?"

Emily: "Hindi naman po, Ate, dahil sa mga ginawa namin kahapon. Tsaka okay pa naman po ako pag-uwi po namin kahapon. Pero sa ngayon, hindi po talaga maganda ang pakiramdam ko."

Lumapit at umupo si Lucile sa tabi ng kanyang kapatid, tsaka nito ipinatong ang kanyang kanang namay sa noo ng kanyang kapatid.

Naramdaman niyang medyo mainit ang noo ni Emily, kaya naisip na lang niyang lumiban sa trabaho.

Lucile (worried): "Bunso, mukhang may sinat ka. Baka lumala pa yan kapag nagtagal. Mabuti pa siguro kung, i-text ko na lang si Sir Mark at lumiban muna ako sa trabaho."

Emily: "A-Ate! Hindi niyo na po kailangan gawin yan! Okay lang po ako! Siguro, konting papawis lang dito sa mga gawaing bahay at baka mawala na po yung aking sinat."

Lucile (concerned): "Bunso? Sigurado ka ba? Eh para ka kasing lalagnatin?"

Ayaw ni Emily na lumiban sa trabaho ang kanyang Ate dahil alam niyang may "No work, no pay" policy ang kumpanyang pinapatakbo ng Uncle ni Kit na si Ansyong.

Bagamat, ipinasok si Lucile sa kumpanya, hindi nangangahulugang exempted na siya sa polisiya.

Kaya pinilit na ipinakita ni Emily sa kanyang Ate na maayos ang kanyang kalagayan at agad siyang tumayo sa kanyang higaan sabay nag-stretching sa harap ng kanyang kapatid.

Emily: "Opo, Ate! Tingnan niyo po. Makakagalaw po ba ng ganito ang may sakit? Kaya okay lang po ako!"

Lucile (worried): "Sigurado ka ba, Bunso? Kaya mo bang gawin ng mag-isa ang mga gawaing-bahay?"

Emily: "Ate! Okay lang po ako. Kayang-kaya ko pong tapusin ang mga gawaing bahay. Magtiwala naman po kayo sa akin."

Sandaling hindi kumibo ang kanyang Ate at pinag-iisipan ang mga sinabi ni Emily hanggang sa pumayag na rin si Lucile.

Lucile: "Oh sige, Bunso. Papasok na lang ako sa trabaho. Total, ikaw na rin nagsabi na kaya mong magtrabaho dito sa bahay."

Emily: "Ate, ako na po ang bahala. Sinisiguro ko po na pag-uwi po ninyo dito sa bahay ay tapos ko na po lahat ng mga gawaing-bahay. Kaya huwag po kayong mag-alala at pumasok na po kayo sa trabaho."

Lucile: "Oo na, Bunso. Basta't tawagan mo lang ako kung may nararamdaman kang kakaiba ha?"

Emily: "Opo, Ate." (Pasensya na po, Ate. Pero ayoko pong umabsent po kayo sa inyong trabaho ng dahil sa akin.)

Pagkatapos mag-usap sa kuwarto, sabay na bumaba ang magkapatid at sila'y pumunta sa kusina para kumain ng agahan.

Nang matapos sa agahan, agad naghanda sa pagpasok sa trabaho si Lucile, tsaka siya nag-paalam kay Emily at sumakay sa Tricycle paalis ng kanilang bahay, habang kinakawayan ni Emily ang kanyang Ate.

Pagkalayo ng Tricycle, pumasok na si Emily sa loob ng kanilang bahay at pumunta sa bakuran para labahan ang isang malaking basket ng mga maruruming damit.

Ngunit habang siya ay nag-iigib ng tubig para ilagay sa Washing machine, bigla siyang natigilan nang maramdaman niya ang pananakit ng kanyang mga kasu-kasuan at bigla rin siyang nahilo.

Emily: "Na-Naku... Hindi ito maganda.. Mukhang nananakit ang aking katawan.."

Kit: "Ipahinga mo rin kasi."

Muli na namang sumulpot si Kit sa kanyang likod at pinagmamasdan nito ang kakaibang ikinikilos ni Emily. Hindi man nagulat, tinanong naman ni Emily si Kit.

Emily: "Kit, saan ka na naman ba sumuot? Ba't ka nandiyan sa likod ko?"

Kit: "Over-da-bakod."

Emily: "Hay...Oo nga. Ba't pa ako nagtanong. Tsaka ano na naman ipinunta mo dito sa bahay?"

Kit: "Baka kasi naboboring ka na naman."

Emily: "Hindi ah. Pero may mga gawaing-bahay pa akong dapat tapusin."

Nang buhatin ni Emily ang timba na puno ng tubig at nakalayo ng tatlong hakbang, halos matisod ito sa biglaan niyang panghihina.

Kaya lumapit at tumayo si Kit sa kanyang harap.

Emily: "Kit, tabi ka nga muna diyan. Lalagyan ko lang muna ng tubig yung Washing Machine."

Kit: "Ibaba mo muna yung timba."

Ibinaba naman ni Emily ang timba, hindi dahil sa sinabihan siya ni Kit, kundi naramdaman niyang nananakit ang kanyang mga braso.

Emily: "Oh ayan. Ano na sususnod mong gagawin?"

Ipinatong ni Kit ang kanyang kanang kamay sa noo ni Emily tsaka niya ito sinabihan.

Kit (worried but unamused): "Emily, may lagnat ka. Magpahinga ka na muna."

Emily (defensive tone): "May lagnat? Kit, wala akong lagnat! Okay lang ako!"

Kit: "Talaga? Sige, patutunayan ko."

Agad naglabas ng isang Thermo Scanner (Thermometer scanner) si Kit sa kanyang kanang bulsa at itinutok sa noo ni Emily.

Pagtutok nito, lumalabas ang pulang ilaw at numero sa naturang bagay.

Thermo Scanner: "WARNING!! HIGH TEMPERATURE DETECTED!! 41 DEGREES CELCUIS ABOVE NORMAL TEMPERATURE. INITIATE SELF-DESTRUCT 5 SECONDS!!"

Emily (shocked): "HA?! Self-destruct?!" (Anong uri ng Thermometer yan?! Ba't nagsasalita at nagsasabi ng Self-destruct?!)

Thermo Scanner: "INITIATE IN 5... 4..."

Nang magsimulang magbilang ang kakaibang Thermo Scanner ni Kit, agad niya itong ibinato sa ere.

Pagbato sa ere, abala naman sa pamboboso sa kapit-bahay ang Kambal nang matamaan ng naturang bagay sa ulo si Allan.

Allan: "Aray! Hoy! Sinong nambato!"

Allen: "Oo nga! Sin-!"

Bago pa man matapos ni Allen ang kanyang sasabihin, biglang sumabog ang Thermo scanner na nahulog sa ulo ni Allan at sumabog ito na kasing lakas ng paputok na Pla-Pla.

Bagamat nasabugan, himala pa ring nabuhay ang Kambal dahil sa sila ay mga Masamang damo.

Tsaka nahuli din ang mga Kambal ng mga babaeng ng kanilang binobosohan at sila'y hinahabol at pinagpapalo ng bomba sa inidoro.

Matapos mapatunayan ni Kit na may lagnat si Emily, agad niya itong sinabihan na magpahinga.

Kit (concerned): "Emily, magpahinga ka nga muna. Hindi maganda ang kundisyon mo."

Emily: "Hindi Pwede! Hindi ko pwedeng basta ko na lang iwan na nakatiwang-wang yung mga lalabahan. Tsaka marami pa akong gagawin sa loob ng bahay, tulad ng paglilinis ng Sala at mga kuwarto, paghuhugas ng pinggan at pagluluto ng ulam para sa pananghalian."

Tumitig ng nakasimangot si Kit kay Emily at bigla na lang niya itong binuhat at naglakad, papasok sa loob ng bahay.

Emily: "Kit! Anong binabalak mo?! Ibaba mo ako!"

Hindi sumagot si Kit, pero binuhat pa rin niya si Emily papunta sa loob ng kanyang kuwarto at pagdating sa kuwarto, maingat siyang ihiniga ni Kit sa kanyang Kama.

Kit: "Magpahinga ka na muna."

Emily: "Hindi nga pwede!! Kailangan kong tapusin ang mga gawai-"

Kit: "Ako na ang gagawa. Kaya magpahinga ka muna diyan."

Tsaka naglakad palabas ng kuwarto ni Emily si Kit para tapusin ang lahat ng mga gawaing-bahay na dapat sana'y si Emily ang gumagawa.

Pero dahil katawan niya mismo ang nagsasabi sa kanyang utak na kailangan niyang magpahinga, sinunod na lang ni Emily ang sinabi sa kanya ni Kit.

Ilang minuto ang nakalipas, bumalik si Kit dala ang isang tableta ng gamot at isang baso ng tubig, tsaka pilit niya itong pinainom kay Emily.

Kit: "Emily, inumin mo ito."

Emily: "Ano naman iyan?"

Kit: "Paracetamol."

Emily: "Mapait ba iyan?"

Kit: "Oo."

Emily: "Ayoko. Huwag na lang."

Kit: "Inumin mo."

Emily (irrirated): "Bakit mo ba ipinipilit sa akin na inumin iyan?!"

Kit: "Dahil manananghalian ka ng nilagang ampalaya kapag hindi mo ininom yan."

Emily (shocked): "Seryoso ka ba?!"

Muli na namang tinitigan ni Kit si Emily nang nakasimangot at pilit na ibinibigay ang gamot sabay sinagot ang tanong ni Emily.

Kit: "Oo."

Dahil alam ni Emily na madalas seryoso si Kit sa kanyang mga binibitawang salita, wala siyang nagawa kundi ang lunukin ang ibinibigay nitong gamot sabay inom ng tubig.

Emily: "Yan! Nainom ko na."

Kit: "Mabuti naman."

Emily: "Kit, bakit mo ba ito ginagawa?"

Kit: "Ginagawa ang alin?"

Emily: "Etong paglilinis, paglalaba at iba pang mga gawaing bahay?"

Kit: "May sakit ka kaya ko ito ginagawa."

Emily: "Wala ka na bang ibang dahilan?"

Sandaling hindi kumibo si Kit, matapos siyang tanungin ni Emily.

Hanggang sa iniba ni Kit ang kanilang pinag-uusapan.

Kit (denial tone): "Nalinis ko na ang buong bahay kasama na rin ang banyo. Sa ngayon, tapos na sigurong labahan ng washing machine ang mga puting damit."

Emily: "Kit, may tinatanon-"

Kit: "Balikan ko lang yung nilalabahan kong mga damit ng Ate mo sa washing machine."

Sabay lumabas ng kuwarto ni Emily si Kit at binalikan ang washing machine na nasa likod-bahay.

Nagtaka naman si Emily kung bakit hindi sinagot ni Kit ang kanyang tanong, ngunit may hinala na rin si Emily na maaring may pagtingin sa kanya si Kit.

Kung kaya't napakabait lagi nito, kahit pa may pagkasalbahe ito sa kanya.

Maya't maya, bumalik na naman si Kit na may dalang palangganang may maligamgam tubig at bimpo, at inilagay sa tabi ng kanyang higaan.

Kit: "Emily, tapos ko na pa lang labahan ang inyong mga damit. Kasama na pati mga underware ninyo."

Emily (shocked): "Underware? As in UNDERWARE?!" (Nilabahan niya pati yung mga underware namin ni Ate?! Paano kung pati yung manipis na iyon ay kanyang nakita?!)

Namula ang mukha ni Emily ng maalala niyang kasama sa mga labahan ang isang manipis ng Underware na iniregalo sa kanya ng kanyang Ate noong Pasko at nag-aala si Emily na baka iba ang isipin sa kanya ni Kit.

Kit: "Oo. Bakit? May butas ka bang underware? Puwede kong tahiin para magamit mo."

Emily: "Hi-Hindi! Hindi na kailangan! Tsaka ako na lang kukuha sa mga tuyong sinampay, mamayang hapon."

Kit: "Kung bababa ang temperatura mo mamayang hapon. Kaya hangga't maari, humiga ka lang diyan at magpahinga. Para ikaw naman ang kumuha sa mga sinampay mamaya."

Emily: "Oo na. Magpapahinga na. Kaso parang nilalamig ako."

Nang marinig ni Kit na nilalamig si Emily, agad niyang hinanap ang kumot at comforter sa kabinet, tsaka niya ibinalot kay Emily.

Ang kaso, binalot niya si Emily na parang isang lumpia at pinagulong nito na parang laman ng lumpia. Kaya nainis si Emily sa ginawa ni Kit.

Emily (irrirated): "Kit! Bakit mo ako binalutan ng kumot at comforter na parang isang Turon?!"

Kit: "Sabi mo, nilalamig ka. Kaya siniguro ko lang na hindi ka lalamigin."

Emily: "Hindi nga ako nilalamig pero pinagpapawisan naman ako ng sobra!"

Kit: "Okay lang iyan. Para lumabas ang pawis sa iyong katawan at para bumaba ang iyong lagnat."

Emily: "Ano namang kinalaman ng pagpapawis sa pagpapababa nang lagnat?!"

Kit: "Hindi ko alam. Pero yun ang laging sinasabi ni Lola sa tuwing nagkakaroon ako ng lagnat. Kailangan daw pagpawisan yung taong may sakit para bumaba ang lagnat. Tsaka balikan ko lang yung niluluto ko sa kusina. Baka masunog."

Emily (unamused): "Teka?! Nagluto ka ng pananghalian sa kusina ng aming bahay?!"

Kit: "Oo. Wala namang masama kung makikigamit ako, hindi ba?"

Emily: "Wala. Pero ano naman ang niluto mo?"

Kit: "Sopas."

Emily: "Bakit naman sopas?!"

Kit: "Para pagpawisan ka pa."

Emily (annoyed): "Kit, papatayin mo ba ako sa Dehydration?!"

Kit: "Hindi. Dahil magdadala naman ako ng maraming tubig mamaya."

Sabay lumabas ng kuwarto si Kit para balikan ang kanyang nilulutong sopas sa kusina.

Pero nag-uumpisa nang magreklamo si Emily dahil binalot siya ng kumot at comforter sa kanyang katawan, at ang malala pa, tinalian pa ng lubid ni Kit ang mismong kumot at comforter para hindi magawang maalis ni Emily ang kanyang sarili sa pagkakabalot.

Kaya wala na siyang nagawa kundi ang tiisin ang init at pagpapawis ng kanyang katawan.

Ilang sandali pa bago magtanghali, bumalik si Kit sa kuwarto ni Emily para tanggalin ang kumot at comforter, kasama na ang lubid, mula sa katawan ni Emily.

Pagtanggal ng kumot at comforter, laking ginhawa ang naramdaman ni Emily matapos maalis ang naturang bagay.

Emily: "Phew! Sa wakas! Tinanggal mo na rin! Para akong nakakulong sa loob ng oven dahil sa ginawa mo!"

Kit: "Eto tubig. Para hindi ka ma-hydrate na sabi mo."

Iniabot ni Kit ang isang baso ng tubig at agad namang kinuha at ininom ni Emily.

Habang umiinom, napansin ni Kit na basa ng pawis ang pajamas ni Emily at sa sobrang basa, bumabakat dito ang hubog ng kanyang katawan.

Ayaw magmukhang bastos ni Kit kay Emily kapag sinabi niyang basa ng pawis at bumabakat ang kanyang katawan ang suot niyang damit.

Kaya lumapit si Kit sa Drawer ni Emily at naghanap ng ipapalit na damit.

Pero agad naman siyang napansin ni Emily nang maghanap siya sa kanyang Drawer.

Emily: "Kit, anong ginagawa mo?"

Kit: "Naghahanap ng damit."

Emily: "At bakit ka naman naghahanap ng damit?"

Kit: "Bumangon ka sa iyong higaan at tumingin ka sa Full body na salamin."

Bagamat nagtataka si Emily, sinunod pa rin nito ang sinabi ni Kit at pagdating sa harap ng salamin, nakita ni Emily ang bumabakat niyang katawan sa basa niyang damit.

Agad na nailang si Emily sa kanyang sarili at kanyang tinanong si Kit.

Emily: "Kaya ka ba naghahanap ng damit diyan ay dahil nakita mo ang aking katawan?"

Kit: "Huwag kang mag-isip nang kung ano. Naghahanap ako ng damit para palitan ang basa mong damit."

Emily: "Gumagawa ka lang ata ng dahilan para makita mo akong magtanggal ng damit sa harap mo!"

Kit: "Wala akong ginagawang dahilan. Naghahanap ako ng damit para hindi ka sipunin. Tsaka nakahanap na ako ng isusuot mong damit."

Nang makahanap ng damit, agad niyang ibinigay ang isang puti at maluwag na T-Shirt at isang pulang basketball shorts bilang pamalit sa basang damit ni Emily.

Kit: "Ayan. Palitan mo na ang iyong damit. Babalik lang ako sa kusina para ihanda yung niluto kong pananghalian."

Sabay alis na naman ni Kit pabalik sa kusina. Napansin ni Emily na si Kit ang klase ng tao na hindi bastos at natutuwa naman siya sa ipinapakitang ugali ni Kit.

Kaya agad niyang sinunod ang sinabi ni Kit at nagpalit siya ng tuyong damit.

Matapos makapagpalit ng damit, narinig ni Emily ang katok sa pintuan ng kanyang kuwarto kung saan, alam niyang si Kit ang nasa kabila.

Kaya sinabihan niya itong pumasok at pagpasok ni Kit, dala nito ang isang maliit na mesa may may mga mangkok, tsaka niya inilagay sa higaan ni Emily.

Kit: "Emily, kumain na tayo."

Emily: "Kit, ang bango naman ng niluto mong sopas. Tsaka ano naman itong kulay berde na lumulutang sa Sopas?"

Kit: "Ampalaya."

Biglang napasimangot si Emily ng sabihin ni Kit na naglagay ito ng ampalaya sa niluto nitong sopas at tila iniisip ni Emily na hindi maganda ang magiging lasa ng pagkaing nasa kanyang harap.

Emily (unamused): "Kit, ba't ka naman naglagay ng Amplaya sa Sopas?!"

Kit: "Para may nakukuha ka pa ring sustansya sa kinakain mo."

Emily: "Kit, alam kong masustansya ang ampalaya pero hindi naman kasama sa sopas ang ampalaya dahil napakapait nito!!"

Kit: "Hindi iyan mapait."

Emily: "Anong hindi mapait?! Saan ka naman nakakita ng ampalaya na hindi mapait?!"

Kit: "Kainin mo na lang. Hindi ka naman niyan papatayin sa pait."

Emily: (Kit, matutuwa na sana ako sayo pero mukhang minus love points ka sa akin dahil sa ginawa mo.)

Hindi man natutuwa si Emily sa paglalagay ni Kit ng Ampalaya sa Sopas na kanilang pananghalian, pinilit na lang niyang isubo sa kanyang labi ang kanilang pananghalian.

Hanggang sa nagulat na lang si Emily ng malasahan niyang hindi mapait ang nilutong sopas ni Kit.

Emily: (A-Ano?! Hindi mapait?! Pa-Paanong nangyaring hindi mapait ang nilutong sopas ni Kit?!)

Kit: "Nanahimik ka ata."

Emily: "Hindi ah! Mapait pa rin ang niluto mo! Pinipilit ko lang na kainin!"

Kit: "Okay. Sabi mo."

Matapos mag-usap, biglang natigilan si Emily nang makita niya sa unang pagkakataon na ngumisi si Kit sa kanyang harap, habang kumakain.

Naisip niyang ngumisi ito dahil alam nitong nag-iinarte lang siya tungkol sa lasa ng Sopas na kaniyang kinakain.

Pero sa mga oras na iyon, laking tuwa ni Emily sa kanyang sarili nang makita ang isang bagay na bihira niyang makita at nagsisimula na rin maging malapit ang kanyang loob kay Kit.

Pagkatapos mananghalian, muling humiga si Emily sa kanyang higaan para magpababa ng kinain.

Emily: "Hooo... Nabusog ako dun."

Kit: "Akala ko ba ayaw mo sa niluto kong Sopas?"

Emily: "Ayaw naman talaga. Pero napilitan lang akong kumain."

Kit: "Hindi halata sa tatlong mangkok na ayaw mo sa niluto ko. Anyway, pakilagay itong digital thermometer sa kili-kili mo. Nang makita ko kung bumaba naman ang iyong lagnat."

Kinuha at inilagay ni Emily ang Thermometer sa kanyang kaliwang kili-kili at habang hinihintay na tumunog ang naturang bagay, naisip niya munang kausapin si Kit.

Emily: "Kit, nagpalit ka ata ng Thermometer. Anong nangyari sa ginamit mo kanina?"

Kit: "Sumabog na sa kung saan siguro iyon."

Emily: "Sumabog? Saan ka naman nakabili ng ganung uri ng Thermometer?"

Kit: "Hindi ko yun binili. Niregalo yun sa akin ni Uncle Ansyong. Special Thermo Scanner daw yun at puwede ko daw gamitin in case of emergency. Pero hindi ko akalain na bomba pala ang bagay na iyon."

Emily: "Hehe...wala akong ideya na regalo pala sayo yun ng Uncle Ansyong mo. Pero mabuti na rin at nalaman mo ng maaga. Kaysa naman sa bigla na lang sasabog sa loob ng iyong bulsa."

Kit: "Oo. Tama ang sinabi mo."

Maya't maya, biglang tumunog ang Thermometer sa kili-kili ni Emily at agad itong kinuha ni Kit para tignan sa screen ang kanyang temperatura.

Kit: "38.5 degrees Celcius. Medyo mataas pa rin. Pero baka bumaba pa iyan sa normal kapag itinuloy ko ang paglalagay ng napigang bimpo sa iyong noo."

Emily: "Oo. Siguro nga, Kit."

Kit: "Matulog ka na lang muna at ibababa ko lang sa kusina ang mga ginamit nating mga mangkok at kutsara."

Emily: "Oo."

Kinuha ni Kit ang maliit na mesang kanilang ginamit sa pagkain ng pananghalian, kasama ang mga mangkok at kutsara.

Tsaka siya bumaba ulit sa kusina para hugasan ang mga ito.

Pagbaba ni Kit at habang naghuhugas ng kutsara't mangkok, nakahiga naman si Emily at pinag-iisipan ang lahat ng mga mabubuting bagay na ginagawa ni Kit para sa kanya.

Emily: (Sa lahat ng mga lalaki, si Kit lang ang nag-alaga sa akin ng ganito. Malayo sa pagtrato sa akin ni Axel noon. Sobrang bait din ni Kit at tinulungan pa niya kami ni Ate na mabago ang takbo ng aming pamumuhay. Maalala ko, tinanong ko si Kit kanina kung bakit niya ito ginagawa. Pero wala man lang siyang sagot. Nagkakagusto na ako sa kanya, pero wala akong ideya kung ano talaga ang tumatakbo sa kanyang isip. Kaya natatakot pa rin ako na baka pinaglalaruan lang ako ni Kit. Kung may paraan sana para malaman ko kung ano talaga ang totoong nararamdaman ni Kit para sa akin.)

Patuloy sa pag-iisip ng paraan si Emily kung paano niya malalaman kung ano ang tunay na tumatakbo sa isipan ni Kit.

Hanggang sa hindi niya namalayang nakaiglip na siya sa kanyang higaan.

Ngunit agad naman nagising si Emily nang may marinig siyang lagabog sa labas ng kanyang kuwarto at pinakinggan kung si Kit ba ang may gawa ng tunog.

Kit: "Pambihira. Natapon yung tubig sa palanggana."

Muli na namang naglakad pabalik sa kusina si Kit, at matapos marinig ni Emily si Kit, bahagya siyang nag-alala sa kung ano ang nangyari rito.

Kaya sinubukan niyang maglakad palabas ng kanyang kuwarto para tignan ang nangyari. Sumilip sa pinto si Emily at nakita niyang basa ng tubig ang hagdan.

Hinala ni Emily, natisod habang humahakbang paakyat ng hagdan si Kit kaya natapon nito ang tubig mula sa dala niyang palanggana.

Maya't maya, nagulat si Emily nang marinig niya ang yapak ng mga paa papunta sa hagdan, kaya agad bumalik papunta sa kanyang kama para humiga at binalot ng kumot ang kanyang katawan, tsaka nagkukunwaring natulog.

Matapos itong gawin ni Emily, sakto namang dumating si Kit, dala ang bagong palit na maligamgam na tubig sa palanggana at pumasok sa loob ng kuwarto.

Pagpasok ni Kit, inilagay niya ang palanggana sa maliit na mesa at uumpisahan sana niyang punasan ng napigang bimpo ang mga braso ni Emily nang maalala niya muna itong tanungin kung siya ba ay gising o tulog.

Kit: "Emily, gising ka ba? Pupunasan ko ng bimpo ang iyong mga braso."

Emily: (Tulog ako, Kit. Maniwala ka sa nakapikit at maamo kong mukha.)

Kit: "Tulog nga."

Emily: (Naniwala siya?)

Kit: "Punasan ko na lang yung kanyang mukha. Baka sampalin pa ako kapag nalaman niyang pinunasan ko ng bimpo ang kanyang braso at tiyan."

Emily: (A-Ano?! Pati sa tiyan?! Kit, nakakahalata na ako, katulad ka din ba nung Kambal?!)

Inakala ni Kit na tulog si Emily, kaya pinunasan niya ng bimpo ang kanyang mukha.

Tsaka naglagay ng napigang bimpo si Kit sa noo ni Emily.

Matapos lagyan, muli na naman nilagyan ni Kit ng Thermometer ang kili-kili ni Emily para malaman kung nasa normal ang kanyang temperatura.

Habang hinihintay na tumunog ang Thermometer, hindi inakala ni Emily ang sunod niyang maririnig.

Kit (blushing): "Ang cute mo talaga, Emily. Parang gusto kitang halikan."

Emily (shocked): (A-ANO?!)

Kit: "Maganda sanang pagkakataon ito para gawin ang binabalak kong gawin. Pero baka bigla kang magising at bigla mo din akong sampalin."

Emily: (Oo. Tama ang sinabi mo, Kit. Napakaganda ng pagkakataong ito para halikan ako sa labi, pero masasampal din kita kapag nagkataon. Buti nag-iisip ka ng mabuti bago mo gawin sa akin ang iyong mga binabalak.)

Sandaling hindi kumibo si Kit at napabuntong hininga sa kanyang susunod na sasabihin.

Kit: "Hay....Kung alam mo lang sana kung gaano kita kagusto."

Emily (surprised): (Gu-Gusto ako ni Kit?! Pe-Pero kung gusto niya ako, kailan pa siya unang nagkagusto sa akin?!)

Kit: "Pero baka ayaw mo din lang sa akin dahil sobra akong weird. Weird na umabot sa puntong, baliw o abnormal na ang tingin sa akin ng mga tao sa paligid. Ano ang magagawa ko kung ganito ang aking ugali? Marahil namana ko ang pag uugaling ito kay Lola o kay Lolo o kaya sa Papa ko. Pero hindi ibig sabihin na dahil Weird ako, hindi ko na kayang magmahal sayo ng totoo."

Bagamat nagtutulug-tulogan, hindi makapaniwala si Emily sa kanyang mga narinig.

Tila lalo pang naging malapit ang kanyang loob nang marinig ang totoong saloobin ni Kit.

Nagpatuloy pa sa pagsasalita si Kit at wala siyang ideya na gising at nakikinig lang si Emily.

Kit: "Alam mo, inaamin ko sa sarili ko na napaka-Weird kong tao dahil nagsasalita ako dito na tulog ang aking kausap. Tsaka sinasabi ko din sa taong tulog ang totoo kong nararamdaman."

Emily: (Oo, Kit. Ang weird mo talaga. Kasi kinakausap mo yung taong tulog na hindi naman talaga tulog. Pero atleast, panatag na din ang loob ko dahil nalaman ko sayo mismo na may gusto ka rin sa akin. Matutuwa sana ako kung sasabihin mo din kung paano ka nagkagusto sa akin.)

Kit: "Pero kahit magsalita pa ako ng magsalita, at ayaw mo pa rin sa akin dahil hindi mo pa alam kung ano ang totoo kong nararamdaman para sayo. Pagising mo, sigurado akong babalik lang naman sa normal ang tingin mo sa akin. Pero kahit ganun pa rin ang mangyari, asahan mo, Emily, hindi kita pababayaan, aalagaan kita at hindi ko hahayaan na saktan ka nang iba. Ipinapangako ko iyan."

Emily: (..Kit..)

Nawala ang pag-aalinglangan ni Emily sa kanyang sarili at sobra din siyang natuwa, matapos niyang malaman kay Kit ang totoo nitong naramdaman.

Nalaman din niyang hindi lang siya gusto nito, kundi sobrang mahal siya ni Kit.

Kaya naisip ni Emily na mula sa oras na ito, babaguhin niya ang kanyang pakikitungo at susubukan din niyang iparamdam din rito kung gaano din niya kagusto si Kit.

Maya't maya, tumunog ang Thermometer at nabaling ang atensyon ni Kit sa naturang bagay.

Kit: "37.7 degrees Celcius. Mukhang bumababa na ang lagnat mo, Emily."

Emily: (Buti naman at bumababa na rin. Pwede na kaya akong bumangon at sabihin kay Kit na natutuwa ako sa kanyang mga sinabi?)

Kit: "Mukhang malamig na ang tubig sa palanggana. Maiwan na muna kita Emily. Babalik din ako agad."

At muli na namang umalis si Kit para kumuha ulit ng maligamgam na tubig sa palanggana.

Pagka-alis ni Kit, agad iminulat ni Emily ang kanyang mga mata at pinag-iisipan ang mga hindi kapani-paniwalang mga rebelasyon na kanyang narinig, tsaka siya umupo sa kanyang higaan.

Emily (blushes even more): "O.M.G.! Gusto ako ni Kit! Hindi ako makapaniwalang narinig ko mula sa kanya mismo ang kanyang mga sinabi! Pero anong susunod kong gagawin? Paano ko din sasabihin kay Kit na may gusto na rin ako sa kanya? Ano kaya ang kanyang magiging reaksyon?"

Bumalik na naman si Kit, dala ang palangganang may maligamgam na tubig at nakita nitong gising at nakaupo sa higaan si Emily.

Kit: "Gising ka na pala."

Emily (denial tone): "Oo. Uhm...kagigising ko lang."

Kit: "Ano na pakiramdam mo?"

Emily: "Medyo nawala ang aking pagkahilo."

Kit: "Mabuti naman. Hindi ko na siguro kailangan itong bimpo at maligamgam na tubig sa palanggana."

Ibinaba at inilagay ni Kit sa tabi ng pintuan ang palangganang may tubig at lumapit siya kay Emily para muling ilagay ang Thermometer sa kanyang kili-kili Habang hinihintay na muling tumunog ang Digital Thermometer, muli na namang ipinatong ni Kit ang kanyang kanang kamay sa noo ni Emily at pinapakiramdaman ang init sa kanyang noo.

Bagamat naiilang si Emily dahil sa kanyang mga narinig, natutuwa naman siya dahil nakikita niyang seryoso si Kit sa kanyang mga sinabi.

Kit: "Pakiramdam ko bumaba na ang iyong lagnat. Pero mas mabuting hintayin na lang natin ang ipapakita ng Thermometer."

Emily: "Oo. Para sigurado."

Kit: "Wala na bang masakit sa iyong katawan?"

Emily: "Nananakit pa rin yung mga kasu-kasuan ko."

Kit: "Gusto mo hilutin kita?"

Emily: "Hihilutin mo ako?"

Kit: "Oo. Pero hihilutin lang kita sa mga braso't binti."

Emily: "Hindi mo ba ako hihilutin sa aking likod?"

Kit: "Depende kung gusto mong magpahilot sa iyong likod."

Emily: "Sige. Pati na rin sa aking likod."

Biglang tumunog ang Thermometer na hinihintay ni Kit at tinignan ang numerong nakalagay sa screen.

Kit: "37.5. Mukhang pawala na ang iyong laganat. Hilutin na lang kita ngayon at siguradong babalik na sa normal ang iyong temperatura."

Emily: "Sige. Pakihilot mo na ako kung makakatulong iyan para mawala ang aking lagnat."

Matapos pumayag si Emily, kinuha at inilagay ni Kit ang Digital Thermometer sa ibabaw ng maliit na kabinet, tsaka siya naglabas ng isang maliit na bote ng Efficascent oil mula sa kanyang bulsa at naglagay ng konting patak sa kanyang mga kamay.

Pinahiran at hinilot muna ni Kit ang kaliwang braso ni Emily.

Emily: "Kit, ngayon ko lang nalaman, magaling ka palang maghilot. Tama lang ang puwersa ng iyong mga kamay sa aking braso. Kanino mo pala natutunan maghilot?"

Kit: "Kay Lolo."

Emily: "Sa Lolo mo?"

Kit: "Oo."

Emily: "Kit, nagtataka lang ako, paano pala sila nagkakilala ng Lola mo?"

Kit: "Alalay ng Mekaniko ang Lolo ko noong nagkakilala sila ni Lola sa U.S. Pero bago naging alalay si Lolo, pumasok muna siya sa iba't ibang mga trabaho, kasama na ang pagiging mangingisda sa isang Fishing Vessel at Masahista sa isang Barber Shop. Kaya kay Lolo ko natutunan ang ilan sa mga Skills na mayroon ako ngayon."

Emily: "Ga-Ganon ba? Siguro napakatalino ng Lolo mo, Kit." (Skills na mayroon siya ngayon? Kasama din ba sa Skills na natutunan niya sa kanyang Lolo ang biglang pagsulpot sa likod, paggawa ng pampasabog at pangunguryente sa tao? Siguro, sobrang napaka-weird ng kanyang Lolo sakaling makilala namin siya ngayon at kung nabubuhay pa siya.)

Kit: "Oo. Sinabi mo pa."

Matapos hilutin ni Kit ang kaliwang braso ni Emily, isinunod niyang hinilot ang kanang braso nito hanggang sa natapos hilutin ni Kit ang mga braso't binti ni Emily.

At huli na lang niyang hihilutin ang kanyang likod.

Kit: "Emily, sigurado ka bang gusto mong magpahilot sa likod?"

Emily: "Oo. Bakit? May problema ba?"

Kit: "Wala."

Emily: "Kit, may tiwala ako na hindi ka tulad nung Kambal. Kaya hubarin ko na lang siguro ang aking T-shi-!"

Kit: "Itigil mo iyan!"

Iaangat at huhubarin na sana ni Emily ang kanyang T-shirt na biglang sinunggaban at pinigilan siya ni Kit sa kanyang naisip.

Nagulat naman si Emily sa naging reaksyon ni Kit dahilan para mapahiga siya sa kama.

Ngunit, napahiga pareho ang dalawa sa hindi kaaya-ayang posisyon at namumula ng husto ang mukha ni Emily dahil sa sobrang lapit ng mukha ni Kit, ilang sentimetro na lang ang pagitan mula sa kanyang mukha.

Nang maunawaan ni Kit kung ano ang kanyang nagawa, agad niyang itinulak ang kanyang sarili palayo at umupo siya sa gilid ng Kama ni Emily.

Kit: (Pambihira! Ano ba yung nagawa ko?! Nakagawa na naman ba ako ng ikakainis ni Emily?! Sigurado, sasampalin na naman niya ako sa mukha!)

Emily: (Mukhang iniisip ni Kit na may nagawa siyang mali sa pagpigil sa akin na hubarin ang aking T-Shirt. Ngayon ko lang naisip na hindi pala dapat ako nagpapakita ng katawan sa harap ng isang lalaki. Siguro, epekto ito ng aking pagkahilo sa lagnat, kaya hindi ako nakakapag-isip ng tama. Buti na lang, pinigilan ako ni Kit.)

Matapos lumayo ni Kit, bumangon sa pagkakahiga si Emily at umupo sa kanyang Kama.

Pag-upo niya, nakita niyang nakaupo si Kit sa dulo at tinatalikuran siya nito.

Naisip ni Emily na marahil sinisisi ni Kit ang kanyang sarili dahil sa hindi kaaya-ayang pagkakahiga nila sa isa't isa.

Dahil rito, naisip ni Emily na magandang pagkakataon na rin ito para iparamdam kay Kit na may pagtingin rin siya rito.

Kaya mabagal na lumapit si Emily sa likod ni Kit at mula rito ay kanya itong niyakap.

Nagulat naman si Kit matapos siyang yakapin ni Emily.

Emily: "Ki-Kit, hindi mo na siguro ako kailangang hilutin pa sa aking likod."

Kit: "Ba-Bakit naman?"

Emily: "Marami ka nang nagawa sa akin para sa araw na ito."

Kit: "Oo. Siguro nga. Pero para sa akin, hindi pa yun sapat."

Emily: "Kit, huwag mo nang sisihin ang sarili mo sa nangyari. Alam ko namang hindi mo sinasadya. Tsaka kasalanan ko din, kasi hindi ako nag-iisip ng maayos. Dapat nga, ako ang nagso-sorry sayo."

Kit: "Pinapatawad na kita, Emily."

Emily: "Pi-Pinapatawad mo ako?"

Kit: "Oo. Pero bumalik ka na sa iyong pagkakahiga at magpagaling ka."

Emily: "Sige."

Pagkatapos yakapin ni Emily si Kit mula sa kanyang likod, bumalik siya sa pagkakahiga. Pero tinanong muna ni Emily si Kit sa kung ano ang susunod nitong gagawin.

Emily: "Kit, ano pala ang susunod mong gagawin?"

Kit: "Sa ngayon, magluluto na lang ako ng hapunan ninyo ng iyong Ate at uuwi na ako sa bahay pagkatapos kong magluto."

Emily: "Ha? Lulutuan mo kami ni Ate ng hapunan?"

Kit: "Oo. Pero huwag kang mag-alala, hindi na ako mag-lalagay ng Ampalaya sa Ginisang gulay."

Emily: "Buti naman. Kasi magagalit si Ate kapag may makita siyang Ampalaya sa Ginisa."

Kit: "Kung ganun, bababa na ako sa kusina."

Emily: "Oo. Tsaka..."

Kit: "Tsaka ano?"

Emily: "Tsaka salamat ulit."

Kit: "Walang anuman."

At muling bumaba sa kusina si Kit para ipagluto ng hapunan si Emily at ang kanyang Ate.

Habang nagluluto si Kit ng hapunan at nagpapahinga naman si Emily sa kanyang kuwarto, sakto namang kauuwi lang ni Lucile mula sa kanyang trabaho at nagulat ito nang makita niya si Kit na nagluluto ng kanilang hapunan.

Upang malinawan si Lucile kung bakit si Kit ang nagluluto sa kusina, ipinaliwanag ni Kit kay Lucile na may sakit si Emily at siya ang nagtrabaho sa lahat ng mga gawaing bahay nila na dapat sana'y ang bunso niyang kapatid ang gumagawa.

Natuwa naman si Lucile sa ginawang pagboluntaryong pagtulong at pag-aalaga ni Kit kay Emily, at bilang pasasalamat, inimbitahan ni Lucile si Kit na saluhan sila na maghapunan.

Pinaunlakan naman siya ni Kit at kumain silang tatlo sa hapag, matapos tawagin ni Lucile si Emily at maluto ang kanilang hapunan.

Pagkatapos maghapunan, agad sinabihan ni Lucile na agad nang magpahinga ang dalawa para makabawi sila ng lakas.

Kaya agad din umuwi si Kit sa kanilang bahay at umakyat naman si Emily sa kanyang kuwarto para matulog.

Habang naghuhugas ng pinggan, natutuwa si Lucile dahil nagiging sobrang malapit ang loob nang kanyang kapatid kay Kit.

Naalala din niyang bisperas din ng Bagong Taon kinabukasan at naisip ni Lucile na ayaw idaos ni Kit ang Bagong taon nang hindi kasama si Emily.

Kaya pinilit ni Kit na pagalingin si Emily sa abot ng kanyang makakaya.