webnovel

BOTHERED

Artemis' POV

Medyo wala akong maayos na tulog dahil kapag pipikit ako ay aking nakikita ang kulitan nang dalawang iyon at ewan ko ba naiirita talaga ako. Simula nang makita ko siya ulit nagkagulo-gulo na ulit ang utak ko.

Maaga akong naligo dahil magbubukas ako ng shop nang maaga para naman madistrak itong utak ko. Isa pa kailangan ko na rin magsketch ng panibagong design ng sapatos. Pagkatapos kong mabuksan ang shop ay dumiritso na ako sa mesa. Hawak ang lapis ay masusi kong iniisip ang bawat detalye ng design na ilalagay ko sa sapatos.

Hindi naman literal na ako ang gumagawa ng sapatos, actually, ako lang ang nagdadrawing at si ate naman ang taga-ayos mismo ng aking drawing. Hindi ako kagalinagan sa illustration pero ang ideya ay orihinal na akin. Na siya namang pinapadala ko sa pabrika ng sapatos sa Marikina.

Pagmamay-ari iyon ng isa sa aming kamag-anak. Kaya naman mura lang ang puhunan ko sa sapatos at malaki talaga ang tubo ko sa mga ito. Bukod pa roon ay ipinapadala nila sa akin ang unang batch ng mga nayaring sapatos kaya naman lamang din ako pagdating sa aking mga competitors.

Naantala ako sa aking ginagawa ng marinig kong kumalimbang ang bell sa may pinto. Ibig sabihin ay may pumasok sa aking shop kung customer ito ke-agang Buena mano naman.

"Good morning!" Naunang bumati ang dumating.

Hindi ko pinahalatang napasimangot ako nang makita ko kung sino ang dumating. Sa halip ngumiti rin ako dahil customer ko pa rin sila.

"Good morning, ma'am." Binabawi ko na pala ang sinabi kong Buena mano mukhang maaga pa lang minalas na ako.

"Oh! Hi! I've been seeing you a lot since yesterday."

Yes. That's why I'm sick of seeing you both!

"Do you have size 8? And uhmm... color pink please." I really hate girls who likes pink...so girly.

"Aga niyo ata magbukas, ma'am?" Saved by Arlene, mabuti na lang dumating na ang loyal kong kaagapay sa trabaho. Iniwan ko sila sa kamay ni Arlene. Bumalik na ako sa table pero kahit na anong pokus ko ay nadidinig ko pa rin ang boses nila.

Sino ba naman kasing eng-eng ang naglagay ng fitting bench malapit sa counter?

"How do I look?" Pabibe si ateng?

"You look perfect whatever you put on."

Mga linya ng bolero syempre kabisado ko na iyang mga ganyan.

'Hindi na siya nag-abalang hubarin ang sapatos feel na feel ata porket nasabihan na maganda siya kahit na ano pa ang suot.'

"Thank you, ma'am. Balik po kayo," wika ni Arlene.

'Huwag na sana kayong bumalik....

"Answerte naman ng girl ang sweet ng boyfriend niya at napakagentleman pa," wala sa sariling winika ni Arlene.

"Bagay na bagay sila ang ganda-ganda ni girl tapos ang gwapo ni guy." Kinikilig na hirit ulit ni Arlene.

"Sus magbi-break din iyon wala kasing forever!" Sounds so bitter, it's not like I want them to fall apart I'm just stating the fact. In a relationship there's no such thing as forever! Wala talaga as in as wala!

"Bitter na naman siya...ay ma'am siya nga pala pwede po ba ako lumiban bukas wala kasing kasama si ate magpacheck ng baby niya."

"Okay lang darating naman si ate bukas."

"The best ka talaga maam!" Nakathumbs up na wika ni Arlene.

"Ang mabuti pa bilangin mo ang stock natin tsaka kung anong design ang wala na." Utos ko sa tapat kong tauhan na agad namang tumalima.

Habang abala ako sa paglilinis ng salamin na dinding nitong tindahan ay hindi ko maiwasang mapatingin sa labas. Nakakaalis ng pagod sa tuwing makakakita ako ng taong may hila-hilang aso.

Namiss ko tuloy bigla ang aso naming si spunky at sweetie. Parang tuloy gusto kong umuwi upang mabigyan ko sila ng power hug. Nakakatuwa ang mga aso dahil kahit iniwan mo sila ay loyal pa rin sila sa'yo, handa pa rin silang salubungin ka sa pag-uwi.

Kapag ba ang tao ay naiwan kaya rin ba nilang maging tapat?

Kaya rin kaya nilang maghintay kung kelan sila babalikan ng kanilang amo?

Bakit ba ang drama ko ngayon? May dumaan lang na husky kung saan na napunta ang utak ko, pambihira.

Bandang hapon akala ko okay na ang araw ko iyon pala talagang binalikan pa ako, hindi na nakuntento kaninang umaga bumalik pa talaga ngayong hapon. Mukhang tuwang- tuwa sa akin ang tadhana; masyadong nag-enjoy sa paglalaro sa akin.

"Hi!" Ayan na naman ang ngiti niya hindi ko alam kung friendly ba siya o sadyang may hidden agenda sa paglapit sa akin.

Bigla namang nag-ring ang phone niya. Sinagot niya ito agad at talagang nakaloudspeaker pa.

Bida-bida naman nito pahalik kita kay Jollibee para bida ang saya!

"Where are you?" wika ng kabilang linya.

"Uhm...here at the park."

Park daw? Sinungaling, kelan pa naging park ang tindahan ko?

"Don't worry I know the way, no need to fetch me."

"You sure?"

tss! Para namang bata kailangan laging sinusundo.

Why am I still standing and listening to them? I should not stick my nose in other people's business.

"Wait can I talk to you?" Pabalik na sana ako sa table nang bigla niya akong tawagin.

"Is there something wrong with the shoes?" Usisa ko.

Napakunot noo ako.

Natawa naman siya,"No it's not about the shoes...I just want to make friends with you." Wow ang effort naman...So friendly, sarkastikong bwelta ng isip ko.

"I haven't formally introduced myself, I'm Jane."

Inalok niya sa akin ang kanyang kanang kamay tinitigan ko muna ito bago makipagdaupan ng kamay.

"I'm Ar—" Bago pa ako tuluyang makapagpakilala ay inunahan niya na ako.

"You are Artemis Hauntsen. It's really nice seeing you."

Nahihiwagahan na talaga ako sa babaeng ito. How did she know my name? Is she a stalker?

"Since it is my first time in the Philippines and you're the only person I know. I decided to make friends with you."

Napakunot noo ako ano bang pinagsasabi nito?

"My brother doesn't know that I came here to meet you and I want you to keep it as our secret."

So, who cares? I don't even know your brother. I'm starting to think that she might have lost some nuts.

"I want you to know that my brother is still in love with you."

Diyos ko po lord! Anong sumapi sa babaeng ito? I stared at her, she's damn serious.

"You're kidding right? I don't even know your brother." I know its rude of me but I couldn't hold my laughter.

"Jun Hui Wen."

Suddenly I ran out of saliva. I even cough my own breath.

"I'm his twin sister, Jane Wei Wen."

I think narinig ko nga kay Jun dati na may kakambal siya, but I didn't pay attention to his personal life that time.

"T-twin sister?"

"We are fraternal twins."

Napahawak ako sa aking sintido mukhang hindi kinaya ng utak ko ang nalaman ko ngayong araw.

"This is my calling card." Inabot niya sa akin ang piraso ng papel na naglalaman ng pangalan niya at contact number.

Kinuha ko rin ang calling card ko masaya niya naman itong inalagay sa kanyang wallet.

"He will woo you again. I hope you'll give him a chance...goodbye." Talaga naman nag-iwan pa ng sakit sa ulo ko.

Hindi ko na natapos ang pagdadrawing ng bagong design lagi kasing sumisingit sa isip ko ang sinabi sa akin kakambal ni Jun.

Napansin na nga rin ni Arlene na parang wala ako sa sarili habang nagsasara kami ng tindahan. Hanggang sa bahay ay ginugulo ako ng mga katagang iyon.

Bakit ba kasi ayaw maalis ng mga salitang iyon sa aking isip?

"Oy! timi mukha kang baliw," wika ni ate pagkababa pa lang nito mula sa kotse ni kuya Taehyung. As usual, hinatid na naman siya ni kuya pauwi buhay reyna ang gaga.

"Hindi na ako papasok pakisabi na lang magandang gabi kay mama at tito Rey."

"Sige na baboosh. Kumag, ingat ka sa pagdadrive," wika ni ate.

Sabay kaming pumasok ni ate sa bahay.

"May sakit ka ba?" Pabirong tanong ni ate.

"Itulog mo lang iyan ate. Baka ikaw ang may sakit," wika ko sabay sarado ng pinto. Pagkahiga ko sa higaan napatitig ako sa ceiling ng aking kwarto.

'I want you to know that my brother is still in love with you'

'He will woo you again. I hope you'll give him a chance....'

'I want you to know that my brother is still in love with you'

'He will woo you again. I hope you'll give him a chance....'

'I want you to know that my brother is still in love with you

'He will woo you again. I hope you'll give him a chance....

Sa gigil ay naibato ko ang unan ko at sinampal sampal ko ang kaliwang pisngi ko. Pilit ko na ipinikit ang mata ko pero sa tenga ko paulit-ulit pa rin....

'I want you to know that my brother is still in love with you'

'He will woo you again. I hope you'll give him a chance....'

Tinatamad man akong bumangon ay napilitan pa rin ako na tumungo sa kusina. Nagbukas ako ng fridge answerte ko nga naman wala na pala dahil inakyat na pala ng magaling kong ate nag-iwan pa talaga ng note.

Ang isang yun napakakatakaw sa gatas mapaumaga , hapon, gabi at madaling araw hindi na nawala ang habbit niya sa paglaklak ng gatas.

"Ate!" Nakatatlong katok muna bago niya ako pagbuksan.

"Bakit?" Iritadong tanong niya malamang naistorbo ko ang tulog niya.

"May tira pa ba?" Kapag ganitong hindi ako makatulog ay umiinom ako ng gatas.

"Kunin mo doon sa study table tapos lock mo na iyong pinto paglabas mo." Sabay balik niya sa harap ng monitor ng tv.

Akala ko naman natutulog na ang walang hiya nagbababad na naman sa mga oppa niya. Lagot talaga itong si ate kapag nalaman ni kuya Taehyung na nagpupuyat na naman ito sa K-drama.

Gaya ng bilin ng ate kong timang, nilock ko nang maigi ang kwarto niya bago ako pumanhik pabalik sa sarili kong silid. Isang baso lang ang ininom ko dahil hindi naman ako mahilig sa gatas umiinom lang ako kapag gantong hindi ako mapakali.

Dahan – dahan kong pinikit ang aking mata. Please kahit ngayong gabi lang gusto ko nang matulog.